1
00:00:29,520 --> 00:00:31,320
Umaga na sa gubat.
2
00:00:32,520 --> 00:00:35,120
At para sa tropa ng mga chimpanzee na ito,
3
00:00:35,200 --> 00:00:37,040
oras nang bumangon
4
00:00:37,120 --> 00:00:39,000
at kumilos.
5
00:00:45,960 --> 00:00:49,640
Pero kapag natutulog ka
sa lunggang 40 metro ang taas,
6
00:00:51,080 --> 00:00:52,720
medyo mahirap 'yun.
7
00:01:12,880 --> 00:01:17,120
Ang uma-umagang ritwal na ito
ay paulit-ulit nang ginagawa
8
00:01:18,560 --> 00:01:20,320
ng ilang henerasyon.
9
00:01:25,680 --> 00:01:30,240
Isang ritmong itinutulak ng isa sa mga
pinakamahiwagang katangian ng universe.
10
00:01:38,160 --> 00:01:39,000
Ang oras.
11
00:01:41,920 --> 00:01:46,800
At napakahalaga ng papel
ng oras para sa isang babaeng chimp.
12
00:01:49,320 --> 00:01:51,120
Si Celeste ay mahigit 30 taon na,
13
00:01:52,720 --> 00:01:55,080
at may tumatakbong orasan sa loob niya.
14
00:01:59,840 --> 00:02:03,840
Isang orasang itinakda
13.8 bilyong taon na ang nakalipas.
15
00:02:14,720 --> 00:02:17,080
Mula sa The Big Bang,
nagkaroon ng mga atom…
16
00:02:20,040 --> 00:02:21,000
at enerhiya,
17
00:02:22,440 --> 00:02:25,800
na naglakbay na sa napakalaking kalawakan.
18
00:02:31,280 --> 00:02:32,760
At ang mga sangkap na ito
19
00:02:34,040 --> 00:02:35,720
ay bumubuo na ngayon…
20
00:02:38,520 --> 00:02:40,720
ng bagong buhay.
21
00:02:44,600 --> 00:02:48,760
Sa sinapupunan ni Celeste,
may nabubuong maliit na chimpanzee.
22
00:02:52,960 --> 00:02:56,720
May 150 araw pa
bago lumabas ang sanggol na ito.
23
00:02:59,960 --> 00:03:01,600
'Yun ang oras na kailangan.
24
00:03:04,320 --> 00:03:06,120
At kung walang oras,
25
00:03:06,200 --> 00:03:09,440
walang maisisilang sa mundo natin.
26
00:03:12,720 --> 00:03:14,920
Mula sa pinakabatang chimpanzee…
27
00:03:16,920 --> 00:03:19,080
hanggang sa pinakalumang black hole.
28
00:03:23,680 --> 00:03:27,280
Pero paano ba nagsimula ang oras?
29
00:03:29,240 --> 00:03:32,680
Magkakapareho ba ang oras
na nararanasan ng lahat ng bagay?
30
00:03:35,000 --> 00:03:38,440
At hihinto kaya sa pagtakbo
ang orasan ng ating universe?
31
00:04:09,440 --> 00:04:13,400
Ang simula ng araw ng isang chimp
ay tulad ng simula ng araw nating lahat.
32
00:04:16,280 --> 00:04:17,200
Agahan.
33
00:04:23,680 --> 00:04:27,360
Mahalaga ito
kapag kumakain ka para sa dalawa.
34
00:04:35,800 --> 00:04:38,760
May karanasan na bilang ina si Celeste.
35
00:04:42,120 --> 00:04:46,560
Ang panganay niyang si Apollo
ang dominanteng lalaki ng tropa.
36
00:04:48,800 --> 00:04:51,960
At medyo mabagal siyang kumilos sa umaga.
37
00:04:59,120 --> 00:05:01,760
Bawat chimp ay magkaiba ang edad.
38
00:05:04,640 --> 00:05:06,960
Bawat isa ay naiiba ang katangian.
39
00:05:09,720 --> 00:05:13,120
Pero lahat sila
ay mga nilalang na may routine.
40
00:05:17,520 --> 00:05:21,920
Ang mga buhay nila
ay pinamamahalaan ng pagtakbo ng oras.
41
00:05:24,520 --> 00:05:25,840
Hindi natin ito nakikita.
42
00:05:28,040 --> 00:05:29,040
O naririnig.
43
00:05:30,760 --> 00:05:33,400
Hindi rin natin kayang baguhin.
44
00:05:34,240 --> 00:05:38,680
Pero ang bawat tibok ng puso,
bawat desisyon at kilos,
45
00:05:39,560 --> 00:05:41,040
at bawat hindi pagkilos
46
00:05:42,720 --> 00:05:45,800
ay resulta
ng patuloy na pagtakbo ng oras.
47
00:05:47,160 --> 00:05:50,400
Pwede itong dumaan nang mabilis o mabagal.
48
00:05:52,000 --> 00:05:54,040
Pero paabante lang ang oras.
