1
00:00:17,560 --> 00:00:21,960
ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX
2
00:00:27,000 --> 00:00:29,000
Ang pinakahilaga ng ating planeta
3
00:00:30,640 --> 00:00:32,800
ay isang lupain ng sukdulan.
4
00:00:37,880 --> 00:00:39,440
Kapag dumarating ang taglamig…
5
00:00:43,160 --> 00:00:46,160
pinababagsak
ng hanging Arctic ang temperatura.
6
00:00:49,800 --> 00:00:54,080
Kahit ang matibay na Alaskan Brown Bear
ay kailangang maghanap ng kanlungan.
7
00:01:02,520 --> 00:01:05,160
Dahil hindi nila kaya ang yelo,
8
00:01:07,040 --> 00:01:10,280
napipilitan silang
sumuong sa dagdag na paglalakbay.
9
00:01:15,040 --> 00:01:19,120
Habang natatapat ang North Pole
sa kadiliman at pagyeyelo ng taglamig,
10
00:01:24,000 --> 00:01:28,680
magsisimulang umakyat ang mga oso
sa mga bundok…
11
00:01:32,960 --> 00:01:35,400
para kumanlong sa mga kweba o lungga
12
00:01:36,600 --> 00:01:38,720
na hinukay sa matatarik na dalisdis.
13
00:01:41,640 --> 00:01:43,440
Na ilang daang metro ang taas.
14
00:02:12,680 --> 00:02:14,880
Ang mga osong nakatira sa dulo ng mundo
15
00:02:16,760 --> 00:02:20,880
ay kailangang humarap
sa malalaking hamon ng bawat panahon.
16
00:02:23,920 --> 00:02:24,800
Para magawa ito,
17
00:02:26,320 --> 00:02:30,240
umaasa sila sa napakaespesyal
na koneksyon sa universe
18
00:02:31,240 --> 00:02:34,680
dahil nakatatak sa bayolohiya ng oso
19
00:02:34,760 --> 00:02:36,840
ang bawat kritikal na sandali
20
00:02:38,400 --> 00:02:41,360
ng apat at kalahating bilyong taong
kasaysayan ng Earth.
21
00:02:45,040 --> 00:02:49,760
Mga pangyayaring
walang kasinlaki at mapangwasak
22
00:02:51,480 --> 00:02:56,400
na lumikha ng mundong
walang katulad sa ating universe.
23
00:03:33,320 --> 00:03:36,480
Ito si Luna, anim na taong babae.
24
00:03:41,480 --> 00:03:43,880
Narating niya na ang ligtas na lungga,
25
00:03:46,800 --> 00:03:50,360
at ito ang magiging tahanan niya
sa susunod na anim na buwan.
26
00:03:57,960 --> 00:03:59,440
Isang maginhawang espasyo
27
00:04:00,560 --> 00:04:04,400
para palipasin ang taglamig
nang nagha-hibernate.
28
00:04:22,640 --> 00:04:24,520
Habang umiiksi ang araw,
29
00:04:27,200 --> 00:04:30,120
nagre-react ang kanyang katawan
sa ritmo ng ating planeta.
30
00:04:36,360 --> 00:04:38,480
Bumabagal ang tibok ng puso niya…
31
00:04:48,280 --> 00:04:50,280
tungo sa walong tibok kada minuto.
32
00:05:04,880 --> 00:05:06,640
Habang nagiging komportable siya,
33
00:05:08,600 --> 00:05:11,080
bumabagsak ang temperatura
ng katawan niya.
34
00:05:30,800 --> 00:05:32,960
At makakatulog siya nang mahimbing,
35
00:05:34,600 --> 00:05:36,080
na puno ng panaginip.
36
00:05:52,280 --> 00:05:56,760
Ang makapangyarihang koneksyon
sa pagitan ng oso at universe…
37
00:05:59,880 --> 00:06:03,800
ang nagtutulak sa kanyang
palampasin ang taglamig sa ilalim ng lupa.
38
00:06:07,960 --> 00:06:12,080
Maligaya't walang kamuwang-muwang
sa mahabang paglalakbay na darating.
