1
00:00:14,080 --> 00:00:18,640
ISANG DOCUMENTARY SERIES MULA SA NETFLIX
2
00:00:25,320 --> 00:00:27,920
Sa buhay ng bawat nilalang sa Earth…
3
00:00:31,360 --> 00:00:32,240
ay umaalingawngaw…
4
00:00:35,120 --> 00:00:38,880
ang mga pangyayaring
napakatagal nang naganap.
5
00:00:43,680 --> 00:00:45,600
Mga pangyayaring walang katumbas ang laki…
6
00:00:47,920 --> 00:00:49,280
at may marahas na kagandahang…
7
00:00:51,440 --> 00:00:54,240
nag-uugnay sa lahat ng buhay na nilalang,
8
00:00:56,600 --> 00:00:58,760
ng kanilang bawat aksyon at desisyon,
9
00:00:59,440 --> 00:01:00,920
ng bawat tibok ng kanilang puso,
10
00:01:02,920 --> 00:01:05,720
sa pinakamalaking kwento sa lahat.
11
00:01:07,760 --> 00:01:12,400
Ito ay kwentong
nabuo sa loob ng 13.8 bilyong taon
12
00:01:14,680 --> 00:01:17,160
na naging saksi sa bilyun-bilyong bituin
13
00:01:18,240 --> 00:01:20,040
at bilyun-bilyong daigdig…
14
00:01:22,240 --> 00:01:25,440
na nabuhay at namatay…
15
00:01:27,920 --> 00:01:30,960
para mabuo
ang nag-iisang planetang alam nating
16
00:01:32,200 --> 00:01:34,880
tahanan ng buhay.
17
00:01:39,200 --> 00:01:41,160
Mula sa stardust na bumuo sa atin…
18
00:01:43,440 --> 00:01:46,640
hanggang sa mga cosmic na sangkap
na bumubuhay sa atin…
19
00:01:52,880 --> 00:01:56,400
at sa starlight
na nagpapatakbo ng lahat ng ito,
20
00:01:57,960 --> 00:02:00,360
ito ang kwento
21
00:02:01,680 --> 00:02:03,360
ng ating universe.
22
00:02:39,560 --> 00:02:40,800
Silangang Africa.
23
00:02:46,160 --> 00:02:50,880
Dito matatagpuan ang pinakamahalagang
koneksyon ng buhay sa universe.
24
00:02:54,720 --> 00:02:57,280
Ganu'n din ang espesyal na predator…
25
00:03:00,400 --> 00:03:02,640
na nagngangalang Wa Chini.
26
00:03:06,000 --> 00:03:10,160
Ang buhay ng isang cheetah ay
walang-katapusang paghahanap ng pagkain.
27
00:03:12,320 --> 00:03:13,680
Ng mahalagang enerhiya.
28
00:03:16,120 --> 00:03:19,280
At isa ito sa
mga pinakamahihirap na lugar sa Earth
29
00:03:19,360 --> 00:03:21,360
para mahanap 'yun ng predator.
30
00:03:31,000 --> 00:03:34,240
Halos itaboy
ng napakainit na araw ang lahat
31
00:03:34,320 --> 00:03:36,600
sa tuyo at mapanglaw na parang na ito.
32
00:03:42,800 --> 00:03:46,840
Sinumang nilalang na mananatili rito
ay mahihirapang mabuhay.
33
00:03:51,480 --> 00:03:53,600
Ang tanging pokus ni Wa Chini,
34
00:03:57,360 --> 00:03:59,400
ang tanging nagtutulak sa kanya,
35
00:04:03,000 --> 00:04:04,080
ay ang kagutuman.
36
00:04:07,800 --> 00:04:10,800
Ang simple at pangunahing damdaming ito
37
00:04:10,880 --> 00:04:14,560
ay nagmumula sa malalim na ugnayan niya
sa kanyang kapaligiran
38
00:04:15,520 --> 00:04:18,680
na lumalampas pa sa Serengeti,
39
00:04:19,280 --> 00:04:20,840
sa ating planeta,
40
00:04:22,000 --> 00:04:23,680
patungo sa mismong universe.
41
00:04:29,720 --> 00:04:31,800
Bawat selyula sa katawan ni Wa Chini…
42
00:04:34,160 --> 00:04:36,800
ay nauugnay
sa sinaunang daloy ng enerhiya…
43
00:04:39,920 --> 00:04:44,240
na nagkokonekta sa buhay niya
sa ubod ng isang bituin.
44
00:04:49,840 --> 00:04:53,640
Ang daloy na ito ay umaabot
sa malalayong parte ng kalawakan…
45
00:04:58,240 --> 00:05:02,160
at nagmula pa noong
13.8 bilyong taon ang nakalipas.
