1
00:00:08,800 --> 00:00:12,760
ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX
2
00:00:14,200 --> 00:00:17,600
Bawat taon, sa loob lang ng ilang buwan,
3
00:00:19,240 --> 00:00:23,160
umaagos ang sariwang tubig
mula sa Okavango Delta.
4
00:00:27,680 --> 00:00:29,400
Nililikha ang perpektong tahanan…
5
00:00:31,360 --> 00:00:33,840
para sa maliit na pamilya ng mga elepante.
6
00:00:38,000 --> 00:00:41,840
At palaruan para sa mga batang supling,
7
00:00:44,520 --> 00:00:45,600
si Bosigo…
8
00:00:47,680 --> 00:00:50,760
at ang sanggol niyang pinsan, si Metsi.
9
00:00:59,440 --> 00:01:03,080
Simula pa lamang ng pagmamahal
10
00:01:03,160 --> 00:01:05,360
nina Bosigo at Metsi sa tubig.
11
00:01:09,000 --> 00:01:10,320
Pero mula ngayon,
12
00:01:11,200 --> 00:01:13,720
dito na iikot ang buhay nila.
13
00:01:15,960 --> 00:01:19,000
Ang mahalagang molecule na ito…
14
00:01:21,400 --> 00:01:22,720
na inihatid sa Earth…
15
00:01:25,400 --> 00:01:29,640
ng mahuhusay na puwersang
kumikilos sa ating universe.
16
00:01:36,200 --> 00:01:38,520
Binago nito ang planetang ito…
17
00:01:41,760 --> 00:01:43,240
tungo sa isang kanlungan…
18
00:01:48,600 --> 00:01:49,560
ng buhay.
19
00:02:11,640 --> 00:02:18,640
MUNDO NG TUBIG
20
00:02:26,200 --> 00:02:27,720
Tag-init na.
21
00:02:30,360 --> 00:02:34,200
Wala na ang dating paraiso.
22
00:02:37,360 --> 00:02:39,840
Ang sariwang tubig na umaagos sa delta…
23
00:02:42,800 --> 00:02:45,040
ay ilang buwan lang tumatagal.
24
00:02:46,720 --> 00:02:48,800
At nauubos na ang mga tubigan.
25
00:02:50,520 --> 00:02:51,360
Nang mabilis.
26
00:02:58,520 --> 00:03:00,320
Isa lang ang ibig sabihin nito
27
00:03:00,400 --> 00:03:03,640
para sa libu-libong
elepanteng nakatira dito.
28
00:03:06,240 --> 00:03:08,080
Oras nang umusad.
29
00:03:21,960 --> 00:03:26,400
Ito lang ang kilalang tahanan
nina Metsi at Bosigo.
30
00:03:28,720 --> 00:03:32,280
Pero sa loob ng ilang linggo,
mawawala na ang lahat ng tubig.
31
00:03:36,160 --> 00:03:40,000
Kaya kailangan nilang umalis
kasama ng buong pamilya.
32
00:03:41,160 --> 00:03:43,120
Isang kawan ng mga babae,
33
00:03:43,200 --> 00:03:46,200
magkakapatid, tita, at magpipinsan.
34
00:03:48,080 --> 00:03:49,880
Pinamumunuan ng kanilang lola,
35
00:03:50,760 --> 00:03:53,520
ang dakilang ina, si Pula.
36
00:03:58,360 --> 00:04:02,440
Susuong sila sa paglalakbay
kasama ng libu-libo pang pamilya.
37
00:04:05,160 --> 00:04:06,400
Papunta sa disyerto.
38
00:04:10,280 --> 00:04:11,640
Para maghanap ng tubig.
39
00:04:18,840 --> 00:04:20,480
Para sa susunod na walong buwan,
40
00:04:20,560 --> 00:04:24,840
magpapalipat-lipat sila ng tubigan,
41
00:04:27,320 --> 00:04:30,160
at tatahakin ang landas ng mga elepante
42
00:04:31,200 --> 00:04:33,920
gamit ang kaalaman ng dakilang si Pula,
43
00:04:35,320 --> 00:04:37,640
na ipinamana sa kanya
ng maraming henerasyong nauna.
44
00:04:40,480 --> 00:04:43,040
Manganganib sila dahil sa lakaran.
45
00:04:45,080 --> 00:04:48,680
At kakailanganin nila ang pandama nila
46
00:04:49,320 --> 00:04:51,040
para malampasan ang panganib.
47
00:04:55,640 --> 00:04:58,160
Hindi nila pinipiling maglakbay.
48
00:05:04,640 --> 00:05:07,080
Mamamatay sila kung walang tubig.
