1
00:00:11,160 --> 00:00:14,920
ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX
2
00:00:17,640 --> 00:00:18,920
Ang universe
3
00:00:20,160 --> 00:00:22,000
ang nagbigay sa ating planeta
4
00:00:22,080 --> 00:00:25,200
ng lahat ng kailangan para mabuo
5
00:00:26,240 --> 00:00:27,360
at yumabong ang buhay.
6
00:00:29,520 --> 00:00:31,440
Ang enerhiyang dumadaloy sa atin.
7
00:00:36,480 --> 00:00:38,520
Ang ritmong sinusunod natin araw-araw.
8
00:00:41,400 --> 00:00:43,880
Ang mga elementong bumubuo sa atin.
9
00:00:47,280 --> 00:00:49,960
Pero sa likod ng lahat ng hiwagang ito,
10
00:00:50,920 --> 00:00:52,840
may mahiwagang puwersang…
11
00:00:56,040 --> 00:00:58,520
dahilan kung bakit
naging posible ang lahat ng ito.
12
00:01:01,040 --> 00:01:01,920
Ang gravity.
13
00:01:08,600 --> 00:01:11,320
Dahilan kung bakit
nananatili sa puwesto ang lahat.
14
00:01:15,760 --> 00:01:17,560
Binubuo nito ang bawat bituin…
15
00:01:20,600 --> 00:01:22,440
at hinuhulma ang bawat planeta.
16
00:01:26,480 --> 00:01:28,600
At ginagabayan ang bawat buhay.
17
00:01:31,000 --> 00:01:33,680
Ito ang pinakamalakas
na puwersa ng atraksyon.
18
00:01:35,480 --> 00:01:40,240
Napakatindi nito, na kaya nitong
pagtagpuin ang dalawang kaluluwa…
19
00:01:42,680 --> 00:01:45,880
sa paghahanap nila ng perpektong kapares.
20
00:02:08,920 --> 00:02:13,280
PUWERSA NG ATRAKSYON
21
00:02:13,720 --> 00:02:15,360
Sa Southern Ocean,
22
00:02:15,440 --> 00:02:18,880
mahigit 2000 kilometro mula sa Antarctica…
23
00:02:21,680 --> 00:02:25,320
…ay matatagpuan
ang mahanging isla ng South Georgia.
24
00:02:29,920 --> 00:02:31,440
Tahanan ng isang kolonya
25
00:02:32,840 --> 00:02:35,480
ng kalahating milyong king penguin.
26
00:02:44,080 --> 00:02:47,280
At importante ang araw na ito
para sa dalawa sa kanila.
27
00:02:52,600 --> 00:02:53,800
Mga bagong magulang.
28
00:02:59,040 --> 00:03:00,680
Mahigit 50 araw na silang
29
00:03:03,400 --> 00:03:07,480
nagsasalitan
sa pag-aalaga ng kanilang itlog…
30
00:03:10,920 --> 00:03:12,240
habang pinaiinitan ito.
31
00:03:14,920 --> 00:03:19,520
At ngayon, oras na
para mapisa ang anak nilang lalaki.
32
00:03:30,800 --> 00:03:31,680
Little Rocky,
33
00:03:35,080 --> 00:03:36,960
welcome sa mundo.
34
00:03:44,920 --> 00:03:47,440
At sa kabilang parte ng isla,
35
00:03:48,320 --> 00:03:50,840
mapipisa na rin ang isa pang sisiw.
36
00:03:54,720 --> 00:03:55,880
Isang babae.
37
00:03:57,200 --> 00:03:58,120
Si Paloma.
38
00:04:04,920 --> 00:04:09,240
Hindi pa alam nina Rocky at Paloma,
pero nakatadhana sila sa isa't isa.
39
00:04:20,800 --> 00:04:24,120
Isang puwersa ng atraksyong
wala na sa kontrol nila
40
00:04:25,520 --> 00:04:27,480
ang magdadala sa kanila sa isa't isa.
41
00:04:35,920 --> 00:04:40,880
Hindi lamang pinananatili ng puwersang ito
sina Rocky at Paloma na nakalapat sa lupa,
42
00:04:45,800 --> 00:04:49,080
pinananatili rin nito
ang atmosphere na malapit sa planeta.
43
00:04:55,000 --> 00:04:57,080
Pinalilibot nito ang Earth sa Araw.
44
00:05:03,040 --> 00:05:04,320
Pinaiikot ang Araw
45
00:05:04,400 --> 00:05:08,080
sa gitna ng ating galaxy,
46
00:05:09,920 --> 00:05:14,200
at ang mga galaxy sa isa't isa
47
00:05:16,040 --> 00:05:18,280
sa pinakamalaking antas.