49
00:05:55,320 --> 00:05:57,200
Nabubuo,
50
00:05:58,440 --> 00:06:00,920
tumatanda,
at namamatay ang mga bituin.
51
00:06:02,440 --> 00:06:05,400
Sa pagkamatay nila,
sumusulpot ang mga bagong bituin.
52
00:06:05,480 --> 00:06:07,720
At mula sa bihirang iilan,
53
00:06:07,800 --> 00:06:11,600
isinisilang ang
mga pinakamahiwagang bagay sa universe.
54
00:06:13,120 --> 00:06:14,320
Ang mga black hole.
55
00:06:22,040 --> 00:06:24,840
Oras ang cosmic conductor.
56
00:06:27,600 --> 00:06:30,520
Walang makakatakas dito.
57
00:06:44,680 --> 00:06:49,240
Kahit may mga device nang
kayang sumubaybay at sumukat ng oras,
58
00:06:54,920 --> 00:06:56,400
walang ganito ang mga chimp.
59
00:07:04,280 --> 00:07:07,800
Ginagamit ng buong pamilya ni Celeste
ang araw bilang gabay.
60
00:07:11,800 --> 00:07:14,760
Sumisikat at naglalakbay sa langit.
61
00:07:19,120 --> 00:07:20,360
Habang gumagalaw ito,
62
00:07:23,200 --> 00:07:24,080
gumagalaw din sila.
63
00:07:31,960 --> 00:07:35,600
Bihirang matulog ang mga chimp
sa parehong pugad nang dalawang beses.
64
00:07:36,480 --> 00:07:39,200
Tuwing umaga,
naghahanap sila ng bagong prutas.
65
00:07:41,640 --> 00:07:45,280
Naglalakbay sa loob ng kanilang teritoryo.
66
00:07:49,120 --> 00:07:52,320
Pero sa ngayon, ang pinakahinog na prutas…
67
00:07:54,840 --> 00:07:57,640
ay nasa kabilang panig ng isang parang.
68
00:08:02,480 --> 00:08:05,640
Mauuna sina Apollo at ang
pinakamalalakas na miyembro ng tropa
69
00:08:07,160 --> 00:08:09,480
para tiyaking ligtas itong puntahan.
70
00:08:12,280 --> 00:08:13,440
Sa parang,
71
00:08:13,520 --> 00:08:17,240
bulnerable sila sa mga predator,
mga karibal na chimp,
72
00:08:18,160 --> 00:08:20,080
at sa init ng sumisikat na araw.
73
00:08:24,160 --> 00:08:25,560
Kailangan nilang magmadali.
74
00:08:26,840 --> 00:08:28,760
Tumatakbo ang oras.
75
00:08:33,720 --> 00:08:36,920
Ang paglalakbay ng araw sa langit
76
00:08:37,000 --> 00:08:39,600
ang batayang yunit ng oras ng mga chimp.
77
00:08:43,680 --> 00:08:47,840
Mula bukang-liwayway hanggang takipsilim,
at hanggang bukang-liwayway ulit.
78
00:08:49,520 --> 00:08:51,240
Isang araw na may 24 na oras.
79
00:08:54,200 --> 00:08:57,400
Pero ang isang araw
ay hindi talaga sukatan ng oras.
80
00:08:59,160 --> 00:09:02,200
Sukatan iyon ng paggalaw.
81
00:09:08,640 --> 00:09:11,480
Habang umiikot
ang ating planeta sa axis nito,
82
00:09:11,560 --> 00:09:14,160
gumagalaw ang gubat sa kalawakan
83
00:09:14,680 --> 00:09:18,240
sa bilis na 1,600 kilometro kada oras.
84
00:09:20,360 --> 00:09:25,320
Tumatagal nang 24 na oras
bago makaisang ikot ang Earth.
85
00:09:28,280 --> 00:09:32,000
Na nagbibigay sa mga chimp
ng 24 na oras ng paggalaw.
86
00:09:33,120 --> 00:09:36,880
Labindalawang may araw,
labindalawang madilim.
87
00:09:38,560 --> 00:09:41,680
Paulit-ulit.
88
00:09:46,800 --> 00:09:49,080
Itinatakda ng 'di nababagong
89
00:09:49,760 --> 00:09:52,240
ikot ng planeta ang master clock ng Earth.
90
00:09:55,040 --> 00:09:57,600
At ito ang maaasahang
timekeeper ng mga chimp.
91
00:10:02,480 --> 00:10:05,440
Pero ang mahalagang siklong ito
na binabalewala natin…
92
00:10:07,320 --> 00:10:08,840
ay hindi unibersal.
93
00:10:15,840 --> 00:10:18,480
Kapag umalis ka
sa tinitirhan mong planeta,
94
00:10:20,280 --> 00:10:22,960
hindi na naaangkop
ang araw na may 24 na oras.
95
00:10:27,960 --> 00:10:29,840
Pinakamalapit sa araw…
96
00:10:32,080 --> 00:10:33,520
ang planetang Mercury.
