1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,040 --> 00:00:17,760 Ang sinasabi ko ay bagay na makikilala natin 3 00:00:17,840 --> 00:00:22,120 bilang advanced civilization na nabuhay noong Ice Age. 4 00:00:22,960 --> 00:00:25,640 Di ko sinasabing lumipad sila sa buwan. 5 00:00:29,840 --> 00:00:33,920 Pero ang sinasabi ko ay higit silang advanced 6 00:00:34,000 --> 00:00:35,800 sa kaalaman sa siyensiya. 7 00:00:38,080 --> 00:00:40,920 Kaalaman sa Earth, kaalaman sa kalawakan, 8 00:00:41,000 --> 00:00:42,560 higit sa itinuro sa'tin. 9 00:00:44,800 --> 00:00:48,040 At kayang gumawa ng kamangha-manghang mga likha, 10 00:00:49,320 --> 00:00:52,720 gaya ng pupuntahan ko sa rehiyon ng Cappadocia sa Turkey. 11 00:00:54,400 --> 00:00:58,440 May antigong survival bunker sa ilalim ng lupa… 12 00:01:02,040 --> 00:01:06,440 ginawa di lamang para tirahan ng ilang tao kundi sapat para sa libu-libo. 13 00:01:08,200 --> 00:01:11,840 Matagal nang pinagtatalunan ng mga tanyag na historyador iyon, 14 00:01:11,920 --> 00:01:14,480 pero naniniwala akong maipapaliwanag 15 00:01:14,560 --> 00:01:19,800 kung paanong ang hinahanap kong makalumang sibilisasyon ay nawala. 16 00:01:21,120 --> 00:01:24,160 Ito ang kuwento ng Derinkuyu. 17 00:01:34,160 --> 00:01:39,360 NAKAKAMATAY NA TAGLAMIG 18 00:01:42,680 --> 00:01:46,960 Nagpunta ako sa rehiyon ng Turkey na kilala bilang Cappadocia. 19 00:01:49,560 --> 00:01:55,880 Mga 240 milya hilagang-kanluran ng misteryosong Göbekli Tepe… 20 00:01:57,320 --> 00:01:59,480 na sinadyang ibaon, 21 00:02:01,040 --> 00:02:05,720 ginugunita ang panahon ng mga kataklismo sa pagtatapos ng Ice Age. 22 00:02:09,440 --> 00:02:13,600 Milyong taon na ang nakararaan, nagbago ang lupain ng rehiyong ito 23 00:02:13,680 --> 00:02:20,320 sa pamamagitan ng mga pagsabog ng bulkan, nag-iiwan ng patung-patong na mga abo, 24 00:02:20,400 --> 00:02:25,160 na isiniksik ng sanlibong taon sa isang malambot na batong tinatawag na tuff. 25 00:02:26,920 --> 00:02:29,720 Mabilis mahulma ang bato ng mga elemento, 26 00:02:29,800 --> 00:02:32,760 gumagawa ng tinatawag na "tsimineya ng mga diwata." 27 00:02:33,880 --> 00:02:37,200 Pero isang bato na kaya ring bumuo 28 00:02:37,280 --> 00:02:41,040 ng isa sa pinaka-kahanga-hangang large-scale projects 29 00:02:41,120 --> 00:02:46,160 na nasilayan ng sangkatauhan sa ilalim ng malambot na batong ito. 30 00:02:47,240 --> 00:02:49,360 Ilang milya lang mula rito, 31 00:02:49,440 --> 00:02:54,440 nalantad ang isang misteryosong tagong siyudad na nilikha noon. 32 00:02:54,520 --> 00:02:57,840 Isa iyong likha ng 'di pa kilalang sibilisasyon 33 00:02:57,920 --> 00:03:00,520 na malinaw na namumuhay sa takot. 34 00:03:00,600 --> 00:03:03,760 Ang malaking tanong ay, takot sa ano? 35 00:03:14,520 --> 00:03:18,160 Ang pinakamalapit na bayan, ang Derinkuyu, ay di kapuna-puna. 36 00:03:20,800 --> 00:03:26,320 Pero noong 1963, may developers na nakabutas ng sahig ng inaayos na bahay, 37 00:03:27,920 --> 00:03:33,880 para lang matuklasan ang malalim na tunnel na patungo sa isang nakalimutang mundo. 38 00:03:35,360 --> 00:03:39,360 Mahirap paniwalaan, habang naglalakad ka sa kalsada ng bayang ito, 39 00:03:39,840 --> 00:03:43,240 na itinayo sa buhay na bedrock na tinatayuan ko ngayon 40 00:03:43,840 --> 00:03:47,600 ay isang sinauna, tago at misteryosong lugar sa ilalim ng lupa. 41 00:03:50,840 --> 00:03:54,200 Kung claustrophobic ka, binabalaan na kita. 42 00:03:56,960 --> 00:03:58,720 Patungo tayo sa ilalim. 43 00:04:06,040 --> 00:04:09,080 Ito ang siyudad sa ilalim ng Derinkuyu. 