48
00:05:21,720 --> 00:05:25,680
Pinananatili ng gravity ang lahat ng parte
ng ating universe na sama-sama,
49
00:05:26,600 --> 00:05:28,040
at iniuugnay ang lahat.
50
00:05:31,600 --> 00:05:33,960
Mula sa pinakamalayong bituin,
51
00:05:41,640 --> 00:05:43,600
hanggang sa pinakamaliit na penguin.
52
00:05:47,680 --> 00:05:52,400
Pero hindi iniisip nina Rocky at Paloma
ang kanilang puwesto sa kalawakan,
53
00:05:56,440 --> 00:05:58,160
kundi ang kakainin lang nila.
54
00:06:03,960 --> 00:06:07,160
Nauubos ang lakas
ng determinado nilang mga magulang…
55
00:06:09,840 --> 00:06:12,600
para lang mapakain
ang 'di napapawing kagutuman nila.
56
00:06:20,960 --> 00:06:22,200
Ito ay walang kapalit
57
00:06:25,000 --> 00:06:27,040
at walang katapusang gawain.
58
00:06:42,640 --> 00:06:47,120
Ginagawa nila ang lahat para
mapataba ang mga sisiw bago magtaglamig.
59
00:06:50,040 --> 00:06:53,120
Dahil habang lumalaki
sina Rocky at Paloma,
60
00:06:55,200 --> 00:06:58,440
umiiksi naman ang mga araw.
61
00:07:04,280 --> 00:07:07,000
Nagiging bihira na ang pagkain.
62
00:07:11,880 --> 00:07:14,440
Kailangang umalis
ng mga magulang nila sa isla…
63
00:07:18,320 --> 00:07:21,520
at maglakbay nang daan-daang
kilometro papunta sa dagat
64
00:07:23,840 --> 00:07:25,120
para maghanap ng pagkain,
65
00:07:27,160 --> 00:07:29,480
at iiwan ang mahal nilang sisiw
66
00:07:30,000 --> 00:07:32,280
nang ilang buwan nang mag-isa.
67
00:07:43,440 --> 00:07:46,040
Walang sumasagot sa iyak ni Paloma…
68
00:07:48,200 --> 00:07:50,880
sa unang pinakamalungkot na gabi niya.
69
00:07:54,080 --> 00:07:57,200
Ang pinakamadilim na sandali
sa buhay ng sisiw na penguin.
70
00:08:05,200 --> 00:08:09,680
Pero wala iyon kumpara sa pinakamadilim
na sandali ng ating universe.
71
00:08:12,800 --> 00:08:15,560
Dahil matagal na panahon na
bago pa nagkaroon ng Earth,
72
00:08:17,280 --> 00:08:18,400
Araw,
73
00:08:19,640 --> 00:08:20,880
o mga bituin,
74
00:08:25,520 --> 00:08:27,400
wala pang kahit anong liwanag.
75
00:08:30,240 --> 00:08:33,480
13.5 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS
76
00:08:37,200 --> 00:08:41,400
Ang universe ay isang madilim
at sapot na gas lamang.
77
00:08:49,280 --> 00:08:53,280
Pero nagsimulang magmahika ang gravity.
78
00:08:56,600 --> 00:09:01,000
Mula sa gravity na ito,
nabuo ang lahat ng bagay.
79
00:09:07,400 --> 00:09:09,520
Bahagi ng sapot na ito ang hihila…
80
00:09:12,000 --> 00:09:13,640
sa kumpul-kumpol na matter…
81
00:09:17,160 --> 00:09:19,640
na lumaki nang lumaki.
82
00:09:24,920 --> 00:09:29,840
Hanggang sa sobrang laki na,
kaya nagbanggaan na ang mga ito,
83
00:09:32,000 --> 00:09:33,720
at sumabog para maging buhay…
84
00:09:38,680 --> 00:09:42,160
bilang mga pinakaunang bituin.
85
00:09:50,800 --> 00:09:52,360
Patuloy na gumana ang gravity,
86
00:09:52,880 --> 00:09:57,440
at inihulma ang sinaunang sapot
patungo sa mas maraming bituin,
87
00:09:59,920 --> 00:10:02,000
hinila sila sa isa't isa
88
00:10:03,520 --> 00:10:06,280
at pinaikot para maging
malalawak na galaxy.