46
00:05:13,200 --> 00:05:15,520
Sinaunang enerhiya na umiral
47
00:05:15,600 --> 00:05:18,280
sa umpisa ng ating universe
48
00:05:20,120 --> 00:05:21,640
ang nagpapatakbo sa lahat.
49
00:05:23,200 --> 00:05:24,480
Sa bawat planeta.
50
00:05:26,320 --> 00:05:27,280
Bawat bituin.
51
00:05:30,480 --> 00:05:31,400
Bawat buhay.
52
00:05:40,200 --> 00:05:42,680
Nangangaso si Wa Chini para sa enerhiya…
53
00:05:46,080 --> 00:05:47,640
hindi lang para sa sarili niya.
54
00:05:49,440 --> 00:05:52,320
Ina ng dalawang supling
na limang buwang gulang,
55
00:05:53,800 --> 00:05:56,920
desperado na siyang pakainin
ang nagugutom na pamilya.
56
00:06:04,400 --> 00:06:07,520
Tagtuyot ngayon, at bihira ang pagkain.
57
00:06:08,920 --> 00:06:12,000
Gayunpaman, nag-uumapaw ang enerhiya.
58
00:06:15,920 --> 00:06:17,880
Nagtatago lang ito't 'di makita.
59
00:06:21,280 --> 00:06:25,680
Ang pinakamalaki, pinakamaliwanag,
at pinakamainit sa ating solar system.
60
00:06:28,240 --> 00:06:29,400
Ang araw.
61
00:06:41,240 --> 00:06:45,600
Sumasabog mula sa ibabaw nito
ang malalaking ikid ng mainit na plasma.
62
00:06:51,960 --> 00:06:56,440
Naglalabas ang araw ng enerhiya
ng apat at kalahating trilyong
63
00:06:56,520 --> 00:06:58,520
bombang nuklear kada segundo,
64
00:07:01,560 --> 00:07:04,800
at nagpapadala ng mas maraming power
sa ating planeta kada oras
65
00:07:04,880 --> 00:07:07,960
kaysa sa ginagamit
ng buong mundo sa isang taon.
66
00:07:12,520 --> 00:07:16,240
Pero kahit kamangha-mangha
ang gahiganteng bola ng apoy na ito,
67
00:07:18,680 --> 00:07:21,520
hindi makakain ni Wa Chini
ang sinag ng araw.
68
00:07:23,760 --> 00:07:26,320
Kumakain lang siya
ng mga bagay na tumatakbo.
69
00:07:29,280 --> 00:07:30,520
Tulad ng gasela.
70
00:07:38,760 --> 00:07:41,240
Mahalagang kamoplahe ang kanyang
71
00:07:42,480 --> 00:07:44,760
batik-batik na balahibo sa pangangaso.
72
00:07:58,200 --> 00:07:59,840
Dahil kakaunti ang mapagtataguan,
73
00:08:01,120 --> 00:08:03,640
hindi siya pwedeng lumapit.
74
00:08:15,640 --> 00:08:18,920
Mabuti na lang, may diskarte si Wa Chini.
75
00:08:26,280 --> 00:08:29,800
Cheetah ang pinakamabilis
na hayop sa balat ng lupa.
76
00:08:32,160 --> 00:08:35,480
Mula sa zero tungong 100
sa loob ng tatlong segundo,
77
00:08:37,440 --> 00:08:40,800
pero malapit
at pumapangalawa ang mga gasela rito.
78
00:08:45,080 --> 00:08:47,640
Maraming enerhiya
ang ginagamit ni Wa Chini…
79
00:08:59,960 --> 00:09:01,400
pero wala siyang makuha.
80
00:09:05,400 --> 00:09:09,440
Kayang mabuhay ng matandang cheetah
nang isang linggong walang kinakain.
81
00:09:12,600 --> 00:09:17,120
Pero ang mga supling, hindi nila kaya
ang lampas sa ilang araw.
82
00:09:24,080 --> 00:09:27,440
At lubhang nagugutom na
83
00:09:28,200 --> 00:09:29,520
ang dalawang 'to.
84
00:09:31,720 --> 00:09:36,240
24 NA ORAS
MULA NANG HULING KUMAIN
85
00:09:37,840 --> 00:09:41,200
Talagang nakakaubos ng enerhiya
ang pangangaso nang napakabilis.
86
00:09:43,200 --> 00:09:46,480
Sobrang baba na
ng reserbang enerhiya ni Wa Chini.
87
00:09:50,680 --> 00:09:54,200
Ilang oras pa bago niya
mabawi ang lakas para makapangaso ulit.
88
00:10:00,200 --> 00:10:04,000
Mauubusan na ng karga si Wa Chini
at ang mga supling niya.
89
00:10:22,040 --> 00:10:25,600
Naglalaban ang mga hayop sa buong planeta
sa parehong labanan
90
00:10:26,480 --> 00:10:28,000
sa pagitan ng pagkonsumo…
91
00:10:31,320 --> 00:10:32,800
at paggamit ng enerhiya.
