1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,480 --> 00:00:18,000 Sa mga lugar sa mundo, nakita namin ang pinaniniwalaan kong 3 00:00:18,080 --> 00:00:21,160 mga bakas ng daliri ng nawawalang sibilisasyon 4 00:00:22,360 --> 00:00:24,400 na mula pa sa huling Ice Age. 5 00:00:25,280 --> 00:00:26,760 Ang huling misteryo ay 6 00:00:26,840 --> 00:00:29,440 anong nangyari sa maunlad na sibilisasyon? 7 00:00:30,880 --> 00:00:34,760 May mga bakas sa pinagmulan ng mga alamat ng sinaunang kultura, 8 00:00:35,360 --> 00:00:38,520 dahil karamihan ay nagsasabi ng parehong kuwento. 9 00:00:40,680 --> 00:00:42,520 Ayos sa mga alamat na ito, 10 00:00:42,600 --> 00:00:44,040 noong unang panahon, 11 00:00:44,120 --> 00:00:47,680 ang sangkatauhan ay kabahagi ang Mundo sa mas maunlad na lipunan, 12 00:00:49,480 --> 00:00:54,160 iyon man ay Atlantean, o mga higante, o mga diyos sa Mundo. 13 00:00:55,600 --> 00:00:58,840 Nang nagkaroon ng nakakakilabot na pandaigdigang sakuna, 14 00:00:59,520 --> 00:01:00,920 isang malaking pagbaha, 15 00:01:02,440 --> 00:01:06,160 iilan lamang ang napiling naligtas upang mapunan muli ang Mundo. 16 00:01:06,880 --> 00:01:10,040 Na kalaunan ay binisita ng iba pang mga nakaligtas, 17 00:01:10,760 --> 00:01:15,120 mga misteryosong dakilang guro, na kadalasang dumarating sa dagat, 18 00:01:15,200 --> 00:01:18,680 para tumulong sa pagsilang muli ng sangkatauhan 19 00:01:19,400 --> 00:01:21,800 at sibilisasyon na alam natin ngayon. 20 00:01:24,880 --> 00:01:26,400 Kinumpirma ng agham 21 00:01:26,480 --> 00:01:29,680 na ang gano'ng serye ng mga kaganapang apocalyptic 22 00:01:29,760 --> 00:01:34,760 ay nangyari sa katapusan ng Ice Age, mga 12,800 na taon ang nakalipas… 23 00:01:36,960 --> 00:01:41,040 isang kapanahunan na kilala ng mga heologo bilang ang Younger Dryas. 24 00:01:48,280 --> 00:01:49,920 Sa kasunod lamang nito, 25 00:01:50,000 --> 00:01:54,480 nagsimula ang ating mga ninuno na magtanim at mag-alaga ng hayop, 26 00:01:55,040 --> 00:01:56,280 gumawa ng mga lipunan 27 00:01:56,360 --> 00:01:59,040 at magtayo ng malaking megalitikong istruktura 28 00:01:59,760 --> 00:02:01,640 na nakahanay sa mga bituin. 29 00:02:04,640 --> 00:02:05,800 Pero bakit? 30 00:02:07,160 --> 00:02:11,760 Ito ay misteryo na ang mga kilalang arkeologo ay walang tunay na paliwanag, 31 00:02:11,840 --> 00:02:13,880 maliban sa "iyon ang nangyari." 32 00:02:15,280 --> 00:02:17,680 Pero ako'y may radikal na ibang mungkahi. 33 00:02:18,360 --> 00:02:20,960 Tanungin ang sarili kung 'yon ang kasaysayan? 34 00:02:23,120 --> 00:02:24,760 O matagal na bago iyon? 35 00:02:37,360 --> 00:02:42,680 KALAMIDAD AT MULING PAGBANGON 36 00:02:45,080 --> 00:02:46,320 Posible 37 00:02:46,400 --> 00:02:50,440 na ang mga bakas ng nawawalang maunlad na sibilisasyong hinahanap ko 38 00:02:51,080 --> 00:02:55,000 ay natangay ng mga sakuna ng Younger Dryas. 39 00:02:55,760 --> 00:02:59,520 Pero ang ebidensyang heolohikal ng apocalyptic na sandaling iyon 40 00:02:59,600 --> 00:03:00,760 ay mayroon pa rin. 41 00:03:02,000 --> 00:03:03,120 At naniniwala ako. 42 00:03:05,160 --> 00:03:08,280 Dito, sa hilagang-kanluran ng Amerika, 43 00:03:08,840 --> 00:03:13,360 sa parte ng silangan ng Washington na kilala bilang Channeled Scablands. 44 00:03:19,080 --> 00:03:22,360 Ito ay natatanging apocalyptic na tanawin, 45 00:03:22,440 --> 00:03:26,560 isang kamangha-manghang lugar na sumasaklaw ng 2,000 milyang kuwadrado. 46 00:03:29,080 --> 00:03:33,960 Ang mga tanawing ito ay ebidensiya ng isang malaking 47 00:03:34,040 --> 00:03:37,000 halos hindi mailarawan na sakuna. 48 00:03:42,640 --> 00:03:45,720 Lugar na matagal nang pinapamangha ang mga heologo, 49 00:03:46,880 --> 00:03:49,080 na may malalaking galos sa bato, 50 00:03:49,680 --> 00:03:54,880 malalaking lubak, at kahanga-hangang mga talon. 51 00:03:58,240 --> 00:04:02,160 Lahat ng ito ay nagsama-sama para magmukhang hindi makamundo. 52 00:04:02,240 --> 00:04:03,720 Hindi sa mundong ito. 53 00:04:05,440 --> 00:04:07,440 Ang fossilized na talon na ito, 54 00:04:08,680 --> 00:04:10,920 na pinangalanang Dry Falls, 55 00:04:11,000 --> 00:04:14,720 ay mataas ang antas sa mga natural na kababalaghan ng Channeled Scablands, 56 00:04:15,800 --> 00:04:17,160 at kahit sa mundo. 57 00:04:19,080 --> 00:04:22,880 Ito ay napakalaki na halos imposibleng maunawaan ang sukat nito. 58 00:04:25,920 --> 00:04:30,040 Ang Falls ay isang seksyon lang ng napakalawak na bangin 59 00:04:30,120 --> 00:04:33,200 na lumabas sa lupa, daan-daang talampakan ang lalim, 60 00:04:33,280 --> 00:04:36,560 50 milya ang haba, at halos tatlong milya ang lapad, 61 00:04:37,560 --> 00:04:38,600 na Grand Coulee. 