89
00:10:13,800 --> 00:10:14,720
Mula sa wala,
90
00:10:15,680 --> 00:10:19,400
nagbuo ang gravity
ng buong universe ng posibilidad
91
00:10:22,760 --> 00:10:25,800
na kumikinang pa rin sa madilim na gabi.
92
00:10:35,800 --> 00:10:40,480
Pero hindi mapapainit ng liwanag
ng malalayong bituin ang mga sisiw.
93
00:10:43,680 --> 00:10:45,280
Dahil nasa dagat ang mga magulang,
94
00:10:46,160 --> 00:10:49,120
pumapayat na sina Rocky at Paloma,
95
00:10:50,560 --> 00:10:53,800
at higit na nagiging bulnerable.
96
00:11:10,400 --> 00:11:12,960
Ang tanging kanlungan
ng mga sisiw mula sa lamig
97
00:11:13,480 --> 00:11:14,840
ay ang balahibo nila
98
00:11:16,520 --> 00:11:17,440
at ang isa't isa.
99
00:11:19,600 --> 00:11:21,840
Nakasalalay ang buhay nila
100
00:11:21,920 --> 00:11:25,320
sa tumpak at eleganteng
sayaw ng isang bituin
101
00:11:26,320 --> 00:11:27,440
at isang planeta,
102
00:11:29,320 --> 00:11:34,080
na iniutos ng gravity apat at kalahating
bilyong taon na ang nakalilipas.
103
00:11:43,800 --> 00:11:47,720
Mula sa tirang alikabok at gas
ng pagkakabuo ng Araw,
104
00:11:51,240 --> 00:11:54,160
hinila ng gravity
ang maliliit na piraso ng bato.
105
00:12:01,880 --> 00:12:05,320
Hinulma ang mga ito bilang planeta
sa loob ng mahabang panahon.
106
00:12:15,920 --> 00:12:19,280
Ibang-iba pa iyon
sa tahanang alam natin ngayon,
107
00:12:21,720 --> 00:12:24,680
pero naroon ang lahat ng potensyal
para magkabuhay.
108
00:12:28,040 --> 00:12:31,800
Pinaliliguan ng liwanag ng bagong Araw.
109
00:12:36,520 --> 00:12:41,400
Ang parehong Araw ay sumisikat ngayon,
bilyong taon na ang nakalipas.
110
00:12:45,640 --> 00:12:49,080
Sinesenyasan ang mga magulang
nina Rocky at Paloma
111
00:12:49,960 --> 00:12:52,560
na oras nang bumalik sa South Georgia…
112
00:12:56,960 --> 00:13:01,080
habang puno ng isda
ang kanilang mga tiyan.
113
00:13:08,600 --> 00:13:11,040
Habang pinaiinit ng araw ang dalampasigan,
114
00:13:11,120 --> 00:13:14,520
magiging kanlungan ulit ang isla.
115
00:13:19,600 --> 00:13:22,880
Madali lang makarating sa dalampasigan.
116
00:13:25,320 --> 00:13:28,480
Kailangan nang hanapin
ng mga magulang ni Rocky
117
00:13:29,240 --> 00:13:31,760
ang anak nila
sa gitna ng ibu-libong iba pa.
118
00:13:42,520 --> 00:13:43,440
Sa dalampasigan,
119
00:13:43,520 --> 00:13:47,520
maririnig
ng mga magulang ni Paloma ang iyak niya
120
00:13:48,600 --> 00:13:50,720
at mabilis siyang mahahanap.
121
00:13:58,240 --> 00:14:01,320
At sa wakas, narinig na rin
ng mga magulang ni Rocky
122
00:14:01,840 --> 00:14:03,440
ang 'di maitatangging iyak…
123
00:14:05,600 --> 00:14:07,080
ng anak nila.
124
00:14:13,480 --> 00:14:17,840
Ang iyak niya ay may kakaibang tunog
na makikilala lang ng mga magulang niya.
125
00:14:21,680 --> 00:14:23,200
Buo na ulit ang pamilya.
126
00:14:25,240 --> 00:14:27,240
At mabubusog na
127
00:14:28,280 --> 00:14:30,200
ang dalawang sisiw, sa wakas.
128
00:14:36,440 --> 00:14:40,160
Mula sa mga unang bituin
hanggang sa pagsilang ng ating galaxy,
129
00:14:40,240 --> 00:14:42,040
Araw, at planeta,
130
00:14:43,480 --> 00:14:46,720
binigyang-daan ng gravity ang buhay.