92
00:10:38,160 --> 00:10:40,000
Anuman ang diskarte mo,
93
00:10:40,080 --> 00:10:41,360
mabilis man o mabagal,
94
00:10:47,080 --> 00:10:50,000
hindi garantisado
ang susunod na kakainin mo.
95
00:10:59,280 --> 00:11:03,400
Lahat tayo ay kailangang
malampasan ang gutom.
96
00:11:04,800 --> 00:11:08,640
30 ORAS
MULA NANG HULING KUMAIN
97
00:11:12,600 --> 00:11:15,200
Ngayong nakabawi na siya
mula sa huling pangangaso,
98
00:11:15,920 --> 00:11:18,760
naghahanap si Wa Chini
ng susunod na oportunidad.
99
00:11:22,920 --> 00:11:24,880
Kagaya ng lahat ng inang cheetah,
100
00:11:26,040 --> 00:11:27,920
mag-isa siyang magulang.
101
00:11:31,680 --> 00:11:33,840
Para mapakain nang maayos
ang mga anak niya,
102
00:11:34,400 --> 00:11:36,560
kailangan niyang makapatay araw-araw.
103
00:11:38,240 --> 00:11:40,920
Pero napakatagal niya bago makabawi
104
00:11:42,240 --> 00:11:44,080
at lumulubog na ang araw.
105
00:11:53,720 --> 00:11:55,400
Habang pumupusyaw ang liwanag,
106
00:11:56,480 --> 00:11:59,000
ganundin ang pag-asang makakain
ang pamilyang ito.
107
00:12:05,880 --> 00:12:07,360
Habang umiikot ang Earth,
108
00:12:09,960 --> 00:12:12,720
ang Serengeti ay tumatalikod sa araw
109
00:12:13,840 --> 00:12:15,360
at humaharap sa dilim.
110
00:12:21,520 --> 00:12:24,920
Ito'y makapangyarihang paalala
ng koneksyon ng buhay sa araw.
111
00:12:29,200 --> 00:12:32,840
Ang ating kwento ay kwento ng araw.
112
00:12:35,160 --> 00:12:36,560
Noong unang panahon…
113
00:12:39,760 --> 00:12:44,440
mas malamig at madilim pa
ang ating solar system sa kasalukuyan.
114
00:12:52,680 --> 00:12:56,800
4.6 BILYONG TAON ANG NAKALIPAS
115
00:12:56,880 --> 00:13:00,280
Pero iyon ang perpektong kondisyon
116
00:13:00,360 --> 00:13:01,960
para maisilang ang isang bituin.
117
00:13:05,200 --> 00:13:07,760
Sa temperaturang halos absolutong zero,
118
00:13:08,640 --> 00:13:11,960
sumipsip ang force of gravity
ng alikabok at gas…
119
00:13:14,240 --> 00:13:16,200
at lumikha ng malaking ulap.
120
00:13:22,880 --> 00:13:24,720
Bumagsak ang ulap papaloob,
121
00:13:24,800 --> 00:13:28,400
at nadurog ang sarili nito tungo
sa nagliliyab na mainit na bola ng gas.
122
00:13:32,240 --> 00:13:33,600
Isang protostar.
123
00:13:40,880 --> 00:13:45,160
Tulad ni Wa Chini, ang bagong bituing ito
ay gutom na gutom.
124
00:13:48,000 --> 00:13:51,320
Humila ito ng napakaraming gas
hanggang may pumulandit
125
00:13:52,360 --> 00:13:54,760
na mainit na bagay mula sa poles nito,
126
00:13:56,280 --> 00:13:58,960
na umabot
nang ilang light years sa kalawakan.
127
00:14:02,280 --> 00:14:05,360
Patuloy na lumaki ang sanggol na bituin
128
00:14:06,200 --> 00:14:08,480
nang 30 milyong taon.
129
00:14:19,440 --> 00:14:20,680
Hanggang sa wakas,
130
00:14:21,880 --> 00:14:26,200
sumapat na ang init nito
para mag-isang lumikha ng sariling power.
131
00:14:29,360 --> 00:14:30,320
Ang ating araw.
132
00:14:33,280 --> 00:14:37,160
Ang gintong silahis nito
ay 4.6 na bilyong taon nang
133
00:14:39,200 --> 00:14:41,640
maliwanag at tuluy-tuloy na kumikinang.
134
00:14:47,400 --> 00:14:51,960
Isang bituin lang ito
sa isang galaxy ng bilyun-bilyon.
135
00:14:57,360 --> 00:15:00,760
Pero ito ang pinakaespesyal.
136
00:15:03,120 --> 00:15:06,080
Dahil ito ang naghahatid
ng init at liwanag…
137
00:15:08,440 --> 00:15:10,640
sa nakakamangha at buhay na planeta.