49
00:05:11,320 --> 00:05:13,880
Kahit sa asul an planeta natin,
50
00:05:13,960 --> 00:05:16,960
bihira na ang sariwang tubig.
51
00:05:20,160 --> 00:05:23,680
At kung maghahanap tayo lampas
sa dalampasigan ng ating planeta,
52
00:05:25,480 --> 00:05:27,000
mas bihira pa ito.
53
00:05:30,320 --> 00:05:32,880
Kahit ang pinakatuyot na disyerto sa Earth
54
00:05:33,640 --> 00:05:38,080
ay 'di maikukumpara
sa ibang parte ng ating solar system.
55
00:05:41,560 --> 00:05:44,080
Sa mas malalamig na parte sa malayo,
56
00:05:50,360 --> 00:05:52,720
ang tanging tubig ay yelo.
57
00:05:56,880 --> 00:05:59,320
Tulad ng mga nagyeyelong buwan ng Saturn,
58
00:06:01,640 --> 00:06:03,600
kung saan may bukal ng yelong
59
00:06:05,080 --> 00:06:07,480
pumupulandit sa kalawakan.
60
00:06:14,520 --> 00:06:17,800
Mas malapit sa Araw, sa Mars
61
00:06:18,720 --> 00:06:21,840
ay nililipad ng matitinding
solar winds ang tubig.
62
00:06:32,640 --> 00:06:34,240
At sa Venus,
63
00:06:34,320 --> 00:06:36,040
kumukulo't natutuyo lang ito.
64
00:06:45,560 --> 00:06:48,320
Iisa lang ang mundong alam nating
65
00:06:48,400 --> 00:06:51,800
may biyaya ng likidong tubig sa ibabaw.
66
00:06:57,120 --> 00:06:59,080
Isang mapusyaw na asul na tuldok.
67
00:07:00,920 --> 00:07:02,000
Ang ating tahanan.
68
00:07:08,160 --> 00:07:09,960
Sa kinaroroonan natin ngayon,
69
00:07:10,800 --> 00:07:13,200
itinutulak ng tubig ang isang pamilya
70
00:07:13,280 --> 00:07:15,280
na maglakbay para mabuhay.
71
00:07:24,600 --> 00:07:27,160
Isang buwan pa lang
matapos umalis sa delta,
72
00:07:27,920 --> 00:07:30,720
pailan-ilang putikan na lang ang natitira.
73
00:07:34,840 --> 00:07:38,400
At paunti nang paunti at mas lumalayo ito
74
00:07:38,920 --> 00:07:40,360
araw-araw.
75
00:07:43,840 --> 00:07:48,480
Ginagamit ni Pula ang matalas na memorya
upang dalhin ang pamilya sa tubigan.
76
00:07:55,040 --> 00:07:57,120
Naaalala niya ang mismong ruta,
77
00:07:57,880 --> 00:07:59,880
kahit ilang dekada na ang lumipas.
78
00:08:03,600 --> 00:08:05,960
Mahaba na ang inilakad nila ngayong araw,
79
00:08:06,480 --> 00:08:09,640
at desperado na silang lahat na makainom.
80
00:08:13,800 --> 00:08:18,000
Pero ganu'n din ang sandaan
at tatlumpung libong elepanteng
81
00:08:18,080 --> 00:08:19,600
nakatira sa Botswana.
82
00:08:31,280 --> 00:08:34,800
Dinala ng tagtuyot ang mga kawan
mula sa napakalayo…
83
00:08:39,840 --> 00:08:42,000
patungo sa tubigang ito.
84
00:08:52,160 --> 00:08:56,360
Lahat ay nag-aagawan
sa parehong papaunting kayamanan.
85
00:09:15,120 --> 00:09:19,240
Tinuturuan ng matatanda ang mga bata
ng mga diskarte para mabuhay,
86
00:09:20,520 --> 00:09:23,920
tulad ng paanong maghahanap
sa putikan ng sariwang tubig.
87
00:09:29,240 --> 00:09:34,000
At kung paano gagamitin ang maputik
na tubig bilang panlaban sa init ng araw.
88
00:09:36,880 --> 00:09:40,840
Sakto ang kulubot nilang balat
para mag-ipon ng tubig at magpalamig.
89
00:09:49,480 --> 00:09:53,080
Pero natututo rin sina Metsi at Bosigo…
90
00:09:56,120 --> 00:09:58,440
na hindi lang inumin ang putikan.
91
00:10:00,080 --> 00:10:01,640
Palaruan din ang mga ito.