44 00:04:12,720 --> 00:04:15,560 Magkakasunod na lagusan at silid 45 00:04:15,640 --> 00:04:19,040 na ang lalim ay umaabot hanggang 85 metro sa ilalim… 46 00:04:21,279 --> 00:04:24,040 gumagawa ng 18 palapag ng mga silid at lagusan. 47 00:04:26,839 --> 00:04:31,320 Ang buong complex ay hinukay mula sa bato gamit ang mga palakol. 48 00:04:32,680 --> 00:04:34,840 Isang nakalilitong lungga 49 00:04:34,920 --> 00:04:37,960 na paminsan-minsan ay may malaki, bukas na espasyo. 50 00:04:39,080 --> 00:04:44,200 Mula sa loob, imposibleng malaman ang laki ng buong lugar. 51 00:04:45,680 --> 00:04:48,440 Pero karamihan dito ay nailagay na sa mapa, 52 00:04:50,000 --> 00:04:52,920 at kung aalisin natin ang bato sa pagitan, 53 00:04:53,720 --> 00:04:55,840 makikita natin ang nagsangang bahagi 54 00:04:57,200 --> 00:04:59,000 at kamangha-mangha iyon. 55 00:05:02,600 --> 00:05:09,120 Isa iyong ant farm na ginawang kasing-laki ng tao, may kuweba at lagusan 56 00:05:09,200 --> 00:05:12,680 umaabot hanggang four square kilometers. 57 00:05:14,160 --> 00:05:20,000 Para mapanatili ang bentilasyon, mayroong 15,000 air ducts ang Derinkuyu, 58 00:05:20,080 --> 00:05:22,360 kinokonekta ang itaas na bahagi… 59 00:05:25,200 --> 00:05:27,760 at higit 50 na patayong mga poste, 60 00:05:27,840 --> 00:05:32,720 ang iba'y umaabot hanggang sa water table 85 metro ang lalim mula sa ibabaw… 61 00:05:36,280 --> 00:05:38,320 na pinagmulan ng pangalan nito. 62 00:05:38,400 --> 00:05:41,120 Ang Derinkuyu ay, "malalim na balon." 63 00:05:45,040 --> 00:05:48,480 Napakaganda sa malikhain at kumplekadong arkitektura nito, 64 00:05:48,560 --> 00:05:53,640 tinatayang 20,000 katao ang kayang kanlungin ng Derinkuyu. 65 00:05:54,320 --> 00:05:55,560 Pero may mga tanong. 66 00:05:56,240 --> 00:05:59,520 Anong mga tao, kailan at bakit? 67 00:06:02,600 --> 00:06:04,360 Mahirap makasiguro, 68 00:06:05,080 --> 00:06:09,840 dahil ang Derinkuyu ay tila binalewala sa mga nakalipas na henerasyon. 69 00:06:13,280 --> 00:06:15,640 Maraming kultura ang dumaan dito. 70 00:06:17,000 --> 00:06:21,240 Ilang siglo nang okupado ng Cappadocia ang isang mahalagang lugar… 71 00:06:22,400 --> 00:06:26,920 kasama ng maalamat na Silk Road na kumukonekta sa Asya papuntang Europa, 72 00:06:27,560 --> 00:06:29,880 mula panahon ni Alexander the Great. 73 00:06:29,960 --> 00:06:30,800 ANG SILK ROAD 74 00:06:32,280 --> 00:06:34,480 Iskolar ng Turkey, Sevim Tunçdemir, 75 00:06:34,560 --> 00:06:38,440 ay eksperto sa mga lagusan ng Derinkuyu at mga nanirahan doon. 76 00:06:38,960 --> 00:06:39,880 SEVIM TUNÇDEMIR DIREKTOR NG MUSEO 77 00:06:39,960 --> 00:06:41,640 Ang rehiyong ito ay naging tahanan ng maraming sibilisasyon. 78 00:06:41,720 --> 00:06:45,080 Kung bibilangin natin mula pa sa umpisa, 79 00:06:46,160 --> 00:06:47,440 nariyan ang mga Hittite, 80 00:06:47,520 --> 00:06:50,080 ang mga Phrygian, pagkatapos ay ang mga Persian, 81 00:06:50,920 --> 00:06:52,600 ang kaharian ng Cappadocian. 82 00:06:52,680 --> 00:06:54,080 ang Emperyong Romano. 83 00:06:54,160 --> 00:06:56,960 Lahat ng mga taong dumaan doon ay ginamit iyon. 84 00:06:57,520 --> 00:07:02,080 Ginagamit pa sila hanggang sa panahon ng Ottoman. 85 00:07:04,800 --> 00:07:06,760 Nang matuklasan ang mga lagusan, 86 00:07:06,840 --> 00:07:10,440 nakita ang mga arkeologo ng artifacts mula sa mga Kristiyano, 87 00:07:12,000 --> 00:07:15,200 at sa pinakamalalim na lebel, sikretong meeting rooms 88 00:07:15,280 --> 00:07:18,200 na inukit na nakataas ang kisame gaya sa simbahan. 89 00:07:19,800 --> 00:07:21,360 Ang orhinal na teorya, 90 00:07:21,440 --> 00:07:24,080 na pinaniniwalaan ng mga historyador ngayon, 91 00:07:24,680 --> 00:07:26,680 ay ang mga lagusan sa Derinkuyu 92 00:07:26,760 --> 00:07:30,200 ay inukit ng mga Kristiyano noong ika-7 siglo AD… 93 00:07:32,200 --> 00:07:34,920 itinatago mula sa mga nananakop na Arabo. 