138
00:15:16,000 --> 00:15:20,920
42 ORAS
MULA NANG HULING KUMAIN
139
00:15:23,680 --> 00:15:27,920
Bawat buhay na nilalang sa Serengeti
ay nakaasa sa araw para sa enerhiya.
140
00:15:29,800 --> 00:15:34,080
Nasaid na ang mga supling ni Wa Chini,
lampas na sa pagiging gutom.
141
00:15:35,160 --> 00:15:37,280
Kailangan na nilang makakain.
142
00:15:39,000 --> 00:15:41,560
Pero pagmamahal at pag-aaruga lang
143
00:15:42,360 --> 00:15:44,360
ang kayang ibigay ni Wa Chini.
144
00:15:45,800 --> 00:15:47,520
Sa tuyong lupaing ito,
145
00:15:48,040 --> 00:15:52,440
nagbibigay at kumukuha ang ating araw.
146
00:15:53,640 --> 00:15:57,120
Ang matinding enerhiya nito
ang kailangan para mabuhay.
147
00:15:58,320 --> 00:16:02,280
Pero may kapangyarihan din itong makasira.
148
00:16:06,600 --> 00:16:09,160
Hindi talaga madaling mabuhay
149
00:16:09,240 --> 00:16:12,320
na malapit sa higanteng nuclear reactor.
150
00:16:21,280 --> 00:16:24,160
Para maunawaan ang pinagmumulan
ng napakatinding init na ito,
151
00:16:25,360 --> 00:16:28,040
sisilipin natin ang impyerno…
152
00:16:37,240 --> 00:16:40,520
sa ilalim ng panlabas na layer
ng kumukulong mainit na plasma…
153
00:16:45,960 --> 00:16:50,120
pababa nang 650 libong kilometro…
154
00:16:54,920 --> 00:16:57,120
papunta sa ubod ng ating araw.
155
00:17:00,840 --> 00:17:04,840
Ang puso ng ating bituin
ay maaaring mukhang kalmado,
156
00:17:07,040 --> 00:17:10,880
pero sa antas ng atomo, napakagulo nito.
157
00:17:14,360 --> 00:17:18,280
Ito ang pinakamainit na bahagi
ng ating solar system.
158
00:17:21,000 --> 00:17:24,440
Umaabot nang 15 milyong Celsius
ang temperatura rito…
159
00:17:27,640 --> 00:17:32,200
na lumilikha ng kondisyon para sa
pangyayaring imposible sa ibang lugar.
160
00:17:36,600 --> 00:17:39,600
Ang mga atomo ay mabilis na
nagbabanggaan at nagkakaisa.
161
00:17:45,160 --> 00:17:47,120
Na naglalabas ng purong enerhiya.
162
00:17:54,760 --> 00:17:59,040
Ang prosesong ito
ay tinatawag na nuclear fusion
163
00:17:59,880 --> 00:18:02,320
at siyang nagpapaliwanag sa araw.
164
00:18:06,480 --> 00:18:11,120
Sa katunayan, 'yun ang nagpapaliwanag
sa lahat ng bituin sa ating universe.
165
00:18:15,720 --> 00:18:20,320
Ang enerhiyang ito na inilalabas ng
mga bituin ay mula pa noong unang panahon…
166
00:18:25,480 --> 00:18:27,760
noong wala pang matter,
167
00:18:27,840 --> 00:18:32,080
at ang tanging umiiral
sa buong universe ay enerhiya.
168
00:18:35,120 --> 00:18:39,000
At bawat piraso noon ay umiiral pa rin
sa ating universe ngayon.
169
00:18:46,600 --> 00:18:48,560
Sa paglubog ng araw sa Serengeti,
170
00:18:49,880 --> 00:18:53,280
makakarating ang enerhiyang
dumadaloy na nang 13.8 bilyong taon
171
00:18:55,080 --> 00:18:58,240
kina Wa Chini at sa mga supling niya
172
00:18:59,040 --> 00:19:03,240
at magpapatuloy ang paglalakbay nito
sa kanilang kapaligiran.
173
00:19:04,880 --> 00:19:08,080
Hindi ito nalilikha o nasisira.
174
00:19:09,000 --> 00:19:12,840
Walang katapusan lang
ang pagbabago ng anyo nito.
175
00:19:14,240 --> 00:19:18,840
Pero maaakses lamang ito ni Wa Chini
at ng mga supling niya sa isang anyo…
176
00:19:23,560 --> 00:19:24,720
sa karne.
177
00:19:33,800 --> 00:19:36,400
At napakarami ng karibal na predator dito…
178
00:19:39,200 --> 00:19:43,480
na hindi lang pagkain ang pwedeng agawin,
kundi pati ang mga supling niya.
179
00:19:58,080 --> 00:19:59,960
Kapag 'di pa sila nakakain,
180
00:20:01,000 --> 00:20:02,480
mamamatay pa rin sila.
