1
00:00:06,000 --> 00:00:09,680
Nung nakaraan, sa 29 na minutong
puno ng impormasyon,
2
00:00:09,760 --> 00:00:13,800
nakita natin kung paano nagtagumpay ang
sangkatauhan na buuin ang modernong mundo
3
00:00:13,880 --> 00:00:18,480
at makaimbento ng armas para gawin itong
puting lumiliyab at kumukulong pasabog.
4
00:00:18,560 --> 00:00:20,400
Pero isang parte lang 'yon ng kwento.
5
00:00:20,480 --> 00:00:22,480
Ang sumunod ay magsisimula na ngayon.
6
00:00:23,200 --> 00:00:24,400
Taong 1945.
7
00:00:24,480 --> 00:00:26,720
Kakasabog pa lang ng bombang atomika.
8
00:00:26,800 --> 00:00:28,880
May pagkawasak sa buong mundo.
9
00:00:28,960 --> 00:00:30,920
Ang pag-clone kay Hitler ay nagsimula na.
10
00:00:31,600 --> 00:00:33,560
Mukhang malabo ang kinabukasan,
11
00:00:33,640 --> 00:00:37,119
at palapit ng palapit,
gaya ng lagi nitong ginagawa.
12
00:00:38,120 --> 00:00:41,280
Pero ito'y magiging isang kinabukasan
na hindi pa nakikita ng mundo,
13
00:00:41,360 --> 00:00:44,000
isang kinabukasan
ng mga taong buwan at mga rakista,
14
00:00:44,080 --> 00:00:45,640
malalaking negosyo
at malayang pagmamahal,
15
00:00:45,720 --> 00:00:47,440
mga kompyuter at ang internet.
16
00:00:47,520 --> 00:00:50,520
At isang mamamatay na robot mula sa ibang
panahon upang patayin si Sarah Connor.
17
00:00:50,600 --> 00:00:52,880
Ngunit 'yon ay sa isang palabas lamang.
18
00:00:52,960 --> 00:00:55,120
Dumating na ang modernong sibilisasyon,
19
00:00:55,200 --> 00:00:58,600
ngunit ang sagupaan ng mga pananaw
ng mundo ay nangangahulugan na ang digmaan
20
00:00:58,680 --> 00:01:00,160
ay hindi nalalayo.
21
00:01:00,240 --> 00:01:03,720
Maaari ba tayong matulungan
ng mga makabagong komunikasyon na magkaisa
22
00:01:03,800 --> 00:01:05,720
o hindi ba ito posible?
23
00:01:05,800 --> 00:01:07,680
Dapat bang may dalawang social media?
24
00:01:07,760 --> 00:01:11,280
Alam mo 'yon, isa para sa mga taong tama,
at isa para sa mga taong mali?
25
00:01:11,360 --> 00:01:14,000
Alam ko, marami akong taong
nailagay sa may mali.
26
00:01:14,080 --> 00:01:15,240
Mga loko-loko.
27
00:01:15,320 --> 00:01:19,040
Kaya't samahan ninyo ako ngayon
sa huling yugto ng sangkatauhan
28
00:01:19,120 --> 00:01:23,400
at alamin kung paano tayo nakarating dito
at kung saan tayo patungo bukas,
29
00:01:23,480 --> 00:01:26,080
na sa oras ng paggawa
nitong palabas ay Miyerkules.
30
00:01:26,760 --> 00:01:29,880
Tuwing darating ang kinabukasan,
mangyayari ito rito,
31
00:01:29,960 --> 00:01:33,640
sa isang marupok na hiyas
na tinatawag nating Earth.
32
00:01:34,880 --> 00:01:36,800
Pero mukhang magulo talaga ang buhok ko.
33
00:01:48,360 --> 00:01:50,880
IKA-LIMANG EPISODE:
(MGA) DIGMAAN NG (MGA) DAIGDIG?
34
00:01:50,960 --> 00:01:53,800
Rusiya, isang malawak
na lupain sa silangan.
35
00:01:53,880 --> 00:01:56,720
Unang beses natin itong nabanggit
sa seryeng ito,
36
00:01:56,800 --> 00:01:58,920
pero nandiyan na 'yan noon pa.
37
00:02:00,200 --> 00:02:03,640
N'ong sa simula ng ika-20 na siglo,
ang Rusiya ay isang malaking imperyo,
38
00:02:03,720 --> 00:02:06,320
katulad ng kung ano
ang Marvel Cinematic Universe ngayon.
39
00:02:07,760 --> 00:02:09,840
Ang karaniwang Ruso ay isang magbubukid,
40
00:02:09,920 --> 00:02:13,680
na nangangarap
na maging isang lalaki na mayaman,
41
00:02:13,759 --> 00:02:16,840
dahil habang ang mga magbubukid
na Ruso ay namumuhay sa kahirapan,
42
00:02:16,920 --> 00:02:19,160
ang mga mayayaman naman
ay namumuhay sa St Petersburg.
43
00:02:19,840 --> 00:02:22,480
Ang nasa pinakatuktok na Ruso
ay nangangalang t'Sar Nicholas,
44
00:02:22,560 --> 00:02:25,040
na ang ibig sabihin
ay Haring Nicholas sa Ruso.
45
00:02:25,120 --> 00:02:27,720
Pinayagan siyang pamunuan
ang bansa na tulad ng isang diktador,
46
00:02:27,800 --> 00:02:31,840
ngunit sinabihan ako
na hindi na gan'on ang Rusiya ngayon.
47
00:02:31,920 --> 00:02:35,800
Ang isang mundong tulad nito, kung saan
ang masa'y nagpapagod para lang sa barya
48
00:02:35,880 --> 00:02:37,760
habang ang katiting
na piling tao ay yumayaman,
49
00:02:37,840 --> 00:02:42,080
ay talagang hindi patas
at 'di natin aakalain ngayon.
50
00:02:42,160 --> 00:02:45,440
'Di natin lubos maisip
kung paano ang buhay noon.
51
00:02:45,520 --> 00:02:48,040
Ang nakaisip
na isa itong malaking kalokohan
52
00:02:48,120 --> 00:02:50,360
ay ang pilosopo na Aleman na si Karl Marx.
53
00:02:50,440 --> 00:02:53,600
'Di masyado halata, pero kung
titingnan ninyong mabuti ang litrato,
54
00:02:53,680 --> 00:02:55,880
mapapansin ninyong may bigote siya.
55
00:02:55,960 --> 00:02:58,240
May isang bisyon din si Marx
56
00:02:58,320 --> 00:03:01,720
na isinulat niya sa isang librong
pinangalanang Ang Manipesto ng Komunista.
57
00:03:01,800 --> 00:03:04,240
Ngayon, isa ito sa mga librong
pinag-uusapan ng mga pantas,
58
00:03:04,320 --> 00:03:07,280
ngunit wala namang nagbabasa talaga,
tulad lang din ng ibang libro.
59
00:03:07,360 --> 00:03:10,160
Pero noon, bumenta ito at naging sikat
60
00:03:10,240 --> 00:03:15,080
sa mga 18 hanggang 35 na demograpiko,
na laban sa kapitalista.
61
00:03:15,160 --> 00:03:16,680
Ang isang Ruso na nakabasa ng librong ito
62
00:03:16,760 --> 00:03:19,400
ay ang lalaki na sa kasalukuyang
bumibida rito sa litrato,
63
00:03:19,480 --> 00:03:21,600
si Vladimir Ilyich John Lennon.
64
00:03:21,680 --> 00:03:24,280
Naisip ni Lennon ang isang mundong
walang may pagmamay-ari.
65
00:03:24,360 --> 00:03:25,960
Ewan ko lang kung kaya mo 'yon.
66
00:03:26,040 --> 00:03:29,080
Walang mapapatay o magsasakripisyo,
isang samahan ng sangkatauhan.
67
00:03:29,680 --> 00:03:32,640
At naisip niyang isakatuparan ito
sa isang marahas na pag-aalsa.
68
00:03:34,200 --> 00:03:36,400
Dumating ang pagkakataon niya noong 1917.