131
00:14:53,800 --> 00:14:56,120
Pero para marating ng Earth
ang kalagayan ngayon,
132
00:14:57,840 --> 00:15:01,440
kailangang magpadala ng gravity
ng kaunting kaguluhan sa atin.
133
00:15:07,320 --> 00:15:10,680
Nang magkagulo ang ebolusyon.
134
00:15:20,200 --> 00:15:22,000
Ilang buwan na ang lumipas.
135
00:15:23,680 --> 00:15:25,800
Doble na ang laki ni Rocky
136
00:15:28,000 --> 00:15:29,520
at handa na siyang magmahal.
137
00:15:30,920 --> 00:15:33,680
Pero hindi pa siya pwedeng mag-asawa
138
00:15:35,720 --> 00:15:39,080
hangga't 'di pa matipuno at gwapo.
139
00:15:43,320 --> 00:15:45,600
Una, bagong damit.
140
00:15:50,680 --> 00:15:53,800
Papalitan ang pambata
at malambot niyang balahibo
141
00:15:55,880 --> 00:15:58,640
ng makintab at 'di natatagusan
ng tubig na balot.
142
00:16:00,920 --> 00:16:02,880
Handa na siyang lumangoy.
143
00:16:16,160 --> 00:16:17,960
Sa kabilang dulo ng dalampasigan,
144
00:16:19,760 --> 00:16:21,800
handa na rin si Paloma.
145
00:16:31,560 --> 00:16:34,800
Dahil buong buhay na nasa lupa,
146
00:16:36,080 --> 00:16:38,480
pareho silang matatakot.
147
00:16:42,920 --> 00:16:45,120
Akala ni Rocky ay lumalangoy na siya,
148
00:16:49,000 --> 00:16:51,760
pero si Paloma, talagang lumalangoy.
149
00:17:03,480 --> 00:17:07,480
Sa wakas, napagtanto ni Rocky
na kailangang lumubog sa tubig.
150
00:17:12,680 --> 00:17:16,360
Mawawala ang mga batang ibon na ito
sa susunod na dalawang taon…
151
00:17:18,960 --> 00:17:21,600
at magkahiwalay na maglalakbay.
152
00:17:26,560 --> 00:17:29,360
Maraming kayamanang
naghihintay sa kanila sa dagat,
153
00:17:32,320 --> 00:17:33,400
salamat sa gravity…
154
00:17:36,360 --> 00:17:38,360
at sa pinakamalapit na kapitbahay.
155
00:17:43,920 --> 00:17:48,080
4.4 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS
156
00:17:49,480 --> 00:17:51,760
'Di nagtagal
matapos mabuo ang ating planeta,
157
00:17:55,120 --> 00:17:57,640
nabangga ito sa isa pang batang mundo.
158
00:18:13,360 --> 00:18:15,200
At mula sa mga lumilibot na mga labi,
159
00:18:20,960 --> 00:18:24,320
nabuo ng gravity
ang kasama ng Earth sa paglalakbay…
160
00:18:29,000 --> 00:18:29,840
ang Buwan.
161
00:18:36,680 --> 00:18:40,240
Dahil sa banggaan, napatagilid ang Earth…
162
00:18:42,120 --> 00:18:44,160
at ginulo ito,
163
00:18:46,040 --> 00:18:49,000
palutang-lutang
at umiikot nang walang kapararakan.
164
00:18:52,280 --> 00:18:54,440
Pero paglipas ng bilyun-bilyong taon,
165
00:18:54,520 --> 00:18:58,320
pinakalma ng hila ng gravity
ng Buwan ang Earth.
166
00:18:59,640 --> 00:19:01,760
Lumutang papalayo ang Buwan.
167
00:19:02,920 --> 00:19:05,000
Bumagal ang pag-ikot ng Earth,
168
00:19:07,400 --> 00:19:10,400
na nagtransporma sa kwento ng Earth.
169
00:19:15,200 --> 00:19:19,320
Dahil mas mahaba ang araw
'pag mas mabagal ang ikot,
170
00:19:22,000 --> 00:19:25,320
mas maraming oras ang tuluy-tuloy
171
00:19:25,400 --> 00:19:28,320
na pagpasok ng sikat ng araw sa dagat…
172
00:19:40,120 --> 00:19:41,800
na lumikha ng kondisyon
173
00:19:42,320 --> 00:19:45,080
para sa unang buhay.
174
00:19:52,000 --> 00:19:56,160
Ang unang hakbang
sa liko't ikot ng buhay sa ilalim ng dagat
175
00:19:57,000 --> 00:19:59,320
na lumaki nang lumaki.