181
00:20:23,480 --> 00:20:27,000
Kaunting merienda lang ito, pero matapos
ang dalawang araw na 'di kumakain,
182
00:20:27,080 --> 00:20:28,760
nailigtas na nito ang buhay nila.
183
00:20:32,480 --> 00:20:35,840
Pero mahigit 10% ng napapatay
ng mga cheetah ay inaagaw.
184
00:20:40,280 --> 00:20:44,240
Kailangang ipaglaban ni Wa Chini
ang bawat piraso ng enerhiyang makukuha…
185
00:20:47,840 --> 00:20:49,880
dahil kapag kakaunti ang enerhiya,
186
00:20:50,720 --> 00:20:53,200
mas matindi ang kumpetisyon.
187
00:20:57,080 --> 00:21:01,320
Ang paghihirap ni Wa Chini para mabuhay
at buhayin ang pamilya niya ay mauulit
188
00:21:01,400 --> 00:21:03,440
araw-araw,
189
00:21:06,040 --> 00:21:07,840
buwan-buwan.
190
00:21:17,880 --> 00:21:20,920
Bawat pagkain ay ipaglalaban.
191
00:21:27,320 --> 00:21:30,720
Sa labanan sa pagitan ng
paggamit at pagtatamo ng enerhiya,
192
00:21:32,560 --> 00:21:35,080
halos sapat lang ang nakukuha ni Wa Chini.
193
00:21:40,400 --> 00:21:42,640
Ang tagtuyot sa Serengeti
194
00:21:43,200 --> 00:21:45,640
ay katumbas ng tuluy-tuloy na taggutom.
195
00:21:52,040 --> 00:21:53,880
Pero malapit na itong magbago.
196
00:21:55,560 --> 00:21:57,280
Nahila na ng araw ang lahat
197
00:21:57,360 --> 00:22:00,320
ng halumigmig papunta sa langit.
198
00:22:05,080 --> 00:22:06,560
At anuman ang umakyat
199
00:22:07,880 --> 00:22:11,120
ay babagsak din kalaunan.
200
00:22:14,680 --> 00:22:17,440
Uulanin ang buong kaparangan
201
00:22:18,360 --> 00:22:20,880
at tatapusin ang tagtuyot.
202
00:22:26,640 --> 00:22:28,360
Habang nawawala ang mga ulap,
203
00:22:29,960 --> 00:22:31,880
magkakaroon ng kaunting pag-asa.
204
00:22:44,120 --> 00:22:47,400
Hindi mapapakain
ng iisang damo ang pamilya ni Wa Chini,
205
00:22:49,920 --> 00:22:54,600
pero sa kaloob-looban ng mga selyula nito
ay naroon ang sagot sa kagutuman nila.
206
00:23:06,520 --> 00:23:09,080
Dito, may nakatagong mundo.
207
00:23:15,000 --> 00:23:18,280
Ang mga microscopic na stack
na tinatawag na grana
208
00:23:18,800 --> 00:23:20,800
ay nabibilad sa init ng araw.
209
00:23:32,800 --> 00:23:37,600
Nababalutan ang ibabaw nito ng gubat
ng maliliit na protinang umaani ng liwanag
210
00:23:38,880 --> 00:23:42,720
na kumukuha ng enerhiya
mula sa pinakamalapit na bituin sa atin.
211
00:23:47,800 --> 00:23:50,760
Puno ang mga ito
ng berdeng pigment na chlorophyll,
212
00:23:52,400 --> 00:23:55,040
na sumisipsip ng sinag ng araw.
213
00:24:00,000 --> 00:24:02,240
Sa mahika ng photosynthesis,
214
00:24:12,640 --> 00:24:15,200
humahalo ang tubig sa carbon dioxide,
215
00:24:18,320 --> 00:24:21,360
at nagiging asukal ang mga sinag ng araw.
216
00:24:38,440 --> 00:24:43,160
Sa loob lang ng ilang araw, ang dating
tuyong parang ay naging berde na.
217
00:24:51,480 --> 00:24:55,560
Bilyun-bilyong damo na ang nagbibilad
sa tuluy-tuloy na sikat ng araw.
218
00:25:00,480 --> 00:25:04,960
At naitatanim sa kalupaan
ang enerhiya ng universe.
219
00:25:10,400 --> 00:25:11,760
Isa lang ang problema.
220
00:25:14,480 --> 00:25:17,000
Hindi kumakain ng damo ang mga cheetah.
221
00:25:22,920 --> 00:25:25,800
Pero sa malayong kakahuyan sa hilaga,
222
00:25:27,080 --> 00:25:31,080
may mga hayop na kumakain ng damo.
223
00:25:34,080 --> 00:25:36,080
Daan-daang libo sila.
224
00:25:38,880 --> 00:25:40,120
Mga wildebeest.