92
00:10:15,000 --> 00:10:16,960
Sa dami ng nauuhaw na elepante,
93
00:10:17,480 --> 00:10:19,720
nasaid na ang tubigan.
94
00:10:26,120 --> 00:10:28,360
Kailangang tumuloy ng pamilya ni Pula,
95
00:10:31,840 --> 00:10:34,160
at subukang umabot sa susunod na tubigan
96
00:10:34,760 --> 00:10:37,440
bago pa iyong matuyo sa init ng araw.
97
00:10:40,720 --> 00:10:44,080
Ang labanang ito
sa pagitan ng araw at natutuyong earth
98
00:10:44,160 --> 00:10:47,680
ay nangyayari na simula noong
ipanganak ang ating mundo.
99
00:10:52,040 --> 00:10:56,000
Noong hindi pa asul
ang planeta nating asul.
100
00:11:04,160 --> 00:11:07,120
Apat at kalahating
bilyong taon na ang nakalilipas,
101
00:11:12,600 --> 00:11:15,160
sanggol pa lang ang Earth.
102
00:11:16,640 --> 00:11:18,920
Isang bola ng nagbabagang bato.
103
00:11:23,440 --> 00:11:27,360
Na nakatadhanang matuyo bilang mundo.
104
00:11:31,440 --> 00:11:36,160
Pero milyun-milyong kilometro ang layo
sa pinakamalamig na parte ng solar system,
105
00:11:41,040 --> 00:11:42,960
namumuo ang mga kristal ng tubig
106
00:11:43,680 --> 00:11:46,760
sa ibabaw ng mga dust particle.
107
00:11:54,480 --> 00:11:55,760
Paglipas ng panahon,
108
00:11:55,840 --> 00:11:59,320
dumidikit
ang mga butil ng dust sa mga asteroid.
109
00:12:01,520 --> 00:12:03,920
Milyun-milyon sila.
110
00:12:06,080 --> 00:12:09,600
Ito ang naging asteroid belt.
111
00:12:11,240 --> 00:12:14,440
Isang malawak na kalat-kalat
na nagyeyelong bato.
112
00:12:17,640 --> 00:12:21,880
Ngunit nagkalat sila sa buong kalawakan,
malayo sa Earth.
113
00:12:25,840 --> 00:12:27,680
Mabuti na lang,
114
00:12:28,400 --> 00:12:30,160
may higanteng kumikilos.
115
00:12:34,720 --> 00:12:39,000
JUPITER
4.5 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS
116
00:12:39,080 --> 00:12:40,160
Ang batang Jupiter.
117
00:12:41,160 --> 00:12:43,120
Isang halimaw na planeta.
118
00:12:48,080 --> 00:12:51,120
Dahan-dahan itong hinihila
ng mga puwersa sa magulong
119
00:12:51,640 --> 00:12:55,520
panloob na bahagi
ng solar system tungo sa araw.
120
00:13:00,760 --> 00:13:03,880
Isang landas ng paglipad
kung saan bumangga ito
121
00:13:04,760 --> 00:13:06,440
sa asteroid belt.
122
00:13:22,080 --> 00:13:24,560
Sa pagbangga nito sa mga asteroid,
123
00:13:28,480 --> 00:13:31,760
pinatalsik ng malakas
na gravitational force nito
124
00:13:31,840 --> 00:13:34,000
ang mga bato.
125
00:13:41,880 --> 00:13:46,160
Pero nagmula sa kaguluhan
at pagkawasak na ito
126
00:13:46,240 --> 00:13:49,040
ang pinakamalaking regalo ng kalawakan.
127
00:13:55,120 --> 00:13:57,600
Tumalsik ang mga nagyeyelong bato
128
00:13:58,120 --> 00:14:00,720
na puno ng tubig sa Earth.
129
00:14:06,360 --> 00:14:11,360
At inilapit pa nang isang hakbang
ang pangako ng buhay.
130
00:14:15,720 --> 00:14:17,280
Sa loob ng bilyun-bilyong taon,
131
00:14:17,360 --> 00:14:21,480
inihabi ang mga asteroid
sa tela ng Earth habang nabubuo ito.
132
00:14:25,680 --> 00:14:29,240
Dahil naipit
sa kaguluhang dala ng Jupiter,
133
00:14:30,920 --> 00:14:34,120
at dinala ng mga asteroid
sa kailaliman ng Earth,
134
00:14:35,800 --> 00:14:39,920
hindi naging madali ang paglalakbay
ng molecules ng tubig papunta rito.
135
00:14:42,760 --> 00:14:45,360
At malayo pa
ang kinailangan nilang lakbayin.