69
00:03:37,120 --> 00:03:38,360
Dahil sa kakulangan ng mga pagkain,
70
00:03:38,440 --> 00:03:41,640
nagkagulo ang mga tao dahil
sa tinapay, gaya ng mga pato.
71
00:03:42,320 --> 00:03:45,040
Nag-hack si Lennon at ang kaniyang
mga samahan sa Winter Palace
72
00:03:45,120 --> 00:03:47,440
at nag-upload
ng isang gobyernong komunista.
73
00:03:48,560 --> 00:03:50,680
Pinalitan ng Rusiya
ang pangalan nito at naging USSR,
74
00:03:50,760 --> 00:03:53,200
o kaya minsan ay CCCP.
75
00:03:54,360 --> 00:03:56,240
Ano ba ang Sobyet na Onion?
76
00:03:56,320 --> 00:03:58,840
Mali yata, mukhang ang tinutukoy mo
77
00:03:58,920 --> 00:04:00,840
ay ang Unyong Sobyet.
78
00:04:00,920 --> 00:04:03,560
Hindi, Onion 'yon.
Nakita ko sa isang papel kanina lang.
79
00:04:04,200 --> 00:04:07,080
Baka naman nagkamali lang sa pagbaybay
o 'di ka lang magaling magbasa,
80
00:04:07,160 --> 00:04:10,360
pero malamang na tinutukoy mo, sa usapang
kasaysayan, ay ang Unyong Sobyet,
81
00:04:10,440 --> 00:04:13,000
o kaya'y Unyon ng mga Republikang
Sosyalistang Sobyet.
82
00:04:13,080 --> 00:04:16,200
Mawalang-galang na,
pero medyo nag-mansplaining ka.
83
00:04:16,280 --> 00:04:18,800
Pwede bang tumutok tayo
sa usapang Sobyet na Onion, ha?
84
00:04:18,880 --> 00:04:21,200
-Sige.
-Ano ba talaga 'yon?
85
00:04:21,279 --> 00:04:23,959
Kung 'di mo alam, ayos lang.
Hindi naman kita huhusgahan.
86
00:04:24,040 --> 00:04:28,240
Bueno, kung gusto mong pag-usapan natin
87
00:04:28,320 --> 00:04:30,520
ay ang mga gulay
na Rusong Sobyet, pwede naman.
88
00:04:30,600 --> 00:04:32,680
Isa itong bansa na malalim sa agraryo.
89
00:04:32,760 --> 00:04:36,720
Kaya't marami itong mga sibuyas,
patatas, at mga iba pa.
90
00:04:36,800 --> 00:04:39,000
-Mayroon din ba silang singkamas?
-Maaari.
91
00:04:39,080 --> 00:04:42,840
Mura lang, mabilis tumubo,
matigas, masarap sa sabaw.
92
00:04:42,920 --> 00:04:45,960
Bakit ang dami mong alam
patungkol sa mga gulay?
93
00:04:46,040 --> 00:04:47,440
Mayroon ka bang mga pinaglaanan?
94
00:04:49,040 --> 00:04:51,000
Noong 1924, umalis si Lennon sa banda
95
00:04:51,080 --> 00:04:55,440
upang makapunta sa kabilang-buhay
na 'di naman niya pinaniniwalaan.
96
00:04:55,520 --> 00:04:58,320
Ang pumalit kay Lennon
ay si Joseph Stalin,
97
00:04:58,400 --> 00:05:00,560
na namuno sa isang walang-awang paguusig
98
00:05:00,640 --> 00:05:03,760
na pumatay, ginutom
at nagpalayas ng milyon na katao.
99
00:05:03,840 --> 00:05:06,440
Bagaman, mabuti na lang,
mayro'n siyang magandang bigote.
100
00:05:10,240 --> 00:05:12,960
Ang komunismo at kapitalismo
ay mga natural na magkaaway,
101
00:05:13,040 --> 00:05:15,280
gaya ng mga lalaki't babae
at mga aso't pusa.
102
00:05:15,360 --> 00:05:18,640
Ngunit isinantabi muna ng Rusiya
at Amerika ang kanilang 'di pagkakasundo,
103
00:05:18,720 --> 00:05:21,880
salamat sa pareho nilang interes na manalo
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
104
00:05:23,040 --> 00:05:27,960
Ang katapusan ng WWII ay nagdulot
ng mga kasiyahan sa nakaitim at puti
105
00:05:28,040 --> 00:05:31,080
nang talikuran na ng mga tao
ang mga taon ng tunggalian at kahirapan.
106
00:05:31,760 --> 00:05:36,520
Pero sa likod nitong selebrasyon ng
sinaunang panahon, may nagsisimulang gulo.
107
00:05:37,320 --> 00:05:40,000
Ngayong nawalan na sila
ng mga kalaban na pasasabugin,
108
00:05:40,080 --> 00:05:42,800
ang Silangan at Kanluran
ay naghihinala na sa isa't isa.
109
00:05:42,880 --> 00:05:45,600
Dito naman nagsimula
ang panibagong tunggalian,
110
00:05:45,680 --> 00:05:47,040
ang Malamig na Digmaang Pandaigdig.
111
00:05:48,480 --> 00:05:51,160
Ang Malamig na Digmaang Pandaigdig
ay medyo komplikado, 'di ba?
112
00:05:51,240 --> 00:05:54,080
Dapat pa ba natin banggitin ito rito
113
00:05:54,160 --> 00:05:56,400
o palampasin na lang natin?
114
00:05:57,280 --> 00:05:59,560
Malaking bahagi ito ng ika-20 na siglo,
115
00:05:59,640 --> 00:06:01,360
kaya sa tingin ko dapat isama mo ito.
116
00:06:01,440 --> 00:06:02,720
Ah, oo nga. Sige.
117
00:06:03,800 --> 00:06:06,160
Habang lumalaki na ang Unyong Sobyet,
118
00:06:06,240 --> 00:06:09,480
ang poot sa pagitan
ng Silangan at Kanluran ay lumalim.
119
00:06:09,560 --> 00:06:13,040
Ang dibisyon ay sinasagisag sa pamamagitan
ng paggawa sa Berlin Wall,
120
00:06:13,120 --> 00:06:15,160
isang klase ng diborsyo
na gawa sa mga ladrilyo.
121
00:06:15,960 --> 00:06:18,440
Nagkaroon ng matinding kawalan
ng tiwala sa paligid,
122
00:06:18,520 --> 00:06:21,440
tulad ng ex ko noong nakita kong
mayroon siyang 28 na miscall
123
00:06:21,520 --> 00:06:24,360
mula sa nagngangalang
"Suso Claudia" sa kaniyang telepono.
124
00:06:24,920 --> 00:06:27,560
Pinagdiinan niyang
tauhan lang ito sa Fitness First
125
00:06:27,640 --> 00:06:29,280
at 'yon daw ang tunay niyang pangalan.
126
00:06:29,360 --> 00:06:30,600
Pasensiya ka na, Sean.
127
00:06:30,680 --> 00:06:32,760
'Di ako naniwala noon,
at ganoon pa rin ngayon.
128
00:06:32,840 --> 00:06:33,880
Sana mabuti lagay ng ina mo.
129
00:06:35,440 --> 00:06:38,520
Nagkaroon ng matinding paranoya
ang Silangan at Kanluran,
130
00:06:38,600 --> 00:06:42,560
kaya't ine-espiya nila ang isa't isa at
kumolekta ng mga armas na nuklear
131
00:06:42,640 --> 00:06:45,480
at lumaban sa mga sunod-sunod
na proxy na digmaan.
132
00:06:45,560 --> 00:06:48,840
Ang Rusiya at Amerika
ay may mga proxy na digmaan
133
00:06:48,920 --> 00:06:51,320
kung saan gumamit sila
ng mga ibang bansa para maglaban.
134
00:06:51,400 --> 00:06:54,560
'Di ba para ka naring pumili
ng tauhan para lumaban
135
00:06:54,640 --> 00:06:56,040
sa Street Fighter II?
136
00:06:57,000 --> 00:06:59,840
Sa loob ng kasaysayan ng tao,
naging kaugalian na rin
137
00:06:59,920 --> 00:07:02,840
na sumubok gumamit ng mga ibang puwersa,
138
00:07:02,920 --> 00:07:06,480
mga manlalaban mula sa ibang lupain
upang tulungan sila sa laban.