39
00:06:17,160 --> 00:06:19,120
Dahil sa labas ng lungga,
40
00:06:22,480 --> 00:06:24,240
gumagalaw ang Earth.
41
00:06:34,280 --> 00:06:38,400
Araw-araw,
umiikot ang planeta sa axis nito.
42
00:06:55,320 --> 00:07:00,080
Bawat buwan, nakukumpleto ng Buwan
ang isang buong paglibot sa Earth.
43
00:07:07,040 --> 00:07:08,840
At sa paglipas ng mga buwan,
44
00:07:09,400 --> 00:07:13,320
nililibot naman
ng Earth at Buwan ang Araw.
45
00:07:19,200 --> 00:07:21,320
Sa panahong matutulog siya…
46
00:07:22,320 --> 00:07:26,520
…maglalakbay si Luna
nang 470 milyong kilometro.
47
00:07:32,960 --> 00:07:34,960
Isang epikong paglalakbay sa kalawakan
48
00:07:36,640 --> 00:07:39,080
na halos kalahati ng paglibot sa Araw.
49
00:07:47,560 --> 00:07:48,680
At ngayong taon,
50
00:07:49,560 --> 00:07:51,840
may mga bago siyang kasama.
51
00:07:55,560 --> 00:07:58,200
Habang pagising-gising,
52
00:07:59,520 --> 00:08:01,640
ipinanganak ni Luna…
53
00:08:04,040 --> 00:08:05,880
ang dalawang munting oso.
54
00:08:12,320 --> 00:08:16,480
Sususo at matutulog ang mga supling
sa lungga hanggang sa tagsibol.
55
00:08:19,600 --> 00:08:21,400
Pero naaapektuhan na
56
00:08:23,320 --> 00:08:26,000
ang katawan ni Luna
sa pagpapasuso sa dalawa.
57
00:08:33,120 --> 00:08:35,800
Kumukupis ang mga taba
sa ilalim ng balat niya
58
00:08:37,440 --> 00:08:41,080
habang ginagamit ang naimbak na enerhiya
sa paglikha ng gatas.
59
00:08:48,920 --> 00:08:51,320
Pagkalipas ng limang buwan
sa ilalim ng lupa,
60
00:08:51,840 --> 00:08:55,400
mahigit sangkapat na ng timbang niya
ang nawala kay Luna.
61
00:09:01,120 --> 00:09:04,440
At habang mas mababa pa sa zero
ang temperatura sa labas,
62
00:09:06,560 --> 00:09:09,880
kailangan na ni Luna
ang mabilis na pagdating ng tagsibol
63
00:09:10,640 --> 00:09:14,240
kung patuloy pa niyang
pasususuhin ang mga bagong-silang niya.
64
00:09:22,080 --> 00:09:22,960
Mabuti na lang,
65
00:09:24,880 --> 00:09:26,360
may maganda sa Earth.
66
00:09:29,800 --> 00:09:31,520
Nakahilig ito sa isang panig.
67
00:09:35,920 --> 00:09:38,800
Kaya habang gumagalaw ito sa kalawakan,
68
00:09:39,720 --> 00:09:42,240
sa iba't ibang parte ng taon,
69
00:09:42,320 --> 00:09:45,640
humihilig papunta sa Araw
ang iba't ibang parte ng planeta,
70
00:09:47,280 --> 00:09:49,640
na nagdudulot ng pagpapalit ng panahon.
71
00:10:00,360 --> 00:10:02,000
Ibig sabihin, sa Alaska,
72
00:10:03,200 --> 00:10:05,200
may mahalagang nangyayari.
73
00:10:12,880 --> 00:10:14,760
Sa paglipas ng bawat araw,
74
00:10:14,840 --> 00:10:17,000
mas tumitirik na ang araw.
75
00:10:20,840 --> 00:10:23,680
Binabago ng umiinit
na sinag nito ang lupain.
76
00:10:34,080 --> 00:10:38,040
Kung kailan kailangang-kailangan ito
ni Luna at ng mga supling niya.
77
00:10:42,520 --> 00:10:46,080
Made-detect ng nerve endings
sa balat niya ang init ng araw.
