1
00:00:09,000 --> 00:00:11,440
Ito ang ating planeta.
2
00:00:11,520 --> 00:00:12,960
Ang planetang Earth.
3
00:00:13,039 --> 00:00:15,720
Ang planetang kinatatayuan ko ngayon.
4
00:00:15,800 --> 00:00:18,240
Maliban nalang kung pinapanood mo ito,
sakay ng eroplano
5
00:00:18,320 --> 00:00:20,240
o habang nahuhulog mula sa gusali,
6
00:00:20,320 --> 00:00:22,200
malamang gano'on na nga.
7
00:00:22,280 --> 00:00:26,680
Ito ang nakakamanghang kwento kung paano
binago ng sangkatauhan ang ating mundo
8
00:00:26,760 --> 00:00:29,680
mula sa walang kabuluhang
kalikasan tulad nito
9
00:00:29,760 --> 00:00:32,400
hanggang sa puno
ng modernong bagay tulad nito,
10
00:00:32,480 --> 00:00:36,000
pati na din ang paglikha nito
gamit lang ang sariling mga kamay niya
11
00:00:36,960 --> 00:00:38,440
at imahinasyon
12
00:00:38,520 --> 00:00:41,720
at mga kagamitan,
at kuryente, at internet.
13
00:00:42,680 --> 00:00:45,680
Isang paglalakbay na magdadala sa'kin
sa bawat sulok ng mundo
14
00:00:45,760 --> 00:00:48,560
hanggang sa kaya ng pera at
pahintulot ng restriksiyon sa pandemya.
15
00:00:49,240 --> 00:00:52,960
Makita ng malapitan ang mga
kaakit-akit na tagumpay ng uri natin.
16
00:00:54,120 --> 00:00:55,960
At magtatanong din ako…
17
00:00:56,520 --> 00:00:57,600
Sino ka?
18
00:00:57,680 --> 00:01:00,440
…sa mga akademya, matatalino,
at mga eksperto
19
00:01:00,520 --> 00:01:04,080
na tutulong sa akin sa paglutas
ng misteryo ng sibilisasyon.
20
00:01:04,160 --> 00:01:07,640
Bakit sinasabing misteryo
ang paggawa ng mga pyramid
21
00:01:07,720 --> 00:01:11,240
kahit halatang malalaking bato lang
na nakaayos na patatsulok?
22
00:01:12,760 --> 00:01:15,280
Hindi lang ito kwento ng planeta natin.
23
00:01:15,360 --> 00:01:19,000
Kwento din ito ng mundo natin.
O parehas.
24
00:01:19,080 --> 00:01:21,080
Samahan n'yo ako, Philomena Cunk,
25
00:01:21,160 --> 00:01:24,400
sa makasaysayang pagtingin
sa mundong gawa natin.
26
00:01:24,480 --> 00:01:27,600
Ito ang Cunk On Earth!
27
00:01:42,320 --> 00:01:44,400
UNANG KABANATA:
NANG MGA PASIMULA
28
00:01:44,480 --> 00:01:47,760
Walang sibilisasyon
sa Earth ng bilyun-bilyong taon.
29
00:01:47,840 --> 00:01:51,640
Mga hayop, halaman, at hanging
nakikisama't nakikihalubilo lang.
30
00:01:51,720 --> 00:01:54,560
Maganda siguro, pero nakakainip din.
31
00:01:55,400 --> 00:01:58,400
Hanggang sa dumating
ang nilalang na nagbago n'on.
32
00:01:58,480 --> 00:01:59,920
Ang tao.
33
00:02:00,600 --> 00:02:02,560
Katulad ba natin ang mga Tao Noon?
34
00:02:02,640 --> 00:02:05,840
Pareho ba ang karne niya sa'tin?
35
00:02:05,920 --> 00:02:07,400
Ito ba'y…
36
00:02:07,480 --> 00:02:10,080
May brand name ba s'ya
tulad ng baka o baboy?
37
00:02:10,160 --> 00:02:12,360
Sa alam natin, katulad nila tayo.
38
00:02:12,440 --> 00:02:13,600
ARKEOLOGO
39
00:02:13,680 --> 00:02:17,080
Buto lang meron tayo, siyempre,
at katulad lang din ito ng sa atin.
40
00:02:17,160 --> 00:02:20,400
Maipapalagay lang natin
na nababalot din ito ng mga laman dati
41
00:02:20,480 --> 00:02:23,640
na tulad ng sa'tin,
pero wala akong alam na brand name
42
00:02:23,720 --> 00:02:24,640
na meron sila.
43
00:02:24,720 --> 00:02:26,280
Basta laman lang?
44
00:02:26,360 --> 00:02:28,080
Laman lang, tingin ko, oo.
45
00:02:28,160 --> 00:02:30,520
Mahirap ngang mag-isip ng brand name
46
00:02:30,600 --> 00:02:32,160
para sa laman ng tao, 'di ba?
47
00:02:34,240 --> 00:02:35,120
"LamangTao?"
48
00:02:37,200 --> 00:02:39,160
Lagi nating ipinapalagay na 'di matalino
49
00:02:39,240 --> 00:02:41,640
ang mga tao noon dahil sa makapal
nilang kilay at pagsambit ng "Ug,"
50
00:02:41,720 --> 00:02:44,600
pero mga pioneer na imbentor sila.
51
00:02:45,840 --> 00:02:47,800
Sila ang unang gumamit ng mga kagamitan
52
00:02:47,880 --> 00:02:51,320
na nalimutan na ng karamihan
ng mga kalalakihan ngayon.
53
00:02:51,400 --> 00:02:54,360
Kaya tumatawag pa sila ng gagawa,
isang tunay na lalaki.
54
00:02:56,600 --> 00:03:00,920
Paano nakagawa ng kagamitan ang Tao Noon
habang naglalakad paggapang?
55
00:03:01,000 --> 00:03:04,720
Tingin namin, 'di naman sila naglakad
ng paggapang nang matagal.
56
00:03:04,800 --> 00:03:06,840
Sigurado kaming patayo na silang maglakad
57
00:03:06,920 --> 00:03:08,960
ng mga dalawang milyong taon na.
58
00:03:09,040 --> 00:03:12,160
Ginawa ba nila ang mga kagamitan
gamit ang mga paa nila sa harap
59
00:03:12,240 --> 00:03:13,800
o mga paa sa likod?
60
00:03:13,880 --> 00:03:15,800
Parang 'di naging magaling ang mga tao
61
00:03:15,880 --> 00:03:17,160
gumawa ng mga bagay gamit ang paa
62
00:03:17,240 --> 00:03:20,400
kaya malamang,
paa sa harap ang gamit nila.
63
00:03:20,480 --> 00:03:23,400
Sige. Sa terminong binti, binti sa taas?
64
00:03:23,480 --> 00:03:26,760
Oo. Siguradong
mga binti sa taas ang ginamit,
65
00:03:26,840 --> 00:03:29,920
o ang mga tinatawag nating braso't kamay.
66
00:03:31,000 --> 00:03:33,680
Isang inimbento nga nila ay apoy,
67
00:03:33,760 --> 00:03:36,400
na nagbigay liwanag sa gabi't
nagpainit sa kanila,
68
00:03:36,480 --> 00:03:40,120
at masaklap na mas pinapahaba pa
ang matrabaho nilang mga buhay.
69
00:03:40,200 --> 00:03:43,720
Pero kinailangan nilang mag-imbento
ng gagawin sa mahabang gabi
70
00:03:43,800 --> 00:03:45,840
at ang inimbento nila ay sining.