97
00:10:35,160 --> 00:10:39,000
Kumpara sa atin,
parang kuhol ang bilis ng ikot nito.
98
00:10:41,000 --> 00:10:44,200
ARAW NA MAY 1408 ORAS
99
00:10:44,520 --> 00:10:47,080
Mas mabagal pa ang ikot
100
00:10:47,800 --> 00:10:49,600
ng kapitbahay nating Venus.
101
00:10:51,400 --> 00:10:54,200
Mas matagal itong umikot sa axis nito
102
00:10:55,560 --> 00:10:57,760
kaysa lumibot ito sa araw.
103
00:11:00,920 --> 00:11:06,040
Kaya mas matagal
ang araw kaysa sa taon sa Venus.
104
00:11:09,680 --> 00:11:12,640
Magkaiba ang haba ng araw
sa bawat planeta.
105
00:11:15,880 --> 00:11:19,560
MARS ARAW NA MAY 25 ORAS
106
00:11:21,520 --> 00:11:25,680
SATURN ARAW NA MAY 11 ORAS
107
00:11:27,160 --> 00:11:30,600
NEPTUNE ARAW NA MAY 17 ORAS
108
00:11:32,320 --> 00:11:36,040
Kabilang ang mga planeta
sa labas ng ating solar system.
109
00:11:40,360 --> 00:11:42,440
Animnapu't tatlong light years mula rito,
110
00:11:43,520 --> 00:11:44,960
ay ang Beta Pictoris B,
111
00:11:46,360 --> 00:11:48,640
na lumilibot sa isang batang bituin.
112
00:11:52,520 --> 00:11:55,240
Napakabilis nitong umiikot.
113
00:11:58,720 --> 00:12:01,000
Nakaumbok ito sa gilid.
114
00:12:04,720 --> 00:12:08,080
Ito ang pinakamabilis
na umiikot na mundong alam natin.
115
00:12:10,200 --> 00:12:13,120
Dito, walong oras lang ang isang araw.
116
00:12:13,200 --> 00:12:17,160
ARAW NA MAY 8 ORAS
117
00:12:18,480 --> 00:12:23,120
May sariling bilis ang pag-ikot
ng bawat planeta sa ating universe.
118
00:12:26,360 --> 00:12:27,760
Bilyun-bilyong mundo.
119
00:12:28,880 --> 00:12:30,680
Bawat isa, may sariling orasan
120
00:12:31,760 --> 00:12:33,800
na tumatakbo sa iba't ibang ritmo.
121
00:12:35,360 --> 00:12:37,840
Pero lahat ay umaabante
122
00:12:38,360 --> 00:12:40,800
sa unibersal na cosmic timeline.
123
00:12:58,560 --> 00:12:59,640
Sa Earth,
124
00:13:00,640 --> 00:13:03,120
ngayong halos tirik na ang araw,
125
00:13:05,080 --> 00:13:07,560
alam na ng mga chimp kung anong oras na.
126
00:13:17,160 --> 00:13:18,640
Oras na para mananghalian.
127
00:13:31,160 --> 00:13:35,760
At naisakto ang tagal
ng pagtawid nila sa Savannah.
128
00:13:42,680 --> 00:13:44,400
Natumbok nila ang jackpot.
129
00:13:51,760 --> 00:13:54,680
Ilang linggo lang na makakain
ang matatamis
130
00:13:56,400 --> 00:13:58,560
na berry ng African grape tree.
131
00:14:05,080 --> 00:14:08,600
Isang pambihirang regalo ng gubat.
132
00:14:12,680 --> 00:14:16,280
Kung saan ang kalagitnaan ng araw
ay napakaproduktibong oras.
133
00:14:20,840 --> 00:14:24,640
Abala sa pang-araw-araw na gawain
ang iba't ibang hayop.
134
00:14:30,000 --> 00:14:32,880
At iba't iba ang karanasan
ng bawat isa sa oras.
135
00:14:37,120 --> 00:14:40,800
Para sa maliliit na nilalang
na mabilis at maiksi ang buhay,
136
00:14:45,600 --> 00:14:48,960
parang habambuhay na ang tanghalian.
137
00:14:54,680 --> 00:14:57,600
Para sa mas mababagal
at mas matagal mabuhay na nilalang,
138
00:14:58,120 --> 00:15:01,280
napakabilis ng isang oras.
139
00:15:08,320 --> 00:15:11,360
Pero nakatira ka man sa mabilis
140
00:15:12,360 --> 00:15:14,120
o mabagal na buhay,
141
00:15:15,960 --> 00:15:20,960
lahat ng buhay sa gubat ay kailangang
sumunod sa araw na may 24 na oras.
142
00:15:23,720 --> 00:15:25,920
At habang umiikot ang mundo,
143
00:15:29,400 --> 00:15:31,560
dumaraan ang mga araw na iyon.