136
00:14:46,320 --> 00:14:49,320
Milyun-milyong taong nakulong,
137
00:14:50,200 --> 00:14:52,640
sa tunaw na ubod ng Earth,
138
00:14:55,640 --> 00:14:57,640
habang naghihintay ulit ng himala…
139
00:15:00,600 --> 00:15:02,080
na magpapalaya sa kanila.
140
00:15:12,040 --> 00:15:15,960
Ngayon, karamihan ng tubig
ng Earth ay nasa ilalim pa rin ng lupa.
141
00:15:23,880 --> 00:15:26,440
Kaya may likas na kakayahan
142
00:15:26,520 --> 00:15:28,960
ang mga elepante para hanapin 'yun.
143
00:15:39,400 --> 00:15:41,960
Kahit ang mga maputik na lawa ay tuyo na.
144
00:15:43,240 --> 00:15:46,120
Ganap nang naging tagtuyot ang panahon.
145
00:15:49,560 --> 00:15:51,880
Pero may superpower si Pula.
146
00:15:54,200 --> 00:15:55,720
Ang mahusay niyang trompa
147
00:15:57,240 --> 00:15:59,880
na puno ng milyun-milyong sense receptor,
148
00:16:02,000 --> 00:16:04,840
ay nakakaamoy ng tubig
kahit ilang kilometro ang layo,
149
00:16:09,040 --> 00:16:12,880
at natutukoy ang pinagmumulan nito
sa ilalim ng lupa.
150
00:16:23,720 --> 00:16:25,480
Pero kailangang hukayin.
151
00:16:33,880 --> 00:16:35,800
Hindi mahilig maghukay si Metsi.
152
00:16:40,840 --> 00:16:43,080
Pero likas kay Bosigo 'yun.
153
00:16:51,520 --> 00:16:54,680
At pinainom na si Metsi.
154
00:17:00,360 --> 00:17:02,640
Hindi tatagal ang ilang higop na ito.
155
00:17:07,280 --> 00:17:10,240
Pero kung nanatiling nakakulong
sa Earth ang tubig,
156
00:17:11,520 --> 00:17:13,240
wala sanang maiinom.
157
00:17:17,800 --> 00:17:19,680
Wala sanang elepante.
158
00:17:23,200 --> 00:17:25,280
Wala sanang buhay.
159
00:17:37,800 --> 00:17:41,160
Matapos ihatid ng mga asteroid ang tubig,
160
00:17:41,240 --> 00:17:43,480
at nilamon ito ng Earth,
161
00:17:45,640 --> 00:17:48,280
nakulong iyon sa mga bato
bilang mga kristal
162
00:17:50,200 --> 00:17:52,000
na nasa kailaliman ng planeta.
163
00:17:57,560 --> 00:18:00,400
Nanatili iyong nakabaon
nang milyun-milyong taon,
164
00:18:01,160 --> 00:18:04,360
sa ilalim ng isang malawak
na karagatan ng magma.
165
00:18:12,920 --> 00:18:17,880
Hanggang dahan-dahan, lumamig ang Earth.
166
00:18:21,360 --> 00:18:25,880
At tumigas ang ibabaw nito
bilang makapal na crust.
167
00:18:29,680 --> 00:18:34,000
Tapos, sa wakas,
tumagos na ang kumukulong loob.
168
00:18:43,720 --> 00:18:45,640
Nagpasabog ang malalaking bulkan
169
00:18:47,080 --> 00:18:50,880
ng gas at vapor
nang ilang kilometro paitaas.
170
00:18:58,720 --> 00:19:01,520
Sa wakas, pinakawalan na
171
00:19:03,040 --> 00:19:04,600
ang mga molecule ng vapor.
172
00:19:11,080 --> 00:19:13,800
At binuo nila ang unang ulap.
173
00:19:18,480 --> 00:19:21,680
Lumaki sa loob ng milyun-milyong taon,
174
00:19:21,760 --> 00:19:23,400
at napuno ng tubig.
175
00:19:28,320 --> 00:19:31,560
Hanggang bumagsak
nang sakto lang ang temperatura…
176
00:19:38,920 --> 00:19:41,480
para sa pinakaunang patak ng ulan…
177
00:19:46,920 --> 00:19:50,560
na nabuo at nalaglag.
178
00:20:08,800 --> 00:20:11,000
Ang sumunod ay delubyong…
179
00:20:16,240 --> 00:20:18,640
tumagal nang libu-libong taon.
180
00:20:30,040 --> 00:20:32,080
Naging ilog ang mga lusak.
181
00:20:41,520 --> 00:20:45,760
Naging dagat ang mga lawa.