71
00:03:48,880 --> 00:03:53,480
Pumapasok ako ng kuweba, 'di dahil
sa naligaw ako, o isa akong lobo,
72
00:03:54,320 --> 00:03:58,640
kundi dahil lang sa utos
ng mga producer na tingnan ko
73
00:03:58,720 --> 00:04:00,360
ang mga sining sa kuweba.
74
00:04:01,640 --> 00:04:03,960
Ang mga pinta sa kuweba na tulad nito
75
00:04:04,040 --> 00:04:07,920
ay isa sa mga unang
halimbawa ng sibilisasyon sa Earth.
76
00:04:10,000 --> 00:04:11,560
'Wag mag-alala't gaganda pa 'to.
77
00:04:12,680 --> 00:04:17,280
Ang mga unang pintor ng kuweba'y
nagsimula sa pagpinta ng maaabot nila
78
00:04:17,360 --> 00:04:18,720
tulad ng mga kamay nila.
79
00:04:18,800 --> 00:04:21,079
Tapos nagsangay ito sa mga kuwento.
80
00:04:21,160 --> 00:04:24,880
Sa simula, mga nakakainip
tungkol sa mga nakatayo lang na baka.
81
00:04:25,440 --> 00:04:29,200
Pero 'di nagtagal, gumawa sila
ng mga eksenang labanan tulad nito.
82
00:04:29,280 --> 00:04:32,200
Tao laban sa baka, sa 2D.
83
00:04:32,280 --> 00:04:34,560
Sa taong-kuweba, katumbas nito
84
00:04:34,640 --> 00:04:36,640
ang Fast and Furious Part Seven.
85
00:04:38,000 --> 00:04:41,080
Nagawan na ba ng pelikula
ang mga pininta sa kuweba?
86
00:04:41,160 --> 00:04:44,360
Mukha yatang mahirap kunin
ang pahintulo't nila, 'di ba?
87
00:04:44,440 --> 00:04:47,160
Maraming taon ang lumipas
bago dumating ang paggawa ng pelikula
88
00:04:47,240 --> 00:04:48,880
kaysa sa mga pagpinta sa kuweba.
89
00:04:48,960 --> 00:04:51,080
Kaya walang pader sa kuweba
na nagsasabing,
90
00:04:51,160 --> 00:04:53,360
"Diyos ko, ang gandang kwento.
91
00:04:53,440 --> 00:04:56,520
Ipagawa natin kay Steven Spielberg."
92
00:04:56,600 --> 00:04:59,440
Mahirap gumawa
ng kwentong isa't kalahating oras
93
00:04:59,520 --> 00:05:01,880
base lang sa isang panig ng kuweba.
94
00:05:01,960 --> 00:05:05,400
May mga naniniwalang relihiyoso
ang mga bayolenteng imaheng ito,
95
00:05:05,480 --> 00:05:08,600
na iginuhit para magbigay swerte
sa mga darating na paglaban.
96
00:05:08,680 --> 00:05:11,280
'Di natin alam kung bakit may giyera
sa pagitan ng tao at baka
97
00:05:11,360 --> 00:05:13,360
at sa kasawiang-palad
ay 'di na natin ito malalaman.
98
00:05:13,440 --> 00:05:17,600
Sa katunayan, 'di din natin malalaman
ang pangalan ng pintor o nitong mga baka
99
00:05:17,680 --> 00:05:21,000
dahil halos siguradong patay na
ang nagpinta nito.
100
00:05:22,320 --> 00:05:25,520
Nakakayamot ang
pangangaso ng hayop araw-araw
101
00:05:25,600 --> 00:05:29,360
hanggang sa may nakaisip
na pagkain din ang mga halaman,
102
00:05:29,440 --> 00:05:32,920
na mas madaling makuha
dahil 'di sila tumatakas.
103
00:05:34,360 --> 00:05:39,280
Itong simpleng gawi ng katamaran
ay humantong sa pag-imbento ng pagsasaka,
104
00:05:39,360 --> 00:05:42,640
isang luksong pasulong,
na mas mapanganib na ngayon
105
00:05:42,720 --> 00:05:45,360
dahil baka matapakan mo
ang mga kagamitang pangsaka
106
00:05:45,440 --> 00:05:46,880
na ngayon'y nagkalat na.
107
00:05:47,880 --> 00:05:51,120
Trigo ang tinanim ng mga unang magsasaka,
at ginawang tinapay ito.
108
00:05:51,760 --> 00:05:54,800
Nagtanim din sila
ng sebada, gisantes, at lentils,
109
00:05:54,880 --> 00:05:56,840
at maaaring nakapag-vegan burger sila
110
00:05:56,920 --> 00:05:58,560
para ilagay sa tinapay nila,
111
00:05:58,640 --> 00:06:00,920
pero swerte nalang
at 'di nila kinailangan.
112
00:06:01,960 --> 00:06:04,760
Kasi inimbento din nila ito, ang bakod,
113
00:06:04,840 --> 00:06:07,640
isang high-tech na bagay
para ikulong ang mga hayop.
114
00:06:08,800 --> 00:06:12,360
Agad na inalipin ng mga tao
ang mga tupa, manok, kambing,
115
00:06:12,440 --> 00:06:15,360
at ang kanilang
numero unong kaaway, ang baka.
116
00:06:15,440 --> 00:06:17,520
Naging parang zoo ang mga sakahan,
117
00:06:17,600 --> 00:06:21,160
pero, syempre sa zoo,
'di mo pwedeng kunin ang gusto mong hayop
118
00:06:21,240 --> 00:06:22,480
para patayin at kainin.
119
00:06:22,560 --> 00:06:25,640
Maliban na lang kung ang zoo ay nalulugi
120
00:06:25,720 --> 00:06:27,480
at wala ng pag-asa.
121
00:06:28,120 --> 00:06:32,080
Ginawa nilang alaga ang mga hayop
na 'di nila makain o masakyan
122
00:06:32,160 --> 00:06:33,480
kung maganda sila.
123
00:06:33,560 --> 00:06:36,800
Pinaamo ng Tao Noon ang mga aso
para makasama
124
00:06:38,040 --> 00:06:40,520
at mga pusa
para sa kung anumang gamit sa kanila.
125
00:06:41,240 --> 00:06:46,000
Ito ang unang pagkakataon
na masasabing maginhawa ang buhay.
126
00:06:46,080 --> 00:06:48,040
Maayos ang mga tirahan ng mga tao,
127
00:06:48,120 --> 00:06:51,080
na naging siyudad na din nang kalaunan.
128
00:06:51,160 --> 00:06:53,200
Mahirap paniwalaang dinadaanan ko
129
00:06:53,280 --> 00:06:55,960
ang pinakaunang siyudad
kasi wala ako doon.
130
00:06:56,040 --> 00:06:59,920
Nasa Iraq 'yon, na milya-milya ang layo,
at talagang mapanganib.
131
00:07:00,000 --> 00:07:02,520
Pero parang ganito ang mga labi n'on,
132
00:07:02,600 --> 00:07:04,320
kaya 'di mo malalaman na wala ako doon
133
00:07:04,400 --> 00:07:06,520
kung 'di ko aksidenteng nasabi sa inyo.
134
00:07:07,960 --> 00:07:10,960
Nakakalumbay na
mga bato at alikabok na lang ito ngayon,
135
00:07:11,040 --> 00:07:14,920
pero kung gumawa ka ng simulasyon
gamit ang modernong kompyuter,
136
00:07:15,000 --> 00:07:18,600
ang mga resulta ay nakakapigil-hininga.