144
00:15:33,600 --> 00:15:37,720
Dinidiktahan ang buhay
ng bawat chimpanzee.
145
00:15:41,440 --> 00:15:42,760
May isa sa partikular.
146
00:15:49,960 --> 00:15:51,920
Ngayong 15 linggo pa lang,
147
00:15:52,880 --> 00:15:56,960
ang katawan ng sanggol na ito
ay magkakasya sa kamay ng kanyang ina.
148
00:16:00,560 --> 00:16:02,440
Para ganap itong mabuo,
149
00:16:02,520 --> 00:16:06,200
kailangang maganap ang isang serye
ng pangyayaring sakto ang tiyempo.
150
00:16:08,160 --> 00:16:10,360
Sa susunod na 130 araw,
151
00:16:11,120 --> 00:16:15,480
bawat minuto,
bawat nanosegundo ay napakahalaga.
152
00:16:24,240 --> 00:16:26,920
Napakabilis at tumpak
153
00:16:27,000 --> 00:16:30,120
na
mahahati at dadami ang mga selyula.
154
00:16:34,200 --> 00:16:35,200
Sa ngayon,
155
00:16:36,160 --> 00:16:38,640
dumarami ang mga brain cell
156
00:16:38,720 --> 00:16:41,440
sa bilis na nasa 15 milyon kada oras.
157
00:16:51,760 --> 00:16:54,800
Lahat tayo,
mula sa pinakauna nating sandali,
158
00:16:55,800 --> 00:17:00,160
ay may malalim
na bayolohikal na relasyon sa oras.
159
00:17:17,360 --> 00:17:19,520
Habang kumukupas ang liwanag ng araw,
160
00:17:21,760 --> 00:17:24,280
likas na nagpapalit ng gear ang mga chimp.
161
00:17:27,840 --> 00:17:29,080
Tungo sa panggabi.
162
00:17:39,120 --> 00:17:41,920
Tinatawagan na ng pugad ang buong tropa.
163
00:17:44,400 --> 00:17:47,840
Oras nang maghanap ng ligtas na lugar
na pagpapalipasan ng gabi.
164
00:18:01,400 --> 00:18:05,560
Kailangang malambot
pero matatag ang higaan nila.
165
00:18:12,200 --> 00:18:14,640
Pwede ring masarap.
166
00:18:18,880 --> 00:18:21,800
Ang ritmo ng bawat araw sa gubat
167
00:18:21,880 --> 00:18:25,360
ay itinatakda
ng posisyon ng araw sa langit.
168
00:18:34,560 --> 00:18:37,040
Pero ang likas na pandama ng chimp sa oras
169
00:18:38,200 --> 00:18:40,920
ay nagmumula sa loob nila.
170
00:18:49,680 --> 00:18:53,680
May bayolohikal na orasan sa utak nila.
171
00:18:56,560 --> 00:18:59,520
Nagsisilbing pendulum
ang tumpok-tumpok na neuron…
172
00:19:01,840 --> 00:19:06,400
na kontrolado ng genes
na nabubuhay at namamatay.
173
00:19:08,520 --> 00:19:12,960
At siklong umuulit kada 24 na oras.
174
00:19:16,240 --> 00:19:21,160
Ang clock genes na ito ay lumilikha
ng circadian rhythm sa katawan
175
00:19:22,080 --> 00:19:25,040
na lumalakas at humihina
176
00:19:25,120 --> 00:19:28,200
kasabay
ng pag-ikot ng ating planeta.
177
00:19:30,600 --> 00:19:32,280
Kinokontrol ang mga hormone,
178
00:19:36,520 --> 00:19:37,440
tibok ng puso,
179
00:19:38,800 --> 00:19:40,640
at antas ng enerhiya.
180
00:19:46,200 --> 00:19:50,760
At ngayon, nagpapadala na
ang body clock ng mga chimp ng mensaheng,
181
00:19:52,160 --> 00:19:54,720
"Oras na para antukin."
182
00:19:57,960 --> 00:19:59,880
Pero hindi lahat, magagawa 'yun.
183
00:20:14,320 --> 00:20:17,240
Nabubuo pa lang ang utak
ng sanggol ni Celeste.
184
00:20:20,640 --> 00:20:23,120
Dahil wala pang
sariling internal na orasan,
185
00:20:23,640 --> 00:20:27,240
nakaasa ito sa hormones ng ina nito
para makasabay rito.
186
00:20:29,600 --> 00:20:33,360
Pero hindi palaging
nakukuha ng sanggol ang abiso.
187
00:20:37,480 --> 00:20:39,120
Pasalamat si Celeste,
188
00:20:39,200 --> 00:20:41,560
dahil lumalaki pa ang sanggol,
189
00:20:41,640 --> 00:20:44,520
nakakatulog din ito kalaunan.
190
00:20:59,600 --> 00:21:03,520
Habang natutulog
ang mga chimp sa itaas ng puno,
191
00:21:07,280 --> 00:21:10,680
nagigising pa lang
ang ibang nakatira sa gubat.