94 00:07:36,440 --> 00:07:38,920 Isang kuwentong patok sa Western tourists. 95 00:07:39,880 --> 00:07:42,200 Isa pa, mali rin iyon. 96 00:07:45,160 --> 00:07:49,280 Kalaunan, nakahukay ng ebidensiya ng ginamit ng mga tao itong siyudad 97 00:07:49,360 --> 00:07:52,000 noon pang ika-8 siglo BC… 98 00:07:52,800 --> 00:07:55,720 daang taon bago dumating ang mga Kristiyano. 99 00:07:57,840 --> 00:08:01,760 Lagi naming nakikita ito sa archaelogical sites sa buong mundo. 100 00:08:01,840 --> 00:08:06,240 May malaking notice base sa natanggap na kaalaman ng mga arkeolohiya, 101 00:08:06,320 --> 00:08:09,000 at paulit-ulit na mali ang notice na iyon. 102 00:08:09,760 --> 00:08:11,040 Mali iyon. 103 00:08:11,120 --> 00:08:14,640 Kalaunan ay napatunayang mali sa nahukay pero di rin binago. 104 00:08:15,200 --> 00:08:18,600 Wag maniwala sa noticeboards. Ikaw mismo ang maghanap. 105 00:08:18,680 --> 00:08:21,200 Huwag umasa sa mga kunwaring eksperto. 106 00:08:25,080 --> 00:08:28,400 Maraming kultura ang gumamit sa lagusan nang ilang siglo, 107 00:08:29,480 --> 00:08:33,280 pero ang gusto kong malaman ay kung sinong nagsimula nito. 108 00:08:34,440 --> 00:08:36,360 Gaano katagal na iyon? 109 00:08:38,400 --> 00:08:43,679 Ilang dekada nang iniimbestigahan ni Hüsam Süleymangil ang site na ito, 110 00:08:43,760 --> 00:08:46,400 sinusubukang alamin ang pinagmulan nito. 111 00:08:47,720 --> 00:08:53,720 Naguguluhan ako pag tinitingnan ko ang Derinkuyu at pasikut-sikot nito. 112 00:08:53,800 --> 00:08:57,680 Kailan tingin mo nagsimula ang proyektong ito? 113 00:08:57,760 --> 00:08:59,680 May magkakaibang teorya roon… 114 00:08:59,760 --> 00:09:00,600 HÜSAM SÜLEYMANGIL HISTORYADOR 115 00:09:00,680 --> 00:09:02,760 at wala ni isa ang napatunayan. 116 00:09:02,840 --> 00:09:03,680 Tama. 117 00:09:03,760 --> 00:09:05,800 Walang mahanap na impormasyon. 118 00:09:05,880 --> 00:09:09,920 Wala silang mahanap na organic material para gamitin sa carbon date. 119 00:09:10,000 --> 00:09:11,480 Meron bang carbon dates? 120 00:09:11,560 --> 00:09:13,760 Ang alam ko, walang carbon dating. 121 00:09:13,840 --> 00:09:14,680 Nakakamangha. 122 00:09:14,760 --> 00:09:17,240 Kaya malaking misteryo pa rin ang date. 123 00:09:21,400 --> 00:09:23,400 May sarili akong mga teorya, 124 00:09:23,480 --> 00:09:25,160 pero may sinabi si Hüsam 125 00:09:25,240 --> 00:09:29,000 base sa pinakamatandang kultura na ginamit sa mga kuwebang ito. 126 00:09:29,800 --> 00:09:32,040 Ang malapit na teorya, ayon sa isip ko, 127 00:09:32,120 --> 00:09:35,360 ay mga ika-8 siglo BC. 128 00:09:37,200 --> 00:09:39,160 Noon, ang bahagong ito ng mundo 129 00:09:39,240 --> 00:09:42,280 ay puno ng mga taong tinatawag na mga Phrygian, 130 00:09:43,400 --> 00:09:47,040 na binabantaan ng isa pang emperyo, ang mga Assyrian. 131 00:09:49,000 --> 00:09:52,960 Alam nating may malaking hukbo ng Assyrian mula hilagang-silangan. 132 00:09:55,240 --> 00:09:59,120 Tiyak na takot na takot ang mga Phrygian sa pasugod na hukbo. 133 00:10:02,160 --> 00:10:05,240 Kilala ang mga Assyrian sa pagbalat sa mga bilanggo, 134 00:10:05,800 --> 00:10:09,640 tinutuhog sila at sinusunog nang buhay ang mga bata. 135 00:10:12,800 --> 00:10:14,320 Ayon sa huling talaan, 136 00:10:14,400 --> 00:10:18,000 nang magmartsa ang mga Assyrian laban sa mga tao rito, 137 00:10:18,640 --> 00:10:22,280 nagulat sila sa kakaibang taktika ng mga dumedepensa. 