176
00:20:05,360 --> 00:20:10,160
Kalaunan, napuno ang karagatan
ng 'di masusukat na hiwaga.
177
00:20:24,560 --> 00:20:28,000
Mga hiwagang nagbibigay na ngayon
ng mayamang ecosystem
178
00:20:29,000 --> 00:20:31,520
para sa dalawang
gutom na gutom na penguin,
179
00:20:35,120 --> 00:20:39,280
na daan-daang kilometro
ang pagitan sa karagatan.
180
00:20:44,040 --> 00:20:47,400
Narating na ni Paloma ang polar front…
181
00:20:52,240 --> 00:20:56,520
kung saan nagtatagpo ang Southern Ocean
at ang mas mainit ng tubig ng Atlantic,
182
00:20:56,600 --> 00:20:59,600
Pacific, at Indian Ocean.
183
00:21:04,480 --> 00:21:08,160
Dito, umaangat ang nutrisyon
mula sa ibaba,
184
00:21:09,320 --> 00:21:11,720
na sumusuporta sa libu-libong species.
185
00:21:17,000 --> 00:21:19,280
Kabilang ang lanternfish,
186
00:21:19,800 --> 00:21:22,080
na paborito ng king penguin.
187
00:21:27,160 --> 00:21:29,040
Naninirahan sila sa malalim na parte.
188
00:21:32,760 --> 00:21:35,040
Pero hindi problema 'yun para kay Paloma.
189
00:21:36,560 --> 00:21:40,400
Kaya niyang mangisda kahit hanggang
300 metro sa ilalim ng dagat.
190
00:22:02,840 --> 00:22:06,840
Natatangi ang kakayahang sumisid
at mangisda ng mga penguin.
191
00:22:10,160 --> 00:22:14,320
Pero para maunawaan kung paano
nagsimula ang likas na kakayahang ito,
192
00:22:16,280 --> 00:22:21,080
kailangang malaman kung ano ang ginagawa
ng gravity nitong 66 na milyong taon.
193
00:22:31,680 --> 00:22:35,360
Sa malamig at malayong bahagi
ng ating solar system,
194
00:22:36,040 --> 00:22:39,800
milyun-milyong tipak
ng yelo at bato ang lumilibot sa Araw.
195
00:22:42,880 --> 00:22:45,840
Madalas, hindi nagkakaproblema
ang mga asteroid na ito.
196
00:22:54,280 --> 00:22:56,800
Pero minsan, nagkakaproblema rin.
197
00:23:00,720 --> 00:23:03,560
Sa panlabas na rehiyon ng asteroid belt,
198
00:23:04,840 --> 00:23:08,600
isang partikular na bato,
na sampung kilometro ang lapad,
199
00:23:09,360 --> 00:23:12,680
ang pinainit ng Araw
nang mahigit sanlibong taon.
200
00:23:16,880 --> 00:23:18,160
At paunti-unti,
201
00:23:19,040 --> 00:23:22,000
binago ng pagpapainit ang ruta
202
00:23:22,520 --> 00:23:25,200
ng asteroid na tinawag na Chicxulub.
203
00:23:28,120 --> 00:23:29,640
Hanggang sa mahila ito
204
00:23:32,000 --> 00:23:33,840
ng gravity tungo sa Araw…
205
00:23:38,040 --> 00:23:41,320
at dinala ito sa landas
para bumangga sa Earth.
206
00:23:48,160 --> 00:23:51,600
Sa bilis na 72 libong kilometro kada oras.
207
00:24:00,520 --> 00:24:04,840
Nagbunga ang banggaan
ng napakainit na alon ng plasma,
208
00:24:08,360 --> 00:24:12,360
na naging sanhi ng malalaking sunog
at pagkawasak sa buong planeta,
209
00:24:15,160 --> 00:24:16,800
at naharangan ang Araw.
210
00:24:19,520 --> 00:24:23,080
Tatlong sangkapat ng species
sa Earth ang nalipol.
211
00:24:25,680 --> 00:24:28,200
Masamang balita iyon para sa mga dinosaur.
212
00:24:30,200 --> 00:24:33,840
Pero magandang balita
para sa king penguin.
213
00:24:39,840 --> 00:24:41,560
Dahil mas maliit at mas magaan,
214
00:24:42,080 --> 00:24:44,720
nabuhay ang mga ibon
sa kabila ng banggaan.
215
00:24:46,920 --> 00:24:50,280
Lumipad sila at nagparami.