192
00:21:22,720 --> 00:21:25,400
Tumatakbo ang mga body clock
193
00:21:25,480 --> 00:21:29,760
sa mga selyula ng mga halaman
at hayop sa buong gubat.
194
00:21:38,320 --> 00:21:41,160
Nag-evolve ang mga clock gene
195
00:21:41,240 --> 00:21:43,520
2,500,000,000 taon na ang nakalipas
196
00:21:43,600 --> 00:21:45,600
sa mga unang buhay na selyula.
197
00:21:48,080 --> 00:21:52,880
Nagkabentahe ang mga nakakahula
sa pagliwanag at pagdilim ng isang araw.
198
00:21:56,160 --> 00:21:57,960
At habang nagbabago ang buhay,
199
00:21:59,240 --> 00:22:01,840
sumasabay ito sa paggalaw ng Earth.
200
00:22:02,880 --> 00:22:04,680
Kaya ngayon,
201
00:22:04,760 --> 00:22:09,400
umiiral ang mga orasang ito
sa halos lahat ng nilalang sa Earth.
202
00:22:13,640 --> 00:22:16,440
Kahit mas gusto ng ilang nilalang
ang araw at ang iba ay gabi,
203
00:22:22,320 --> 00:22:25,960
lahat ng buhay
ay umiindak sa iisang tugtugin.
204
00:22:29,000 --> 00:22:30,960
Salamat sa mga selyular na orasan
205
00:22:31,040 --> 00:22:32,640
na tumatakbo
206
00:22:33,880 --> 00:22:36,200
habang umiikot ang ating Earth.
207
00:22:53,000 --> 00:22:55,480
Habang nagiging
alaala na lang ang kahapon,
208
00:22:58,040 --> 00:23:00,480
nagsisimula ang panibagong araw sa gubat.
209
00:23:09,560 --> 00:23:11,000
Isang bagong siklo,
210
00:23:12,760 --> 00:23:17,160
pero wala talagang orasan
ang pwedeng i-reset.
211
00:23:24,720 --> 00:23:29,240
At may mga banayad na palatandaan
ng dahilan nito sa buong gubat.
212
00:23:32,440 --> 00:23:35,800
Walang nananatiling pareho
213
00:23:36,320 --> 00:23:38,040
sa bawat araw.
214
00:23:42,200 --> 00:23:44,640
Lalo na si Apollo,
215
00:23:45,720 --> 00:23:49,160
na tila masama ang gising.
216
00:23:57,600 --> 00:23:59,320
Kapag pangit ang mood niya,
217
00:24:03,200 --> 00:24:07,840
kailangan siyang iwasan
ng ibang kagrupo niya.
218
00:24:26,720 --> 00:24:30,080
Pero kalaunan ay makakahanap siya
ng target ng galit niya.
219
00:24:40,680 --> 00:24:43,520
Nakakita ang ilang kabataang chimp
ng pulot para sa agahan.
220
00:24:56,680 --> 00:25:00,240
At nakalimutan nilang imbitahan si Apollo.
221
00:25:14,640 --> 00:25:19,320
Matututunan mo kalaunan na hindi pwedeng
galitin ang dominanteng lalaki.
222
00:25:26,880 --> 00:25:28,400
Nakagat siya.
223
00:25:32,280 --> 00:25:34,800
Mabuti at hindi malala.
224
00:25:43,200 --> 00:25:46,440
Maghihilom din
ang sugat na ito kapag inalagaan.
225
00:25:49,360 --> 00:25:53,040
Pero nag-iiwan ang mga sugat ng mga peklat
226
00:25:54,160 --> 00:25:56,120
na nakaukit na sa katawan ng mga chimp.
227
00:25:57,400 --> 00:25:59,640
Mga permanenteng marka ng nakaraan
228
00:26:00,160 --> 00:26:03,560
na nagbubunyag
ng katotohanan tungkol sa oras.
229
00:26:07,280 --> 00:26:08,560
May direksyon ito.
230
00:26:10,640 --> 00:26:13,000
Hindi ka pwedeng bumalik,
231
00:26:15,160 --> 00:26:17,320
ang pwede lang
ay umabante tungo sa hinaharap.
232
00:26:21,400 --> 00:26:22,920
Ito ang arrow ng oras,
233
00:26:24,200 --> 00:26:27,840
at nag-iiwan ito
ng peklat sa lahat ng bagay
234
00:26:28,520 --> 00:26:29,480
sa buong Earth…
235
00:26:31,240 --> 00:26:32,160
at lampas pa.
236
00:26:41,160 --> 00:26:42,920
Ang ating buwan ay markado
237
00:26:43,000 --> 00:26:46,520
ng mga peklat na nagkukwento ng nakaraan.
238
00:26:56,480 --> 00:26:57,960
Ganundin ang mga planeta.
239
00:27:01,680 --> 00:27:05,400
Saksi ang kanilang ibabaw sa pambobomba
240
00:27:05,480 --> 00:27:08,640
ng mga asteroid at comet.