138 00:10:27,920 --> 00:10:31,240 Nilalabanan ng mga Phrygian ang hukbo ng mga Assyrian 139 00:10:31,320 --> 00:10:32,840 tulad ng mga gerilya, 140 00:10:32,920 --> 00:10:35,440 sinusugod ang hukbo sa di inaasahang lugar. 141 00:10:35,520 --> 00:10:37,000 Kapag sinugod sila, 142 00:10:37,080 --> 00:10:39,680 ginagamit nila ang mga ito bilang taguan. 143 00:10:42,600 --> 00:10:45,400 Isa iyong time-honored strategy sa digmaan. 144 00:10:47,840 --> 00:10:51,320 Ang mga katulad na lagusan ay hinukay ng Viet Cong. 145 00:10:52,680 --> 00:10:54,880 At gano'n din ang ginawa ng Afghans 146 00:10:55,400 --> 00:10:59,200 para magtago sa mas malakas na Soviet at umaatakeng Amerikano. 147 00:11:01,920 --> 00:11:03,480 Itong opisyal na posisyon, 148 00:11:03,560 --> 00:11:07,400 na hinukay ng Phrygian ang lagusan bilang lihim na base militar, 149 00:11:08,080 --> 00:11:11,920 ay sinusuportahan ng mas matalinong features ng lugar na ito… 150 00:11:14,080 --> 00:11:17,520 malalaking bilog na bato na maaaring pagulungin, 151 00:11:17,600 --> 00:11:19,120 sinasarhan ang daanan. 152 00:11:22,160 --> 00:11:25,960 Ang mga pintong ito ay umaabot hanggang limang talampakan 153 00:11:26,640 --> 00:11:28,200 at kalahating tonelada. 154 00:11:32,480 --> 00:11:35,560 Sa loob nito ay may butas. 155 00:11:36,520 --> 00:11:41,400 Maglagay ng mas maliit na pansarang bato bilang hawakan at maisasara mo ang pinto, 156 00:11:42,360 --> 00:11:46,040 gumagawa ng makinis, di natitinag na harang sa mga nasa labas. 157 00:11:54,560 --> 00:11:58,360 Pero ginawa nga kaya ng mga Phrygian ang mga pintong ito, 158 00:11:59,640 --> 00:12:01,560 o naroon na iyon una pa lang? 159 00:12:03,520 --> 00:12:05,880 Inukit sila sa parehong siniksik na abo 160 00:12:05,960 --> 00:12:07,640 gaya sa fairy chimneys. 161 00:12:11,600 --> 00:12:16,720 Parehong malambot na bato na dahilan kaya nahukay ang lugar na ito. 162 00:12:18,880 --> 00:12:22,720 Tunay nga silang naisasarang pinto, pinaghihiwalay ang mga lebel, 163 00:12:22,800 --> 00:12:26,360 na kailangan ng sopistikadong paggawa para sumakto iyon. 164 00:12:26,440 --> 00:12:28,080 Pero malambot ang bato 165 00:12:28,160 --> 00:12:31,160 at ang mga umaatakeng armado ng sledgehammer at pait 166 00:12:31,240 --> 00:12:33,120 ay maaaring makapasok agad, 167 00:12:33,200 --> 00:12:37,400 kaya wala ring silbi ang pagsisikap nilang gawin ang megaliths na ito. 168 00:12:37,480 --> 00:12:41,480 Iniisip ko na kung talaga bang ginawa sila para harangan ang mga tao. 169 00:12:44,240 --> 00:12:48,080 Para sa 'kin, hindi sila pangdepensa 170 00:12:48,160 --> 00:12:51,600 at mas lamang na paraan para magkaroon sila ng privacy, 171 00:12:53,200 --> 00:12:55,200 o pigilan ang pagkalat ng apoy. 172 00:12:57,560 --> 00:13:02,080 Kahit pa orihinal na ginawa sila para sa mga militar, 173 00:13:02,160 --> 00:13:04,000 bakit dito huhukayin? 174 00:13:06,000 --> 00:13:07,840 Walang dapat depensahan. 175 00:13:09,640 --> 00:13:11,560 Walang mga tirahan 176 00:13:12,240 --> 00:13:16,680 sa ibabaw ng Derinkuyu hanggang 1830. 177 00:13:21,520 --> 00:13:26,080 Ang paniniwalang dito nagtatago ang mga tao mula sa mga umaatake 178 00:13:26,160 --> 00:13:27,840 ay hindi ko maintindihan. 179 00:13:27,920 --> 00:13:30,560 Kapag pumasok sa teritoryo ang kalaban, 180 00:13:30,640 --> 00:13:33,400 naroon sila para kunin, ariin at tirahan iyon. 181 00:13:33,480 --> 00:13:37,280 Haharangan lang nila ang pasukan at hintayin kang mamatay. 182 00:13:38,160 --> 00:13:41,160 Kaya walang silbi ang ideyang iyon. 183 00:13:42,280 --> 00:13:45,520 Tingin ko, sumobra ang mga iskolar 184 00:13:45,600 --> 00:13:47,560 sa pagsasabing sa 8-siglo BC ito 185 00:13:47,640 --> 00:13:50,800 dahil iyon ang pinakaunang date na ginamit iyon. 186 00:13:50,880 --> 00:13:51,840 Tama. 187 00:13:51,920 --> 00:13:54,800 Pero di natin alam kung noon nga sila ginawa. 