216
00:24:53,640 --> 00:24:55,640
Dahil wala nang
malalaking kakain sa kanila,
217
00:24:58,360 --> 00:25:01,120
dumami ang isda sa dagat.
218
00:25:05,200 --> 00:25:09,120
Naging ekspertong maninisid
ang mga ninuno ng Penguin.
219
00:25:10,960 --> 00:25:12,240
Mas malalim
220
00:25:13,360 --> 00:25:15,160
at mas matagal nang sumisisid
221
00:25:16,720 --> 00:25:19,120
hanggang, sa huli, nawalan na sila
222
00:25:19,200 --> 00:25:22,600
ng kakayahang lumipad.
223
00:25:28,880 --> 00:25:30,960
Mula sa paglipad sa langit…
224
00:25:34,880 --> 00:25:37,000
hanggang sa paglipad sa karagatan.
225
00:25:42,680 --> 00:25:45,120
Mahahalagang pag-akma
226
00:25:45,200 --> 00:25:48,800
na napakinabangan nina Rocky at Paloma.
227
00:25:53,800 --> 00:25:56,320
Mas malusog at mas malakas na,
228
00:25:56,400 --> 00:25:59,760
at handa na silang bumalik
sa kanilang tahanang dalampasigan
229
00:25:59,840 --> 00:26:01,280
upang maghanap ng kapares.
230
00:26:05,200 --> 00:26:07,480
Pero maaantala ang kanilang pag-uwi…
231
00:26:15,800 --> 00:26:16,880
dahil sa mga orca.
232
00:26:18,280 --> 00:26:21,080
Ang nag-iisang balyenang
kumakain ng mga penguin.
233
00:26:25,160 --> 00:26:27,880
Bibilisan ni Paloma ang paglangoy niya.
234
00:26:32,880 --> 00:26:35,400
Magpapaligsahan na sila.
235
00:26:41,040 --> 00:26:42,600
Mabilis ang mga orca.
236
00:26:47,920 --> 00:26:50,480
Pero likas na mabilis
ang mga king penguin.
237
00:27:12,800 --> 00:27:16,000
Masyadong mabilis si Paloma
para sa humahabol sa kanya.
238
00:27:19,920 --> 00:27:24,280
Pero nagtago si Rocky
sa mga gubat ng halamang dagat.
239
00:27:38,680 --> 00:27:42,200
At hindi umaalis ang gutom na Orca.
240
00:28:00,000 --> 00:28:01,680
Makakakita ng tsansa si Rocky.
241
00:28:06,280 --> 00:28:08,000
At tatalilis papunta sa dalampasigan.
242
00:28:11,760 --> 00:28:14,280
Marunong na talaga siyang lumangoy.
243
00:28:20,000 --> 00:28:23,560
Dalawang taong pagala-gala sa dagat.
244
00:28:24,280 --> 00:28:27,400
Para lang sa tsansang makasali sa lotto.
245
00:28:29,120 --> 00:28:31,400
Ang paghahanap ng pag-ibig.
246
00:28:34,320 --> 00:28:38,760
Hinulma ng gravity
ang Araw, Earth, at Buwan,
247
00:28:41,400 --> 00:28:44,520
at lumikha ng matatag na tahanan
para sa buhay sa planeta
248
00:28:45,200 --> 00:28:48,480
at dinala sa iba't ibang
direksyon ang ebolusyon.
249
00:28:56,680 --> 00:29:00,680
Pero kailangan pa ng tugtugin
nina Rocky at Paloma ang isa pang parte,
250
00:29:03,200 --> 00:29:04,600
na nilikha ng gravity
251
00:29:06,240 --> 00:29:08,440
sa nagbabagang puso ng Araw.
252
00:29:12,040 --> 00:29:12,920
Ang liwanag.
253
00:29:17,240 --> 00:29:19,560
Lumiliwanag lamang ang ating bituin dahil
254
00:29:19,640 --> 00:29:23,680
sa ubod nito ay nagaganap
ang matinding labanan.
255
00:29:28,040 --> 00:29:29,760
Humihila ang gravity papasok…
256
00:29:31,720 --> 00:29:35,200
samantalang lumalabas naman
ang matinding presyur.
257
00:29:41,800 --> 00:29:43,600
Ang digmaan ng gravity na ito…
258
00:29:48,480 --> 00:29:51,640
ay nagdudulot ng pagbabanggaan
at pagkukumbina ng mga atom.
259
00:29:58,000 --> 00:30:00,400
Na naglalabas ng maliliit na enerhiya
260
00:30:02,240 --> 00:30:05,080
sa anyo ng mga photon.