139
00:07:06,560 --> 00:07:09,760
Tama. Parang Street Fighter nga mismo.
140
00:07:09,840 --> 00:07:12,320
Kung ito'y Street Fighter II
141
00:07:12,400 --> 00:07:15,000
at ang mga Amerikano
ay pinili ang manlalaban na si Ken,
142
00:07:15,080 --> 00:07:19,040
pipiliin din ba ng mga Ruso si Zangief
dahil nanggaling siya sa Unyong Sobyet?
143
00:07:19,120 --> 00:07:21,800
O mas pipiliin ba nila si Dhalsim?
144
00:07:21,880 --> 00:07:23,280
Siyempre, mas pipiliin siya
145
00:07:23,360 --> 00:07:26,320
kasi kaya niyang sumipa
sa ibaba ng mga bolang apoy ni Ken.
146
00:07:27,800 --> 00:07:29,960
Hindi ko alam.
Sa tingin ko, pwede mong tanungin
147
00:07:30,040 --> 00:07:33,560
si Presidente Putin
para malaman ang tiyak na kasagutan diyan.
148
00:07:33,640 --> 00:07:37,120
Malamang pipiliin nila
ang mga taong mas may tyansa
149
00:07:37,200 --> 00:07:39,440
na talunin si Ken.
150
00:07:39,520 --> 00:07:42,760
Samantala, ang Silangan at Kanluran
ay nakikipagkumpitensiya rin
151
00:07:42,840 --> 00:07:45,680
upang maging unang
makatuklas sa mga bituin.
152
00:07:45,760 --> 00:07:47,960
Ang tunggalian ay nakilala
bilang Unahan sa Kalawakan
153
00:07:48,040 --> 00:07:50,760
dahil ito'y magkatunog,
kahit na 'di ito sa salitang Ruso.
154
00:07:50,840 --> 00:07:52,760
'Di namin alam
kung ganito nga, sa totoo lang,
155
00:07:52,840 --> 00:07:55,480
dapat inalam muna namin bago
na-record itong bahaging ito.
156
00:07:56,520 --> 00:07:59,880
Ang mga unang paglulunsad ay kinonsiderang
mga matinding kabiguan noon,
157
00:07:59,960 --> 00:08:02,040
pero ngayon
pwede pala siyang gawing palabas
158
00:08:02,120 --> 00:08:03,560
kapag sinamahan ng kaunting jazz.
159
00:08:15,960 --> 00:08:18,000
Ngayon, may bagong buwan sa langit,
160
00:08:18,080 --> 00:08:21,720
isang 23-pulgadang metal na globo na
dinala sa orbit ng isang Rusong rocket.
161
00:08:21,800 --> 00:08:23,680
Sa wakas, noong 1957,
162
00:08:23,760 --> 00:08:27,480
ang mga Ruso ang kauna-unahang
nakapaglunsad ng matagumpay.
163
00:08:27,560 --> 00:08:30,200
Bakit inilunsad ng mga Ruso
ang Spunk sa orbit?
164
00:08:30,960 --> 00:08:33,040
Una sa lahat,
'pag babasahin mo ang salitang Ruso,
165
00:08:33,120 --> 00:08:35,280
ang pangalan ng kauna-unahang satellite
sa mundo ay Sputnik 1.
166
00:08:35,360 --> 00:08:36,360
DIREKTOR
167
00:08:36,440 --> 00:08:39,039
-Ang mga Ruso ang naglunsad…
-'Yon ba ay salitang Ruso para sa "Spunk"?
168
00:08:39,120 --> 00:08:41,919
Hindi, ito'y salitang Ruso
para sa "manlalakbay."
169
00:08:42,000 --> 00:08:45,320
Siguro ang mga kahoy sa orbit
ay lulutang-lutang lang
170
00:08:45,400 --> 00:08:46,559
tulad sa tubig.
171
00:08:47,280 --> 00:08:49,280
Pasensiya na. Palitan ko ba ang paksa?
172
00:08:50,160 --> 00:08:53,840
Kasunod sa yapak ng Sputnik
ay ang asong pangkalawakan ng Sobyet,
173
00:08:53,920 --> 00:08:58,720
na nangangalang Laika, at itinapon
sa kalawakan noong Nobyembre 1957.
174
00:08:58,800 --> 00:09:00,680
Ano nangyari kay Laika?
175
00:09:00,760 --> 00:09:04,680
Malamang binigyan siya ng buto
at kinuskos ang tiyan pagkabalik niya.
176
00:09:04,760 --> 00:09:07,520
Sa kasamaang palad,
si Laika ay hindi nakabalik sa Earth,
177
00:09:07,600 --> 00:09:09,760
dahil matapos ang paglunsad,
sa sobrang init,
178
00:09:09,840 --> 00:09:13,480
pumanaw ang kaniyang buhay
makalipas ang ilang oras ng paglunsad.
179
00:09:13,560 --> 00:09:15,040
Nagbibiro ka ba?
180
00:09:15,120 --> 00:09:16,960
Sana nga. Pero hindi, ito ay…
181
00:09:17,040 --> 00:09:20,360
Inilunsad siya sa isang paglipad
na siguradong walang balikan.
182
00:09:20,440 --> 00:09:22,080
May patay na aso sa kalawakan?
183
00:09:22,160 --> 00:09:25,440
Eh 'di malamang may patay
na aso sa likod ng kuwadro
184
00:09:25,520 --> 00:09:28,160
ng bawat kuha ng mga palabas
sa kalawakan, tulad ng Star Wars?
185
00:09:28,240 --> 00:09:31,040
-Hindi naman siguro…
-May patay na aso sa Star Wars?
186
00:09:31,720 --> 00:09:33,320
Hindi 'yon katanggap-tanggap.
187
00:09:33,400 --> 00:09:37,360
Ang satellite ni Laika
ay nasunog sa atmospera ng Earth,
188
00:09:37,440 --> 00:09:39,240
ngunit ito'y matapos siyang pumanaw.
189
00:09:39,320 --> 00:09:43,520
Tulad ng sinabi ko, namatay siya
makalipas ng mga ilang oras ng paglunsad,
190
00:09:43,600 --> 00:09:45,400
-dahil sa sobrang init.
-Pwede ba magkaroon…
191
00:09:45,480 --> 00:09:46,800
ng minutong katahimikan
para kay Laika?
192
00:09:58,960 --> 00:09:59,920
Sige.
193
00:10:06,520 --> 00:10:08,120
May patay na aso sa kalawakan.
194
00:10:09,040 --> 00:10:13,240
Malayo sa Unahan sa Kalawakan,
araw-araw na naghihirap ang mga Ruso,
195
00:10:13,320 --> 00:10:15,160
habang sa kabilang dako, ang mga Amerikano
196
00:10:15,240 --> 00:10:19,080
ay mukhang nagsasaya sa buhay
nilang magarbo at mga naka-sumbrero.
197
00:10:19,160 --> 00:10:21,200
Totoo bang nangyari ang 1950?
198
00:10:22,400 --> 00:10:24,560
Oo, totoong totoo.
199
00:10:24,640 --> 00:10:28,160
Sigurado ba tayo? Kasi mukhang gawa-gawa
lang kung titingnan mo.
200
00:10:28,240 --> 00:10:32,600
Puro mga kalalakihan na nakasumbrero,
at mga asawang nakangiti sa kusina.
201
00:10:32,680 --> 00:10:36,960
Mga totoong tao ba ang mga 'yon
at talaga bang nangyari 'yon?
202
00:10:37,040 --> 00:10:39,560
Karamihan sa mga nakita mo
ay mula sa mga patalastas.
203
00:10:39,640 --> 00:10:44,840
Ang '55 Chevrolet ay mas mababa,
mas magaan, at mas mukhang mahaba.
204
00:10:45,520 --> 00:10:49,920
Ang pinakasikat na palabas sa telebisyon
noong 1950 ay ang tinatawag na Adverts.