241
00:27:15,040 --> 00:27:19,280
Pero marahil ang pinakanakakamanghang
impact crater sa ating solar system
242
00:27:20,680 --> 00:27:23,080
ay nasa buwan ng Saturn.
243
00:27:24,480 --> 00:27:25,480
Ang Mimas.
244
00:27:27,880 --> 00:27:32,560
Ang Herschel crater
ay may lapad na 130 kilometro.
245
00:27:38,280 --> 00:27:40,960
Anumang lumikha
ng napakalaking peklat na ito…
246
00:27:43,000 --> 00:27:46,280
ay marahil muntik nang
durugin ang buwan na ito.
247
00:28:04,000 --> 00:28:06,080
Mabuti at nakaligtas pa ang Mimas.
248
00:28:07,840 --> 00:28:10,560
Pero hindi na mababawi
ang ganitong pangyayari.
249
00:28:15,320 --> 00:28:19,360
At pinag-iiba nila
ang nakaraan sa kasalukuyan.
250
00:28:22,160 --> 00:28:24,600
Ang mga impact crater ay mga timestamp
251
00:28:26,360 --> 00:28:28,840
na nagmamarka
ng natatanging sandali sa kasaysayan.
252
00:28:28,920 --> 00:28:32,880
21 LIBONG TAONG GULANG
253
00:28:37,400 --> 00:28:40,360
Hindi na natin mababalikan
ang sandaling nalikha sila.
254
00:28:40,440 --> 00:28:43,880
50 LIBONG TAONG GULANG
255
00:28:44,480 --> 00:28:47,640
Pero maipagdurugtong natin
ang mga bakas ng nakaraan
256
00:28:49,080 --> 00:28:51,480
at makakagawa
ng landas para mabalikan ang nakaraan.
257
00:28:51,560 --> 00:28:53,680
142 MILYONG TAONG GULANG
258
00:28:56,640 --> 00:28:58,000
Bago pa ang mga crater.
259
00:28:59,640 --> 00:29:01,080
Bago pa ang mga planeta.
260
00:29:01,840 --> 00:29:03,080
Bago pa ang mga bituin.
261
00:29:05,000 --> 00:29:07,280
Papunta sa panahong wala pang oras.
262
00:29:11,000 --> 00:29:14,320
13.8 BILYONG TAONG GULANG
263
00:29:14,400 --> 00:29:17,400
May simula ang ating universe.
264
00:29:21,840 --> 00:29:24,960
Isang napakalakas na big bang…
265
00:29:27,360 --> 00:29:29,960
na lumikha ng espasyong
may tatlong dimensyon
266
00:29:31,280 --> 00:29:32,560
at oras.
267
00:29:36,880 --> 00:29:40,240
Pero hindi magkahiwalay
ang espasyo at oras.
268
00:29:41,960 --> 00:29:44,840
Nakahabi ang oras
sa mga hibla ng universe.
269
00:29:49,000 --> 00:29:53,680
Nakatali sa espasyo bilang
ikaapat na dimensyon ng ating universe.
270
00:29:56,480 --> 00:29:59,720
Itinakda ng Big Bang
ang pagtakbo ng orasan ng universe.
271
00:30:02,640 --> 00:30:05,280
At pinaandar ang lahat tungo sa hinaharap.
272
00:30:09,120 --> 00:30:13,040
Nilikha nito ang arrow ng oras.
273
00:30:18,640 --> 00:30:21,960
Mula sa mga pinakaunang
sandali ng ating universe…
274
00:30:32,360 --> 00:30:34,640
Itinutulak tayong lahat sa hinaharap,
275
00:30:35,720 --> 00:30:38,200
at itinutulak ang lahat na tumubo,
276
00:30:39,640 --> 00:30:40,480
tumanda,
277
00:30:42,440 --> 00:30:43,400
at magbago.
278
00:30:45,560 --> 00:30:49,120
Mula sa pagkabata tungo sa pagtanda,
279
00:30:50,400 --> 00:30:54,080
nilalakbay natin ang buhay
sa parehong direksyon.
280
00:30:55,640 --> 00:30:58,320
Tumatanda araw-araw.
281
00:30:59,960 --> 00:31:02,800
At kasabay ng pag-edad ang karunungan
282
00:31:04,200 --> 00:31:07,640
habang napapalitan ng karanasan
ang pagkainosente ng kabataan.
283
00:31:13,120 --> 00:31:17,520
Dinadala tayo ng arrow ng oras
sa iba't ibang yugto ng buhay.
284
00:31:21,880 --> 00:31:23,080
Hinuhulma tayo nito.
285
00:31:25,760 --> 00:31:27,440
Itinatakda kung sino tayo.
286
00:31:31,000 --> 00:31:32,680
Mula sa mga unang sandali natin,
287
00:31:34,680 --> 00:31:35,800
patungo sa huli.