182
00:20:53,480 --> 00:20:57,560
At binaha ng malalaking karagatan
ang ibabaw ng Earth.
183
00:21:15,920 --> 00:21:20,120
At dito, binigyang-daan ng tubig
ang isang mahiwagang bagay.
184
00:21:25,320 --> 00:21:26,840
Ang unang buhay.
185
00:21:31,080 --> 00:21:33,680
Sa mga unang selyulang ito
186
00:21:35,000 --> 00:21:38,040
nagmula ang lahat ng buhay na nilalang.
187
00:21:40,640 --> 00:21:43,960
Tubig ang pundamental na sangkap
188
00:21:44,040 --> 00:21:48,000
ng bawat selyula
ng bawat nilalang sa Earth.
189
00:21:57,360 --> 00:21:58,440
At ngayon,
190
00:22:01,320 --> 00:22:06,280
dala-dala pa rin ng kawan
ang sinaunang tubig na ito.
191
00:22:18,040 --> 00:22:20,520
Dinadala nito ang mga nutrisyon at oxygen.
192
00:22:30,200 --> 00:22:32,000
Pinatitibok nito ang puso.
193
00:22:38,920 --> 00:22:41,160
At nag-uudyok sa bawat hininga.
194
00:22:46,640 --> 00:22:49,240
Nagkaroon ng buhay dahil sa tubig.
195
00:22:51,000 --> 00:22:54,960
Kaya walang mabubuhay kung wala ito.
196
00:23:01,920 --> 00:23:05,480
Sa Botswana, lumalala ang tagtuyot.
197
00:23:11,080 --> 00:23:13,880
Nasusunog ang mundo ng mga elepante.
198
00:23:22,600 --> 00:23:25,520
Matatakasan ng kawan
ang nasusunog na gubat
199
00:23:29,040 --> 00:23:31,240
pero susuong ito sa panibagong banta.
200
00:23:37,560 --> 00:23:40,320
Lahat ay nagdurusa sa tagtuyot na ito…
201
00:23:43,680 --> 00:23:46,160
dahil sa uhaw at gutom.
202
00:23:52,600 --> 00:23:56,960
At para sa mga leon, matutugunan
ng mga sanggol na elepante ang pareho.
203
00:24:14,200 --> 00:24:17,320
Palilibutan ng matatanda
sina Metsi at Bosigo.
204
00:24:24,720 --> 00:24:27,040
Sapat na 'yun para mapigilan ang banta.
205
00:24:30,680 --> 00:24:32,880
Pero matiyaga ang mga leon.
206
00:24:36,880 --> 00:24:40,560
At kinailangan pa ring tumawid
ng kawan sa malupit na disyerto…
207
00:24:42,600 --> 00:24:44,280
bago ang susunod na tubigan.
208
00:24:48,520 --> 00:24:50,680
Kailangan nila ng tubig.
209
00:24:53,760 --> 00:24:56,040
At ibinibigay 'yun ng Earth
210
00:24:57,720 --> 00:25:00,120
sa 'di inaasahang lugar.
211
00:25:05,320 --> 00:25:08,000
Ang puno ng acacia ay senyales ng pag-asa.
212
00:25:13,880 --> 00:25:16,800
At kanlungan ng lahat ng klaseng nilalang.
213
00:25:24,880 --> 00:25:28,320
Higit na mas malalim
ang naaabot ng mga ugat nito
214
00:25:28,400 --> 00:25:30,520
kaysa sa kayang hukayin ng elepante.
215
00:25:41,240 --> 00:25:43,360
Dinadala ang tubig sa mga sanga…
216
00:25:47,360 --> 00:25:48,520
at mga dahon nito.
217
00:26:01,000 --> 00:26:04,480
At sapat lang na tubig 'yun
para makapagpatuloy sila.
218
00:26:08,280 --> 00:26:10,840
Na napakahalaga lalo na
para sa nanay ni Metsi,
219
00:26:12,720 --> 00:26:14,320
na nagpapasuso pa ng anak.
220
00:26:18,320 --> 00:26:21,800
Pero higit pa ito sa lokal na tubigan.
221
00:26:25,360 --> 00:26:28,680
Ito ang mahalagang ugnayan
sa walang katapusang siklo ng tubig.
222
00:26:32,720 --> 00:26:36,800
Iniuugnay ng puno ng acacia
ang lupa at langit.
223
00:26:43,600 --> 00:26:46,160
Naglalabas ito ng oxygen
at vapor sa hangin.
224
00:26:55,000 --> 00:26:59,320
Binubusog ang mga ulap
at pinaiikot ang tubig sa buong planeta.