188 00:13:54,880 --> 00:13:56,800 Siguro, gawa na iyon. 189 00:13:56,880 --> 00:13:58,680 Posible, pero misteryo pa rin. 190 00:13:58,760 --> 00:14:00,760 -Iyon ang kapani-paniwala, -Oo. 191 00:14:00,840 --> 00:14:02,680 di ang nag-iisang teorya. 192 00:14:07,600 --> 00:14:09,520 Ang petsa ng siyudad na ito 193 00:14:09,600 --> 00:14:13,480 ay di tiyak gaya ng pagbibigay ng petsa sa arkeolohiya. 194 00:14:15,320 --> 00:14:19,480 Lahat ng prinisintang petsa ay mula sa paggamit ng estruktura. 195 00:14:19,560 --> 00:14:21,720 Di dahil ngayon ay may bahay ako 196 00:14:21,800 --> 00:14:24,120 ay ginawa agad iyon bago ako lumipat. 197 00:14:32,320 --> 00:14:36,520 Dahil doon ay nagduda ako sa opisyal na petsa ng mga lagusang ito. 198 00:14:37,680 --> 00:14:39,120 Mas matanda kaya sila, 199 00:14:39,920 --> 00:14:43,320 mas matanda, kaysa sa sinasabi sa tinanggap na teorya? 200 00:14:45,320 --> 00:14:50,400 At ang dahilan ba ng paggawa rito ay hindi pagtago sa nananakop na hukbo 201 00:14:51,920 --> 00:14:53,920 kundi pagtatago sa ibang bagay? 202 00:14:56,280 --> 00:15:00,320 Karamihan sa makalumang palapag, ang mga pinakamalapit sa ibabaw, 203 00:15:00,400 --> 00:15:03,240 tila hindi dinesenyo ang mga silid sa pagdepensa 204 00:15:03,320 --> 00:15:04,600 kundi pang-araw-araw. 205 00:15:08,240 --> 00:15:14,320 Ang mga siyudad sa ilalim ay ginawa upang matirhan ng mga tao. 206 00:15:14,400 --> 00:15:17,800 Sa madaling salita, para sa pang-araw-araw na pamumuhay. 207 00:15:19,040 --> 00:15:21,640 At para dito, narito lahat ng mapagkukunan. 208 00:15:23,160 --> 00:15:28,040 Mula sa kusina, pantry hanggang sa silid-tulugan. 209 00:15:30,640 --> 00:15:34,000 May mga bahaging alam nating magagamit para sa pagluluto 210 00:15:34,080 --> 00:15:36,720 at gumawa sila ng maliliit na tsimenea. 211 00:15:37,760 --> 00:15:41,200 Sa pasukan, may mga silid na pinangalanang kuwadra. 212 00:15:41,840 --> 00:15:45,520 Ang mga hayop ang pinakamahalagang pag-aari ng mga taong iyon. 213 00:15:48,600 --> 00:15:51,640 Isang bahagi ang tinukoy bilang antigong winery 214 00:15:52,320 --> 00:15:53,760 sa pagdurog ng ubas. 215 00:15:55,840 --> 00:15:58,680 Nababagay ngang taguan ng wine ang mga lagusan. 216 00:15:59,600 --> 00:16:01,480 Komportable ang temperatura, 217 00:16:01,560 --> 00:16:04,840 kahit gaano pa kainit o kalamig sa ibabaw. 218 00:16:06,160 --> 00:16:08,560 Matagal magiging sariwa ang pagkain dito. 219 00:16:10,920 --> 00:16:16,680 Malinaw na ginawa ang Derinkuyu para gamitin ng nakararami. 220 00:16:17,600 --> 00:16:18,800 Taguan sa ilalim. 221 00:16:22,800 --> 00:16:24,520 Isipin lahat ng halimbawang 222 00:16:24,600 --> 00:16:28,440 gumawa ang mga tao ng malawak na tirahan sa ilalim ng lupa. 223 00:16:29,240 --> 00:16:31,600 Cheyenne Mountain Complex sa Colorado. 224 00:16:34,080 --> 00:16:38,240 Ang mga lagusan ng Dixia Cheng ay hinukay sa ilalim ng Beijing. 225 00:16:39,680 --> 00:16:43,520 Presidential Emergency Operations Center sa White House. 226 00:16:45,080 --> 00:16:48,600 Wala sa mga ito ang itinayo para dumepensa sa mga mananakop. 227 00:16:49,920 --> 00:16:52,120 Ginawa iyon para maging taguan, 228 00:16:52,200 --> 00:16:55,800 para magligtas ng buhay kung may banta sa ibabaw. 229 00:16:58,000 --> 00:17:00,800 Tingin ko, iyon ang nangyayari… 230 00:17:04,040 --> 00:17:05,280 sa Derinkuyu. 231 00:17:07,760 --> 00:17:11,319 Pero naniniwala rin akong matagal nang ginawa itong bunker 232 00:17:11,400 --> 00:17:13,920 kaysa sa pinaniniwalaan ng mga arkeologo. 