62 00:04:40,600 --> 00:04:43,880 Naniniwala ang mga heologo na lahat itong mga pormasyon 63 00:04:43,960 --> 00:04:45,400 ay ginawa ng pagbaha 64 00:04:45,960 --> 00:04:49,640 na naganap no'ng panahon ng huling Ice Age. 65 00:04:50,840 --> 00:04:55,040 Kung kailan at paano naganap ito, bagaman, ay nananatiling misteryo, 66 00:04:55,120 --> 00:04:58,960 isang naging kontrobersiya sa mga heologo nang ilang dekada na. 67 00:04:59,040 --> 00:05:01,360 Ano ba talaga ang nangyari rito? 68 00:05:02,840 --> 00:05:07,600 At maaari kayang kaugnay ito sa nangyari ro'n sa nawalang maunlad na sibilisasyon 69 00:05:07,680 --> 00:05:08,960 ng Ice Age? 70 00:05:12,480 --> 00:05:14,720 Para maunawaan ko ang lahat ng ito, 71 00:05:14,800 --> 00:05:17,720 ang heologo at manunulat na si Randall Carlson, 72 00:05:17,800 --> 00:05:21,320 na sinisiyasat ang Scablands nang ilang dekada na, 73 00:05:21,400 --> 00:05:26,040 ay sinamahan ako sa lugar ng Grand Coulee na kilala bilang Lenore Lake. 74 00:05:27,240 --> 00:05:30,320 Anumang dahilan, walang tanong sa isip ng sinuman… 75 00:05:30,440 --> 00:05:33,400 na ito ang resulta ng pagbaha 76 00:05:33,480 --> 00:05:35,680 sa sukat na halos hindi makuwenta. 77 00:05:35,760 --> 00:05:38,200 Una kong impresyon, tingin pa sa mapa, 78 00:05:38,280 --> 00:05:42,080 ay ito ang lugar na nawasak, nasira at napinsala. 79 00:05:42,160 --> 00:05:44,200 Anong kuwento nitong tanawin? 80 00:05:44,280 --> 00:05:46,560 Ngayon, karamihan sa tipikal na modelo, 81 00:05:46,640 --> 00:05:48,600 -ang pinagmulan ng tubig… -Oo. 82 00:05:48,680 --> 00:05:51,720 …na gumawa sa Scablands, ay ang Lake Missoula. 83 00:05:54,880 --> 00:05:56,680 Noong huling Ice Age, 84 00:05:56,760 --> 00:06:00,440 natakpan ng mga yelo ang hilagang bahagi ng North America, 85 00:06:00,520 --> 00:06:01,760 baybayin sa baybayin. 86 00:06:03,920 --> 00:06:09,160 Ilang milyong milya kuwadrado ng yelo, may sapat na tubig para punan ang karagatan. 87 00:06:11,840 --> 00:06:14,400 At sa timog na bahagi ng yelo, 88 00:06:14,480 --> 00:06:16,640 nabuo ang tubig-tabang na lawa. 89 00:06:18,480 --> 00:06:20,920 Isang glacial na lawa, ang Missoula, 90 00:06:21,000 --> 00:06:25,640 ay mayroong tubig na kasingdami ng pinagsamang lawa ng Erie at Ontario, 91 00:06:26,520 --> 00:06:29,880 nasasaklaw ang ngayon ay hilagang-kanlurang Montana. 92 00:06:33,080 --> 00:06:36,400 Ang kasalukuyang teorya ay naharangan ang Lake Missoula 93 00:06:36,480 --> 00:06:39,800 ng parang natural na dam ng yelo na nasira. 94 00:06:45,840 --> 00:06:46,920 Tanggalin ang dam, 95 00:06:47,000 --> 00:06:50,360 lahat ng tubig ay aagos dito sa kanluran tulad nito. 96 00:06:53,520 --> 00:06:56,440 At para maestima ang mga pinsalang ito sa tanawin, 97 00:06:57,040 --> 00:07:03,720 naisip ng mga heologo na ang dam ng yelo ay nabuo muli at nasira nang paulit-ulit, 98 00:07:03,800 --> 00:07:08,760 na nagsanhi ng dose-dosenang pagbaha sa ilang libong taon, 99 00:07:08,840 --> 00:07:12,960 unti-unting hinuhulma ang Scablands sa nakikita natin ngayon. 100 00:07:14,440 --> 00:07:16,280 Kaya lumabas sa Lake Missoula, 101 00:07:16,360 --> 00:07:19,200 at dahil di sapat ang pag-ubos ng Lake Missoula, 102 00:07:19,280 --> 00:07:21,600 nangailangan ng 80 o 90 na pag-ubos. 103 00:07:21,680 --> 00:07:22,760 Nakakatulong iyon. 104 00:07:25,120 --> 00:07:30,440 Iyon ay mausisang gawa-gawa na paliwanag para sa magandang tanawin. 105 00:07:33,080 --> 00:07:37,560 May malakas na tinatawag na "uniformitarian trend" sa heologo. 106 00:07:37,640 --> 00:07:40,880 Ayaw ng mga modernong heologo ang mga kataklismo. 107 00:07:40,960 --> 00:07:45,120 Mas gusto nila ang mahaba, mabagal, unti-unting paliwanag sa mga bagay, 108 00:07:45,200 --> 00:07:47,960 at gusto ang pananaw na ang mga bagay ngayon 109 00:07:48,040 --> 00:07:49,640 ay pareho sa nakaraan, 110 00:07:49,720 --> 00:07:52,640 kahit na para sa akin iyon ay walang kabuluhan. 111 00:07:54,040 --> 00:07:56,720 Naniniwala si Randall na ang katibayan dito 112 00:07:56,800 --> 00:08:00,080 ay nagpakita hindi ng mga siglo ng unti-unting pagbaha, 113 00:08:00,160 --> 00:08:06,560 pero ng isang malakihang malupit na delubyo na tumagal lang ng ilang linggo. 114 00:08:06,640 --> 00:08:08,960 -Hindi lang ito tubig, ano? -Hindi. 115 00:08:09,040 --> 00:08:11,080 -Oo. -Hanggang sa kayang makita, 116 00:08:11,800 --> 00:08:15,640 magiging malupit, kumukulo, magulong senaryo. 117 00:08:17,400 --> 00:08:20,040 Gumagalaw na tubig na barado ng libong yelo. 118 00:08:21,160 --> 00:08:24,000 Lahat ng nasa pagitan nitong talampas ay naalis. 