78
00:10:53,880 --> 00:10:55,560
At habang humahaba ang mga araw,
79
00:11:01,120 --> 00:11:04,000
nadarama ng mga espesyal na selyula
80
00:11:05,480 --> 00:11:09,000
sa likod ng mata niya
ang dagdag na liwanag.
81
00:11:14,680 --> 00:11:16,960
Ang mga lihim na mensaheng ito,
82
00:11:17,040 --> 00:11:19,480
na direktang
mula sa pinakamalapit na bituin,
83
00:11:22,400 --> 00:11:26,280
ang nagsasabi kay Luna
na oras nang gumising mula sa hibernation.
84
00:11:40,720 --> 00:11:45,160
Habang inihuhudyat nila ang marahang
pagpapalit ng panahon ng ating planeta.
85
00:11:54,320 --> 00:11:56,000
Pero sa solar system,
86
00:11:58,200 --> 00:12:00,320
ang mga panahong katulad ng sa Earth
87
00:12:01,880 --> 00:12:03,200
ay hindi karaniwan.
88
00:12:09,640 --> 00:12:12,600
Ang pinakamalapit nating
kapitbahay, ang Venus,
89
00:12:14,920 --> 00:12:16,680
ay mas malapit sa Araw
90
00:12:17,640 --> 00:12:20,360
at higit na mas mainit kaysa sa Earth.
91
00:12:25,160 --> 00:12:28,120
At dahil hindi nakahilig ang planeta,
92
00:12:28,960 --> 00:12:31,080
halos wala na itong panahon.
93
00:12:35,480 --> 00:12:39,400
Buong taon, nananatiling
sobrang init ng temperatura.
94
00:12:44,280 --> 00:12:45,560
Mas malayo pa,
95
00:12:46,080 --> 00:12:47,480
at lampas sa Earth,
96
00:12:49,600 --> 00:12:50,920
ang Mars.
97
00:12:52,880 --> 00:12:56,120
Ang orbit nito ay nagdudulot
ng pag-iiba-iba ng layo nito
98
00:12:56,200 --> 00:12:58,440
sa Araw buong taon.
99
00:13:00,160 --> 00:13:02,400
Kaya, mas matindi ang mga panahon
100
00:13:03,600 --> 00:13:06,440
sa Mars kaysa sa atin.
101
00:13:09,200 --> 00:13:13,880
Kapag taglamig, mahigit sangkapat
ng atmosphere ng planeta ay nagyeyelo.
102
00:13:15,880 --> 00:13:17,040
Samantalang sa tag-init,
103
00:13:18,120 --> 00:13:20,440
kapag mas malapit sa Araw ang Mars,
104
00:13:21,240 --> 00:13:24,280
ang matinding init
ay lumilikha ng dust storms
105
00:13:24,360 --> 00:13:29,280
na sobrang lakas,
na lumalamon sa buong planeta.
106
00:13:33,360 --> 00:13:34,800
Pero lampas sa Mars.
107
00:13:36,480 --> 00:13:37,680
Lampas sa Jupiter.
108
00:13:41,080 --> 00:13:42,000
At Saturn.
109
00:13:48,080 --> 00:13:51,000
Tatlong bilyong kilometro mula sa Araw,
110
00:13:52,600 --> 00:13:57,200
nasa Uranus ang pinakamatitinding panahon
sa buong solar system.
111
00:13:59,840 --> 00:14:03,240
Umiikot nang patagilid ang planetang ito.
112
00:14:04,280 --> 00:14:06,240
Kaya habang naglilibot ito,
113
00:14:06,320 --> 00:14:08,480
nakaharap ang tag-init sa Araw,
114
00:14:12,080 --> 00:14:17,080
samantalang hindi sisikatan ng araw
ang taglamig nang 42 taon.
115
00:14:29,400 --> 00:14:32,800
Earth lamang ang may mga panahon,
116
00:14:34,440 --> 00:14:37,440
na kahit sa sukdulan ng ating planeta,
117
00:14:38,200 --> 00:14:40,520
ay nagpapahintulot na umiral ang buhay.