225
00:27:07,400 --> 00:27:12,400
Mula nang madiligan ng ulan
ang mga pinakaunang sibol…
226
00:27:16,320 --> 00:27:18,840
at binigyan ng buhay ang unang puno,
227
00:27:24,120 --> 00:27:27,720
naging posible nang mabuhay
sa planeta dahil sa mga halaman.
228
00:27:35,280 --> 00:27:40,040
Binigyan nito ng buhay
ang dating patay na bola ng bato.
229
00:27:45,880 --> 00:27:48,760
Pero posible ring bawiin
230
00:27:50,320 --> 00:27:52,760
ang mga regalo ng ating universe.
231
00:28:01,280 --> 00:28:02,760
Noong unang panahon,
232
00:28:04,080 --> 00:28:05,680
may isa pang planeta
233
00:28:06,680 --> 00:28:09,600
na nabalot ng likidong tubig.
234
00:28:12,680 --> 00:28:17,280
MARS
3.5 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS
235
00:28:18,080 --> 00:28:20,600
Isang mundo ng tubig, kagaya ng sa atin.
236
00:28:25,720 --> 00:28:28,640
Parehong mga puwersa
na nagbigay ng tubig sa Earth
237
00:28:29,440 --> 00:28:32,000
ang nagbigay rin sa Mars.
238
00:28:35,200 --> 00:28:37,440
May atmosphere,
239
00:28:37,520 --> 00:28:38,920
kaya namuo ang mga ulap.
240
00:28:40,480 --> 00:28:41,480
Pumatak ang ulan.
241
00:28:43,000 --> 00:28:44,440
Umagos ang mga ilog.
242
00:28:48,800 --> 00:28:52,160
At binalot ng karagatan ang palibot.
243
00:28:57,240 --> 00:28:59,960
Isang mundo ng posibilidad.
244
00:29:00,040 --> 00:29:02,320
May potensyal para sa buhay.
245
00:29:06,600 --> 00:29:08,080
Pero hindi ito tumagal.
246
00:29:13,720 --> 00:29:16,160
Dahil sa 'di kalayuan
247
00:29:16,240 --> 00:29:19,520
ay ang nagbabagang nuklear na impyerno.
248
00:29:21,040 --> 00:29:22,040
Ang ating Araw.
249
00:29:24,120 --> 00:29:26,440
Naglalabas ito ng mataas na enerhiya
250
00:29:26,520 --> 00:29:29,800
na lubhang makapangyarihan at nakamamatay,
251
00:29:32,480 --> 00:29:34,680
na kaya nitong sumira ng mga planeta.
252
00:29:43,600 --> 00:29:47,840
Dumadaloy ang solar wind na ito
sa kalawakan…
253
00:29:52,320 --> 00:29:55,640
sa bilis na 400 kilometro kada segundo.
254
00:30:00,480 --> 00:30:03,160
At tumagos ito sa atmosphere ng Mars,
255
00:30:04,640 --> 00:30:06,800
at pinaghiwalay ang molecules ng tubig.
256
00:30:15,040 --> 00:30:16,520
Paunti-unti,
257
00:30:16,600 --> 00:30:18,440
sa loob ng milyun-milyong taon,
258
00:30:19,600 --> 00:30:24,480
sinira ng galit ng Araw
ang proteksyon ng planeta.
259
00:30:29,680 --> 00:30:31,760
Hanggang matuyo ang karagatan nito,
260
00:30:37,640 --> 00:30:41,040
at napunta na sa kalawakan ang tubig nito.
261
00:30:48,600 --> 00:30:50,720
Ang Mars ay naging malungkot
262
00:30:51,240 --> 00:30:54,160
at nagyeyelong anino ng nakaraan nito.
263
00:31:03,360 --> 00:31:05,920
Na nilamon ng mga alikabok.
264
00:31:12,520 --> 00:31:14,600
Permanente nang nawala
265
00:31:16,360 --> 00:31:18,800
ang anumang tsansa ng kumplikadong buhay.
266
00:31:27,560 --> 00:31:29,840
Pwedeng ito rin ang naging kwento natin.
267
00:31:44,360 --> 00:31:46,640
Pero sa kung anong paraan, sa Earth,
268
00:31:47,560 --> 00:31:51,560
nakahanap ng paraan
ang tubig at buhay para manatili.
269
00:32:06,320 --> 00:32:07,960
Sa Botswana,
270
00:32:08,040 --> 00:32:11,080
makalipas ang 200 araw
sa ilalim ng nagbabagang araw,
271
00:32:12,840 --> 00:32:15,000
walang mahanap na tubig.
272
00:32:23,680 --> 00:32:27,600
Lumilikha ng buhawi ng alikabok
ang matitinding hangin.