119 00:08:24,080 --> 00:08:25,240 Oo. 120 00:08:26,520 --> 00:08:30,320 Isang napakalaking di-maisip na malupit na pangyayari. 121 00:08:32,840 --> 00:08:34,280 Para bigyan ka ng ideya, 122 00:08:34,360 --> 00:08:38,200 kung kukunin ang bawat ilog sa Daigdig mula sa bawat kontinente, 123 00:08:38,280 --> 00:08:40,039 pagsasamahin lahat, 124 00:08:40,600 --> 00:08:43,080 mumultiplikahin pa sa di bababa sa sampu 125 00:08:43,159 --> 00:08:45,919 para makuha ang dami ng tubig na umaagos dito. 126 00:08:46,000 --> 00:08:48,799 Wow! Talagang nailalagay niyan sa perspektibo. 127 00:08:54,600 --> 00:08:57,680 Talagang nakakasindak na tanawin, 128 00:08:57,760 --> 00:09:00,480 na nagsasabi sa 'kin ng sinaunang sakuna. 129 00:09:01,880 --> 00:09:05,800 Isang sakuna sa sukat na halos imposible nang maisip ngayon. 130 00:09:09,760 --> 00:09:15,000 Noong Ice Age, ito ay isang lugar ng malambot na damuhan, 131 00:09:15,080 --> 00:09:18,760 na puno ng mga naglilibot na mga antelop at mga mastodon, 132 00:09:19,920 --> 00:09:22,600 hanggang sa dumating ang kalupitan. 133 00:09:29,520 --> 00:09:33,360 Naglabas ng napakalaking talon ang tubig-baha 134 00:09:33,440 --> 00:09:36,360 na puwedeng kasinglaki ng sampung Niagara Falls, 135 00:09:36,440 --> 00:09:39,920 dalawa't kalahating beses na mataas, pitong beses na mas malawak, 136 00:09:40,520 --> 00:09:43,400 at 3,000 beses na mas malakas. 137 00:09:47,640 --> 00:09:49,200 Gaano kabilis iyon? 138 00:09:49,280 --> 00:09:51,480 Tingin ko'y napakabilis nangyari. 139 00:09:51,560 --> 00:09:54,160 -Baka nalikha ng ilang linggo? -Oo. 140 00:09:58,640 --> 00:10:03,320 Ang pinakamalinaw na patunay ay narito, sa lugar na kung tawagin ay Wallula Gap, 141 00:10:04,680 --> 00:10:10,000 kung saan ang tubig-baha ay nakaukit ng malaking canyon, 1,200 talampakang lalim, 142 00:10:11,680 --> 00:10:15,320 iniwan itong mga napakalalaking mga bato… 143 00:10:17,720 --> 00:10:19,480 kilala bilang Twin Sisters. 144 00:10:21,000 --> 00:10:23,120 Pruweba ng bilis at bangis 145 00:10:24,160 --> 00:10:27,920 ng pinakamalaking pagbaha sa kasaysayan ng tao. 146 00:10:32,840 --> 00:10:35,240 Ang pananaliksik ay nagpakitang ang pagbuo 147 00:10:35,320 --> 00:10:42,080 ay di lang milenyong gawa ng unti-unting pagguho, gaya ng sabi ng mga heologo. 148 00:10:44,560 --> 00:10:46,960 At no'ng matapos itong malaking delubyo, 149 00:10:47,560 --> 00:10:48,600 ang umuurong na tubig 150 00:10:48,680 --> 00:10:52,800 ay di lang nag-iwan ng mga tore ng mas matigas na bato. 151 00:10:54,280 --> 00:10:58,080 Sa malapit, sa lugar na kilala bilang Camas Prairie, 152 00:10:58,160 --> 00:11:01,080 ay ang malalaking paalon-alon sa tanawin. 153 00:11:02,800 --> 00:11:05,520 Sobrang ayos nila at perpektong nabuo, 154 00:11:05,600 --> 00:11:09,120 sinumang pupunta sa baybayin at makakita ang along nawawala 155 00:11:09,200 --> 00:11:13,680 ay makikita na ang umuurong na alon ay nag-iiwan ng paalon-alon sa buhangin, 156 00:11:13,760 --> 00:11:16,680 at ang paalon-alon ay kalahating pulgada ang taas 157 00:11:16,760 --> 00:11:18,200 at ilang talampakan ang haba. 158 00:11:18,280 --> 00:11:21,400 Ang mayroon sa Camas Prairie ay paalun-alon na current 159 00:11:21,480 --> 00:11:26,480 na nasa 30 hanggang 50 na talampakang taas at 300 na talampakang haba. 160 00:11:28,240 --> 00:11:31,680 Parehong kaganapan sila na sanhi ng pag-urong ng tubig. 161 00:11:31,760 --> 00:11:35,080 Pero ang paalon-alon sa tanawin ay malaking kaganapan, 162 00:11:35,160 --> 00:11:39,440 napakaraming tubig na dumaan sa tanawin at pagkatapos ay umatras. 163 00:11:40,880 --> 00:11:42,440 Tunay na sakuna. 164 00:11:42,520 --> 00:11:43,800 Sakuna, oo. 165 00:11:43,880 --> 00:11:47,960 Kung may nakaligtas dahil sa suwerte, 166 00:11:48,040 --> 00:11:49,720 makakalabas sila sa resulta 167 00:11:49,800 --> 00:11:52,400 na iniisip na ang buong mundo ay nasira na. 168 00:11:57,360 --> 00:12:02,880 Ang Scablands ay nagpapakita ng lahat ng senyales ng malaking, nangwawasak na baha 169 00:12:02,960 --> 00:12:04,960 na hindi nagtagal, 170 00:12:06,680 --> 00:12:09,880 katulad ng inilarawan sa mga kuwento sa buong mundo. 171 00:12:15,440 --> 00:12:21,360 At malabong lahat ng tubig ay mula sa Lake Missoula, gaya ng sabi ng mga heologo. 172 00:12:21,960 --> 00:12:23,360 Alisin mo ang dam ng yelo, 173 00:12:23,920 --> 00:12:27,000 aagos lahat ng tubig pakanluran gaya nito… 174 00:12:27,120 --> 00:12:30,440 …pero mahahanap natin sa timog na pader, 175 00:12:31,160 --> 00:12:33,400 may malaking deposito ng graba. 176 00:12:34,080 --> 00:12:35,680 Aagos patimog itong tubig. 