225
00:25:43,120 --> 00:25:46,120
Malalapad ang bibig, pleksible ang labi,
226
00:25:46,760 --> 00:25:48,320
at apat ang stomach nila
227
00:25:49,040 --> 00:25:51,920
na angkop para kumain ng damo.
228
00:26:01,080 --> 00:26:03,880
Palaging kumikilos
ang malalaking kawan na ito
229
00:26:05,800 --> 00:26:07,640
sa paghahanap ng sariwang damo.
230
00:26:11,000 --> 00:26:14,080
Para mahanap ang damo,
sinusundan nila ang ulan.
231
00:26:17,800 --> 00:26:19,640
Katulad nating lahat, sila ay
232
00:26:21,240 --> 00:26:22,320
itinutulak ng gutom.
233
00:26:32,000 --> 00:26:34,720
Pero kung may isang
patakaran man sa Serengeti,
234
00:26:36,200 --> 00:26:39,080
iyon ay hindi madaling
makakuha ng pagkain.
235
00:26:48,000 --> 00:26:49,480
Ang Ilog Mara.
236
00:26:52,120 --> 00:26:55,160
Tahanan ng ilan sa
pinakamalalaking buwaya sa mundo.
237
00:26:59,080 --> 00:27:00,840
Malaking balakid ito
238
00:27:00,920 --> 00:27:04,080
sa paghahanap ng wildebeest
ng mahalagang enerhiya.
239
00:27:16,160 --> 00:27:17,640
Sa Timog,
240
00:27:17,720 --> 00:27:22,400
inilalaan ni Wa Chini ang bawat sandali
sa paghahanap ng makakain.
241
00:27:33,000 --> 00:27:36,000
Pagkatapos ng anim na buwang
pagtitiis sa kakaunting makakain,
242
00:27:37,680 --> 00:27:40,160
lumaki na ang isa sa mga supling niya.
243
00:27:47,720 --> 00:27:50,760
At natututo na ring mangaso.
244
00:27:57,000 --> 00:28:01,200
Pero hindi na makita ang isa pang supling.
245
00:28:07,400 --> 00:28:10,800
Limang porsyento lang
ng mga supling na cheetah ang tumatanda.
246
00:28:13,680 --> 00:28:17,600
Karamihan ay nakakain
ng mga gutom na leon at hyena.
247
00:28:25,200 --> 00:28:28,880
Hindi pa rin garantisado
ang kinabukasan ng supling na ito.
248
00:28:32,880 --> 00:28:36,000
Kahit nakakatakam
at napakalapit na ng enerhiya.
249
00:28:42,400 --> 00:28:44,640
Ang mga wildebeest naman, na nakatipon
250
00:28:45,240 --> 00:28:48,160
sa tabing-ilog ng Mara, ay wala nang
magawa kundi umabante.
251
00:28:52,080 --> 00:28:55,160
Pero kailangang may mauna.
252
00:29:34,880 --> 00:29:37,080
Isa't kalahating milyong wildebeest
253
00:29:38,040 --> 00:29:40,560
ang naglalakbay nang ganito taun-taon.
254
00:29:44,280 --> 00:29:48,560
At dito, ang labanan sa pagitan
ng paggamit at pagkonsumo ng enerhiya…
255
00:29:50,680 --> 00:29:52,680
ay mangyayari nang malawakan.
256
00:30:08,120 --> 00:30:10,240
Para sa mga masuwerteng nakakatawid,
257
00:30:12,400 --> 00:30:14,000
simula pa lang ito.
258
00:30:23,200 --> 00:30:26,240
Kailangan naman nilang
maglakbay nang daan-daang kilometro,
259
00:30:27,800 --> 00:30:28,800
araw-gabi,
260
00:30:30,040 --> 00:30:31,720
nang mahigit dalawang buwan…
261
00:30:34,200 --> 00:30:36,280
para makarating sa madamong parang.
262
00:30:48,600 --> 00:30:52,400
Masugid na inaabangan ni Wa Chini
ang pagdating ng wildebeest,
263
00:30:53,920 --> 00:30:58,080
pero may isa pang migration
na nangyayari, na kritikal
264
00:30:58,160 --> 00:31:00,600
sa pagkabuhay ng parehong hayop.
265
00:31:03,840 --> 00:31:08,360
Ito ang paglalakbay
sa 'di maipaliwanag na layo at panahon.
266
00:31:11,640 --> 00:31:12,720
At kung wala ito,
267
00:31:13,240 --> 00:31:17,040
magugutom ang bawat nilalang sa Serengeti.
268
00:31:24,200 --> 00:31:26,200
Sa ubod ng ating araw,
269
00:31:26,280 --> 00:31:28,720
nagbabangaan at nagkakaisa ang mga atomo,
270
00:31:29,360 --> 00:31:34,360
at inilalabas at pumupulandit
ang mga photon.