118
00:14:54,520 --> 00:14:56,120
Sa pagdating ng tagsibol,
119
00:14:57,280 --> 00:14:59,720
lalabas na sa lungga ang pamilya ni Luna.
120
00:15:06,280 --> 00:15:11,000
Mararanasan na ng mga supling
ang init ng araw, sa unang pagkakataon.
121
00:15:35,880 --> 00:15:40,360
Pero ang pagpapalit ng panahon
ay nangangahulugang maglalakbay sila.
122
00:15:48,280 --> 00:15:50,200
Dahil para makahanap ng pagkain,
123
00:15:50,840 --> 00:15:52,880
kailangan silang dalhin ni Luna sa ibaba
124
00:15:54,760 --> 00:15:56,760
sa kabilang panig ng bundok.
125
00:16:13,720 --> 00:16:16,240
Mahirap akyatin 'yun,
para sa mga munting paa.
126
00:16:23,840 --> 00:16:26,720
Sa daan-daang metro
ng yelo at batong daraanan.
127
00:17:21,040 --> 00:17:25,280
Kapag nasa tuktok na sila,
tapos na ang pinakamahirap na bahagi.
128
00:17:36,760 --> 00:17:39,920
Pero hindi pa garantisadong
mabubuhay sila.
129
00:17:43,560 --> 00:17:45,920
Para mabuhay sa nalalabing parte ng taon,
130
00:17:47,240 --> 00:17:52,000
aasa ang pamilya
sa likas na pang-unawa ni Luna
131
00:17:53,200 --> 00:17:54,640
sa mga darating na panahon.
132
00:17:58,920 --> 00:18:00,280
Ang bawat isa…
133
00:18:02,640 --> 00:18:05,920
ay resulta ng taunang paglalakbay
ng Earth sa kalawakan.
134
00:18:12,440 --> 00:18:13,920
Paglalakbay na nagsimula…
135
00:18:15,920 --> 00:18:18,360
bago pa umiral ang Earth.
136
00:18:24,600 --> 00:18:30,720
SOLAR SYSTEM
4.6 NA BILYONG TAON ANG NAKALIPAS
137
00:18:33,640 --> 00:18:36,560
Isang yugto kung kailan
138
00:18:37,400 --> 00:18:40,120
higit lang
nang kaunti sa abo ang ating solar system.
139
00:18:43,120 --> 00:18:47,600
Wala pang Araw, planeta, at buwan.
140
00:18:50,360 --> 00:18:53,920
Isang ulap lang ng gas at alikabok.
141
00:19:07,320 --> 00:19:10,960
Tapos, sa malayong solar system,
142
00:19:13,400 --> 00:19:14,920
may sumabog na bituin.
143
00:19:16,920 --> 00:19:21,800
Isang supernova na nagpadala
ng shock wave sa buong kalawakan.
144
00:19:41,280 --> 00:19:46,280
Pagtama nito, napabagsak ng shockwave
ang ulap sa sarili nito.
145
00:19:51,560 --> 00:19:53,400
At nagsimula itong umikot.
146
00:20:00,440 --> 00:20:02,880
Habang pabilis nang pabilis ang pag-ikot,
147
00:20:04,040 --> 00:20:08,080
lumapad ang ulap tungo sa isang disc.
148
00:20:10,200 --> 00:20:13,200
Isang maelstrom ng gas at bato.
149
00:20:16,600 --> 00:20:19,400
Sa gitna, sa ilalim ng matinding presyur,
150
00:20:23,040 --> 00:20:24,480
isinilang ang Araw.
151
00:20:28,080 --> 00:20:31,840
Samantalang sa may labas,
nagbanggaan ang mga bato,
152
00:20:34,080 --> 00:20:36,440
at nagsimulang lumaki ang planeta natin.
153
00:20:41,080 --> 00:20:43,480
Hanggang pagkalipas ng 20 milyong taon,
154
00:20:44,880 --> 00:20:46,760
ganap nang nabuo ang Earth.
155
00:20:49,360 --> 00:20:52,960
Nililibot pa rin ang Araw
katulad ng ulap kung saan ito nagmula.
156
00:20:58,920 --> 00:21:02,280
Naglilibot nang isang beses kada 365 araw.