177 00:12:35,760 --> 00:12:38,160 At diyan maghihiwalay mula sa daluyan. 178 00:12:38,240 --> 00:12:41,880 Makikita mo ang pinagmulan ng baha sa yelo, di sa lawang ito. 179 00:12:41,960 --> 00:12:42,960 Tama. 180 00:12:43,040 --> 00:12:45,160 Inaamin na ngayon at kinikilala 181 00:12:45,240 --> 00:12:47,920 na, baka may iba pang lawa dito sa taas. 182 00:12:48,000 --> 00:12:51,800 At ang dapat talaga nating gawin ay tumingin sa hilaga. 183 00:12:51,880 --> 00:12:53,600 -Para tingnan ang tuktok. -Oo. 184 00:12:53,680 --> 00:12:55,760 Para balikan ang teorya ng daluyan, 185 00:12:55,840 --> 00:12:58,880 inilagay ang mga baha sa tiyak na takdang panahon, 186 00:12:58,960 --> 00:13:02,240 sa 18,000 hanggang 15,500-taong haba ng pagitan. 187 00:13:02,320 --> 00:13:06,000 Oo. Tingin ko dapat nating suriing mabuti ang ilang mga petsa. 188 00:13:06,080 --> 00:13:08,000 Dahil wala akong maisip sa panahong iyon 189 00:13:08,080 --> 00:13:09,960 magbibigay ng matinding enerhiya 190 00:13:10,040 --> 00:13:11,640 para ilabas ang ganitong tubig. 191 00:13:13,040 --> 00:13:17,040 Ang dapat mangyari ngayon ay buuin ang mga piraso ng palaisipan… 192 00:13:17,120 --> 00:13:19,160 -Oo. -…para makuha ang buo, 193 00:13:19,240 --> 00:13:20,680 maliwanag na kabuuan. 194 00:13:24,080 --> 00:13:28,440 Iyong mas malaking kabuuan na hinahanap ni Randall ay baka pausbong na. 195 00:13:30,160 --> 00:13:32,920 Sa halip na patuloy na tukuyin ang Scablands 196 00:13:33,000 --> 00:13:35,480 bilang nakakalitong panrehiyong pangyayari 197 00:13:35,560 --> 00:13:38,400 na walang maliwanag na panlabas na sanhi, 198 00:13:38,480 --> 00:13:41,520 nilalagay ng argumento ni Randall ang tanawing ito 199 00:13:41,600 --> 00:13:45,440 sa konteksto ng mas malawak, talagang pandaigdigang pagkawasak 200 00:13:45,520 --> 00:13:47,880 na naganap sa dulo ng huling Ice Age. 201 00:13:50,320 --> 00:13:54,920 Hindi 18,000, o 15,500 taong nakalipas… 202 00:13:56,520 --> 00:13:59,280 …pero nasa 12,800 taong nakalipas… 203 00:14:00,960 --> 00:14:02,960 …sa simula ng Younger Dryas. 204 00:14:05,720 --> 00:14:09,200 Maaari bang ang pagkawasak na makikita sa Scablands 205 00:14:09,280 --> 00:14:12,360 ay naging bahagi no'ng mas malaking sinaunang sakuna 206 00:14:12,440 --> 00:14:16,760 na suspetsa ko'y bumura ng isang buong maunlad na sibilisasyon? 207 00:14:21,640 --> 00:14:24,040 Isa pang tanawin ng sinaunang Amerika 208 00:14:24,120 --> 00:14:26,160 ang maaaring may huling bakas. 209 00:14:29,400 --> 00:14:30,920 1,200 milya sa timog, 210 00:14:31,560 --> 00:14:35,120 sa tuyong disyerto sa hangganan ng US-Mexico, 211 00:14:36,680 --> 00:14:39,320 sa lugar na tinatawag na Murray Springs. 212 00:14:44,840 --> 00:14:48,960 Si Allen West ay miyembro ng isang grupo ng mga mananaliksik 213 00:14:49,040 --> 00:14:52,560 na pinahanga ang komunidad ng agham noong 2007, 214 00:14:52,640 --> 00:14:57,160 sa paglalathala ng papel tungkol sa pambihirang natuklasan dito, 215 00:14:58,080 --> 00:15:03,760 sa lugar na may nakalantad na lupa na may bagay na kilala bilang "black mat." 216 00:15:04,480 --> 00:15:06,520 Itong black mat na makikita rito… 217 00:15:06,600 --> 00:15:07,440 ALLEN WEST MANANALIKSIK, KASANGGUNI SA GEOSCIENCE 218 00:15:07,520 --> 00:15:09,560 -Oo. -…kinakatawan ang pagkalipol. 219 00:15:09,640 --> 00:15:15,440 Sa ilalim niyan, may mga buto ng mamot, may mga buto ng Amerikanong kabayo, 220 00:15:15,520 --> 00:15:20,200 Amerikanong kamel, mga lobo, at pusang saber-toothed. 221 00:15:20,280 --> 00:15:25,760 At sa ngayon, wala sa mga iyon ang nahanap sa itaas ng patong na iyan. 222 00:15:26,560 --> 00:15:29,000 Karagdagan sa pagkalipol ng megafauna, 223 00:15:29,080 --> 00:15:31,240 mayroon ding pagkalipol ng mga tao. 224 00:15:31,320 --> 00:15:35,320 Iniisip namin na baka nasa 50 hanggang 60% ng mga tao 225 00:15:35,400 --> 00:15:38,480 sa buong hilagang hating-globo ay namatay noon. 226 00:15:38,560 --> 00:15:41,760 Tama. Napakadramatikong bilang niyan. 227 00:15:41,840 --> 00:15:44,320 Alam naming may nangyari, di alam kung ano. 228 00:15:44,400 --> 00:15:46,440 Naharap kayo sa misteryo… 229 00:15:46,520 --> 00:15:48,840 -Oo. -…na ginusto n'yong magsiyasat. 230 00:15:50,760 --> 00:15:54,920 Noong unang nadiskubre at sinuri ang black mat no'ng 1960s, 231 00:15:55,960 --> 00:16:00,440 natukoy ng mga siyentipiko ang edad nitong nasa 12,800 taong nakalipas, 232 00:16:00,520 --> 00:16:03,800 ang eksaktong sandali na simula ng Younger Dryas. 233 00:16:06,080 --> 00:16:07,760 Kaya ako narito. 