271
00:31:38,800 --> 00:31:41,400
Ang maliliit na pakete ng liwanag na ito
272
00:31:42,160 --> 00:31:44,000
ay walang mass
273
00:31:44,080 --> 00:31:46,080
at naglalakbay na kasimbilis ng liwanag.
274
00:31:47,800 --> 00:31:51,080
Pero sa loob ng napakasiksik na ubod,
275
00:31:51,160 --> 00:31:55,080
ang mga ito ay pinipigilan,
sinisipsip, ikinakalat.
276
00:31:58,200 --> 00:32:00,920
Ang biyaheng dapat dalawang segundo lang
277
00:32:02,160 --> 00:32:03,960
ay umaabot ng milyong taon.
278
00:32:10,960 --> 00:32:15,080
Nakakalula at napakahirap
ng proseso para makalabas sa araw.
279
00:32:20,000 --> 00:32:23,400
Pero unti-unting umaangat ang mga photon
280
00:32:25,200 --> 00:32:27,680
pataas, lampas sa mga layer ng araw
281
00:32:29,640 --> 00:32:31,880
papunta sa napakainit nitong ibabaw,
282
00:32:34,480 --> 00:32:37,200
kung saan mapapakawalan na ang mga ito.
283
00:32:40,680 --> 00:32:43,360
Kumakalat sila sa lahat ng direksyon…
284
00:32:45,640 --> 00:32:46,880
bilang starlight.
285
00:32:53,720 --> 00:32:57,200
Naglalakbay nang 150 milyong kilometro
286
00:32:57,280 --> 00:32:59,800
sa loob lamang ng mahigit walong minuto.
287
00:33:04,880 --> 00:33:06,640
Dumarating sa tamang oras…
288
00:33:09,160 --> 00:33:12,760
para tagpuin ang wildebeest
sa pagtatapos ng paglalakbay nila.
289
00:33:16,400 --> 00:33:19,440
Bawat damo ay sumisipsip
290
00:33:19,520 --> 00:33:22,760
ng
sampung kwadrilyong photon kada segundo,
291
00:33:27,880 --> 00:33:29,920
para makakuha ng sapat na enerhiya
292
00:33:31,200 --> 00:33:33,360
para mapakain ang mga kawan.
293
00:33:43,720 --> 00:33:44,640
Mula sa bituin…
294
00:33:47,600 --> 00:33:48,560
patungo sa damo…
295
00:33:52,280 --> 00:33:53,600
patungo sa wildebeest,
296
00:33:59,720 --> 00:34:03,040
binibigyan sila ng sikat ng araw
ng kapangyarihang gumalaw…
297
00:34:04,640 --> 00:34:05,480
lumaki…
298
00:34:07,760 --> 00:34:08,880
at magparami.
299
00:34:17,160 --> 00:34:20,200
At habang mas matagal silang
kumakain sa parang,
300
00:34:21,040 --> 00:34:24,120
mas matagal silang
magiging available para makain.
301
00:34:39,880 --> 00:34:44,680
Sa wakas, may masustansya, masarap,
302
00:34:45,200 --> 00:34:47,600
at maraming enerhiya na sa malapit.
303
00:34:55,800 --> 00:34:58,160
Pero dahil tatlong milyong mata
ang nakabantay,
304
00:35:01,800 --> 00:35:03,880
kailangang kumilos
nang mabilis ni Wa Chini.
305
00:35:06,560 --> 00:35:09,320
Mabuti na lang at isa siyang cheetah.
306
00:35:59,240 --> 00:36:03,080
Sa wakas, makakakain na
si Wa Chini ng starlight.
307
00:36:26,040 --> 00:36:27,480
Sa bawat kagat,
308
00:36:27,560 --> 00:36:30,840
pumapasok ang mga protina at taba
na siksk ng cosmic na enerhiya
309
00:36:31,760 --> 00:36:33,680
sa daluyan ng dugo ni Wa Chini.
310
00:36:39,840 --> 00:36:44,360
Ang huling desintasyon nito ay
ang cellular power plants ng katawan niya.
311
00:36:45,520 --> 00:36:46,720
Ang mitochondria.
312
00:36:49,080 --> 00:36:52,720
Kung saan nagaganap
ang huling transpormasyon.
313
00:37:00,840 --> 00:37:04,640
Sa loob ng bawat mitochondrion
ay may sumasabog na lupain.
314
00:37:08,720 --> 00:37:13,000
Napakaraming umaalon na membrane
na may kumplikadong chemistry.
315
00:37:15,080 --> 00:37:19,360
Dito nagre-react ang pagkaing
puno ng enerhiya sa oxygen
316
00:37:20,160 --> 00:37:22,240
at sa wakas ay napaghihiwa-hiwalay…
317
00:37:28,680 --> 00:37:30,920
at direktang inilalabas
ang enerhiya ng universe
318
00:37:31,440 --> 00:37:34,200
sa mga selyula ni Wa Chini.