205
00:10:50,000 --> 00:10:53,440
Ang Adverts ay patungkol sa isang lalaki
o babae na may nagustuhan
206
00:10:53,520 --> 00:10:55,840
at binili niya ito at nagiging masaya,
207
00:10:55,920 --> 00:10:59,400
ang unang halimbawa ng tatlong-aktong
istraktura ng pagsasalaysay.
208
00:10:59,480 --> 00:11:02,240
-Aba, ayos 'yan ah!
-Tama.
209
00:11:02,320 --> 00:11:04,680
Ang Adverts ay napaka-maimpluwensiya,
210
00:11:04,760 --> 00:11:07,160
kaya't nais din ng mga manonood
sa bahay na maging isang tao
211
00:11:07,240 --> 00:11:08,560
na bumibili ng mga gamit din.
212
00:11:09,360 --> 00:11:12,160
Magta-trabaho sila ng mabuti
upang makabili ng kotse
213
00:11:12,240 --> 00:11:14,880
para makapunta sa mga tindahan
at bumili pa ulit ng ibang bagay,
214
00:11:14,960 --> 00:11:17,760
na kailangan nilang bayaran
sa pamamagitan ng pagbalik sa trabaho,
215
00:11:17,840 --> 00:11:19,000
na ikakalungkot naman nila.
216
00:11:19,080 --> 00:11:22,480
Kaya't magpapakasigla sila sa pamamagitan
ng pagbili pa ng mas maraming gamit
217
00:11:22,560 --> 00:11:23,960
na kailangan nilang pagtrabahuan
para mabayaran.
218
00:11:24,040 --> 00:11:27,320
-Aba, ayos 'yan!
-Tama.
219
00:11:27,400 --> 00:11:29,240
Ang tanging panahon lang
kung saan 'di sila nagtatrabaho o bumibili
220
00:11:29,320 --> 00:11:31,560
ay tuwing sila ay nanonood ng TV.
221
00:11:31,640 --> 00:11:34,960
At dito rin sa tv
nagmula ang bagong klase ng kultura,
222
00:11:35,040 --> 00:11:36,120
ang sikat na kultura.
223
00:11:36,200 --> 00:11:39,320
'Di tulad ng karaniwang kultura, tulad
ng mga pintang larawan at si Beethoven,
224
00:11:39,400 --> 00:11:41,800
ito naman ay mga bagay
na talagang ikinatutuwa ng mga tao.
225
00:11:42,560 --> 00:11:47,080
Sa ilang dekada, ang mga Itim na musikero
ay inaangat ang gawa ng isa't isa
226
00:11:47,160 --> 00:11:49,680
upang mabuo ang mas kapana-panabik
na bagong anyo ng tugtugin
227
00:11:49,760 --> 00:11:51,920
para naman may aangkinin daw ang mga Puti.
228
00:11:52,000 --> 00:11:56,080
Bakit sinasabi ng iba na iniangkop daw
ni Elvis Presley ang tugtuging Puti?
229
00:11:57,040 --> 00:11:57,920
Wala nagsasabi niyon.
230
00:11:58,000 --> 00:12:01,800
Ang sinasabi nila
ay iniangkop niya ang musikang Itim.
231
00:12:01,880 --> 00:12:06,760
Siya ay isang Puti na kumakanta
ng tugtugin na galing sa mga Itim.
232
00:12:06,840 --> 00:12:09,880
Humingi ba siya ng tawad sa social media?
233
00:12:09,960 --> 00:12:12,440
Hindi, kasi wala pang social media noon.
234
00:12:12,520 --> 00:12:14,440
Bakit 'di siya humingi ng tawad ngayon?
235
00:12:14,520 --> 00:12:16,640
Kasi patay na si Elvis.
236
00:12:16,720 --> 00:12:19,880
Eh 'di iniangkop niya ngayon
ang pamumuhay ng mga nasawi?
237
00:12:19,960 --> 00:12:21,640
Magnanakaw pala siya!
238
00:12:21,720 --> 00:12:25,080
Bilang isang nagtagumpay sa kahirapan
at problema sa balakang,
239
00:12:25,160 --> 00:12:27,040
si Elvis ay nakinabang
mula sa medyang pang-masa,
240
00:12:27,120 --> 00:12:31,760
na ipinalabas siya sa mga milyong manonood
ng may malinis na anyo.
241
00:12:31,840 --> 00:12:35,680
Bakit delikado ipakita
si Elvis mula baywang pababa?
242
00:12:36,480 --> 00:12:39,920
Nakahubad ba siya,
tulad ng isang manyak 'pag nasa Zoom?
243
00:12:40,520 --> 00:12:41,800
Hindi siya nakahubad.
244
00:12:41,880 --> 00:12:45,600
Ang hilig niyang igewang
ang kaniyang baywang sa medyo
245
00:12:45,680 --> 00:12:47,280
sekswal na paraan,
246
00:12:47,360 --> 00:12:51,640
at nag-aalala ang iba
na ang mga kabataang babae
247
00:12:51,720 --> 00:12:55,120
ay maaaring mag-init masyado
dahil kay Elvis.
248
00:12:55,200 --> 00:12:57,440
Masyado namang konserbatibo
ang mga tao noon, 'di ba?
249
00:12:57,520 --> 00:13:00,520
Kung nakita nila ang ari niya,
baka atakihin sila sa puso, tama?
250
00:13:01,240 --> 00:13:04,760
Malamang. Pero hindi naman
siguro lalabas 'yon sa medya.
251
00:13:05,880 --> 00:13:06,800
Diyos ko.
252
00:13:06,880 --> 00:13:07,960
Hindi biro 'yon.
253
00:13:08,640 --> 00:13:10,080
Ano'ng nakakatawa d'on?
254
00:13:10,160 --> 00:13:12,440
Kung nakita nila ang ari niya,
atakihin sila sa puso.
255
00:13:13,240 --> 00:13:14,640
Hindi biro ang mga gan'on.
256
00:13:14,720 --> 00:13:16,640
Pinag-uusapan natin
ang buhay ng mga tao rito.
257
00:13:17,720 --> 00:13:20,120
Sobrang delikado ang mga pasabog ni Elvis
258
00:13:20,200 --> 00:13:23,480
kaya pinadala siya sa US Army
upang magamit ng militar.
259
00:13:24,680 --> 00:13:27,000
'Di nakakapagtaka,
kung isasaalang-alang ang mga kaganapan.
260
00:13:28,040 --> 00:13:32,600
Ang Rusiya at Amerika ay bumubuo
ng maraming mga nuklear na armas,
261
00:13:32,680 --> 00:13:36,200
sapat na para wasakin
ang buong mundo ng paulit-ulit,
262
00:13:36,280 --> 00:13:37,840
sakaling kulang pa ang isang beses.
263
00:13:38,520 --> 00:13:41,360
Halos patungo na
sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig,
264
00:13:41,440 --> 00:13:45,760
at noong mga ika-'60,
nakatayo ito sa gilid ng bingit ng bangin
265
00:13:45,840 --> 00:13:48,480
at tumingin ng diretso
sa isang bangin na walang pagbabalik.
266
00:13:48,560 --> 00:13:49,640
Krisis.
267
00:13:50,200 --> 00:13:55,640
Ang nakakatakot na salitang ito ay biglang
nabuhay, sa mga dyaryo sa Amerika…
268
00:13:55,720 --> 00:13:59,200
Sa Cube at sa Krisis ng Misil,
alin ang mas delikado,
269
00:13:59,280 --> 00:14:02,000
ang mga cube o ang mga misil?
270
00:14:02,080 --> 00:14:05,400
Ang tinutukoy mo ay ang Kubanong Krisis
ng Misil, at ito'y patungkol sa Kuba,
271
00:14:05,480 --> 00:14:08,680
isang bansa sa baybayin
ng Estados Unidos, at malapit sa Florida.
272
00:14:08,760 --> 00:14:10,960
Hindi ba pangit na hugis
ang cube para sa isang misil?
273
00:14:11,040 --> 00:14:12,440
Para na siyang ladrilyo.
274
00:14:13,520 --> 00:14:17,720
Noong 1959, nagkaroon
ng himagsikan ang Komunista sa Kuba.
275
00:14:18,560 --> 00:14:21,520
Isang lalaking nagngangalang Fidel Castro
ang umangat sa kapangyarihan
276
00:14:21,600 --> 00:14:24,440
at agad nakipagkaibigan sa mga Ruso.