234 00:16:09,280 --> 00:16:12,080 Baka makatulong ang black mat sa paglutas 235 00:16:12,160 --> 00:16:16,680 di lang sa misteryong nagpasimula no'ng kataklismong panahon sa una pa lang, 236 00:16:18,400 --> 00:16:23,400 pati na rin ang kung anuman ang puwedeng nagpakawala ng napakalaking baha… 237 00:16:27,280 --> 00:16:29,480 na naglikha sa Scablands. 238 00:16:30,960 --> 00:16:32,520 Bilang bahagi ng pananaliksik, 239 00:16:32,600 --> 00:16:36,760 nagsagawa sila Allen ng mabusising kemikal na pagsusuri ng black mat. 240 00:16:38,680 --> 00:16:42,200 Kaya pumunta kayo rito at sinimulang siyasatin ang mat. 241 00:16:42,840 --> 00:16:46,120 Ang nahanap namin ay tinunaw na salaming bilog-bilog. 242 00:16:46,720 --> 00:16:51,080 Ito ang unang tanda na may kaganapang naganap sa mataas ang temperatura. 243 00:16:52,440 --> 00:16:54,120 Pero di namin alam kung ano. 244 00:16:55,480 --> 00:16:58,880 Ang temperaturang sapat para tunawin ang lupa, 245 00:16:58,960 --> 00:17:00,160 iyon ba? 246 00:17:00,240 --> 00:17:02,040 Sapat para tumunaw ng kotse 247 00:17:02,120 --> 00:17:04,680 na naging tunaw na metal sa paradahan. 248 00:17:04,760 --> 00:17:05,600 Wow. Tama. 249 00:17:05,680 --> 00:17:07,080 Ano pang nakita rito? 250 00:17:07,160 --> 00:17:10,319 May mataas na bilang ng platinum at ng iridium. 251 00:17:10,400 --> 00:17:13,000 Makakahanap ba ng platinum at iridium dito? 252 00:17:13,079 --> 00:17:14,760 Hindi, di namin inaasahan. 253 00:17:15,599 --> 00:17:18,400 Di madalas makita iyon sa planetang ito. 254 00:17:19,359 --> 00:17:22,520 May isang bagay lang sa daigdig ang makakagawa no'n, 255 00:17:22,599 --> 00:17:25,040 at iyon ay uri ng kosmikong pagtama. 256 00:17:25,680 --> 00:17:28,319 Bagay na asteroid o piraso ng kometang 257 00:17:28,400 --> 00:17:31,200 pumapasok sa atmospera at sumasabog sa ere 258 00:17:31,280 --> 00:17:32,920 o tumatama sa lupa? 259 00:17:33,000 --> 00:17:33,840 Tama iyan, oo. 260 00:17:35,920 --> 00:17:38,800 Isang kometa, isang mamamatay-lahi. 261 00:17:40,600 --> 00:17:43,440 Maipapaliwanag ba niyan ang sakunang kataklismo 262 00:17:43,520 --> 00:17:46,080 na naganap sa dulo ng Younger Dryas? 263 00:17:46,880 --> 00:17:50,320 Nangyari iyon noon sa mga dinosaur. 264 00:17:54,560 --> 00:17:57,760 Walang kumontra na ito'y kosmikong tama, asteroid o kometa, 265 00:17:57,840 --> 00:18:01,480 na nagsanhi sa pagkamatay ng mga dinosaur 66 milyong taon na. 266 00:18:03,200 --> 00:18:05,720 Nag-iwan iyon ng ibang patong sa mundong 267 00:18:05,800 --> 00:18:08,160 makikita pa rin sa ilang lugar ngayon, 268 00:18:08,240 --> 00:18:11,560 at isang kaparehong patong ang nakita sa Murray Springs. 269 00:18:14,880 --> 00:18:16,360 Nang ang grupo ni Allen 270 00:18:16,440 --> 00:18:20,280 ay napagtanto ang mga implikasyon ng black mat sa Murray Springs, 271 00:18:21,080 --> 00:18:24,840 naglunsad sila ng maingat, pangmatagalang imbestigasyon 272 00:18:25,720 --> 00:18:28,000 para malaman kung nagpakita sa ibang lugar. 273 00:18:29,800 --> 00:18:32,920 At nagpakita nga, sa buong mundo. 274 00:18:37,240 --> 00:18:41,360 Ngayon, nahanap ang mga lugar ng black mat sa North America, 275 00:18:41,440 --> 00:18:44,720 mula California hanggang Michigan hanggang New Jersey, 276 00:18:44,800 --> 00:18:49,040 at mula Belgium sa hilagang Europa hanggang Syria sa Middle East. 277 00:18:50,520 --> 00:18:53,440 Maraming potensiyal na lugar ng pinagtamaan iyon, 278 00:18:53,520 --> 00:18:58,440 lahat ay nasa parehong panahon, nasa 12,800 taong nakalipas. 279 00:19:01,280 --> 00:19:04,640 Napagtanto naming ito'y tila uri ng malaking kaganapan. 280 00:19:04,720 --> 00:19:09,040 Naging malinaw sa amin ang kabuuang isang sakuna ang nangyari. 281 00:19:11,440 --> 00:19:16,320 Pero kung may pagtama ng kometa, nasaan ang nabutas na tinamaan? 282 00:19:18,000 --> 00:19:20,160 Palagay ko, nakita natin ang sagot 283 00:19:22,880 --> 00:19:24,560 sa may Scablands. 284 00:19:26,840 --> 00:19:29,920 Kung ang unang pagtama sa simula ng Younger Dryas 285 00:19:30,000 --> 00:19:31,760 ay sa tuktok ng yelo, 286 00:19:31,840 --> 00:19:35,320 pagkatunaw ng yelo, walang butas na makikita. 287 00:19:37,040 --> 00:19:39,040 Masusuportahan nito ang teorya ni Randall 288 00:19:39,120 --> 00:19:43,760 na ang biglaang sakuna ng pagbaha na responsable sa Scablands 289 00:19:43,840 --> 00:19:48,200 ay di nagmula sa lawa pero mula mismo sa tuktok ng yelo. 290 00:19:50,240 --> 00:19:54,520 Talagang hihilingin na muling isulat ang kasaysayan na alam natin. 291 00:19:54,600 --> 00:19:55,440 Oo. 292 00:19:57,400 --> 00:20:00,680 Pero, ang isang pagtama lang ay di makakagawa 293 00:20:00,760 --> 00:20:04,520 ng lahat ng lugar ng black mat na naimapa ng grupo ni Allen. 