319
00:37:38,440 --> 00:37:41,160
Pinatatakbo ang bawat aksyon at pag-iisip.
320
00:37:41,920 --> 00:37:43,640
Ang bawat kilos.
321
00:37:51,160 --> 00:37:54,200
Kumpleto na ang paglalakbay
mula sa bituin papunta sa selyula.
322
00:37:59,000 --> 00:38:01,440
Ang enerhiyang minsang
nagpaliwanag sa universe
323
00:38:02,560 --> 00:38:06,000
ay nagbibigay na kina Wa Chini
at sa supling niya ng buhay.
324
00:38:18,920 --> 00:38:20,200
Sa panahon ng tagsibol,
325
00:38:21,160 --> 00:38:22,880
alaala na lang ang kagutuman.
326
00:38:32,880 --> 00:38:36,920
Patuloy na natatransporma
ang enerhiya sa buong Serengeti.
327
00:38:41,320 --> 00:38:43,960
Ipinapasa sa pagitan ng mga buhay.
328
00:38:45,640 --> 00:38:47,880
Pinalulusog ang buong ecosystem.
329
00:38:51,400 --> 00:38:54,320
Ang araw ang pinakamalaking tagapagbigay.
330
00:38:55,600 --> 00:38:58,160
Lahat ng bagay ay kumakain ng starlight.
331
00:39:03,680 --> 00:39:07,320
Ang problema, walang makain ang araw.
332
00:39:10,920 --> 00:39:12,920
At sa loob ng limang bilyong taon,
333
00:39:13,640 --> 00:39:15,480
mauubusan na ito ng panggatong.
334
00:39:19,840 --> 00:39:21,560
At sa pagbagsak ng ubod nito,
335
00:39:22,520 --> 00:39:24,000
lalaki ang araw…
336
00:39:26,680 --> 00:39:28,240
at magiging red giant…
337
00:39:31,520 --> 00:39:36,480
at lalamunin
ang planetang Mercury at Venus.
338
00:39:41,800 --> 00:39:44,080
Habang lumalaki ito papalapit sa Earth,
339
00:39:44,720 --> 00:39:48,080
babasagin ng matinding gravity
ang ating buwan.
340
00:40:02,280 --> 00:40:05,600
Mag-iiwan ito ng ring
ng mga bato ng buwan sa palibot ng Earth.
341
00:40:10,480 --> 00:40:13,560
Hindi pa alam
ang kahahantungan ng planeta natin.
342
00:40:18,440 --> 00:40:21,720
Pero magkakaroon
ng huling pagsikat ng araw…
343
00:40:25,640 --> 00:40:28,600
bago sumabog ang panlabas na layer
ng ating bituin,
344
00:40:30,320 --> 00:40:32,360
at hihinga ito sa huling pagkakataon.
345
00:40:40,040 --> 00:40:43,840
Ang tanging matitira
ay isang mapusyaw na baga.
346
00:40:44,960 --> 00:40:46,560
Isang white dwarf,
347
00:40:46,640 --> 00:40:48,600
na halos kasinlaki lang ng Earth,
348
00:40:49,280 --> 00:40:52,120
at napapalibutan ng maliwanag na ulap.
349
00:40:55,400 --> 00:40:57,200
Isang parola para sa universe.
350
00:40:58,120 --> 00:41:00,280
Nandito tayo noon.
351
00:41:04,360 --> 00:41:05,480
Pero sa ngayon,
352
00:41:06,360 --> 00:41:09,560
patuloy na sumisikat ang ating bituin…
353
00:41:12,960 --> 00:41:16,200
at magpapatuloy ito
nang ilang bilyong taon.
354
00:41:17,200 --> 00:41:18,600
Ang enerhiya nito
355
00:41:19,120 --> 00:41:22,160
ay mahalagang puwersa ng lahat ng buhay.
356
00:41:30,200 --> 00:41:32,240
Susunod sa kwento ng ating universe,
357
00:41:33,880 --> 00:41:35,640
ikaw man ay naglalagablab na bituin,
358
00:41:38,080 --> 00:41:39,760
o malaking black hole,
359
00:41:40,920 --> 00:41:43,960
o chimpanzee na natututo pa lang sa buhay,
360
00:41:44,040 --> 00:41:46,280
kailangan ng oras ng lahat ng bagay.
361
00:41:48,080 --> 00:41:51,920
Pero ano ba talaga ang alam mo
tungkol sa mahiwagang dimensyong ito?
362
00:41:53,200 --> 00:41:55,400
Bakit may nakaraan,
363
00:41:56,120 --> 00:41:58,720
kasalukuyan, at hinaharap ang lahat?
364
00:41:59,480 --> 00:42:00,800
At nandito pa rin kaya tayo
365
00:42:03,520 --> 00:42:04,640
kung walang oras?
366
00:42:36,880 --> 00:42:40,600
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Ivee Jade Tanedo