157
00:21:05,520 --> 00:21:07,680
Doon nakabatay ang isang taon sa Earth.
158
00:21:14,240 --> 00:21:16,680
Pero sa puntong ito ng kwento ng planeta,
159
00:21:17,760 --> 00:21:19,880
ito ay taon na wala pang mga panahon.
160
00:21:24,080 --> 00:21:26,720
Dahil ang kaguluhang lumikha sa kanila…
161
00:21:29,200 --> 00:21:31,080
ay paparating pa lang.
162
00:21:41,560 --> 00:21:45,360
Sa Alaska, ang tingkad ng tagsibol
163
00:21:46,600 --> 00:21:49,720
ay nagbigay-daan
sa nakakatamad na mga araw ng tag-init.
164
00:22:01,480 --> 00:22:03,880
Limang buwan na ang mga supling ngayon.
165
00:22:06,600 --> 00:22:08,120
At nag-aaral pa rin sila…
166
00:22:10,400 --> 00:22:11,840
kung paanong maging oso.
167
00:22:25,000 --> 00:22:27,080
Dahil mabilis silang lumalaki,
168
00:22:28,040 --> 00:22:29,960
palaging gutom ang mga supling.
169
00:22:36,520 --> 00:22:38,800
At bagama't mukhang maganda,
170
00:22:41,040 --> 00:22:44,480
mahirap ang panahon ng tag-init sa Alaska.
171
00:22:54,680 --> 00:22:57,520
Dahil walang disenteng makakain sa parang,
172
00:22:58,040 --> 00:23:00,280
kailangang magtiis ng mga oso sa damo.
173
00:23:11,240 --> 00:23:16,240
Ibig sabihin, aasa pa rin ang mga supling
sa gatas ng kanilang ina
174
00:23:16,320 --> 00:23:18,040
para sa karamihan ng pagkain nila.
175
00:23:35,520 --> 00:23:39,800
Pero hindi pa kumakain nang maayos
si Luna mula noong nag-hibernate siya,
176
00:23:41,560 --> 00:23:44,040
kaya malapit na siyang maubusan.
177
00:23:53,080 --> 00:23:56,040
Pero sa malapit, sa kalawakan,
178
00:23:57,520 --> 00:23:59,160
parating na ang tulong.
179
00:24:05,880 --> 00:24:10,400
Dahil ngayon, may palaging kasama
ang ating planeta.
180
00:24:13,000 --> 00:24:14,040
Ang Buwan.
181
00:24:16,320 --> 00:24:18,280
Hindi makaalis sa paglibot nito sa Earth,
182
00:24:19,720 --> 00:24:22,600
siya ang pinakamalapit nating
kapitbahay sa kalawakan.
183
00:24:23,920 --> 00:24:27,360
Ang pinakamalaki at pinakamaliwanag
na bagay sa langit tuwing gabi.
184
00:24:32,120 --> 00:24:35,520
At dahil napakalaki
at napakalapit ng Buwan,
185
00:24:37,760 --> 00:24:40,560
naglalabas ito
ng malakas na gravitational pull.
186
00:24:47,880 --> 00:24:51,480
Sapat ang lakas
para maapektuhan ang mundo natin.
187
00:24:56,080 --> 00:24:59,160
Inaangat nito ang dagat
mula sa ibabaw ng planeta…
188
00:25:07,520 --> 00:25:09,680
kaya tumataas ang tubig ng Earth.
189
00:25:15,960 --> 00:25:18,680
At sa ilang araw
ng kabilugan at bagong Buwan,
190
00:25:20,800 --> 00:25:25,400
inilantad ng pinakamababang tubig
ang isang bagong lupain.
191
00:25:29,760 --> 00:25:33,240
Ilang metro ng maputik na lupa
ang makikita mula sa dalampasigan.
192
00:25:39,120 --> 00:25:42,800
Kaya maaabot ng mga gutom na oso
ang nakabaong kayamanan.
193
00:25:50,560 --> 00:25:54,480
Na sakto ang tiyempo
para kay Luna at sa pamilya niya.