137
00:07:18,680 --> 00:07:21,200
Nagsimula na nga ang sibilisasyon.
138
00:07:22,040 --> 00:07:24,040
Sino ang nag-imbento ng sibilisasyon?
139
00:07:24,640 --> 00:07:26,760
Ang sibilisasyon ay hindi isang bagay…
140
00:07:26,840 --> 00:07:28,280
NG PUBLIKONG UGNAYAN SA AGHAM
141
00:07:28,360 --> 00:07:31,560
…na inimbento o biglang nagsimula.
142
00:07:31,640 --> 00:07:36,160
Pinag-uusapan natin ang sibilisasyon
nang magsimula ang pagsasaka,
143
00:07:36,240 --> 00:07:40,320
sa simula ng pagtatayo ng mga siyudad
144
00:07:40,400 --> 00:07:42,480
at paggagawa ng mga batas.
145
00:07:42,560 --> 00:07:45,080
Iyon ay unti-unting nangyari
146
00:07:45,160 --> 00:07:47,880
sa iba't ibang panig ng mundo
sa halip na biglaang na-imbento.
147
00:07:47,960 --> 00:07:53,360
Kung gayon, 'di ito nagmula
sa isang taong ayaw magpakilala?
148
00:07:53,440 --> 00:07:54,480
Hindi.
149
00:07:55,160 --> 00:07:58,120
Kasi 'di dapat natin sundan iyon
kung ganoon nga.
150
00:07:58,200 --> 00:07:59,640
Ibig mo bang sabihin, 'di tayo dapat…
151
00:07:59,720 --> 00:08:03,720
Kung mula sa isang taong ayaw makilala,
152
00:08:03,800 --> 00:08:06,120
hindi ba kahina-hinala iyon?
153
00:08:06,720 --> 00:08:09,720
Inimbento ang sibilisasyon sa Mesopotamia
154
00:08:09,800 --> 00:08:12,280
ng isang tao o mga taong hindi kilala.
155
00:08:12,360 --> 00:08:15,440
Pero kung sinuman sila,
nauuna sila sa panahon nila.
156
00:08:15,520 --> 00:08:18,200
May mga bagay ba tayong
meron din ang Mesopotamian?
157
00:08:18,280 --> 00:08:20,840
ALALAY NA TAGAPAG-INGAT
NG SINAUNANG MESOPOTOMYANONG SULAT
158
00:08:20,920 --> 00:08:22,280
-Oo.
-Tulad ng ano?
159
00:08:23,080 --> 00:08:27,440
Mga sandata, alahas, templo, hayop.
160
00:08:27,520 --> 00:08:31,680
Ay, oo. Hindi, ibig kong sabihin
ay mga paa, kilay, at mga ganoon.
161
00:08:31,760 --> 00:08:33,600
-Oo.
-Talaga?
162
00:08:34,160 --> 00:08:38,960
Buo ang mga laman-loob nila, mga butas,
163
00:08:39,039 --> 00:08:40,320
mga parte na gumagana,
164
00:08:40,400 --> 00:08:42,960
may mga parte sa labas, at sa loob.
165
00:08:43,039 --> 00:08:45,559
Pareho ang dami ng butas nila?
166
00:08:45,640 --> 00:08:48,919
Kung mapapanatag ka ng agham, oo.
167
00:08:50,120 --> 00:08:53,120
Ang isa sa kanilang
pinakamakabuluhang killer apps
168
00:08:53,200 --> 00:08:56,120
ay ginagamit pa natin ngayon.
169
00:08:56,200 --> 00:08:57,200
Ang bilog.
170
00:08:58,000 --> 00:09:01,000
Mukhang kumplikado
sa mga tulad n'yo ang gulong,
171
00:09:01,080 --> 00:09:04,160
pero simple lang ang paggana nila.
172
00:09:05,680 --> 00:09:11,440
Ang pirasong bilog na ito'y
umiikot sa parang lawit sa gitna,
173
00:09:11,520 --> 00:09:17,000
tapos, habang itong balat
ng gulong ay tumutulak laban sa lupa,
174
00:09:17,080 --> 00:09:22,840
ginugulong ng puwersa ang buong planeta,
pabalik at palayo sa'yo,
175
00:09:22,920 --> 00:09:26,320
na nagbibigay ng impresyong sumusulong ka,
176
00:09:26,400 --> 00:09:29,280
na talaga namang ginagagawa mo.
177
00:09:31,160 --> 00:09:33,360
Ang gulong ay nagbigay-daan
178
00:09:33,440 --> 00:09:36,880
sa paglakbay at pagkalakal,
at kinailangan bilangin ang pag-aari nila.
179
00:09:36,960 --> 00:09:40,600
At tumungo iyon sa masaklap
na pag-imbento ng matematika.
180
00:09:40,680 --> 00:09:42,320
Mag-usap tayo tungkol sa mga numero.
181
00:09:42,400 --> 00:09:45,680
Mas kaunti ba ang kwenta
ng numero n'ong sinaunang panahon,
182
00:09:45,760 --> 00:09:48,360
o parehas, mas malaki lang
ang halaga nila ngayon?
183
00:09:49,240 --> 00:09:53,440
Magkatulad noon
at ngayon ang halaga ng numero, oo.
184
00:09:53,520 --> 00:09:55,720
Kinailangan pa rin magbilang ng tao.
185
00:09:55,800 --> 00:09:58,680
At pareho ba
ang bilang ng mga numero nila,
186
00:09:58,760 --> 00:10:01,360
tulad nang isa hanggang 700,
187
00:10:01,440 --> 00:10:04,080
ang pinakamalaking numero ang 700?
188
00:10:04,160 --> 00:10:05,800
'Di naman 700 ang pinakamalaki.
189
00:10:05,880 --> 00:10:08,120
Maaari pang bumiling hangga't gusto mo.
190
00:10:08,200 --> 00:10:10,600
Hindi. May napanood ako sa YouTube,
191
00:10:10,680 --> 00:10:13,440
sabi daw na pagkatapos ng 700,
naulit ang mga numero.
192
00:10:13,520 --> 00:10:16,480
Naiba lang ang pangalan,
kaya parang tuloy pa rin.
193
00:10:17,200 --> 00:10:18,720
Gusto mong ipadala ko sa'yo?
194
00:10:19,360 --> 00:10:23,000
Sa pagtaas
ng mga numero ng hindi hihigit sa 700,
195
00:10:23,080 --> 00:10:25,440
kinailangan ng tao ng tulong sa pagbilang.
196
00:10:26,320 --> 00:10:27,960
Dito pumasok ito.
197
00:10:28,040 --> 00:10:30,280
Abako ang tawag dito.
198
00:10:31,160 --> 00:10:35,480
Gamit ang abako, nabibilang ng mga ninuno
natin ang dami ng mga pag-aari nila.
199
00:10:36,040 --> 00:10:39,320
Maikli ang hakbang mula dito
patungo sa pag-imbento
200
00:10:40,000 --> 00:10:41,840
ng perang hinahawakan.
201
00:10:41,920 --> 00:10:45,320
Inimbento ng mga sinaunang tao
ang salapi para mas madali ang buhay,
202
00:10:45,400 --> 00:10:48,440
pero aksidente nilang naimbento
ang kapitalismo,
203
00:10:48,520 --> 00:10:50,160
na papatay sa lahat.
204
00:10:50,240 --> 00:10:53,440
Paumanhin, 'di 'yon tanong.
Nabasa ko lang sa Twitter 'yon.