233 00:17:15,599 --> 00:17:17,400 May ebidensiyang nagsasabing 234 00:17:17,480 --> 00:17:20,760 meron nang Derinkuyu noong Ice Age. 235 00:17:25,319 --> 00:17:29,359 Mula iyon sa mga halatang markang iniwan ng mga palakol 236 00:17:29,440 --> 00:17:31,040 sa mga pader ng Derinkuyu. 237 00:17:32,760 --> 00:17:35,120 Isang milya lang sa labas ng Derinkuyu, 238 00:17:35,200 --> 00:17:38,680 ang mga arkeologong Turkish na ginagalugad ang ilog 239 00:17:38,760 --> 00:17:41,560 ay nakakita ng ilang palakol at batong gamit 240 00:17:42,160 --> 00:17:46,600 na mula sa 9,500 BC, 241 00:17:47,800 --> 00:17:49,400 ang katapusan ng Ice Age. 242 00:17:50,200 --> 00:17:51,520 Ang parehong mga gamit 243 00:17:51,600 --> 00:17:55,560 na humulma sa pinakamababaw at pinakamatandang silid ng Derinkuyu. 244 00:17:59,200 --> 00:18:02,920 Isipin mo ang semi-subterranean chamber sa Karahan Tepe. 245 00:18:03,000 --> 00:18:05,320 wala pang 300 milya mula rito, 246 00:18:06,040 --> 00:18:08,080 na may mga posteng nahahawig 247 00:18:08,160 --> 00:18:11,320 sa natural na fairy chimney ng Cappadocia. 248 00:18:14,160 --> 00:18:15,440 Dahil walang umaapela 249 00:18:15,520 --> 00:18:18,800 ang mga ito'y inukit sa pagtatapos ng Ice Age, 250 00:18:20,760 --> 00:18:22,400 posibleng ang Derinkuyu 251 00:18:22,480 --> 00:18:24,920 ay ginawa sa panahong iyon din. 252 00:18:29,960 --> 00:18:33,080 Habang nilalantad ng Derinkuyu ang lalim at kabuuan, 253 00:18:33,160 --> 00:18:37,400 mahirap di pansinin ang lawak ng lugar 254 00:18:38,560 --> 00:18:43,040 at ang napakalaking effort na ibinuhos sa paghuhukay nito. 255 00:18:45,600 --> 00:18:48,800 Ang mas nakakamangha pa sa pagbuo nito 256 00:18:49,520 --> 00:18:53,080 ay di lang ito ang tanging siyudad sa ilalim ng Cappadocia. 257 00:18:58,200 --> 00:19:01,040 Noong 2013, natuklasan ng mga construction worker 258 00:19:01,120 --> 00:19:03,400 ang maraming lagusan sa Nevsehir, 259 00:19:05,360 --> 00:19:07,000 17 milya ang layo. 260 00:19:08,040 --> 00:19:11,880 Ang nahanap nila ay siyudad sa ilalim na mas malaki sa Derinkuyu. 261 00:19:14,800 --> 00:19:17,840 Mula noon, marami pang gaya noon ang natuklasan. 262 00:19:21,040 --> 00:19:23,720 Ang nakakamangha pa rito sa Cappadocia… 263 00:19:24,720 --> 00:19:28,880 natuklasan ng mga arkeologo ang 36 na ganoon pang mga siyudad. 264 00:19:32,560 --> 00:19:35,080 Kung bibilangin ang dalawang palapag lang, 265 00:19:35,600 --> 00:19:37,760 lalaki pa ang bilang sa 200. 266 00:19:43,200 --> 00:19:47,160 Isa sa mga siyudad na mga ito ay limang milya ang layo sa Derinkuyu, 267 00:19:47,240 --> 00:19:49,400 at may nakamamanghang sikreto. 268 00:19:51,240 --> 00:19:54,000 Ang mga lagusan sa Kaymakli ay may 8 palapag 269 00:19:54,080 --> 00:19:56,840 at mas malawak pa sa Derinkuyu. 270 00:19:58,920 --> 00:20:02,640 Base sa bilang ng mga silid na inukit sa mga pader, 271 00:20:02,720 --> 00:20:08,200 iniisip ng mga arkeologo na ang bunker ay kayang magkanlong ng 3,500 katao. 272 00:20:12,600 --> 00:20:18,320 Pero ang pinakanakamamanghang bahagi ng Kaymakli ay makikita sa ikatlong palapag. 273 00:20:22,920 --> 00:20:26,320 Ang lagusan sa ilalim ay napakalayo ng nararating. 274 00:20:32,200 --> 00:20:33,840 Hindi iyon madaanan ngayon, 275 00:20:33,920 --> 00:20:39,000 pero ang lagusang ito ay sinasabing nagdurugtong sa Kaymakli at Derinkuyu. 276 00:20:41,280 --> 00:20:43,840 Isang diretsong daanang umaabot ng 5 milya. 277 00:20:48,800 --> 00:20:51,280 Ang totoo, kinumpirma ng mga arkeologo 278 00:20:51,360 --> 00:20:55,400 na anim sa mga tirahan sa ilalim ng Cappadocia 279 00:20:55,480 --> 00:20:59,040 ay konektado sa isa't isa ng mga kaparehong daanan. 