288
00:31:41,880 --> 00:31:44,960
Bihirang mabuhay nang lampas
sa edad na 40 ang mga chimp.
289
00:31:49,200 --> 00:31:50,840
Walang imortal.
290
00:31:58,480 --> 00:32:03,240
Lahat ng umiiral sa ating universe
ay may takdang itatagal ng buhay.
291
00:32:08,680 --> 00:32:11,960
Marahil kabilang mismo ang universe.
292
00:32:19,600 --> 00:32:23,440
Ngayon, puno ng mga bituin ang kalawakan.
293
00:32:27,280 --> 00:32:30,880
Pero 95% ng mga bituing iiral
294
00:32:31,480 --> 00:32:33,480
ay naisilang na.
295
00:32:38,720 --> 00:32:41,400
Kaya habang naglalakbay
ang universe patungo sa hinaharap,
296
00:32:42,800 --> 00:32:47,680
paisa-isang mamamatay ang mga bituin,
297
00:32:50,320 --> 00:32:55,200
at iiwanan ang universe
para sa padilim nang padilim na hinaharap
298
00:32:56,880 --> 00:32:58,680
na tatagal nang ilang trilyon,
299
00:32:59,400 --> 00:33:02,920
o libong bilyong taon.
300
00:33:09,400 --> 00:33:11,640
Ang edad ng starlight
301
00:33:11,720 --> 00:33:16,280
ay susundan ng madilim na yugto
ng mga black hole.
302
00:33:22,920 --> 00:33:27,840
Kinakain ng mga halimaw na ito
ang labi ng patay na bituin at planeta.
303
00:33:29,560 --> 00:33:31,040
Sa proseso,
304
00:33:31,120 --> 00:33:33,960
sinusugatan ng lumalakas na gravity nila
305
00:33:34,040 --> 00:33:36,360
ang pinakahibla ng universe.
306
00:33:43,080 --> 00:33:46,400
Sinisira ang espasyo at oras.
307
00:33:48,760 --> 00:33:53,080
Ang dulo ng isang black hole,
na tinatawag na Event Horizon,
308
00:33:54,240 --> 00:33:57,400
ay isang rehiyon kung saan
napakalakas ng gravity,
309
00:33:58,240 --> 00:34:00,720
at pinababagal nito ang oras,
310
00:34:01,520 --> 00:34:03,800
sa puntong halos matigil ito.
311
00:34:08,960 --> 00:34:12,680
Pero kahit ang mga black hole
ay 'di matatakasan ang pagtakbo ng oras.
312
00:34:15,040 --> 00:34:16,920
Sa malayong hinaharap,
313
00:34:21,080 --> 00:34:24,360
kapag wala nang
bituin o planetang makakain,
314
00:34:25,920 --> 00:34:27,600
magugutom na sila.
315
00:34:32,800 --> 00:34:34,000
At dahan-dahan,
316
00:34:36,680 --> 00:34:37,920
napakarahan,
317
00:34:39,720 --> 00:34:40,840
liliit sila.
318
00:34:46,360 --> 00:34:48,000
Kapag namatay sila,
319
00:34:48,080 --> 00:34:50,840
walang nakakaalam
kung ano'ng susunod na mangyayari.
320
00:34:52,920 --> 00:34:57,880
Pero maaaring iyon na
ang katapusan ng ating universe.
321
00:35:07,400 --> 00:35:11,720
Dito sa Earth, walang
makakapagpabagal sa takbo ng oras.
322
00:35:16,000 --> 00:35:20,280
At malapit na ang katapusan
ng isa sa mga tita ni Celeste.
323
00:35:24,280 --> 00:35:28,040
Lalayo siya sa grupo,
at pupunta sa gubat nang mag-isa.
324
00:35:35,800 --> 00:35:37,840
Maraming taon na siyang nabuhay.
325
00:35:41,720 --> 00:35:44,200
Pero ito na ang magiging huling araw niya.
326
00:36:03,760 --> 00:36:06,520
Habang patuloy na umiikot ang mundo,
327
00:36:07,920 --> 00:36:11,040
hindi na gagalaw ang kanyang katawan.
328
00:36:23,320 --> 00:36:26,400
Pero hindi lang tayo
dinadala ng oras tungo sa katapusan.
329
00:36:30,360 --> 00:36:32,400
Lumilikha rin ito ng mga simula.
330
00:36:37,280 --> 00:36:41,280
Habang nagiging linggo ang mga araw,
at nagiging buwan ang mga linggo,
331
00:36:42,560 --> 00:36:45,720
may malalaking pagbabago
para sa isang espesyal na chimpanzee.
332
00:36:59,600 --> 00:37:01,480
Mag-hello kayo kay Cosmo.
333
00:37:06,560 --> 00:37:08,960
Buo na ang kanyang utak at mga biyas.
334
00:37:10,720 --> 00:37:13,400
At handa nang makakita
ang kanyang mga mata.
335
00:37:21,880 --> 00:37:25,120
Imposibleng malaman
ang eksaktong oras ng paglabas niya.