205
00:10:54,200 --> 00:10:55,960
Sa pagsakop sa mga numero,
206
00:10:56,040 --> 00:10:59,480
umusad ang
sangkatauhan sa mas nakakainip pa
207
00:10:59,560 --> 00:11:01,800
sa pag-imbento ng pagsusulat.
208
00:11:02,840 --> 00:11:06,440
Ang pag-imbento ba
sa pagsusulat ay makabuluhang pag-uunlad,
209
00:11:06,520 --> 00:11:09,720
o minsang pagsikat ba siya
tulad ng rap metal?
210
00:11:10,440 --> 00:11:12,360
Tingin ko sa pag-isip ng pagsusulat,
211
00:11:12,440 --> 00:11:15,760
pagsulpot n'on sa mundo,
hindi na iyon mapigilan.
212
00:11:15,840 --> 00:11:18,360
Mas higit na malaki pa kaysa sa rap metal?
213
00:11:18,440 --> 00:11:19,680
-Oo, higit doon.
-Oo.
214
00:11:19,760 --> 00:11:21,240
Kung acid jazz naman?
215
00:11:23,240 --> 00:11:25,360
Nauuna pa rin ang pagsusulat doon.
216
00:11:25,440 --> 00:11:27,280
Hindi, ano ba ang palagay mo sa acid jazz.
217
00:11:27,360 --> 00:11:28,560
Ano 'to?
218
00:11:28,640 --> 00:11:30,360
Molde iyan. Hindi 'yan ang tunay.
219
00:11:30,440 --> 00:11:34,920
Humahalili iyan sa isang
tabletang luwad mula sa Mesopotamia
220
00:11:35,000 --> 00:11:36,480
na may cuneiform na sulat.
221
00:11:36,560 --> 00:11:39,920
Mula sa tabletang luwad
ang unang pagsusulat sa mundo.
222
00:11:40,000 --> 00:11:43,520
Parang nakakainip naman
ang pabalat nitong libro, hindi ba?
223
00:11:43,600 --> 00:11:45,680
Parang 'di din bumubukas ng maayos.
224
00:11:45,760 --> 00:11:48,560
Isa ka ba sa mga taong humuhusga
ng balat ng libro?
225
00:11:48,640 --> 00:11:50,120
Oo.
226
00:11:50,200 --> 00:11:52,640
Malungkot at ligaw na pananaw iyon.
227
00:11:52,720 --> 00:11:57,160
Kung sinigaw ang pagbasa nito,
'yan ba ang magiging unang audiobook?
228
00:12:02,360 --> 00:12:03,320
Hindi.
229
00:12:05,320 --> 00:12:06,960
Binago ng pagsusulat ang mundo.
230
00:12:07,040 --> 00:12:09,040
Biglang 'di na kailangan maglaho
231
00:12:09,120 --> 00:12:11,800
ng mga ideyang nasa loob ng isip
ng mga namayapa na.
232
00:12:13,000 --> 00:12:16,440
Sa halip, pwede mong isulat
ang mga ideya mo,
233
00:12:16,520 --> 00:12:18,640
at maaaring kahit na sinuman ay
234
00:12:18,720 --> 00:12:21,400
ilagay ang mga ideya sa mga utak nila
235
00:12:21,480 --> 00:12:24,560
gamit ang wireless
sa pamamagitan ng mga mata nila.
236
00:12:25,720 --> 00:12:29,800
Nakakamanghang kahit na
libu-libong taon na ang imbensyong 'to,
237
00:12:29,880 --> 00:12:31,800
may pagsusulat pa rin ngayon
238
00:12:31,880 --> 00:12:35,520
sa ilalim
ng mga pinapanood nating video sa online.
239
00:12:35,600 --> 00:12:38,400
At dito din natin matatagpuan
ang isa pang inimbentong wika,
240
00:12:38,480 --> 00:12:41,040
na tumagal hanggang ngayon, ang emoji.
241
00:12:41,120 --> 00:12:43,800
O sa tawag ng mga sinaunang taga-Ehipto,
242
00:12:43,880 --> 00:12:46,120
ang hyeroglipiko.
243
00:12:46,200 --> 00:12:49,960
Nagkwento sila gamit ang hyeroglipiko.
244
00:12:50,040 --> 00:12:52,360
Para itong mas naiintindihang komiks
na Marvel.
245
00:12:52,440 --> 00:12:56,440
Sa halip na ilagay sa publiko
para sa kasiyahan ng mga buhay na tao,
246
00:12:56,520 --> 00:13:00,520
itong mga Ehiptong komiks
ay ipininta sa mga pader ng mga libingan
247
00:13:00,600 --> 00:13:02,760
para aliwin ang mga patay,
248
00:13:02,840 --> 00:13:06,480
at ang mga libingang iyon
ay nasa ilalim ng isang pinakakilala
249
00:13:06,560 --> 00:13:10,120
at pinakamatulis na gusali sa kasaysayan.
250
00:13:10,200 --> 00:13:11,640
'Yon ay ang mga Pyramid.
251
00:13:12,280 --> 00:13:14,720
'Pag tiningnan mo ang mga pyramid,
imposibleng 'di mo maisip
252
00:13:14,800 --> 00:13:17,800
na mga tatsulok lang sila
253
00:13:17,880 --> 00:13:19,680
na may mga parisukat na puwit.
254
00:13:19,760 --> 00:13:20,960
May tawag sa korteng 'yon
255
00:13:21,040 --> 00:13:23,400
pero walang nakakaalam kung ano 'yon.
256
00:13:23,480 --> 00:13:26,640
Isa sa mga walang-hanggang misteryo
ng mga pyramid iyon.
257
00:13:26,720 --> 00:13:28,880
Bakit ganoon ang hugis ng mga pyramid?
258
00:13:28,960 --> 00:13:31,880
Para 'di tulugan ng mga walang bahay?
259
00:13:31,960 --> 00:13:34,960
Tingin ko hindi madami
ang mga walang bahay sa sinaunang Ehipto.
260
00:13:35,040 --> 00:13:36,400
-Hindi pala?
-Hindi.
261
00:13:36,480 --> 00:13:39,680
Tingin ko nag-aalagaan
at nagtutulungan ang mga tao.
262
00:13:39,760 --> 00:13:43,600
Tama. Baka ayos din sa ulan
dahil gugulong lang ito paalis.
263
00:13:43,680 --> 00:13:46,400
Paano ginawa
ng mga taga-Ehipto ang mga pyramid?
264
00:13:46,480 --> 00:13:48,760
Nagsimula ba sila sa itaas pababa
265
00:13:48,840 --> 00:13:50,720
o sa ibaba pataas?
266
00:13:50,800 --> 00:13:52,560
Nagsimula sila sa ibaba pataas
267
00:13:52,640 --> 00:13:55,560
dahil imposibleng
sa taas sila mag-umpisa pababa.
268
00:14:00,040 --> 00:14:02,280
Paniwala ng mga taga-Ehipto
na ang pinakamakabuluhan
269
00:14:02,360 --> 00:14:04,360
sa buhay ay ang mamatay,
270
00:14:04,440 --> 00:14:08,320
at kung mas importante ka,
mas kumplikado dapat ang pagkamatay mo.
271
00:14:08,400 --> 00:14:11,480
Paro ang tawag sa mga haring taga-Ehipto,
272
00:14:11,560 --> 00:14:12,520
at sa pagkamatay nila,
273
00:14:12,600 --> 00:14:15,360
ginagawa silang mummy
tulad sa sikat na Scooby-Doo.