194
00:26:02,480 --> 00:26:04,280
Pero mainam na hayaan
195
00:26:05,400 --> 00:26:08,120
ang matatanda sa paghahanap sa putikan.
196
00:26:17,080 --> 00:26:21,680
Mas mahusay nang 2,000 beses
ang pang-amoy ni Luna kaysa sa atin.
197
00:26:24,480 --> 00:26:27,280
Sakto para sa paghahanap
ng masasarap na morsel.
198
00:26:31,200 --> 00:26:33,160
Mga kabibeng malambot ang shell.
199
00:26:53,680 --> 00:26:56,200
Napakahusay niyang sikwatin ang mga ito,
200
00:26:57,400 --> 00:27:00,200
na kaya niyang umubos
ng halos isa kada minuto.
201
00:27:20,440 --> 00:27:24,400
Mainam nang pandagdag ang mga kabibe
sa kakaunti niyang nakakain sa tag-init.
202
00:27:31,720 --> 00:27:34,800
Mahalagang enerhiya
na maipapasa niya sa mga supling.
203
00:27:39,800 --> 00:27:43,360
Ang mga regalong ito,
na inihatid sa kanya ng Buwan,
204
00:27:43,880 --> 00:27:46,760
ay tutulong kay Luna
na buhayin ang pamilya niya sa tag-init.
205
00:27:49,880 --> 00:27:52,480
Pero ang relasyon ng oso sa Buwan…
206
00:27:55,960 --> 00:27:58,440
ay mas malalim pa.
207
00:28:03,240 --> 00:28:05,960
Dahil noong nabuo ang Buwan
208
00:28:06,760 --> 00:28:08,720
ay nagkaroon ng mga panahon ang Earth.
209
00:28:11,200 --> 00:28:13,800
SOLAR SYSTEM
4.4 NA BILYONG TAON NA ANG NAKALIPAS
210
00:28:13,880 --> 00:28:16,040
Hindi nagtagal matapos itong mabuo,
211
00:28:16,960 --> 00:28:18,760
nagkaroon ng kasama ang ating planeta.
212
00:28:31,000 --> 00:28:32,800
Pero hindi 'yun ang Buwan.
213
00:28:34,920 --> 00:28:39,080
Ibang planeta iyon
na nabuo sa landas ng paglilibot ng Earth.
214
00:28:44,520 --> 00:28:46,880
Isang kapatid na tinawag na Theia.
215
00:28:48,680 --> 00:28:50,800
Halos kasinlaki iyon ng Mars.
216
00:28:53,480 --> 00:28:56,680
Isang malaking bola ng bato at lava.
217
00:28:59,440 --> 00:29:01,200
Sa panahon ng kabataan nila,
218
00:29:03,040 --> 00:29:05,120
nagkasundo ang Earth at Theia.
219
00:29:11,320 --> 00:29:16,280
Hanggang magkaroon ng pagbabago
sa gravity ng batang solar system…
220
00:29:19,680 --> 00:29:23,400
at nailagay ang dalawang planeta
sa landas para magbanggaan.
221
00:29:28,880 --> 00:29:30,040
Sa sandaling ito,
222
00:29:32,040 --> 00:29:35,040
nanganib ang kinabukasan ng Earth.
223
00:29:54,000 --> 00:29:56,040
Nabura ang Theia…
224
00:29:59,480 --> 00:30:02,400
nang wasakin ng banggaan
ang parehong daigdig.
225
00:30:29,120 --> 00:30:31,640
Sa maiksing sandali
sa panahon ng kalawakan,
226
00:30:34,560 --> 00:30:37,000
nagkaroon ng dalawang buwan
ang planeta natin.
227
00:30:46,360 --> 00:30:49,240
Pero pinabagsak
228
00:30:49,320 --> 00:30:53,000
ng gravity ang isa para lamunin ng Earth.
229
00:31:06,720 --> 00:31:09,880
Kaya iisa na lang ang buwan natin ngayon.
230
00:31:17,040 --> 00:31:21,200
At binago ng banggaan
ang ating planeta magpakailanman.