277
00:14:24,520 --> 00:14:27,280
At noong 1962, nadiskubre ng Amerika
278
00:14:27,360 --> 00:14:31,280
na ang mga Sobyet ay gagamitin ang Kuba
bilang base para sa mga misil na nuklear,
279
00:14:31,360 --> 00:14:34,960
at ang mga misil na 'yon ay pwedeng
umabot sa Florida sa loob ng 20 minuto,
280
00:14:35,040 --> 00:14:37,920
kung katamtaman ang hangin
at kung makakahanap ng mapaparadahan.
281
00:14:39,120 --> 00:14:42,360
Ang presidente ng Amerika
at modelong si John F. Kennedy
282
00:14:42,440 --> 00:14:44,800
ay nagdemanda sa mga Ruso
na alisin ang mga misil.
283
00:14:44,880 --> 00:14:46,720
Dahil kung hindi,
'di maiiwasan ang digmaan,
284
00:14:46,800 --> 00:14:48,640
o ang mas malala pa
ay maging posible talaga.
285
00:14:49,720 --> 00:14:52,120
Sa loob ng anim na araw,
hindi huminga ang mundo,
286
00:14:52,200 --> 00:14:55,720
at baka ikamatay pa nila ang kakulangan
ng hangin bago pa sumabog ang mga bomba.
287
00:14:56,600 --> 00:14:59,560
Sa katapusan, ang Sobyet
na Emperador na si Nikita Khrushchev
288
00:14:59,640 --> 00:15:02,040
ay umatras na parang kahiya-hiyang duwag,
289
00:15:02,120 --> 00:15:05,240
at ang mga misil niya
ay umuwing bahag ang mga buntot.
290
00:15:05,320 --> 00:15:07,760
Nagwagi si Kennedy.
291
00:15:07,840 --> 00:15:12,000
Si John F. Kennedy ang nagwagi
sa Kubanong Krisis ng Misil.
292
00:15:12,080 --> 00:15:14,720
Bakit niya binaril
ang sarili niya pagkatapos?
293
00:15:15,840 --> 00:15:18,440
Hindi naman. Nakipag-ayos siya
294
00:15:18,520 --> 00:15:23,080
sa pinuno ng Sobyet na si Nikita
Khrushchev tungkol sa Krisis ng Misil.
295
00:15:23,160 --> 00:15:27,600
At pagkatapos n'on
ay pinatay siya sa Dallas, Texas
296
00:15:27,680 --> 00:15:29,200
noong 1963, sa kasamaang palad.
297
00:15:29,280 --> 00:15:31,360
-Pero 'di siya ang nagpaputok ng baril.
-Tama.
298
00:15:31,440 --> 00:15:34,840
Balintuna lang talaga na nag-aalala siya
sa mga misil ng Kuba
299
00:15:34,920 --> 00:15:38,240
gayung sa isang baril mula sa Texas pala
siya dapat mas nag-alala.
300
00:15:38,920 --> 00:15:41,240
Malamang nagsisisi siya
matapos siyang barilin.
301
00:15:41,800 --> 00:15:43,360
Dahil naiwasan ang Armageddon,
302
00:15:43,440 --> 00:15:45,440
naghangad ang mundo sa pagbabago,
303
00:15:45,520 --> 00:15:48,840
at nagsilabasan ang mga kabataan
na gustong magkaroon ng kapayapaan.
304
00:15:48,920 --> 00:15:52,640
Ang mga bayani nila ay hindi mga politiko
kundi kontra-kultura na mga musikero
305
00:15:52,720 --> 00:15:54,560
na ang mga kanta'y
tumukoy sa kapanahunang iyon.
306
00:15:55,600 --> 00:15:59,000
Ang Rolling Stones
ay napakalaki noong mga 1960.
307
00:15:59,080 --> 00:16:02,680
Masasabi ba nating sila
ang mga Beatles ng panahon nila?
308
00:16:02,760 --> 00:16:04,560
Sa tingin ko sila ay magkapanahunan.
309
00:16:04,640 --> 00:16:06,200
KOMPOSITOR, PROPESOR NG MUSIKA
310
00:16:06,280 --> 00:16:09,480
Palaging may gitgitan
sa pagitan ng Stones at ng Beatles.
311
00:16:09,560 --> 00:16:12,960
Tama, pero ang Beatles
ay ang Elvis noong kapanahunan nila.
312
00:16:13,040 --> 00:16:15,400
Kaya may ekstrang Beatles pa.
313
00:16:16,120 --> 00:16:17,680
Masasabi rin ba 'yan sa Rolling Stones
314
00:16:17,760 --> 00:16:19,920
kahit na nangyayari ito ng magkasabay?
315
00:16:20,600 --> 00:16:23,920
Sa tingin ko, ang mga tao
ay may kanya-kanyang kagustuhan
316
00:16:24,000 --> 00:16:27,120
sa pagitan ng istilo ng Beatles
at istilo ng Stones.
317
00:16:27,200 --> 00:16:30,960
Sige. Pero alin sa mga Beatles
ang pinakamagaling?
318
00:16:31,040 --> 00:16:32,960
Beatles 1 o ang Beatles 2?
319
00:16:33,040 --> 00:16:35,280
-Mas pipiliin siguro ang Beatles 1.
-Beatles 1?
320
00:16:35,360 --> 00:16:37,000
O ang Beatles, ang unang… The Beatles.
321
00:16:37,760 --> 00:16:38,920
Sunod na tanong.
322
00:16:39,520 --> 00:16:43,960
Sa lahat ng mga banda noong 1960,
alin doon ang The Kinks?
323
00:16:46,000 --> 00:16:49,240
Samantala, ang Unahan sa Kalawakan
ay patuloy pa rin.
324
00:16:49,840 --> 00:16:52,440
Gumastos ng bilyong dolyares
ang NASA sa pagbuo ng rocket
325
00:16:52,520 --> 00:16:54,120
na kayang makarating sa buwan,
326
00:16:54,200 --> 00:16:57,320
pero 'di gan'on kalakas
para sumabog pagdating doon.
327
00:16:58,040 --> 00:17:01,600
Sakay nito sina Neil Armstrong, Alan Alda,
328
00:17:01,680 --> 00:17:04,280
at isa pang lalaki na ayaw magpakilala.
329
00:17:05,280 --> 00:17:09,480
Noong July 20, 1969, nanonood
sa telebisyon ang buong mundo
330
00:17:09,560 --> 00:17:11,200
upang makita kung sasabog ba ang buwan,
331
00:17:11,280 --> 00:17:13,040
at dahil na rin walang ibang palabas.
332
00:17:13,119 --> 00:17:14,640
UNANG LIVE NA MGA LITRATO MULA SA BUWAN
333
00:17:14,720 --> 00:17:17,359
Ang buong mundo ay maaaring namangha
334
00:17:17,440 --> 00:17:19,200
sa 'di magandang na kalidad ng video,
335
00:17:19,280 --> 00:17:21,599
na masasabing pangit pa rin
kahit noong panahon nila.
336
00:17:21,680 --> 00:17:22,800
Tingnan mo naman.
337
00:17:22,880 --> 00:17:26,319
Para silang lumipad sa isang malabong
dimensyon para kumuha ng video.
338
00:17:27,720 --> 00:17:30,119
Ito'y isang maliit
na hakbang para sa tao…
339
00:17:32,760 --> 00:17:35,520
isang malaking talon para sa sangkatauhan.
340
00:17:36,960 --> 00:17:39,080
Ang sagwa rin ng kalidad ng tunog,
341
00:17:39,160 --> 00:17:42,320
pero ang sinabi niya talaga ay,
"Isang maliit na hakbang sa tao,
342
00:17:42,400 --> 00:17:44,520
isang bionic na talon
para sa sangkatauhan,"
343
00:17:44,600 --> 00:17:46,680
sa gayon ay idineklara ang Buwan
para sa mga lalaki.
344
00:17:46,760 --> 00:17:50,120
Kaya hanggang sa ngayon, hindi pa rin
pinapapunta sa buwan ang mga kababaihan.