274
00:14:16,280 --> 00:14:20,880
Nahumaling ng husto ang mga sinaunang
taga-Ehipto sa mga patay na tao, 'di ba?
275
00:14:20,960 --> 00:14:24,880
Pero patay na sila,
kaya ganoon pa rin ba ang iniisip nila?
276
00:14:24,960 --> 00:14:28,280
Hindi nahumaling sa mga patay
ang sinaunang taga-Ehiptio,
277
00:14:28,360 --> 00:14:30,600
pero nahumaling sila sa buhay.
278
00:14:30,680 --> 00:14:32,840
Gusto nilang mabuhay,
at gusto nilang siguruhin
279
00:14:32,920 --> 00:14:34,960
na mabubuhay silang muli,
280
00:14:35,040 --> 00:14:36,840
kaya ginawa nila ang mummification.
281
00:14:36,920 --> 00:14:39,640
Paano nila ginagawang mummy ang tao?
282
00:14:39,720 --> 00:14:41,600
Ikwento mo sa'kin ang proseso.
283
00:14:41,680 --> 00:14:46,120
Kukunin ang bangkay at ilalatag sa mesa,
284
00:14:46,200 --> 00:14:49,680
tapos huhugasan ito't magsisimula ka
sa pagtanggal ng utak.
285
00:14:49,760 --> 00:14:53,920
Tapos maghihiwa sila
sa gitna ng katawan,
286
00:14:54,000 --> 00:14:56,120
at aalisin ang sa tingin nila'y nabubulok.
287
00:14:56,200 --> 00:14:59,160
Tapos ay babalutin nila ito ng asin
at papatuyuin,
288
00:14:59,240 --> 00:15:02,920
tapos babalutin ng benda,
tapos iyon na ang mummy.
289
00:15:03,000 --> 00:15:04,680
Parang yung tipong spa treatment
290
00:15:04,760 --> 00:15:06,920
ni Gwyneth Paltrow kada linggo.
291
00:15:07,800 --> 00:15:10,840
Nakapagbisikleta na ba ang mummy?
292
00:15:10,920 --> 00:15:12,440
Wala akong alam doon.
293
00:15:12,520 --> 00:15:14,800
Walang bisikleta
ang mga sinaunang taga-Ehipto.
294
00:15:14,880 --> 00:15:16,840
-Tama.
-Wala din silang kalsada.
295
00:15:16,920 --> 00:15:20,080
Kaya 'di sila pwedeng magkabisikleta
at 'di sila makakakasakay nito.
296
00:15:20,160 --> 00:15:21,520
Ewan ko kung bakit ko natanong iyon.
297
00:15:22,160 --> 00:15:24,200
Wala na akong ibang maisip.
298
00:15:26,920 --> 00:15:31,000
Habang nag-iwan ng pamanang
templo at libingan ang mga paro ng Ehipto,
299
00:15:31,080 --> 00:15:35,480
sa kabilang dako, may mas
nakakamanghang imperyong sumusulpot.
300
00:15:35,560 --> 00:15:38,320
Ang Gresya, ang bansa, hindi ang musikal,
301
00:15:38,400 --> 00:15:41,000
ang pinanggalingan
ng simula ng sibilisasyon.
302
00:15:41,640 --> 00:15:44,800
Madaming imbensyon ang sinaunang Griyego,
ang nasa atin pa ngayon,
303
00:15:44,880 --> 00:15:46,640
tulad ng gamot at oliba.
304
00:15:46,720 --> 00:15:51,120
At marami din ang namatay na,
tulad ng demokrasya at mga poste.
305
00:15:52,000 --> 00:15:54,240
Kasama itong mga nakakamanghang labi,
306
00:15:54,320 --> 00:15:58,840
pinayabong din ng sinaunang Griyego
ang kultura, tulad ng yogurt
307
00:15:58,920 --> 00:16:01,920
at teatro,
at sa maraming iba't ibang anyo nito.
308
00:16:02,000 --> 00:16:04,160
Mahilig sa trahedya ang mga Griyego.
309
00:16:04,240 --> 00:16:06,680
Sa trahedya,
malulungkot ang mga nangyayari,
310
00:16:06,760 --> 00:16:09,240
tulad ng mga namamatay o nagpapakamatay,
311
00:16:09,320 --> 00:16:12,960
pero matagal nang nangyari
ang mga sinaunang Griyegong trahedya.
312
00:16:13,040 --> 00:16:16,040
Malungkot pa rin ba
ang mga nangyayari sa mga ganoon?
313
00:16:16,120 --> 00:16:17,120
Malungkot pa rin,
314
00:16:17,200 --> 00:16:19,160
dahil nagkukwento sila ukol sa tao…
315
00:16:19,240 --> 00:16:22,120
TAGAPAGLEKSYON NG SINAUNANG GRIYEGONG
WIKA'T PANITIKAN
316
00:16:22,200 --> 00:16:24,280
…na nakakapag-ugnay tayo.
317
00:16:24,360 --> 00:16:25,840
Pero ang tagal na n'on.
318
00:16:25,920 --> 00:16:27,720
Bakit dapat akong may pakialam?
319
00:16:27,800 --> 00:16:32,600
Dahil, inuulit ko, kadalasang ukol
sa sitwasyon ng tao ang trahedya.
320
00:16:32,680 --> 00:16:35,400
Kahit ngayon,
kung aksidente mong napatay mo ang ama mo
321
00:16:35,480 --> 00:16:37,320
at pinakasalan mo ang ina mo,
322
00:16:37,400 --> 00:16:41,080
sasama din ang loob mo
tulad ni Oedipus.
323
00:16:41,160 --> 00:16:45,600
Baka manhid ako, pero wala akong pakialam
sa mga tao sa sinaunang Griyego.
324
00:16:46,280 --> 00:16:47,720
Sayang naman.
325
00:16:47,800 --> 00:16:50,160
-May pakialam ka?
-Malaki ang pakialam ko.
326
00:16:50,240 --> 00:16:51,520
Oo, trabaho ko kasi.
327
00:16:52,200 --> 00:16:55,920
Nagsulat ang kaibigan kong si Paul
tungkol sa lalaking may patatas
328
00:16:56,000 --> 00:16:59,080
na naipit sa puwit n'ya
dahil lang sa isang masamang laro sa seks.
329
00:16:59,160 --> 00:17:01,240
Sa isang limerick niya ito isinulat.
330
00:17:01,320 --> 00:17:04,400
Walang namatay, pero parang nakakakilabot.
331
00:17:04,480 --> 00:17:06,320
Trahedya ba 'yon,
332
00:17:06,400 --> 00:17:10,440
o dapat bang magkaugat ang patatas at
mapatay siya para maging trahedya nga 'to?
333
00:17:11,400 --> 00:17:13,880
Parang isang malas na insidente 'yan.
334
00:17:13,960 --> 00:17:17,119
'Di ko lang alam kung maraming tao
ang makakaugnay diyan
335
00:17:17,200 --> 00:17:18,960
para tawaging isang trahedya ito.
336
00:17:19,040 --> 00:17:21,200
Sabi ni Paul na nangyari talaga 'yon.
337
00:17:21,280 --> 00:17:23,440
Sa totoo lang, inabala siya talaga.
338
00:17:23,520 --> 00:17:24,960
Kailangan niya ng bakasyon.
339
00:17:26,960 --> 00:17:30,800
Gumawa din ang mga Griyego
ng ibang uri ng teatro para sa mga hangal
340
00:17:30,880 --> 00:17:32,599
na kilala bilang isports.