336
00:37:26,560 --> 00:37:29,400
Pero pwede na siyang
ipanganak anumang araw.
337
00:37:36,000 --> 00:37:38,760
Walong buwan na siyang nasa sinapupunan.
338
00:37:40,240 --> 00:37:43,480
Pero matagal nang nagsimula
ang paglalakbay niya.
339
00:37:46,000 --> 00:37:50,600
Nagmula sa mga namamatay na bituin
ang mga elementong bumuo sa kanya.
340
00:37:52,520 --> 00:37:54,760
Ang tubig na dumadaloy sa katawan niya
341
00:37:56,680 --> 00:37:58,680
ay mula sa malalayong mundo.
342
00:38:00,400 --> 00:38:03,000
Ang enerhiyang nagpapatakbo sa kanya
343
00:38:05,320 --> 00:38:07,040
ay mula sa puso ng ating araw.
344
00:38:09,720 --> 00:38:13,040
Pero merong pinakamahiwagang sangkap.
345
00:38:13,720 --> 00:38:18,200
Iyong nagsimulang tumakbo
13.8 bilyong taon na ang nakalipas.
346
00:38:22,280 --> 00:38:26,800
Na nagdala sa lahat ng iba pang
sangkap sa sandaling ito.
347
00:38:30,120 --> 00:38:31,240
Sa lugar na ito.
348
00:38:33,960 --> 00:38:35,200
Sa planetang ito.
349
00:38:44,720 --> 00:38:47,920
Muli na namang sumikat ang araw,
umaga na naman.
350
00:38:53,240 --> 00:38:57,520
At napakaespesyal ng araw na ito.
351
00:39:08,120 --> 00:39:10,520
Welcome sa Earth, Cosmo.
352
00:39:15,440 --> 00:39:18,960
Hindi na mauulit ang espesyal
na sandaling ito para kay Celeste.
353
00:39:19,480 --> 00:39:22,760
Pero kakasimula pa lang
ng paglalakbay ni Cosmo.
354
00:39:26,000 --> 00:39:28,280
At tatagal nang halos tatlong buwan
355
00:39:28,360 --> 00:39:32,040
bago makasabay ang katawan niya
sa ritmo ng planeta,
356
00:39:33,840 --> 00:39:36,400
isang taon bago siya makapagkomunika,
357
00:39:38,080 --> 00:39:42,680
at marahil 15 taon
bago siya maging nasa hustong gulang.
358
00:39:45,760 --> 00:39:47,520
Marami pang darating.
359
00:39:56,320 --> 00:39:57,600
Tulad ni Cosmo,
360
00:39:58,320 --> 00:40:01,360
sanggol pa lang ang ating universe,
361
00:40:02,400 --> 00:40:06,640
at nasa umpisa pa lang
ng walang kasinghabang buhay.
362
00:40:08,680 --> 00:40:11,920
Nabubuhay tayo sa yugto ng starlight.
363
00:40:14,200 --> 00:40:19,160
Isang sandali kung saan pinupuno ng oras
ang universe ng kagandahan…
364
00:40:22,440 --> 00:40:23,400
at pagkamangha.
365
00:40:32,360 --> 00:40:34,520
Pero maiksing panahon lang ito
366
00:40:35,440 --> 00:40:38,600
na hindi na mauulit
sa kasaysayan ng ating universe.
367
00:40:45,320 --> 00:40:47,760
Walang makakapagpabagal sa takbo ng oras,
368
00:40:49,080 --> 00:40:50,160
'di dapat ito subukan.
369
00:40:55,280 --> 00:40:56,920
Dahil kung walang oras,
370
00:40:58,120 --> 00:40:59,480
walang ngayon.
371
00:41:06,720 --> 00:41:08,280
Walang sandaling may araw.
372
00:41:17,200 --> 00:41:18,320
Walang sandali, period.
373
00:41:24,600 --> 00:41:25,720
Kung walang oras,
374
00:41:27,760 --> 00:41:29,160
walang buhay.
375
00:41:41,600 --> 00:41:44,120
Susunod sa kwento ng ating universe,
376
00:41:45,800 --> 00:41:47,440
ang mga panahon sa Earth.
377
00:41:48,960 --> 00:41:51,760
Tulad ng inang oso na nagpapalaki ng anak,
378
00:41:53,120 --> 00:41:56,680
nararanasan nating lahat ang taun-taong
transpormasyon ng ating planeta.
379
00:41:59,760 --> 00:42:02,440
Pero ano ang lumikha
sa mga panahon ng Earth?
380
00:42:05,760 --> 00:42:08,920
Ano ang koneksyon ng mga ito
sa pagkakabuo ng ating buwan?
381
00:42:09,880 --> 00:42:12,160
At bakit ang planeta lang natin
382
00:42:12,840 --> 00:42:15,680
ang may kalagayang sakto para sa buhay?
383
00:42:48,480 --> 00:42:52,200
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Ivee Jade Tanedo