294 00:20:06,400 --> 00:20:08,960 Humantong ito sa ideyang nakakagulat. 295 00:20:09,040 --> 00:20:13,480 Baka hindi isang kosmikong pagtama ang nag-iwan ng bakas sa buong mundo, 296 00:20:13,560 --> 00:20:14,800 pero marami. 297 00:20:14,880 --> 00:20:18,600 Maikling matinding bagyo ng kosmiko na nakatagpo ng Daigdig. 298 00:20:18,680 --> 00:20:21,800 Tinawag nilang ang teorya ng pagtama ng Younger Dryas. 299 00:20:24,120 --> 00:20:26,880 'Wag isiping ang Daigdig ay natamaan ng kometa, 300 00:20:26,960 --> 00:20:29,920 sa halip ay natamaan ng libo-libong mga piraso. 301 00:20:30,000 --> 00:20:32,920 Isipin na 12,800 taong nakalipas, 302 00:20:33,000 --> 00:20:37,040 ang Daigdig ay dumaan sa debris trail ng isang higanteng kometa. 303 00:20:43,560 --> 00:20:46,920 Iyon ay parang libo-libong bombang atomika na sumasabog. 304 00:20:48,200 --> 00:20:53,320 Sa ilang oras lang, isang nakakagulantang na pangyayari, 305 00:20:55,240 --> 00:21:00,160 naglalabas ng singaw ng tubig at ulap ng alikabok na tumakip sa langit, 306 00:21:00,920 --> 00:21:03,360 na nagpababa ng temperatura. 307 00:21:04,800 --> 00:21:07,920 Isiping naninirahan sa Miami at nagsasaya ka sa tabing-dagat, 308 00:21:08,960 --> 00:21:12,080 at biglang naging Anchorage, Alaska ang klima. 309 00:21:13,280 --> 00:21:16,960 -Nang magdamag lang, talaga. Oo. -Oo, sa loob ng ilang buwan. 310 00:21:21,000 --> 00:21:21,920 ANG PAGDATING NG KOMETA AY NAGSANHI NG PAGKALIPOL 311 00:21:22,000 --> 00:21:23,600 No'ng sina Allen 312 00:21:23,680 --> 00:21:26,400 sa kilala ngayon na Comet Research Group, 313 00:21:26,480 --> 00:21:27,840 ay nilathala ang natuklasan, 314 00:21:27,920 --> 00:21:31,400 tulad ng inaasahan, sila ay kinutya at nilibak. 315 00:21:31,480 --> 00:21:32,440 DEBATE NG MINI-ICE AGE GINULAT ANG MUNDO NG HEOLOHIYA 316 00:21:33,240 --> 00:21:36,680 Ang mga siyentipiko'y tinuruan na mangutya ng mga bagay. 317 00:21:36,760 --> 00:21:39,280 Mabuting mag-alinlangan, mangutya'y hindi. 318 00:21:41,000 --> 00:21:43,560 Ang nakakabahala pa sa kanilang natuklasan 319 00:21:43,640 --> 00:21:46,960 ay ang pinagmulan ng cometary debris na iyon. 320 00:21:48,120 --> 00:21:49,960 Ang Taurid meteor stream, 321 00:21:51,920 --> 00:21:55,720 parte sa langit na dinadaanan ng Daigdig dalawang beses kada taon 322 00:21:55,800 --> 00:21:58,120 sa huling bahagi ng Hunyo at Oktubre. 323 00:21:59,080 --> 00:22:02,200 Tinatayang maaaring mayroong 200 bagay 324 00:22:02,280 --> 00:22:04,120 na isang kilometro ang diameter 325 00:22:04,200 --> 00:22:06,560 na umiikot sa Taurid meteor stream. 326 00:22:11,920 --> 00:22:13,120 Ang ebidensiya 327 00:22:13,200 --> 00:22:15,360 ng mga siyentipiko ng Comet Research Group 328 00:22:15,440 --> 00:22:22,200 ay di bababa sa malaking pandaigdigang kataklismo mga 12,800 taong nakalipas, 329 00:22:22,280 --> 00:22:25,720 sakunang sapat ang laki para maalis ang lahat ng bakas 330 00:22:25,800 --> 00:22:28,400 ng maunlad na sibilisasyon ng Ice Age, 331 00:22:28,480 --> 00:22:30,520 at maipaliwanag agad 332 00:22:30,600 --> 00:22:33,800 ang misteryong iniimbestigahan ko sa loob ng 30 taon. 333 00:22:36,240 --> 00:22:40,240 Baka ito ang dahilan kaya ang sinaunang sibilisasyong lumitaw pagkatapos 334 00:22:40,320 --> 00:22:44,360 ay sobrang siyentipikong nakatuon sa kalangitan. 335 00:22:45,360 --> 00:22:48,080 Ito ay lugar na dapat pagtuunan ng pansin 336 00:22:48,160 --> 00:22:50,440 dahil may bagay na mapanganib sa taas 337 00:22:50,520 --> 00:22:52,320 at tumatapos ng sibilisasyon. 338 00:22:55,800 --> 00:22:58,800 Sa Göbekli Tepe sa Turkey, nakita natin 339 00:22:58,880 --> 00:23:03,840 kung paano inalala ng mga sinauna ang sakuna na ito sa bato. 340 00:23:03,920 --> 00:23:08,520 Nagtala ng mga konstelasyon sa kalangitan noong panahong iyon sa Pillar 43. 341 00:23:09,720 --> 00:23:12,680 Pero maaaring may isa pang mensahe ang mga haligi 342 00:23:13,400 --> 00:23:16,080 na gustong ipakita ni Dr. Martin Sweatman, 343 00:23:16,160 --> 00:23:19,000 isang bagay na pinaniniwalaan niyang isang tala 344 00:23:19,080 --> 00:23:23,520 ng kung kailan at mula saan dumating ang ulan ng bulalakaw. 345 00:23:25,840 --> 00:23:28,240 Ang mayroon dito, may mga ahas… 346 00:23:28,320 --> 00:23:29,440 DR. MARTIN SWEATMAN UNIBERSIDAD NG EDINBURGH 347 00:23:29,520 --> 00:23:32,480 …na nagmula sa katawan at mga binti ng soro. 348 00:23:33,440 --> 00:23:35,880 At kung magpapatuloy sa kabila ng haligi, 349 00:23:35,960 --> 00:23:39,720 at muli, mayroong mga ahas na nagmula sa mga ibong ito. 350 00:23:40,440 --> 00:23:45,440 Ang sinaunang kultura ay nakita ang mga bulalakaw bilang ahas ng langit. 