280 00:21:00,760 --> 00:21:03,920 Ang tingin ko, binabago nito ang lahat. 281 00:21:05,200 --> 00:21:09,560 Ang mga labyrinth na ito sa ilalim ay di lang magkakahiwalay na tirahan. 282 00:21:09,640 --> 00:21:12,720 Bahagi sila ng malaki at pangmalawakang proyektong 283 00:21:12,800 --> 00:21:16,560 sangkot ang ilang dosenang pang kaparehong lugar na nakakalat. 284 00:21:17,640 --> 00:21:21,400 Tanging grupo lang na may layunin ang gagawa ng ganoong trabaho. 285 00:21:23,760 --> 00:21:27,040 Anong klaseng banta ang napakalubha 286 00:21:27,120 --> 00:21:30,240 na mapipilitan ang napakaraming tao, 287 00:21:30,320 --> 00:21:35,200 maaaring daang libo, na umukit ng panibagong buhay sa ilalim ng lupa? 288 00:21:36,200 --> 00:21:39,240 Malamang may paliwanag kung bakit ginawa ang mga ito 289 00:21:39,320 --> 00:21:43,120 na mas kapani-paniwala kaysa sa pagtatago mula sa mga mananakop. 290 00:21:46,160 --> 00:21:50,160 Maaaring nakatago ang sagot sa pinakamatandang alamat ng rehiyon, 291 00:21:51,320 --> 00:21:55,640 na naganap, ilang libong taon na ang nakararaan sa mga Zoroastrian. 292 00:21:59,000 --> 00:22:02,600 Ito ay ilan sa mga tanyag na mga dervish sa Cappadocia. 293 00:22:07,280 --> 00:22:10,360 Masugid na tagasunod ng relihiyong Sufism. 294 00:22:14,720 --> 00:22:18,320 Isa sa ilang natitira sa sinaunang kultura ng Zoroastrianism. 295 00:22:20,800 --> 00:22:25,200 Ang sinaunang propeta ng Persia, si Zoroaster, ay natuklasan ang sinasabing 296 00:22:25,280 --> 00:22:28,600 pinakamatandang relihiyong patuloy pa rin. 297 00:22:32,080 --> 00:22:37,000 Ang sagradong mga salita nito ay tumutukoy sa siyudad sa ilalim gaya ng Derinkuyu, 298 00:22:37,080 --> 00:22:41,280 eksaktong sinasabi kung bakit iyon ginawa at sinong gumawa. 299 00:22:41,800 --> 00:22:46,640 Winika ni Zoroaster ang ukol sa unang hari at nakatuklas ng sibilisasyon, 300 00:22:46,720 --> 00:22:48,080 isang lalaki, si Yima. 301 00:22:54,000 --> 00:22:57,000 Isang araw, habang nasa tabi ng ilog si Yima, 302 00:22:57,080 --> 00:23:01,720 ang diyos na si Ahura Mazda ay nagpakita sa kanya dala ang isang babala. 303 00:23:02,800 --> 00:23:06,080 Di tungkol sa baha, ngunit sa nakamamatay na taglamig. 304 00:23:07,320 --> 00:23:12,160 At sinabi niyang magtayo ng vara, isang napakalaking kanlungan sa ilalim. 305 00:23:14,040 --> 00:23:17,920 Isasama niya ang pinakamahusay na lalaki at babae, at mga hayop, 306 00:23:18,000 --> 00:23:19,280 dalawa kada uri. 307 00:23:20,320 --> 00:23:23,600 Dapat itago ni Yima ang buto ng bawa't puno at prutas, 308 00:23:23,680 --> 00:23:27,840 gumagawa ng di nauubos na suplay hanggang matapos ang taglamig. 309 00:23:28,720 --> 00:23:31,680 At sinasabi rin ng sagradong mga salita 310 00:23:31,760 --> 00:23:37,080 na ang simula ng nakamamatay na taglamig ay ibabalita ng serpiyente sa langit. 311 00:23:40,560 --> 00:23:42,720 Ang sinasabing maalamat na vara 312 00:23:42,800 --> 00:23:46,760 ay tila mga siyudad sa ilalim na nakita natin dito sa Cappadocia. 313 00:23:47,800 --> 00:23:50,800 Pero ayaw kilalanin ng mga historyador iyon. 314 00:23:51,920 --> 00:23:54,440 Ang alamat ni Yima ay isa lang sa alamat 315 00:23:54,520 --> 00:23:56,880 na iniisip na hindi mahalaga, 316 00:23:56,960 --> 00:24:00,560 gayunman, sinasabi nito ang pagdating ng matinding taglamig. 317 00:24:03,320 --> 00:24:05,480 At kinumpirma ng mga geologist 318 00:24:05,560 --> 00:24:09,520 na may panahon ng malalaking pagbaha sa panahon ng Younger Dryas, 319 00:24:09,600 --> 00:24:12,080 nahahawig sa mga inilarawan sa mga alamat, 320 00:24:13,160 --> 00:24:17,240 pero kalaunan ay sinabi nilang bumagsak ang temperatura sa mundo. 