261
00:30:12,320 --> 00:30:16,000
Na hindi lamang nagpapaulan sa Earth
ng enerhiyang nakabubuhay,
262
00:30:18,240 --> 00:30:22,280
kundi pinaliliguan din ito ng liwanag.
263
00:30:26,920 --> 00:30:29,960
Liwanag na naglalaman
ng sarili nitong hiwaga.
264
00:30:33,000 --> 00:30:35,800
Dahil sa bawat sikat ng araw
265
00:30:36,920 --> 00:30:38,040
ay may bahaghari.
266
00:30:41,400 --> 00:30:44,160
Bawat photon ay may kakaibang wavelength
267
00:30:45,440 --> 00:30:48,600
at nakikihalubilo sa mga bagay
na bumubuo sa mundo natin
268
00:30:49,120 --> 00:30:50,440
sa iba't ibang paraan.
269
00:31:01,880 --> 00:31:04,640
Ang ibang wavelength ay nasisipsip.
270
00:31:06,160 --> 00:31:08,680
Ang iba ay napapatalsik.
271
00:31:12,760 --> 00:31:14,520
Naitatakda ang kulay na nakikita natin
272
00:31:14,600 --> 00:31:17,880
batay sa kung paano tumatama ito sa mata.
273
00:31:22,400 --> 00:31:24,840
At ang kakayahang makakita ng kulay
274
00:31:25,680 --> 00:31:29,680
ay may mahalagang papel
sa paghahanap ng kapares ng penguin.
275
00:31:39,200 --> 00:31:43,480
Dahil sa ilang taon ng paglangoy,
naging matipuno at malakas na si Rocky.
276
00:31:48,120 --> 00:31:51,400
Mga katangiang kailangang ipakita
para makaakit ng kapares.
277
00:31:58,200 --> 00:32:01,200
Dahil sa kulay na nai-synthesize niya,
278
00:32:02,360 --> 00:32:04,920
naging matingkad na dilaw
ang balahibo niya,
279
00:32:07,000 --> 00:32:09,480
na sakto para sa pagpapakita ng tikas
280
00:32:11,360 --> 00:32:12,680
at upang maakit
281
00:32:12,760 --> 00:32:16,680
ang paningin
ng isang ibon sa kawang ito…
282
00:32:22,520 --> 00:32:25,600
na siya lamang ang nakikita.
283
00:32:29,800 --> 00:32:30,640
Si Paloma.
284
00:32:44,520 --> 00:32:48,680
Nagre-reflect ang starlight sa retina
sa likod ng mata ni Paloma.
285
00:32:55,000 --> 00:32:57,600
Dito, dine-decode
286
00:32:57,680 --> 00:33:00,520
ng milyun-milyong
cone cell ang bawat wavelength,
287
00:33:07,000 --> 00:33:09,480
para makilala ni Paloma
288
00:33:10,000 --> 00:33:12,000
ang iba't ibang kulay.
289
00:33:16,480 --> 00:33:17,840
Sa isang iglap,
290
00:33:18,360 --> 00:33:22,600
hindi lamang nakikita
ng lovebirds na ito ang kanilang mundo
291
00:33:23,640 --> 00:33:26,280
kundi nauunawaan din nila ito
292
00:33:27,800 --> 00:33:30,280
at nahahanap ang kanilang soulmate.
293
00:33:36,840 --> 00:33:40,840
Ang ligawan ay magiging maingat na sayaw.
294
00:33:43,680 --> 00:33:46,920
Ipapakita ng bawat isa
ang matitingkad na dilaw na balahibo…
295
00:33:50,920 --> 00:33:52,280
para hanggaan ng isa pa.
296
00:34:03,600 --> 00:34:07,080
Susubukan ng ibang manliligaw,
pero 'di sila magtatagumpay.
297
00:34:12,600 --> 00:34:14,360
Dahil hindi lang dilaw na balahibo
298
00:34:16,560 --> 00:34:18,360
ang armas ni Rocky.
299
00:34:22,240 --> 00:34:23,520
Sa pag-iling,
300
00:34:26,280 --> 00:34:28,480
nagbibigay siya ng sikretong mensahe…
301
00:34:30,680 --> 00:34:32,680
gamit ang ultraviolet light.
302
00:34:35,120 --> 00:34:37,240
Tumatama ang sikat ng Araw sa tuka niya
303
00:34:39,000 --> 00:34:40,720
at pinatatalbog ito.