341
00:17:32,680 --> 00:17:35,760
Sinimulan nila Olympic Games
ng mag-isa
342
00:17:35,840 --> 00:17:37,560
para Gresya lang ang panalo.
343
00:17:38,600 --> 00:17:42,600
Ang mga lumahok sa mga unang Olympics
ay sumali ng hubad,
344
00:17:42,680 --> 00:17:45,880
medyo dahil mataas ang tingin
sa katawang pang-atleta,
345
00:17:45,960 --> 00:17:48,600
pero pangunahing dahilan
ay wala pang Lycra noon.
346
00:17:48,680 --> 00:17:53,400
Dinig ko noong unang mga Olympic,
hubad na nagpapaligsahan ang mga atleta.
347
00:17:53,480 --> 00:17:56,280
Nagpaligsahan nga silang hubad.
348
00:17:56,360 --> 00:18:02,320
At may mga sulat ukol
sa pagiging erotikong tanawin nito minsan.
349
00:18:02,400 --> 00:18:05,160
Sa pagbubuno,
sa lahat ng pagkislot na 'yon,
350
00:18:05,240 --> 00:18:07,800
makikita na nila butas ng puwit ng lahat.
351
00:18:07,880 --> 00:18:10,880
'Di ba pwedeng sensurahin
para sa mga nanonood
352
00:18:10,960 --> 00:18:12,320
gumamit ng mga pangtakip?
353
00:18:13,120 --> 00:18:16,240
O hinging pumikit ang mga tao
kada may tutuwad?
354
00:18:18,800 --> 00:18:20,560
Tingin ko 'di gagana 'yon.
355
00:18:20,640 --> 00:18:22,800
Pero masisilipan mo sila.
356
00:18:23,640 --> 00:18:25,560
May tumitingin nga minsan.
357
00:18:25,640 --> 00:18:28,600
Aprubado ba talaga ni Zeus iyon?
358
00:18:30,760 --> 00:18:34,480
Pero marahil ang pinakasikat
na pagbubuno na gawa ng Griyego
359
00:18:34,560 --> 00:18:36,120
ay ang pagbubuno ng isip.
360
00:18:36,200 --> 00:18:40,040
Ang pilosopiya sa madaling salita
ay pag-iisip tungkol sa pag-iisip,
361
00:18:40,120 --> 00:18:42,560
na parang pagsasayang ng oras,
dahil totoo 'yon.
362
00:18:43,120 --> 00:18:45,880
Pero baka mangatwiran ang pilosopo
na ang nasayang na oras
363
00:18:45,960 --> 00:18:47,960
ay 'di nangyari talaga,
364
00:18:48,040 --> 00:18:50,000
at baka doon ka na umalis
365
00:18:50,080 --> 00:18:51,680
para magbiskwit.
366
00:18:53,880 --> 00:18:57,280
Ito ang mga sinaunang Griyegong pilosopo,
hindi ang mga tunay.
367
00:18:57,360 --> 00:18:59,440
Puro alikabok at buto na ang mga 'yon.
368
00:18:59,520 --> 00:19:01,200
Ngipin din kung swertehin.
369
00:19:01,280 --> 00:19:04,200
Mga estatwang gawa sa bato lang mga ito.
370
00:19:05,120 --> 00:19:09,400
Nag-isip ng mga mapusok at bagong teoryang
ukol sa buhay ang mga Griyegong pilosopo.
371
00:19:09,480 --> 00:19:11,920
Kaya kilala pa rin natin mga pangalan nila
372
00:19:12,000 --> 00:19:15,200
kahit na wala na silang
mga bagong gawang nilalabas.
373
00:19:15,280 --> 00:19:16,840
Si Socrates.
374
00:19:16,920 --> 00:19:18,440
Si Pythagoras.
375
00:19:18,520 --> 00:19:19,800
Ang isang ito.
376
00:19:19,880 --> 00:19:20,760
Siya.
377
00:19:21,920 --> 00:19:23,560
At ito si Plato.
378
00:19:23,640 --> 00:19:26,640
Kita mong kahit na ilang siglo na
mula ng mamatay s'ya,
379
00:19:26,720 --> 00:19:28,480
malalim pa rin ang iniisip niya,
380
00:19:28,560 --> 00:19:30,880
lumilikha ng mga teorya sa ulo niya.
381
00:19:30,960 --> 00:19:33,480
Kung pwede sanang lagyan ng mikropono
ang gilid ng utak niya
382
00:19:33,560 --> 00:19:36,240
para marinig natin mismo,
pero 'di pwede.
383
00:19:36,320 --> 00:19:37,760
Bukod dito, Gresya salita niya
384
00:19:37,840 --> 00:19:39,880
wala ni isa sa amin ang nakakaintindi.
385
00:19:41,240 --> 00:19:43,880
Ipinamana ni Plato
ang kaalaman niya sa isang estudyanteng
386
00:19:43,960 --> 00:19:47,280
magiging isa
sa pinakamaimpluwensyang tagapag-isip,
387
00:19:47,880 --> 00:19:49,040
si Aristotle.
388
00:19:49,120 --> 00:19:53,240
Madaming matalinong
nasabi si Aristotle, 'di ba?
389
00:19:53,320 --> 00:19:55,840
Ang paborito ko'y,
"Sumayaw ka na parang walang nanonood."
390
00:19:55,920 --> 00:19:59,400
Napakatotoo,
at pwedeng iangkop sa kahit ano.
391
00:20:00,560 --> 00:20:04,520
Kasi napakahina minsan ng kumpiyansa ko,
392
00:20:04,600 --> 00:20:07,400
at alam kong mukhang may kumpiyansa ako,
393
00:20:07,480 --> 00:20:09,720
pero minsan,
habang kausap ang mga eksperto,
394
00:20:10,600 --> 00:20:15,000
nag-aalala akong baka
ang maging dating ko ay tanga ako.
395
00:20:15,520 --> 00:20:19,000
At kapag iniisip ko ang,
"Sayaw na parang walang nanonood,"
396
00:20:19,080 --> 00:20:20,640
nakakatulong iyon.
397
00:20:20,720 --> 00:20:21,920
Parang ikinaloob.
398
00:20:22,640 --> 00:20:25,000
Anong nagpaisip kay Aristotle doon?
399
00:20:26,640 --> 00:20:30,120
'Di ko alam na sinabi ni Aristole 'yan
400
00:20:30,200 --> 00:20:33,000
tungkol sa pagsasayaw
na parang walang nanonood.
401
00:20:33,080 --> 00:20:35,280
Parang 'di niya sinabi 'yon.
402
00:20:35,360 --> 00:20:36,720
Sinabi niya, 'di ba?
403
00:20:36,800 --> 00:20:39,840
Kung sinabi niya 'yon, 'di ko alam
at 'di ko alam kung bakit
404
00:20:39,920 --> 00:20:41,520
pero tingin ko 'di n'ya sinabi.
405
00:20:42,680 --> 00:20:45,480
May nasabi ba siyang hawig
406
00:20:47,120 --> 00:20:49,960
ng kumpiyansa sa tao?
407
00:20:52,320 --> 00:20:53,800
Tingin ko wala.
408
00:20:53,880 --> 00:20:54,720
Tama.
409
00:20:57,240 --> 00:20:58,160
Sige.
410
00:21:00,320 --> 00:21:03,520
Maaaring 'di magkasundo
ang mga eksperto sa mga sinabi nila,
411
00:21:03,600 --> 00:21:07,080
pero siguradong binago ng mga
sinaunang Griyego ang pag-iisip natin.