231
00:31:28,280 --> 00:31:30,720
Dahil sa lakas ng pagtama, napahilig ito,
232
00:31:31,600 --> 00:31:35,040
kaya ngayon ay umiikot ito
nang nakahilig nang 23 degrees.
233
00:31:40,960 --> 00:31:43,760
Kaya habang nililibot nito ang araw,
234
00:31:45,600 --> 00:31:47,080
at paisa-isang hemisphere
235
00:31:47,720 --> 00:31:51,640
ang nakaanggulo sa Araw,
236
00:31:55,000 --> 00:31:57,880
nagkaroon ng iba't ibang panahon
ang Earth.
237
00:32:19,600 --> 00:32:22,080
Ngayong malapit nang matapos ang tag-init,
238
00:32:22,680 --> 00:32:25,200
senyales ang mas mahahabang gabi
239
00:32:25,280 --> 00:32:28,480
na malapit nang dumating
ang marahas na taglamig ng Alaska.
240
00:32:32,560 --> 00:32:35,200
Pitong buwan na ang mga supling.
241
00:32:41,120 --> 00:32:45,640
At alam ni Luna na para mabuhay sila
sa mahabang tulog nila sa taglamig,
242
00:32:46,360 --> 00:32:49,400
kailangan nilang
mag-ipon ng reserbang taba.
243
00:33:06,000 --> 00:33:08,240
Pero palaging pinaaalala ng Buwan…
244
00:33:12,920 --> 00:33:14,480
na parating na ang tulong.
245
00:33:19,800 --> 00:33:22,960
Isang libong kilometro
mula sa dalampasigan ng Alaska,
246
00:33:24,960 --> 00:33:28,520
isa pang nilalang ang tumutugma
sa ritmo ng panahon sa Earth.
247
00:33:32,200 --> 00:33:33,960
Ang sockeye salmon.
248
00:33:36,760 --> 00:33:39,680
Matapos ang dalawang taong
pagala-gala sa Dagat Pasipiko,
249
00:33:42,760 --> 00:33:44,120
nasa hustong gulang na sila.
250
00:33:46,080 --> 00:33:48,440
At ngayon, ang pagbabago sa haba ng araw
251
00:33:49,760 --> 00:33:52,760
ay nag-uudyok ng paglalabas
ng hormones sa kanilang dugo.
252
00:33:56,240 --> 00:33:59,320
Mga kemikal na senyales
na nagpapabago ng kanilang asal.
253
00:34:08,080 --> 00:34:11,360
Tinatawagan silang mag-breed
254
00:34:11,440 --> 00:34:13,760
sa mga ilog kung saan sila ipinanganak.
255
00:34:34,280 --> 00:34:36,080
Pagod at gutom na si Luna,
256
00:34:37,120 --> 00:34:41,600
pero dinadala niya pa rin
ang kanyang mga supling sa tabing-ilog.
257
00:34:54,080 --> 00:34:59,000
Dahil pakiramdam niya,
may mangyayaring mahiwaga.
258
00:35:04,080 --> 00:35:08,960
Ngayong araw na ito, ang kakaibang
orasan ng mga panahon
259
00:35:09,040 --> 00:35:12,400
ay maghahatid ng mahalagang
ikinabubuhay ng mga oso.
260
00:35:33,520 --> 00:35:37,680
Umabot na ang Earth sa posisyong
naikot na nito ang Araw.
261
00:35:41,720 --> 00:35:44,240
At ngayon, patataasin ng Buwan ang tubig.
262
00:35:50,000 --> 00:35:51,720
Ibibigay nito ang huling udyok
263
00:35:52,320 --> 00:35:55,240
para dalhin ang mga salmon sa ilog.
264
00:36:40,520 --> 00:36:45,520
Sa wakas, nakatikim na
ng salmon ang mga supling.
265
00:36:51,160 --> 00:36:54,960
Bagama't hindi sasapat ang isang isda
para sa pangangailangan nila sa taglamig,
266
00:36:55,920 --> 00:36:58,840
ito ang unang totoong kain ng mga supling
267
00:36:59,360 --> 00:37:01,440
sa loob ng halos walong buwan.
268
00:37:18,040 --> 00:37:21,880
Nakahinga si Luna
sa pagdating ng unang salmon.