304
00:34:47,200 --> 00:34:49,360
At salamat sa dagdag na cone cell,
305
00:34:51,760 --> 00:34:56,640
nakakakita ang mga mata nina Rocky
at Paloma ng kulay na 'di natin nakikita.
306
00:34:58,240 --> 00:35:02,120
Mahuhulog ang loob ni Paloma
dahil sa UV signals na ito.
307
00:35:04,040 --> 00:35:05,880
Sila ang itinadhana sa isa't isa.
308
00:35:12,840 --> 00:35:16,000
Mahirap magpalaki ng sisiw na penguin
309
00:35:17,880 --> 00:35:21,480
at kailangang maayos
ang kalusugan ng parehong magulang.
310
00:35:26,320 --> 00:35:29,760
Ang matitingkad na dilaw na balahibo
at makintab na tuka
311
00:35:29,840 --> 00:35:32,800
ay katibayan ng lakas at kakayahan,
312
00:35:34,320 --> 00:35:38,040
na mahahalagang katangian
pagdating sa pagpapalaki ng pamilya.
313
00:35:41,360 --> 00:35:44,120
Mula sa libu-libong iba pang ibon,
314
00:35:45,000 --> 00:35:46,840
natagpuan nina Rocky at Paloma…
315
00:35:49,640 --> 00:35:51,280
ang isa't isa.
316
00:36:00,880 --> 00:36:03,600
Mula sa pinakaunang maliliit na alon
sa sapot ng kalawakan…
317
00:36:09,560 --> 00:36:11,280
hanggang sa pagkasilang ng ating Araw,
318
00:36:13,680 --> 00:36:14,560
planeta,
319
00:36:15,840 --> 00:36:16,720
at Buwan,
320
00:36:21,680 --> 00:36:25,000
sa mga banggaang
nagtakda ng kasaysayan ng Earth
321
00:36:27,800 --> 00:36:30,280
hanggang sa puwersang nagpapagana sa Araw,
322
00:36:31,120 --> 00:36:33,560
at nagbibigay ng kulay sa mundo,
323
00:36:35,280 --> 00:36:40,280
may kinalaman ang gravity sa lahat ng ito.
324
00:36:44,200 --> 00:36:48,680
At ginagabayan ang dalawang penguin na ito
hanggang sa espesyal na sandali nila…
325
00:36:51,920 --> 00:36:54,080
sa espesyal na islang ito.
326
00:36:58,240 --> 00:37:00,120
Kung saan 'di magtatagal
327
00:37:00,200 --> 00:37:03,560
ay may espesyal na bagay na darating.
328
00:37:04,800 --> 00:37:09,760
Magiging magulang na rin
sina Rocky at Paloma.
329
00:37:13,680 --> 00:37:15,440
Dala ang panibagong buhay,
330
00:37:16,160 --> 00:37:19,080
at maaaring panibagong pag-ibig pa,
331
00:37:21,880 --> 00:37:25,720
kung saan ang gravity,
katulad ng dati, ang magtatakda ng landas.
332
00:37:33,880 --> 00:37:35,440
Sa buong Earth,
333
00:37:36,440 --> 00:37:38,920
kumikinang ang buhay
sa iba't ibang paraan.
334
00:38:04,520 --> 00:38:08,120
Umabot ng 13.8 bilyong taon
335
00:38:08,200 --> 00:38:10,880
bago marating ang sandaling ito
336
00:38:10,960 --> 00:38:13,680
sa oras at kalawakan.
337
00:38:22,520 --> 00:38:25,720
Bawat hayop na gawa sa mga bituin,
338
00:38:27,720 --> 00:38:29,800
sumasabay sa planeta,
339
00:38:31,440 --> 00:38:34,720
at pinananatili
ng mga regalo mula sa kalawakan
340
00:38:34,800 --> 00:38:38,400
na nagkataon lang na nakarating dito.
341
00:38:52,320 --> 00:38:55,120
Ang lahat ng ito
ay pinananatili ng pinakamataas
342
00:38:56,040 --> 00:38:58,960
at pinakaunang puwersa ng atraksyon.
343
00:39:07,320 --> 00:39:09,520
Ang kwento ng ating universe
344
00:39:09,600 --> 00:39:14,440
ay kwento kung paano
nakarating ang buhay sa planetang ito…
345
00:39:17,880 --> 00:39:19,600
na tinatawag nating tahanan.
346
00:39:23,080 --> 00:39:27,240
Isang kwentong
isinusulat pa rin hanggang ngayon.
347
00:39:57,720 --> 00:40:02,720
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Ivee Tanedo