412
00:21:07,920 --> 00:21:10,880
Nakapag-isip ba ang isang pilosopo
ng ideyang napakalaki
413
00:21:10,960 --> 00:21:12,200
na nabiyak pa ang ulo niya?
414
00:21:13,080 --> 00:21:14,240
Wala akong alam.
415
00:21:14,320 --> 00:21:16,680
Batid n'yo naman
na puno ng mga tubo ang utak?
416
00:21:16,760 --> 00:21:18,680
-Ang mga pilosopo…
-Hindi.
417
00:21:19,320 --> 00:21:20,920
-'Di n'yo alam?
-Hindi.
418
00:21:21,000 --> 00:21:22,640
Sige, puro tubo ang utak.
419
00:21:22,720 --> 00:21:26,680
Alam n'yo ba kung paanong
sinusubukang itulak ng mga pilosopo
420
00:21:26,760 --> 00:21:31,560
itong mga kaisipang 'to sa mga tubo?
421
00:21:31,640 --> 00:21:34,720
Kung may malaking ideya ka,
mainam ba kung pira-pirasuhin ito
422
00:21:34,800 --> 00:21:37,720
na kasinglaki ng mga gisante,
423
00:21:37,800 --> 00:21:40,720
tapos pisilin sila palabas ng sunud-sunod,
424
00:21:40,800 --> 00:21:43,800
o tiisin na lang at pwesahin itong palabas
sa tubo ng utak mo
425
00:21:43,880 --> 00:21:45,280
ng isang bagsakan?
426
00:21:45,360 --> 00:21:48,040
Parang pagkagat ng madiin
at pag-alala sa buhay.
427
00:21:48,720 --> 00:21:51,960
Interesanteng paraan 'yan
428
00:21:52,040 --> 00:21:56,200
ng paglalarawan sa dalawang laganap
na ugali sa pilosopiya.
429
00:21:56,280 --> 00:21:59,600
Isa ang mas analitikong istilo,
430
00:21:59,680 --> 00:22:04,800
ang pagpirara-piraso ng mga problema.
431
00:22:04,880 --> 00:22:09,200
-Mga gisante.
-At ang mas sintetikong paraan,
432
00:22:09,280 --> 00:22:12,720
na mas malaki ang pananaw.
433
00:22:12,800 --> 00:22:16,880
Kaya ang karakterisasyon mo
434
00:22:16,960 --> 00:22:19,880
ay nakakaintrigang pagsasalarawan
435
00:22:19,960 --> 00:22:23,400
ng dalawang pangunahing pagtahak
ng kasalukuyang pilosopiya.
436
00:22:24,000 --> 00:22:24,920
Mabuti iyon?
437
00:22:25,000 --> 00:22:26,400
-Napakabuti.
-Uy, ayos.
438
00:22:28,280 --> 00:22:31,720
Samantala, ikinakalat
ang sinaunang Gresya sa mundo
439
00:22:31,800 --> 00:22:34,600
ng lalaking ito, Alexander the Great.
440
00:22:35,120 --> 00:22:38,600
Si Alexander the Great
ay naging hari noong 20 siya,
441
00:22:38,680 --> 00:22:41,840
nagkampanyang militar sa Gitnang Silangan,
442
00:22:41,920 --> 00:22:46,240
at nagka-imperyo
mula Gresya hanggang India
443
00:22:46,320 --> 00:22:48,160
ng sumapit siya ng 30.
444
00:22:48,240 --> 00:22:49,920
Ano ang itsura ng buhok niya?
445
00:22:50,960 --> 00:22:51,840
'Di ko alam.
446
00:22:54,360 --> 00:22:58,000
'Di lang si Alexander ang megastar
na may sariling imperyo.
447
00:22:58,080 --> 00:23:02,360
May mga malalaking bahagi ng Tsina
ang ipinagkaisa ni Qin Shi Huang,
448
00:23:02,440 --> 00:23:05,360
ang unang karakter na cartoon
na nagka-imperyo
449
00:23:05,440 --> 00:23:07,200
at ang gumawa ng Great Wall ng China.
450
00:23:07,920 --> 00:23:12,400
Sabi nila na ang Great Wall ng China.
ay ang tanging palantandaang
451
00:23:12,480 --> 00:23:14,280
dinig mula sa kalawakan.
452
00:23:14,360 --> 00:23:15,520
MANANALAYSAY
453
00:23:15,600 --> 00:23:17,720
Oo, 'di mo… 'Di mo maririnig.
454
00:23:17,800 --> 00:23:20,720
At sabi nila makikita mo ito
mula sa kalawakan,
455
00:23:20,800 --> 00:23:22,440
pero 'di totoo iyon.
456
00:23:23,080 --> 00:23:24,800
-Sinubukan nila…
-'Di kita sa kalawakan?
457
00:23:24,880 --> 00:23:28,880
Sinubukan tingnan ng
mga Tsinong astronaut at 'di nila magawa.
458
00:23:28,960 --> 00:23:30,760
-'Di nila makita.
-Hindi kita.
459
00:23:30,840 --> 00:23:33,280
'Di nakikitang pader, parang forcefield.
460
00:23:33,360 --> 00:23:35,880
'Di nakikita mula lang sa kalawakan.
461
00:23:35,960 --> 00:23:38,000
Siguradong makikita ito sa lupa.
462
00:23:38,080 --> 00:23:39,640
Kakaiba 'yon, 'di ba?
463
00:23:39,720 --> 00:23:41,840
Isa ba 'yon sa mga malalaking misteryo?
464
00:23:41,920 --> 00:23:44,160
At may bubong ba ang Tsina?
465
00:23:45,240 --> 00:23:46,960
Higanteng Bubong ng Tsina?
466
00:23:47,040 --> 00:23:48,800
Walang higanteng bubong.
467
00:23:49,960 --> 00:23:53,480
Ang imperyong Tsina
ay pinagmulan ng maraming paglikha
468
00:23:53,560 --> 00:23:55,560
at pilosopikal na pag-iisip
469
00:23:55,640 --> 00:23:58,680
na binanggit sa mga sinaunang dokumento,
ilang siglo pa bago lumabas
470
00:23:58,760 --> 00:24:02,040
ang walang kinalamang
awiting tekno na Belgian,
471
00:24:02,120 --> 00:24:03,720
ang "Pump Up the Jam."
472
00:24:39,440 --> 00:24:42,680
May imperyo ang mga Griyego,
at gayun din ang mga Tsina,
473
00:24:42,760 --> 00:24:44,720
pero kadalasan pag sinabing "imperyo"
474
00:24:44,800 --> 00:24:47,880
isa lang ang sumasagi sa atin, Star Wars.
475
00:24:47,960 --> 00:24:48,920
O ang Roma.
476
00:24:49,000 --> 00:24:51,280
At kasaysayan ito, kaya Roma 'yon.
477
00:24:51,360 --> 00:24:55,720
Umangat sa kataasan ang imperyo nito
sa pangunguna ni Julius Caesar,
478
00:24:55,800 --> 00:24:58,440
ang pinakakilabot na Roman
hanggang dumating si Polanski.
479
00:24:59,240 --> 00:25:03,160
Ang isang dahilan kaya marami tayong alam
tungkol sa mga Romano ngayon
480
00:25:03,240 --> 00:25:04,640
ay ang Wikipedia.
481
00:25:05,200 --> 00:25:08,160
At madaming alam ang Wikipedia
sa mga Romano
482
00:25:08,240 --> 00:25:10,160
ay dahil sa nangyari sa Pompeii.