345
00:17:51,000 --> 00:17:54,160
Dahil sa paglapag sa buwan,
nakamit ng tao ang kadakilaan,
346
00:17:54,240 --> 00:17:57,720
nalagpasan ang mga hangganan ng mundo
at natuklasan mismo ang langit,
347
00:17:57,800 --> 00:17:59,800
kung ipapagpalagay nating
talagang nangyari ito.
348
00:18:00,360 --> 00:18:04,760
Maraming tao sa internet ang nagsasabing
peke raw ang paglapag sa buwan.
349
00:18:05,400 --> 00:18:07,000
Tama ba sila?
350
00:18:07,080 --> 00:18:09,080
Maling-mali.
351
00:18:09,160 --> 00:18:14,440
Walang mananalaysay ang nagduda patungkol
sa katotohanan ng Proyektong Apollo
352
00:18:14,520 --> 00:18:17,600
dahil wala kahit isang piraso
ng sinasabi nilang ebidensya
353
00:18:17,680 --> 00:18:19,680
na inilabas ng mga conspiracy theorists
354
00:18:19,760 --> 00:18:22,840
ay tumagal sa matinding pagsusuri
ng mga tao.
355
00:18:22,920 --> 00:18:24,160
Pero halata namang peke siya
356
00:18:24,240 --> 00:18:27,680
dahil paano sila lumapag sa buwan
kung hindi naman totoo ang buwan?
357
00:18:28,320 --> 00:18:30,680
Paano mo naman nasabing
'di totoo ang buwan, Philomena?
358
00:18:30,760 --> 00:18:33,320
Hindi nga. 'Di ko alam kung
gumawa ka ng sarili mong pananaliksik,
359
00:18:33,400 --> 00:18:37,040
pero ang kaibigan kong si Paul ay
may video na naglalantad ng buong bagay.
360
00:18:37,600 --> 00:18:39,480
Mapapatunayan mo bang totoo ang buwan?
361
00:18:40,560 --> 00:18:42,080
Hindi, 'di ba?
362
00:18:42,160 --> 00:18:44,120
Nakikita natin ito sa langit.
363
00:18:44,200 --> 00:18:46,240
Nakapagpadala tayo sa buwan
ng sasakyang pangkalawakan.
364
00:18:46,320 --> 00:18:48,320
Nakapagdala rin sila
ng mga bato pabalik sa Earth.
365
00:18:48,400 --> 00:18:50,000
Hindi. Panoorin mo.
366
00:18:50,080 --> 00:18:51,640
Mamumulat ang mga mata mo.
367
00:18:51,720 --> 00:18:54,400
Malamang, naniniwala ka rin
sa oras ng gabi, 'di ba?
368
00:18:54,480 --> 00:18:58,400
Nararanasan ko ito,
gaya ng bilyong mga tao sa buong mundo,
369
00:18:58,480 --> 00:19:01,240
kaya, oo, naniniwala ako sa gabi.
370
00:19:01,320 --> 00:19:03,680
Naniniwala ako na kapag umikot ang Earth,
371
00:19:03,760 --> 00:19:06,040
may panahon ng kadiliman
na kung tawagin natin ay gabi.
372
00:19:06,120 --> 00:19:08,280
Gumising ka. Lahat ng sagot ay nasa video.
373
00:19:08,360 --> 00:19:12,280
Pinapaniwala lang nila tayo
na totoo ang buwan pati ang gabi
374
00:19:12,360 --> 00:19:13,920
para lang maging masunurin tayo.
375
00:19:14,520 --> 00:19:15,720
Isipin mong mabuti.
376
00:19:15,800 --> 00:19:17,680
Hindi pa natuturuan ang mga sanggol,
377
00:19:17,760 --> 00:19:19,960
kaya 'di nila alam ang konsepto ng gabi.
378
00:19:20,040 --> 00:19:21,920
Kaya sila gumigising at sumisigaw.
379
00:19:22,840 --> 00:19:23,920
Tuloy na tayo sa iba.
380
00:19:26,200 --> 00:19:29,640
Tapos na ang Unahan sa Kalawakan,
nanalo na ang Amerika,
381
00:19:29,720 --> 00:19:33,560
at ang premyo ay ang pinakapangit na
pasyalan tuwing bakasyon sa kasaysayan,
382
00:19:33,640 --> 00:19:37,400
at 'di rin masasabihan ang mga tao
dahil wala pa namang TripAdvisor noon.
383
00:19:39,000 --> 00:19:42,160
Ngunit may pampalubag loob,
ang pinakamagandang larawan ng bakasyon
384
00:19:42,840 --> 00:19:45,720
na nakuha ng Apollo 8
na kung tawagin ay pagsikat ng Earth.
385
00:19:46,480 --> 00:19:49,920
Ngayon, mahirap makuha ang atensyon mo
ng isang makasaysayang documentary
386
00:19:50,000 --> 00:19:51,520
na higit pa sa walong sekundo,
387
00:19:51,600 --> 00:19:54,440
pero noon, ang litratong ito
ay nagpaisip sa mga tao.
388
00:19:55,320 --> 00:19:58,680
At hindi ito basta lang naisip nila na,
"Ang ganda naman,"
389
00:19:58,760 --> 00:19:59,960
pero pagmumuni-muni.
390
00:20:01,040 --> 00:20:03,720
Napagtanto natin na
ang planeta natin ay marupok.
391
00:20:06,760 --> 00:20:10,160
Ang kilusang ekolohiya
ay naging sikat sa mga hippie,
392
00:20:10,240 --> 00:20:13,360
pero 'di sila pinansin ng mga tao
dahil sa paraan nila ng pananamit
393
00:20:13,440 --> 00:20:17,360
at dahil masyado na silang sabog
para masabi ng maayos ang kanilang punto.
394
00:20:17,440 --> 00:20:20,640
Ngunit nag-aalala na ang mga siyentipiko
ngayon ukol sa kalagayan ng planeta.
395
00:20:21,320 --> 00:20:23,320
At para hindi sila pagkamalang mga hippie,
396
00:20:23,400 --> 00:20:26,640
nagsuot sila ng mga malilinis na puting
damit at salamin para sabihan ang mga tao.
397
00:20:26,720 --> 00:20:30,000
Pero 'di rin natin sila pinansin
dahil mukha naman silang mga nerds.
398
00:20:30,080 --> 00:20:32,320
Ang progreso ang problema.
399
00:20:32,400 --> 00:20:36,560
Ang mga modernong gadyet na kinagigiliwan
natin ay pinapaandar ng kuryente
400
00:20:36,640 --> 00:20:40,920
na galing sa mga istasyon ng kuryente
na nagsusunog ng uling o petrolyo,
401
00:20:41,000 --> 00:20:43,800
na gumagawa ng gas
na kung tawagin ay CO-2,
402
00:20:43,880 --> 00:20:45,520
na lumalabas sa mga tsimenea
403
00:20:45,600 --> 00:20:47,640
at pinipigilan ang langit
na gumana ng maayos.
404
00:20:47,720 --> 00:20:50,520
Ang naging solusyon
sa lahat ng pinsala sa kapaligiran
405
00:20:50,600 --> 00:20:53,000
ay ang bumuo ng mga nuklear
na istasyon ng kuryente,
406
00:20:53,080 --> 00:20:56,320
na 'di naman naglalabas
ng singdami na nakakapinsalang materyal,
407
00:20:56,400 --> 00:20:58,960
maliban na lang kung pumutok ito,
pero 'di naman nangyayari 'yon.
408
00:20:59,600 --> 00:21:01,960
Hanggang sa nangyari nga
noong 1986 sa Chernobyl.
409
00:21:02,800 --> 00:21:05,840
Dahil sa radyasyon mula sa Chernobyl,
ang malaking lugar nito
410
00:21:05,920 --> 00:21:10,120
ay naging isang nakamamatay na lugar,
mas malala pa sa Reigate town center.
411
00:21:10,200 --> 00:21:13,120
Ang pagbagsak nito
ay umabot ng mga libong milya
412
00:21:13,200 --> 00:21:15,480
at nagkaroon
ng isang 'di inaasahang epekto.