321 00:24:18,520 --> 00:24:20,240 Nakamamatay na taglamig nga. 322 00:24:21,800 --> 00:24:26,000 At nariyan pa ang detalyeng nagkukonekta sa simula ng taglamig 323 00:24:26,080 --> 00:24:29,000 sa pagdating ng isang malaking ahas mula sa langit 324 00:24:30,480 --> 00:24:34,520 gaya ng mga ahas na nakita natin sa alamat ng mga sinaunang Aztec, 325 00:24:36,000 --> 00:24:37,560 o ng Iroquois. 326 00:24:37,640 --> 00:24:40,600 Palaging idinidikit ang serpiyente sa mga sakuna. 327 00:24:46,120 --> 00:24:48,920 Naaalala ko rin ang mga poste sa Göbekli Tepe 328 00:24:49,000 --> 00:24:54,240 na puno ng inukit na mga ahas na tila bumabagsak mula sa kalangitan. 329 00:24:55,160 --> 00:24:58,960 O ng mga ahas na inukit sa malaking templo ng Malta sa Ġgantija. 330 00:24:59,920 --> 00:25:01,960 O Serpent Mound sa North America. 331 00:25:02,880 --> 00:25:07,400 Siyempre, di kinukonekta ng mga arkeologo ang mga simbolong ito at tradisyon 332 00:25:07,480 --> 00:25:10,320 mula sa magkabilang panig ng mundo sa isa't isa… 333 00:25:10,880 --> 00:25:12,920 lalo sa isang pangyayari. 334 00:25:13,800 --> 00:25:18,000 Nakita na natin ang pagkakaiba at wala dapat pagkakapareho na estruktura 335 00:25:18,080 --> 00:25:19,480 sa buong mundo 336 00:25:19,560 --> 00:25:23,680 ay tila nakinabang sa pamana ng sinaunang kaalaman. 337 00:25:24,040 --> 00:25:26,560 Pamanang di alam saan nagmula. 338 00:25:27,760 --> 00:25:30,920 Ang nakakagulat na implikasyon ay noong Ice Age, 339 00:25:31,000 --> 00:25:35,040 isang makabagong sibilisasyon, na kumalat sa mundo ang impluwensiya, 340 00:25:35,120 --> 00:25:39,560 ang namuhay kasama ng mga mangangasong alam din nating buhay noon. 341 00:25:40,360 --> 00:25:42,520 Isang sibilisasyong winasak 342 00:25:42,600 --> 00:25:45,520 ng isang misteryosong sakuna ng Younger Dryas. 343 00:25:47,480 --> 00:25:52,000 Maaari kayang ang mga tinukoy na ahas ay bahagi ng pamanang iyon? 344 00:25:52,920 --> 00:25:56,320 Isang babalang iniwan ng mga nabuhay. 345 00:26:04,160 --> 00:26:11,040 Para sa 'kin, ang pinatutunguhan noon ay, tayong mga tao ay mabilis makalimot. 346 00:26:12,680 --> 00:26:15,480 Hindi na maalala ang mga sakunang naganap 347 00:26:15,560 --> 00:26:17,520 sa pagtatapos ng huling Ice Age, 348 00:26:17,600 --> 00:26:21,680 na nalimutan natin ang mahalagang kabanata ng sarili nating kuwento. 349 00:26:23,000 --> 00:26:28,200 At maaaring malaking problema iyon dahil karamihan sa mga alamat na ito, 350 00:26:28,280 --> 00:26:32,760 isang kuwento tungkol kay Yima ang nagtapos sa babala mula sa mga diyos 351 00:26:32,840 --> 00:26:36,760 na isang araw, babalik ang kaparehong sakuna. 352 00:26:39,120 --> 00:26:40,080 Maaari kaya? 353 00:26:41,800 --> 00:26:46,720 Sa mahabang panahon, nanatiling misteryo kung ano ang pinagmulan ng mga pagbaha, 354 00:26:46,800 --> 00:26:50,160 sunog at pagbagsak ng temperatura noong Younger Dryas, 355 00:26:51,080 --> 00:26:55,120 pero pinakikita ng bagong heolohikal na ebidensiya ang posibilidad. 356 00:26:56,440 --> 00:26:58,760 Ebidensiyang malinaw pa rin ngayon 357 00:26:58,840 --> 00:27:01,840 sa may ukang lupain ng prehistoric America, 358 00:27:01,920 --> 00:27:03,440 kung saan ako patungo. 359 00:27:04,440 --> 00:27:08,320 Nahihimok na akong ang pinagmulan ng simbulo ng serpiyente 360 00:27:08,400 --> 00:27:11,160 ay may kinalaman sa mga ahas sa langit 361 00:27:11,240 --> 00:27:12,840 na tinatawag nating kometa. 362 00:27:41,600 --> 00:27:46,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Reyselle Revita