483
00:25:12,440 --> 00:25:15,640
Progresibo ang Pompeii,
meron silang sariling bulkan,
484
00:25:15,720 --> 00:25:17,800
na Latin para sa "Galit na Burol."
485
00:25:18,640 --> 00:25:21,880
Mapayapang nabubuhay
ang mga tao at ang bulkan
486
00:25:21,960 --> 00:25:26,200
hanggang sa isang araw na nagkawatak-watak
sila't pumutok ang bulkan
487
00:25:26,280 --> 00:25:28,760
na naglibing sa Pompeii
sa ilalim ng makapal na abo.
488
00:25:29,800 --> 00:25:32,720
Tumigil ang pang araw-araw na pamumuhay
489
00:25:32,800 --> 00:25:36,280
na parang may mahikang pumigil
sa mga kamay ng orasan
490
00:25:36,360 --> 00:25:38,480
at nagpasabog ng abo sa buong lugar.
491
00:25:38,560 --> 00:25:41,080
Nakakamatay noon,
pero sa kabutihang-palad,
492
00:25:41,160 --> 00:25:43,760
nagbigay ito ng maraming impormasyon
sa mga arkeologo
493
00:25:43,840 --> 00:25:45,600
tungkol sa pamumuhay ng mga Romano.
494
00:25:45,680 --> 00:25:49,800
Salamat sa bulkan, alam natin na ang
karaniwang Romano'y may abong balat,
495
00:25:49,880 --> 00:25:53,000
kalbo at magdamag na nakahiga
496
00:25:53,080 --> 00:25:55,440
sa maalikabok nilang mga bahay.
497
00:25:55,960 --> 00:26:00,520
Nagpreserba naman sila ng mga katibayan
sa pagiging sopistikado ng Romanong buhay,
498
00:26:00,600 --> 00:26:04,680
na may mga ginhawang tulad
ng tubig sa bahay, at cunnilingus.
499
00:26:04,760 --> 00:26:08,000
Ang Imperyong Romano
ay napakaunlad para sa panahon nila.
500
00:26:08,080 --> 00:26:10,360
Akala ng mga tao na maraming naimbento
ang mga Romano,
501
00:26:10,440 --> 00:26:14,960
pero kadalasan, sila lang ang nagperpekto
ng mga gawa ng iba.
502
00:26:15,040 --> 00:26:17,840
Sabihin mo kung ang sasabihin ko
ay inimbento ng Romano…
503
00:26:17,920 --> 00:26:19,240
TAGAPAGLEKSYON NG KLASIKO
504
00:26:19,320 --> 00:26:20,320
…o pineperpekto.
505
00:26:20,400 --> 00:26:21,840
Ha? Inimbento o pinerpekto.
506
00:26:22,600 --> 00:26:23,600
Subukan mo ako.
507
00:26:23,680 --> 00:26:26,280
-Pampainit sa ilalim ng sahig.
-Inimbento.
508
00:26:26,840 --> 00:26:27,840
Ding!
509
00:26:27,920 --> 00:26:30,400
-Ang kalendaryo.
-Pinerpekto.
510
00:26:31,720 --> 00:26:32,600
Ang bagal mo…
511
00:26:33,600 --> 00:26:35,680
kaya 'di mo masasagot ang susunod.
512
00:26:35,760 --> 00:26:36,760
Mga kalsada.
513
00:26:36,840 --> 00:26:39,320
Hindi, mga Persyano ang nag-imbento nito.
514
00:26:39,400 --> 00:26:42,000
At madaming may alam tungkol sa kalsada.
515
00:26:42,080 --> 00:26:44,000
Ang bagal mo,
'di mo na pwedeng sagutin yan.
516
00:26:44,080 --> 00:26:46,000
-Ay, oo.
-Semento.
517
00:26:46,080 --> 00:26:47,960
-Inimbento. Oo.
-Ding!
518
00:26:48,040 --> 00:26:48,960
Ang alpabeto.
519
00:26:49,640 --> 00:26:51,680
Ay, talagang 'di inimbento,
520
00:26:51,760 --> 00:26:53,640
at baka 'di din pinerpekto.
521
00:26:53,720 --> 00:26:55,560
-Ibig ko sabihin…
-Pumili ka ng isa.
522
00:26:55,640 --> 00:26:56,880
-Nakapili na ako?
-Oo.
523
00:26:59,000 --> 00:27:01,680
-Mali ang pinerpekto…
-Ding!
524
00:27:01,760 --> 00:27:04,320
-Pagpapaputi sa butas ng puwit.
-Ano?
525
00:27:04,400 --> 00:27:05,680
Pagpapaputi sa butas ng puwit.
526
00:27:06,480 --> 00:27:07,880
Pagpapaputi sa butas ng puwit…
527
00:27:10,280 --> 00:27:13,440
-Ewan ko kung anong magagawa nila.
-Subukan mo.
528
00:27:13,520 --> 00:27:15,760
-'Di ko nga alam iyon.
-Pagpapaputi 'yon ng puwit.
529
00:27:15,840 --> 00:27:17,960
-Talaga?
-Oo, papaputiin nila.
530
00:27:18,800 --> 00:27:20,080
'Di ganoon sa'min.
531
00:27:20,160 --> 00:27:22,840
Pero, 'di ko alam
ang ginawa nila doon. Pass.
532
00:27:22,920 --> 00:27:24,960
Imbento o pinerpekto? Walang pass dito.
533
00:27:28,240 --> 00:27:29,520
-Pagpapaputi?
-Oo.
534
00:27:30,480 --> 00:27:31,920
Pagpapaputi ng butas ng puwit.
535
00:27:35,600 --> 00:27:37,640
Sige. Inimbento, pero…
536
00:27:39,640 --> 00:27:42,160
Ilang 100,000 taon noon,
537
00:27:42,240 --> 00:27:45,080
nakatira sa kuweba
na parang hayop ang mga tao.
538
00:27:45,160 --> 00:27:49,480
Ngayon, pagkatapos ng mga serye
ng pagsusulong sa teknolohiya't kultura,
539
00:27:49,560 --> 00:27:52,000
nakatira na tayo sa siyudad na parang tao.
540
00:27:52,080 --> 00:27:53,880
Sa pagtingin sa sinaunang Romano,
541
00:27:53,960 --> 00:27:57,240
napatawad na ang ating mga ninuno
sa yabang na naramdaman nila
542
00:27:57,320 --> 00:27:58,720
na parang si James Corden.
543
00:27:59,360 --> 00:28:01,120
Pero 'di alam ng imperyo ng Romano
544
00:28:01,200 --> 00:28:04,680
na makakaharap nila ang pinakamalaki
nilang hamon, isang lalaki ng kapayapaan,
545
00:28:04,760 --> 00:28:06,520
si Hesukristo.
546
00:28:06,600 --> 00:28:08,320
Pangalan ng kalye, "Anak ng Diyos."
547
00:28:09,120 --> 00:28:12,640
Sa susunod, titingnan natin
ang relihiyon at ang pagkalat nito,
548
00:28:12,720 --> 00:28:16,440
na parang mga meme, pero may
pamumuhay at mga damit na kasama.
549
00:28:16,520 --> 00:28:19,360
Tatalakayin din ang dalawa
sa pinakamahalagang libro sa kasaysayan,
550
00:28:19,440 --> 00:28:21,440
ang Bibliya at ang Koran,
551
00:28:21,520 --> 00:28:24,640
at ang pinakasagot sa tanong
na alin ang mas magaling?
552
00:28:46,920 --> 00:28:49,920
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Jem De Ocampo