413
00:21:16,080 --> 00:21:19,080
Ginawa nitong sobrang malutong
ang mga ladrilyo ng Berlin Wall,
414
00:21:19,160 --> 00:21:21,520
sa sobrang lutong nito,
bumagsak na tuloy ito.
415
00:21:22,960 --> 00:21:25,680
Ang mga desperadong lokal
ay agad-agad sumugod dito
416
00:21:25,760 --> 00:21:28,240
upang ayusin ang pader gamit
ang mga martilyo at mga kamao nila,
417
00:21:28,320 --> 00:21:30,040
ngunit ito'y walang silbi.
418
00:21:30,120 --> 00:21:33,000
Habang namatay ang pader,
gan'on din ang komunismo.
419
00:21:33,080 --> 00:21:34,480
Nanalo ang kapitalismo,
420
00:21:34,560 --> 00:21:37,320
at niyakap na ng mga pamilihan
ng pananalapi ang globalisasyon
421
00:21:37,400 --> 00:21:41,320
sa nakakaindak na tugtog na techno
mula sa Belgium, ang "Pump Up The Jam."
422
00:21:49,200 --> 00:21:53,200
"PUMP UP THE JAM" AY ISANG ANAGRAM
NG "JAM UP THE PUMP"
423
00:21:56,920 --> 00:22:02,240
ITO AY PINATUGTOG NG LIMANG BESES SA
LIBING NG DIREKTOR NA SI STANLEY KUBRICK
424
00:22:05,200 --> 00:22:08,560
ANG PLANETANG EARTH NA PINANGGALINGAN
NG TECHNOTRONIC AY MAY 70% NA TUBIG
425
00:22:12,280 --> 00:22:14,960
KUNG IHIWALAY MO ANG BAWAT PALO
NG TAMBOL SA KANTANG ITO
426
00:22:15,040 --> 00:22:17,080
AT AYUSIN ITO NG PABILOG,
427
00:22:17,160 --> 00:22:20,880
LALABAS ANG PANGDAYA PARA MAKALUSOT KA
NG KUSA SA MGA SOLIDONG BAGAY
428
00:22:21,760 --> 00:22:24,200
Maliban sa mga mahihirap,
lahat ay bigla na lang
429
00:22:24,280 --> 00:22:25,680
kumikita ng pera
430
00:22:25,760 --> 00:22:28,000
kaya't naubusan na ng lugar
para mapaglagyan ng mga barya.
431
00:22:28,080 --> 00:22:30,880
Sa halip ay kinailangang imbakin ito
sa numero sa isang salamin,
432
00:22:30,960 --> 00:22:34,280
at pinaiikutan ng mga lalaking sinisigawan
ito upang manatili lang ito sa loob.
433
00:22:34,360 --> 00:22:36,120
Upang masubaybayan
ang lahat ng perang ito,
434
00:22:36,200 --> 00:22:39,120
kinailangan ng mundo
ang isang espesyal na uri ng mega abacus,
435
00:22:39,200 --> 00:22:42,480
at maswerte na lang
at mayr'on na, ang kompyuter.
436
00:22:42,560 --> 00:22:47,360
Ngayon, makikita kahit saan ang kompyuter,
pero dati ay madalang lang ito.
437
00:22:47,440 --> 00:22:51,320
Noong mga '50 at '60, nasasakop na
ng isang kompyuter ang isang kwarto.
438
00:22:51,400 --> 00:22:55,480
Pero noong mga 1970,
may biglang nadiskubre ang mga inhinyero.
439
00:22:55,560 --> 00:22:59,320
Kung tatanggalin nila ang walang kwentang
pailaw at umiikot na rolyo ng tape,
440
00:22:59,400 --> 00:23:02,040
magagawa nilang paliitin
ang mga kompyuter.
441
00:23:02,120 --> 00:23:05,560
Sa katunayan, sa sobrang liit ay
magkakasya ito sa dulo ng daliri mo.
442
00:23:05,640 --> 00:23:08,920
Ito ang microchip,
at ito ay kamangha-mangha.
443
00:23:09,000 --> 00:23:11,360
Salamat.
Ibabalik ko na sa'yo itong maliit na 'to.
444
00:23:13,200 --> 00:23:15,880
Ang microchip ay walang magagawa
445
00:23:15,960 --> 00:23:18,720
hanggang sa ipasok mo siya
sa isang malaking makina tulad nito.
446
00:23:18,800 --> 00:23:20,880
Pero kung ang espasyo
ng sahig mismo ang usapan,
447
00:23:20,960 --> 00:23:23,000
malaki na itong pagbabago.
448
00:23:23,080 --> 00:23:25,600
Ngayong maliit na siya
at kasya na sa isang bahay,
449
00:23:25,680 --> 00:23:27,920
lahat na ng mga tao
ay gustong magkaroon ng isa.
450
00:23:28,000 --> 00:23:29,680
Kaya't nagkaroon ng Silicon Valley,
451
00:23:29,760 --> 00:23:33,880
ang sentro ng kompyuter na matutukoy
sa tunggalian ng dalawang lalaki,
452
00:23:33,960 --> 00:23:36,440
sina Bill Gates at Steve Jobs.
453
00:23:36,520 --> 00:23:40,280
Nakakatamad pakinggan ang pangalan nila,
pero mas nakakatamad ang mga sinabi nila.
454
00:23:40,360 --> 00:23:43,480
Itinatag ni Gates ang Microsoft
at bumenta ito ng todo
455
00:23:43,560 --> 00:23:48,200
sa pamamagitan ng isang 'di opisyal na
karugtong sa Ms. Pac-Man, ang Ms-Dos.
456
00:23:48,280 --> 00:23:50,960
Samantala, inimbento naman
ni Jobs ang Apple Macintosh,
457
00:23:51,040 --> 00:23:53,520
ang kauna-unahang mayabang
na kompyuter sa mundo.
458
00:23:54,400 --> 00:23:57,800
Habang ang magkalaban nilang sistema
ay pinaghiwalay ang mga nagko-kompyuter,
459
00:23:57,880 --> 00:24:00,760
mayro'n naman sumusubok
na pagsamahin silang lahat,
460
00:24:00,840 --> 00:24:03,920
ang WWW, o ang Web Wide World.
461
00:24:04,680 --> 00:24:07,200
Ang internet
ay sobrang moderno at kawili-wili,
462
00:24:07,280 --> 00:24:10,480
at mukhang hindi na tatayo
ang sangkatauhan sa kanilang mga upuan.
463
00:24:11,520 --> 00:24:15,080
Hanggang sa isang madrama at
napakahalagang pangunahing presentasyon
464
00:24:15,160 --> 00:24:17,880
ipinahayag ni Steve Jobs na nadiskubre
niyang pwede ilagay ang internet
465
00:24:17,960 --> 00:24:19,720
sa isang portable na parihaba,
466
00:24:19,800 --> 00:24:21,440
at tuluyan nang nabago
ang kasaysayan habangbuhay.
467
00:24:21,520 --> 00:24:25,360
Ang tawag natin dito ay ang iPhone.
468
00:24:27,160 --> 00:24:32,080
Ang tagumpay nito ay nagbigay inspirasyon
sa mga manggagaya, tulad ng sa nanay mo,
469
00:24:32,160 --> 00:24:34,680
at sa bilis ng pagdami ng mga smartphone,
470
00:24:34,760 --> 00:24:38,080
malamang diyan ka nakatingin
imbes na sa akin habang sinasabi ko ito.
471
00:24:38,160 --> 00:24:41,880
Lubusang binago ng mga smartphone
kung paano makipag-ugnayan ang mga tao,
472
00:24:41,960 --> 00:24:46,240
sa paraang katanggap-tanggap sa lipunan
na 'wag pansinin ang paligid natin.
473
00:24:46,320 --> 00:24:47,440
Pero hindi tayo nag-iisa.
474
00:24:47,520 --> 00:24:50,200
Salamat sa social media,
mas mabilis at mas madali na
475
00:24:50,280 --> 00:24:54,360
makipag-ugnayan sa milyong katao
patungkol sa simpleng litrato ng pusa
476
00:24:54,440 --> 00:24:56,920
o sa ritwal na pamamahiya
sa isang estranghero.