269
00:37:24,720 --> 00:37:26,600
Dahil ayon sa karanasan niya,
270
00:37:27,720 --> 00:37:31,200
hindi magtatagal,
mas marami pang isda ang darating.
271
00:37:50,720 --> 00:37:52,720
Habang mas umiiksi ang araw,
272
00:37:54,400 --> 00:37:58,280
ang parehong hormones
na nagtulak sa salmon na maglakbay
273
00:37:59,200 --> 00:38:01,520
ang magiging dahilan ng pagbabago nila.
274
00:38:08,960 --> 00:38:10,800
Mag-iiba ang hugis ng ulo niya.
275
00:38:13,000 --> 00:38:15,680
At mamumula ang mga katawan.
276
00:38:19,040 --> 00:38:20,960
Milyun-milyon
277
00:38:21,480 --> 00:38:25,920
ang aakyat sa ilog,
papunta sa lugar ng pangitlugan nila.
278
00:38:36,120 --> 00:38:40,400
At makukumpleto na ang kwento ng oso.
279
00:38:49,120 --> 00:38:52,520
Isang kwentong kasingtanda ng planeta.
280
00:39:02,680 --> 00:39:04,280
Ang pagkakabuo ng Earth,
281
00:39:09,760 --> 00:39:12,040
ang banggaang lumikha sa Buwan,
282
00:39:15,000 --> 00:39:18,840
at ang natatanging relasyon
ng planeta natin sa buwan at bituin nito…
283
00:39:25,400 --> 00:39:28,640
ay nagsama-sama para lumikha
284
00:39:28,720 --> 00:39:31,400
ng mundong walang katulad sa universe.
285
00:39:33,920 --> 00:39:35,600
Isang Goldilocks na planeta.
286
00:39:38,600 --> 00:39:42,680
Ang tanging lugar na alam nating
sakto para sa buhay.
287
00:40:04,320 --> 00:40:05,360
At para ka Luna,
288
00:40:06,000 --> 00:40:09,320
ang apat at kalahating bilyong taong
kasaysayan ng kalawakan
289
00:40:10,920 --> 00:40:14,000
ay humantong sa sandaling ito.
290
00:40:21,760 --> 00:40:24,080
Ang taunang pagsasama
291
00:40:24,160 --> 00:40:27,160
ng salmon at oso.
292
00:40:38,160 --> 00:40:40,400
At ang bihirang oportunidad
293
00:40:42,160 --> 00:40:43,440
na pakainin ang pamilya.
294
00:40:51,120 --> 00:40:55,080
Nakuha na ni Luna at ng mga supling niya
ang kakailanganin nila sa taglamig.
295
00:40:57,400 --> 00:41:01,960
At bagama't sa huli, hindi tiyak
ang hinaharap nila sa nagbabagong planeta,
296
00:41:03,320 --> 00:41:06,480
sa taong ito, bubuhayin sila ng salmon…
297
00:41:10,400 --> 00:41:12,360
habang nagpapatuloy ang ating planeta
298
00:41:12,440 --> 00:41:16,520
sa walang katapusang paglilibot sa Araw.
299
00:41:26,640 --> 00:41:29,720
Susunod sa kwento ng ating universe,
300
00:41:31,160 --> 00:41:34,720
ang lagalag sa karagatan
na may life cycle na nagbubunyag
301
00:41:35,400 --> 00:41:39,320
kung paano nalikha
ang lahat ng bagay sa universe.
302
00:41:41,120 --> 00:41:43,400
Dahil sa bawat itlog ng pagong
303
00:41:44,280 --> 00:41:46,720
ay may mga atom mula sa Big Bang…
304
00:41:49,000 --> 00:41:52,560
na nabuo habang namamatay ang mga bituin.
305
00:41:56,160 --> 00:41:59,000
Pero paano nalilikha
ang mga bituin at planeta?
306
00:42:00,840 --> 00:42:03,480
At paano nagkakaroon ng buhay
307
00:42:04,800 --> 00:42:06,920
ang parehong mga sangkap?
308
00:42:56,440 --> 00:43:01,400
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Ivee Jade Tanedo