273
00:32:45,320 --> 00:32:49,440
At kapansin-pansin
ang paghihirap ng mga elepante.
274
00:33:02,920 --> 00:33:06,800
Sa araw, madalas na napoprotektahan
ng mga magulang ang mga anak.
275
00:33:18,240 --> 00:33:19,800
Pero pagsapit ng gabi,
276
00:33:25,480 --> 00:33:26,920
iba na ang kalagayan.
277
00:33:37,520 --> 00:33:40,400
Eksperto sa panggugulo
at panlilito ang mga leon.
278
00:33:53,440 --> 00:33:55,880
Pinipili nila ang pinakamahinang target.
279
00:34:00,800 --> 00:34:02,480
Kumikilos bilang isang pack.
280
00:34:08,200 --> 00:34:10,280
Hanggang sa wala nang matatakbuhan.
281
00:34:27,240 --> 00:34:29,600
Kung wala ang proteksyon ng buong kawan,
282
00:34:30,960 --> 00:34:33,480
matatalo ng mga leon ang biktima.
283
00:34:36,880 --> 00:34:40,600
Ang tagtuyot at walang katapusang
paghahanap ng pagkain at tubig
284
00:34:41,440 --> 00:34:44,880
ay naningil na kay Bosigo.
285
00:34:55,040 --> 00:34:58,360
Malalim ang nabubuong
ugnayang emosyonal ng mga elepante.
286
00:35:09,920 --> 00:35:13,120
Ipinagluluksa ng buong pamilya
ang pagkawala ni Bosigo.
287
00:35:30,480 --> 00:35:33,280
Nagtitipon ang buong kawan
para damayan si Metsi,
288
00:35:34,680 --> 00:35:36,960
na pinakamalungkot sa lahat.
289
00:35:48,480 --> 00:35:52,480
Taun-taong nangyayari
ang walang katapusang laban para mabuhay.
290
00:35:54,280 --> 00:35:55,720
Sa buong Okavango,
291
00:35:58,000 --> 00:35:59,280
sa buong planeta,
292
00:36:01,960 --> 00:36:03,040
at lampas pa.
293
00:36:07,080 --> 00:36:09,560
Pero sa labanang ito para mabuhay,
294
00:36:10,440 --> 00:36:12,160
talagang masuwerte ang Earth,
295
00:36:14,000 --> 00:36:17,000
dahil sa lihim na tagapangalaga nito.
296
00:36:24,360 --> 00:36:25,600
Sa pinakailalim nito,
297
00:36:28,520 --> 00:36:31,280
ang nagbabagang ubod ng planeta
298
00:36:31,360 --> 00:36:33,920
na patuloy na nasusunog,
299
00:36:37,840 --> 00:36:40,280
ay lumilikha ng malakas na magnetic field
300
00:36:41,920 --> 00:36:44,360
na umaabot nang
65,000 kilometro papunta sa Araw
301
00:36:46,160 --> 00:36:50,680
mula sa puso ng planeta.
302
00:36:52,600 --> 00:36:55,880
Isang mahalagang puwersang
nagpoprotekta sa Earth.
303
00:36:58,320 --> 00:37:01,040
Mula sa parehong
nakamamatay na solar winds
304
00:37:02,080 --> 00:37:04,280
na siya ring umubos sa tubig ng Mars.
305
00:37:10,480 --> 00:37:13,920
Tinatalo sila bago pa sila
tumama sa atmosphere natin.
306
00:37:26,520 --> 00:37:29,080
Pinoprotektahan
ang mahalagang tubig natin.
307
00:37:30,520 --> 00:37:34,160
Niyayakap nang mahigpit ang bawat patak.
308
00:37:41,040 --> 00:37:42,320
Kaya naiiba sa lahat
309
00:37:42,400 --> 00:37:46,440
ang ating mapusyaw
na asul na tuldok.
310
00:37:49,520 --> 00:37:52,920
Isang lugar kung saan umuusbong ang buhay.
311
00:37:56,960 --> 00:37:59,360
Binibigyan ng ginhawa ang mga elepante.
312
00:38:01,600 --> 00:38:04,880
Tinitiyak na taun-taong babalik ang ulan.
313
00:38:09,680 --> 00:38:14,000
Sa malayo, namumuo na ang mga ulap.
314
00:38:29,200 --> 00:38:33,800
Naririnig ng mga elepante
ang napakahinang kulog
315
00:38:33,880 --> 00:38:36,680
mula sa layong 240 kilometro.
316
00:38:43,400 --> 00:38:47,880
At sinasabi nito sa kanilang
oras nang bumalik sa Okavango.