477
00:24:57,000 --> 00:24:58,760
Madaling makita kung bakit ang smartphone
478
00:24:58,840 --> 00:25:01,880
ay naging pinakasikat
na imbensyon ngayon siglo.
479
00:25:01,960 --> 00:25:03,800
Ito'y napaka-advance nito,
480
00:25:03,880 --> 00:25:07,320
ngunit sa sobrang simple rin nito,
kayang gawin din ito ng isang bata.
481
00:25:07,400 --> 00:25:10,800
Sa katunayan, 'di lang isa,
kundi 50 nito kada-oras,
482
00:25:10,880 --> 00:25:13,480
kung nais niyang makaiwas
sa parusa sa gabi.
483
00:25:14,080 --> 00:25:17,880
Nakakalungkot na namatay si Steve Jobs
bago pa niya makita ang tagumpay ng Apple,
484
00:25:17,960 --> 00:25:20,440
maliban sa mga unang
ilang bilyong dolyares.
485
00:25:21,040 --> 00:25:23,520
Sa kaniyang pagkahimlay, pinangakuan niya
ang mga inhinyero ng Apple
486
00:25:23,600 --> 00:25:26,960
na babaguhin ang saksakan ng headphone
ng iPhone kada tatlong taon,
487
00:25:27,040 --> 00:25:29,200
at ilalagay niya ang sarili niya
sa loob ng cloud.
488
00:25:30,640 --> 00:25:35,640
Sa kabila, nagsayang ng pera si Gates sa
pagtanggal ng malaria sa Third World.
489
00:25:35,720 --> 00:25:38,120
PUNDASYON NI BILL AT MELINDA GATES
490
00:25:38,200 --> 00:25:41,560
Ngunit sa kabila ng kabuuang kabiguan
ng Apple at Microsoft,
491
00:25:41,640 --> 00:25:44,440
patuloy na lumalakas ang mga kompyuter.
492
00:25:44,960 --> 00:25:48,120
May mga naniniwala rin na may magaganap
na kung tawagin ay singularity,
493
00:25:48,200 --> 00:25:51,600
kung saan masyado na naging marunong
ang artificial intelligence.
494
00:25:52,280 --> 00:25:55,080
Habang ang iba
ay naniniwalang naganap na ito,
495
00:25:55,160 --> 00:26:00,640
at ang buong sangkatauhan ay umiiral sa
loob ng isang simulation sa kompyuter.
496
00:26:01,360 --> 00:26:04,040
Paano natin malalaman
na hindi tayo nasa isang simulation?
497
00:26:04,120 --> 00:26:05,240
Hindi natin alam.
498
00:26:05,320 --> 00:26:08,760
Maraming mga matatalino
na sa tingin nila'y posible
499
00:26:08,840 --> 00:26:10,520
na namumuhay na tayo sa isang simulation.
500
00:26:10,600 --> 00:26:12,920
Kung ito'y isang simulation,
501
00:26:13,000 --> 00:26:15,880
bakit hinahayaan ako ng kompyuter
na tanungin ko ito sa'yo?
502
00:26:18,040 --> 00:26:23,720
Sa aking pananaw,
ikaw ay nagtatanong lamang,
503
00:26:23,800 --> 00:26:27,360
kaya maaaring kinokontrol ka lang
ng isang kompyuter,
504
00:26:27,440 --> 00:26:30,760
pero sa isip mo, mayroon kang kalayaan
505
00:26:30,840 --> 00:26:32,680
at ikaw mismo ang nagtatanong ng mga 'yan.
506
00:26:32,760 --> 00:26:35,560
Bakit ko ba kailangan pumunta rito
at i-video ito?
507
00:26:35,640 --> 00:26:38,920
Hindi ba pwedeng ipakita na lang ng
kompyuter sa telebisyon ng simulation?
508
00:26:39,000 --> 00:26:42,600
O hindi kaya nandoon talaga ako?
Alam mo 'yon, buhay ba talaga ako?
509
00:26:42,680 --> 00:26:43,920
Bakit ba nangyayari ito?
510
00:26:44,000 --> 00:26:48,320
Bakit hindi na lang ako kumakain
ng tsokolateng eclair na paulit-ulit,
511
00:26:48,400 --> 00:26:49,240
tulad sa isang gif?
512
00:26:49,320 --> 00:26:50,680
Pwede akong makipagpalitan.
513
00:26:52,000 --> 00:26:57,240
Sa totoo lang, naipit ba sa simulation
ang mga tao sa paulit-ulit na gifs?
514
00:26:57,320 --> 00:26:58,600
'Yon ba ang nangyari sa kanila?
515
00:26:58,680 --> 00:27:01,880
Saan ba pumapasok sa simulation
ang mga putakti?
516
00:27:02,520 --> 00:27:04,320
Hindi ko alam kung ano'ng…
517
00:27:04,400 --> 00:27:06,520
Pasensiya na,
masyadong marami para himayin, 'di ba?
518
00:27:12,200 --> 00:27:16,040
Sa seryeng ito, dinala namin kayo
mula sa mga sinaunang panimula,
519
00:27:16,120 --> 00:27:19,760
sa mga espirituwal na paggising,
mga pagsabog ng kultura,
520
00:27:19,840 --> 00:27:22,480
at mga pangunahing tagumpay sa agham.
521
00:27:22,560 --> 00:27:26,920
Ngayon, sa kasalukuyang sandali,
tayo ay nasa isang sangang-daan,
522
00:27:27,000 --> 00:27:29,480
at humaharap sa isang
hindi tiyak na kinabukasan.
523
00:27:29,560 --> 00:27:32,280
Babangon ba tayo sa hamon
ng pagbabago ng klima?
524
00:27:32,360 --> 00:27:33,880
O ang kabaligtaran niyan?
525
00:27:33,960 --> 00:27:37,040
Matututunan ba ng mga kompyuter
na tanggalin tayo?
526
00:27:37,120 --> 00:27:41,080
At kung magawa nila, paano tayo
makakalabas sa recycle bin?
527
00:27:41,160 --> 00:27:45,080
Matututo bang mabuhay ang sangkatauhan
ng may kapayapaan sa sarili?
528
00:27:45,160 --> 00:27:49,560
O lahat ba tayo ngayon
ay nabubuhay sa mga huling oras,
529
00:27:49,640 --> 00:27:52,560
minuto at segundo ng sibilisasyon?
530
00:27:53,320 --> 00:27:55,440
O hindi? Ewan ko.
531
00:27:55,520 --> 00:27:56,600
Ganoon din kayo.
532
00:27:57,120 --> 00:28:02,040
Pero kahit ano pa man,
dito sa Daigdig ito lahat mangyayari.
533
00:28:03,440 --> 00:28:05,240
Ayos, maganda 'yon.
Nakuha natin, Philomena.
534
00:28:05,320 --> 00:28:06,880
-Oo?
-Oo, magaling. Salamat.
535
00:28:06,960 --> 00:28:08,280
-'Yon lang 'yon?
-Oo, 'yon na 'yon.
536
00:28:08,360 --> 00:28:09,720
-Ayos.
-Tapos na ba ako?
537
00:28:09,800 --> 00:28:11,520
-Oo, ang galing mo.
-Ah, mabuti naman.
538
00:28:12,120 --> 00:28:14,880
Magagawa mo ba talaga na magmukha
akong nasa iba't ibang lugar?
539
00:28:14,960 --> 00:28:16,200
Oo. 'Wag kang mag-alala.
540
00:28:16,280 --> 00:28:18,520
-Talaga?
-Gagawin namin 'yan sa kompyuter mamaya.
541
00:28:18,600 --> 00:28:20,000
-Ah.
-Madali na sa mga panahon ngayon.
542
00:28:20,080 --> 00:28:21,880
Mahusay.
Magkita na lang tayo ulit. Paalam.
543
00:28:21,960 --> 00:28:23,880
Putulin na, mga pare. Salamat.
Ang galing ninyo.
544
00:28:25,280 --> 00:28:26,640
Sa tingin ko, ang ganda ng gawa natin.
545
00:28:27,520 --> 00:28:29,440
Ayos. Maganda.
546
00:28:45,000 --> 00:28:47,880
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
John Samson