351 00:23:45,520 --> 00:23:48,080 Walang seryosong pagtatalo tungkol diyan. 352 00:23:48,160 --> 00:23:52,160 Maaaring masabi na mga bulalakaw na mula sa mga konstelasyon… 353 00:23:52,240 --> 00:23:53,080 Oo. 354 00:23:53,160 --> 00:23:55,840 …mataas na nakabaluktot na mga ibon ay Pisces. 355 00:23:55,920 --> 00:23:56,760 Tama. 356 00:23:56,840 --> 00:23:59,600 At dito mayroong konstelasyon na Aquarius, 357 00:23:59,680 --> 00:24:01,840 iniisip naming 'yon ang sa soro. 358 00:24:01,920 --> 00:24:04,280 Noong binuo ang Göbekli Tepe, 359 00:24:04,360 --> 00:24:09,480 ito ang mga konstelasyon kung saan nagmula ang Taurid meteor stream. 360 00:24:10,280 --> 00:24:11,400 Sinasabi nilang 361 00:24:11,480 --> 00:24:15,120 ang Taurid meteor stream ay lumalabas mula sa Aquarius 362 00:24:15,200 --> 00:24:17,440 at pagkatapos mula sa Pisces, 363 00:24:17,520 --> 00:24:20,400 at nagaganap iyon sa loob ng ilang linggo. 364 00:24:21,320 --> 00:24:25,360 Tala ng bagyo ng mga piraso ng kometa na nagtagal nang ilang linggo. 365 00:24:27,600 --> 00:24:31,240 Iyon ang panahon na akma sa lahat ng katibayan sa kataklismo 366 00:24:31,320 --> 00:24:33,840 na tumama sa Daigdig 12,800 taon ang nakalipas, 367 00:24:34,480 --> 00:24:39,000 kasali ang matinding pagbaha na sumira sa Washington Scablands. 368 00:24:40,880 --> 00:24:43,880 At baka mayroong higit pa sa tiyak na pagkakaayos 369 00:24:43,960 --> 00:24:47,640 ng Araw at mga konstelasyong nakasaad sa Pillar 43. 370 00:24:48,960 --> 00:24:51,240 Nagaganap iyon sa isang solstice, 371 00:24:51,320 --> 00:24:55,960 dalawang beses lang sa isang ikot na mababa sa 26,000 na taon, 372 00:24:56,040 --> 00:24:58,600 bawat balik ay tumatagal ng halos isang siglo. 373 00:25:00,480 --> 00:25:01,680 Napansin kong kakaiba… 374 00:25:01,760 --> 00:25:02,920 GÖBEKLI TEPE - MGA TEMPLONG NAGSASABI NG SINAUNANG KOSMIKONG HEOGRAPIYA 375 00:25:03,000 --> 00:25:05,240 …sabi ni archaeoastronomer Paul Burley, 376 00:25:05,320 --> 00:25:08,000 na ang eksakto na parehong pagkakaayos 377 00:25:08,080 --> 00:25:10,640 na nakita sa solstice mga 12,800 taong nakalipas… 378 00:25:10,720 --> 00:25:11,680 ang mga tagatayo ng Göbekli Tepe ay nagtayo ng templo 379 00:25:11,760 --> 00:25:13,000 na tila ipinapakita ang panahon 11,600 taon sa hinaharap 380 00:25:13,080 --> 00:25:13,920 nangyayari na ngayon! 381 00:25:14,000 --> 00:25:17,960 …ay nagbalik na sa kalangitan ngayon, sa taglamig na solstice. 382 00:25:20,480 --> 00:25:23,440 Maaari kayang ang paglalarawan ng Pillar 43 ay mensahe 383 00:25:23,520 --> 00:25:27,760 na ginawa ng mga dalubhasang astronomo ng nawalang sibilisasyon? 384 00:25:29,760 --> 00:25:33,680 Isang babala sa hinaharap, sa atin, 385 00:25:34,440 --> 00:25:36,920 na may balik ang anumang aksiyon? 386 00:25:38,680 --> 00:25:43,600 Na kapag nagawa muli ng Araw at mga bituin itong pagkakaayos sa solstice, 387 00:25:43,680 --> 00:25:47,240 isang sakuna ng mga serpyente sa himpapawid ay mauulit? 388 00:25:51,440 --> 00:25:52,760 Kaya bigyang-pansin. 389 00:25:54,480 --> 00:25:57,400 Ang paniwala ay dapat magpahinto sa atin at mag-isip. 390 00:25:58,680 --> 00:26:01,240 Ayoko maging propeta ng lagim at katapusan, 391 00:26:01,320 --> 00:26:04,200 pero nanganganib na ba tayo sa Taurid meteor stream? 392 00:26:04,280 --> 00:26:06,240 Panganib ito sa mga ninuno natin. 393 00:26:06,320 --> 00:26:09,000 Nagsanhi ng kataklismo 12,800 taon ang nakalipas. 394 00:26:09,080 --> 00:26:10,200 Mauulit ba iyon? 395 00:26:10,280 --> 00:26:11,880 Talagang nanganganib tayo. 396 00:26:13,080 --> 00:26:16,320 Sa katunayan, ang mga kalkulasyon ng mga astronomo 397 00:26:16,400 --> 00:26:19,000 ay nasa panahon tayo ng panganib ngayon 398 00:26:19,080 --> 00:26:23,760 kung saan ang makapal na bahagi ng Taurids ay maaaring tatama sa Daigdig. 399 00:26:26,400 --> 00:26:30,840 Parami nang parami ang mga siyentipiko na naniniwala sa teoryang Younger Dryas… 400 00:26:35,280 --> 00:26:40,120 at itong bumibilis na interes ay di na limitado sa mga siyentipiko. 401 00:26:44,160 --> 00:26:48,080 Kung may tumama nga sa Daigdig mga 12,000 taong nakalipas, 402 00:26:48,160 --> 00:26:51,040 at na-reset ang sibilisasyon, interesanteng teorya iyan. 403 00:26:51,120 --> 00:26:53,960 Pero tingin ko'y magandang talakayin ang teorya, 404 00:26:54,760 --> 00:27:00,040 pakiramdam ko lang ay maraming emosyon ang kaakibat ng mga teorya mo, 405 00:27:00,120 --> 00:27:02,800 at maraming emosyon sa oposisyon. 406 00:27:02,880 --> 00:27:06,520 Paano pinapawalang-saysay ng mainstream na arkeolohiya ito? 407 00:27:06,600 --> 00:27:08,720 Ano ang mga karaniwang argumento? 