317
00:38:56,600 --> 00:38:58,440
Mula sa mataas na Angola,
318
00:39:00,200 --> 00:39:03,080
sumusuot na ang tubig papunta sa Botswana.
319
00:39:12,000 --> 00:39:14,280
Para muling buhayin ang delta…
320
00:39:22,640 --> 00:39:24,720
sa halik ng buhay.
321
00:39:34,480 --> 00:39:37,800
Bawat hakbang na papalapit ang kawan
sa kanilang tahanan…
322
00:39:40,760 --> 00:39:45,280
ay pagpapatuloy
ng mas malaking paglalakbay sa kalawakan.
323
00:39:51,640 --> 00:39:53,880
Mula sa maliliit na molecule
324
00:39:54,560 --> 00:39:57,280
na nakikisakay sa alikabok
lampas ng Jupiter,
325
00:40:03,000 --> 00:40:05,800
hanggang sa pagkabuhay
sa nakamamamatay na init noon.
326
00:40:13,680 --> 00:40:16,160
Ikinulong sa ubod ng planeta,
327
00:40:18,200 --> 00:40:23,080
tapos pinakawalan para itanim
ang punla ng buhay.
328
00:40:27,360 --> 00:40:31,280
May kwentong kamangha-mangha
ang bawat patak ng tubig.
329
00:40:34,640 --> 00:40:39,120
Bawat molecule ay ugnayan
sa pagitan ng 'di napuputol na kadena,
330
00:40:40,440 --> 00:40:43,400
at umiikid nang libu-libong taon.
331
00:40:46,480 --> 00:40:47,800
Sa hangin,
332
00:40:50,840 --> 00:40:51,800
dagat,
333
00:40:55,680 --> 00:40:56,560
mga bato,
334
00:41:04,800 --> 00:41:05,960
at elepante.
335
00:41:11,680 --> 00:41:16,040
Makalipas ang walong buwan
at daan-daang kilometro,
336
00:41:17,720 --> 00:41:19,520
sa wakas ay narating na
337
00:41:19,600 --> 00:41:24,520
nina Metsi at pamilya
ang panubigan ng delta.
338
00:41:38,040 --> 00:41:41,040
Oras na para uminom…
339
00:41:43,880 --> 00:41:45,080
at maglaro.
340
00:41:47,360 --> 00:41:49,520
At uminom ulit.
341
00:41:59,560 --> 00:42:02,040
At ipakita sa pinakabagong kapamilya…
342
00:42:06,360 --> 00:42:09,200
kung paano kumikilos sa delta.
343
00:42:22,360 --> 00:42:25,360
Sina Metsi at ang sanggol na pinsan niya
344
00:42:25,440 --> 00:42:28,240
ang pinakabata sa mahabang linya
345
00:42:28,320 --> 00:42:31,360
na mga nakinabang sa mahiwagang pagdating
346
00:42:32,800 --> 00:42:34,120
ng tubig sa planetang ito.
347
00:42:44,480 --> 00:42:47,600
Habambuhay silang mauugnay sa universe
348
00:42:48,800 --> 00:42:52,280
na nagbigay sa planeta natin
ng mahiwagang sangkap na ito.
349
00:42:54,040 --> 00:42:56,600
At binigyan tayo ng kakayahang
350
00:42:56,680 --> 00:42:59,760
ipreserba at pagyamanin ito.
351
00:43:10,840 --> 00:43:14,520
Susunod, magtatapos
ang kwento ng ating universe
352
00:43:16,280 --> 00:43:19,120
sa puwersang nagbibigkis
353
00:43:19,200 --> 00:43:22,160
sa lahat ng nakita natin.
354
00:43:23,560 --> 00:43:26,320
Ang pinakamahusay
na iskultor ng kalawakan,
355
00:43:26,960 --> 00:43:27,800
ang gravity.
356
00:43:29,160 --> 00:43:32,560
Isang puwersa ng paghila
na bumuo sa planeta natin.
357
00:43:35,560 --> 00:43:39,240
At pagsasamahin natin
ang dalawang penguin sa southern pole.
358
00:43:41,040 --> 00:43:44,120
Pero kailan pa nakaapekto ang gravity?
359
00:43:45,680 --> 00:43:50,080
Paano ito lumilikha
ng kaayusan at kaguluhan?
360
00:43:52,920 --> 00:43:57,640
At bakit ginagawa nitong perpekto
ang ating planeta para sa buhay…
361
00:43:59,920 --> 00:44:00,920
at pag-ibig?
362
00:44:32,120 --> 00:44:37,120
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Ivee Tanedo