408 00:27:09,360 --> 00:27:12,560 Ang karaniwan ay, "Mga arkeologo kami at mas may alam." 409 00:27:12,640 --> 00:27:15,400 Mula sa awtoridad iyon, "Tanggapin ang sistema namin." 410 00:27:15,480 --> 00:27:18,200 "Kami ang gumawa ng lahat at ganito ito." 411 00:27:18,280 --> 00:27:24,040 Kakaiba na ang tao ay tatanggapin lang at pag-uusapan ang tungkol sa isang naratibo. 412 00:27:24,120 --> 00:27:27,280 Ang naratibong sinabi nila nang matagal na panahon na… 413 00:27:27,360 --> 00:27:28,200 Oo. 414 00:27:28,280 --> 00:27:29,760 …at ayaw nilang makontra. 415 00:27:30,560 --> 00:27:33,200 Baka dahilan ay binabantaan nito ang paniwala 416 00:27:33,280 --> 00:27:36,880 na tayo ang tuktok at tugatog ng buong kuwento ng tao. 417 00:27:36,960 --> 00:27:40,160 Baka ang paniwala sa nawalang sibilisasyon sa nakaraan 418 00:27:40,240 --> 00:27:42,080 ay may di kaaya-ayang tanong 419 00:27:42,160 --> 00:27:44,400 na baka tayo ay mawalang sibilisasyon din. 420 00:27:48,880 --> 00:27:53,400 Kung haharapin natin ang malawakang kataklismong pandaigdig 421 00:27:53,480 --> 00:27:55,200 na kauri ng naganap, 422 00:27:55,280 --> 00:27:58,040 na alam na nating naganap sa dulo ng huling Ice Age, 423 00:27:58,120 --> 00:28:02,120 tingin ko ang sibilisasyon natin ay talagang hindi makakaligtas. 424 00:28:05,880 --> 00:28:11,040 Kaya hindi mahirap isipin na ang mas naunang maunlad na sibilisasyon 425 00:28:11,120 --> 00:28:12,520 ay maaaring nalipol, 426 00:28:13,040 --> 00:28:14,960 nabura sa memorya 427 00:28:15,040 --> 00:28:18,560 noong sinaunang sakuna 12,800 taon ang nakalipas. 428 00:28:22,120 --> 00:28:25,560 Pagkatapos ng mga kosmikong pagtama sa mga tuktok ng yelo, 429 00:28:25,640 --> 00:28:30,160 tumaas ang lebel ng dagat, nilamon lahat ng mga mababa na baybaying lupa 430 00:28:30,240 --> 00:28:33,200 na maaaring tinirhan ng isang maunlad na kultura. 431 00:28:35,440 --> 00:28:37,320 Mga lugar tulad ng Sundaland… 432 00:28:38,840 --> 00:28:42,120 …ang peninsulang Maltese, o Grand Bahama Banks. 433 00:28:44,960 --> 00:28:46,680 Baka sa Indonesia… 434 00:28:46,880 --> 00:28:49,640 …umatras pa-bundok ang mga nakaligtas, 435 00:28:49,720 --> 00:28:53,760 nag-iwan ng mga palatandaan ng kanilang sopistikadong arkitektura. 436 00:28:55,040 --> 00:28:57,200 Ang ilang nakaligtas sa Turkey… 437 00:28:57,320 --> 00:29:00,760 …ay nagpasyang sumilong sa ilalim ng lupa 438 00:29:00,840 --> 00:29:02,680 sakaling may mga bulalakaw pa. 439 00:29:03,840 --> 00:29:05,600 Sa Mediterranean, sa Malta… 440 00:29:06,600 --> 00:29:08,240 …baka nagtayo sila ng mga templo 441 00:29:08,320 --> 00:29:11,520 na nakahanay sa pinakamaningning na bituin sa gabi… 442 00:29:12,000 --> 00:29:15,560 …natatakot na hudyatan nito ang sunod na kometa. 443 00:29:16,880 --> 00:29:18,080 Naglayag sila… 444 00:29:19,080 --> 00:29:21,760 …ipinapamana ang heograpikong kaalaman nila. 445 00:29:23,440 --> 00:29:26,480 Naitala ang paglitaw nila sa mga sinaunang tradisyon, 446 00:29:26,560 --> 00:29:28,920 naiukit pa sa bato. 447 00:29:30,240 --> 00:29:35,160 Ginabayan nila ang di gaanong maunlad na kulturang gunitain ang nangyari 448 00:29:35,240 --> 00:29:36,520 sa mga monumento 449 00:29:36,600 --> 00:29:39,920 na nagtataglay ng tiyak, matutukoy na pagkakahanay, 450 00:29:41,840 --> 00:29:46,440 at mga megalitikong bantayog na may petsa, nilibing bilang time capsule. 451 00:29:52,280 --> 00:29:58,000 At ang mga sinaunang ito'y tinulungan ang sangkatauhang magsimulang muli. 452 00:30:01,880 --> 00:30:04,600 Sa mga pakikipagsapalaran ko ilang dekada na, 453 00:30:04,680 --> 00:30:09,120 natutunan kong galangin ang dunong at, oo, ang agham ng mga sinauna. 454 00:30:10,480 --> 00:30:12,600 Naunawaan nila ang banta ng kalangitan, 455 00:30:12,680 --> 00:30:16,360 at pinanatiling nakatuon ang atensiyon sa kosmos, 456 00:30:16,440 --> 00:30:20,000 at sa ilang nakakamatay na interaksyon nito sa Daigdig. 457 00:30:21,720 --> 00:30:24,280 Ang kuwento nila at monumentong istruktura, 458 00:30:24,360 --> 00:30:27,640 na maingat na hinanay sa mga bituin at sa Araw, 459 00:30:27,720 --> 00:30:29,480 ay naging saksi sa pagkahumaling 460 00:30:30,680 --> 00:30:33,840 at gunitain ang mga teribleng kaganapan sa Ice Age 461 00:30:33,920 --> 00:30:38,800 na binago ang istorya ng tao, at nagsilang ng modernong mundo. 462 00:30:42,040 --> 00:30:47,920 Marahil ang ating maunlad na sibilisasyon ay dapat makinig sa mga babala nila, 463 00:30:48,800 --> 00:30:52,480 sa takot na ang sarili nating istorya ay matapos sa parehong paraan. 464 00:31:21,600 --> 00:31:26,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Merry Kristine Ferrer