1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,200 --> 00:00:16,640 Kailan narating ng mga tao ang Amerika? 3 00:00:18,240 --> 00:00:22,880 Kung nag-aaral ka noong 1960 at 2010, 4 00:00:22,960 --> 00:00:25,320 may pagkakataong tinuruan ka nito. 5 00:00:26,480 --> 00:00:29,640 Na sa pagtatapos ng Ice Age, may pangkat ng mangangasong 6 00:00:29,720 --> 00:00:33,440 dumaan sa tulay na nagkokonekta sa Asya at Hilagang Amerika, 7 00:00:34,120 --> 00:00:36,200 kung nasaan ang Bering Strait ngayon. 8 00:00:36,880 --> 00:00:41,040 At sa 13,000 taon ang nakalipas noong natunaw ang yelo, 9 00:00:41,120 --> 00:00:44,080 lumipat sila sa timog sa American Heartland. 10 00:00:45,240 --> 00:00:47,360 Kumbinsido ang arkeolohiyang sa Amerika, 11 00:00:47,440 --> 00:00:50,800 wala pang tao hanggang mga 13,000 taon ang nakalilipas. 12 00:00:50,880 --> 00:00:54,120 Ito ay dominanteng paradaym sa pag-aaral ng Amerika. 13 00:00:56,440 --> 00:00:57,720 Pero mali ito. 14 00:00:59,200 --> 00:01:01,800 Ang lumang paniniwala ay pinalitan na 15 00:01:01,880 --> 00:01:04,560 ng natagpuang mas naunang labi ng arkeolohiko. 16 00:01:06,040 --> 00:01:09,720 Fossilized na yapak ng tao ay nakita sa disyerto sa New Mexico 17 00:01:09,800 --> 00:01:14,760 na mula pa sa 22,000 taon ang nakalipas, sa tuktok ng huling Ice Age. 18 00:01:16,120 --> 00:01:18,040 At iyong mga pinaglalaban pa 19 00:01:18,120 --> 00:01:20,480 ang ebidensiya ng mas naunang tao 20 00:01:20,560 --> 00:01:26,320 na nasa 130,000 taon ang nakalipas, kamakailan lang, ay nagsimulang lumitaw. 21 00:01:28,560 --> 00:01:32,120 Mabuti nang isaalang-alang ang buong panahon 22 00:01:32,200 --> 00:01:34,760 ng kuwento ng tao sa Amerika. 23 00:01:48,560 --> 00:01:53,840 ANG NAWALANG SIBILISASYON NG AMERICA 24 00:01:55,120 --> 00:01:58,520 Kakaunti lang ang sinaunang monumento ng Hilagang Amerika. 25 00:01:58,600 --> 00:02:04,320 Higit 90% ng mga istrukturang nakadokumento noong ika-19 siglo 26 00:02:04,400 --> 00:02:06,400 ay wala na ngayon, 27 00:02:06,480 --> 00:02:09,600 at sa 10% na natira, 28 00:02:09,680 --> 00:02:11,680 halos lahat ay madumi at wasak na. 29 00:02:16,600 --> 00:02:20,840 Masaklap isiping itong mga mahalagang sikreto ng mga ninuno 30 00:02:20,920 --> 00:02:23,280 ay nawala na sa pagkukuha ng mga lupain, 31 00:02:23,360 --> 00:02:27,960 at sa sistematikong paglimot sa mga katutubong paniniwala, 32 00:02:28,040 --> 00:02:30,600 tradisyon, at monumentong meron. 33 00:02:33,560 --> 00:02:34,880 Ang ilang mga lugar 34 00:02:34,960 --> 00:02:39,320 ay maaaring mahalaga sa pagbuo ng posibilidad ng nawalang sibilisasyon. 35 00:02:41,240 --> 00:02:45,120 Katulad ng lugar na ito, na kilala bilang Poverty Point. 36 00:02:50,160 --> 00:02:52,480 Nakuha nito ang kakaibang pangalan 37 00:02:52,560 --> 00:02:54,680 mula sa plantasyong nandito dati… 38 00:02:54,760 --> 00:02:55,600 ARKANSAS - LOUISIANA - ILOG NG BAYOU MACON 39 00:02:56,600 --> 00:02:57,920 15 milya kanluran 40 00:02:58,000 --> 00:03:01,040 ng Mississippi River sa hilagang-silangan Louisiana. 41 00:03:03,840 --> 00:03:07,480 Sa mahabang panahon, inakalang ito ay magandang burol lang 42 00:03:07,560 --> 00:03:09,520 na nasa taas ng bukiran. 43 00:03:11,560 --> 00:03:14,360 Pero hindi lang ito isang burol. 44 00:03:15,880 --> 00:03:17,920 Di na iginigiit ng mga arkeologo 45 00:03:18,000 --> 00:03:21,200 na ito ay isang malaking istrukturang gawa ng tao, 46 00:03:21,760 --> 00:03:24,520 na ngayon ay kilala bilang Mound A. 47 00:03:29,560 --> 00:03:31,120 At noong ang karatig nito 48 00:03:31,200 --> 00:03:34,640 ay nakitang nagkalat ang artifact ng luwad at pigura ng tao, 49 00:03:38,480 --> 00:03:44,600 napagtanto ng mga arkeologo na ang Mound A ay bahagi ng mas malaking sinaunang lugar. 50 00:03:47,280 --> 00:03:50,040 Sulit ang pag-akyat sa Mound A. 51 00:03:50,120 --> 00:03:53,320 Magkakaroon ka ng pananaw dito sa taas na wala sa baba. 52 00:03:55,840 --> 00:03:59,920 Ang napansin ko kaagad ay kung gaano kapatag ang lupa. 53 00:04:00,720 --> 00:04:03,600 Kung tatanggalin ang mga puno, na gawa ng ninuno, 54 00:04:03,680 --> 00:04:08,360 may perpekto kang patag na kagiliran sa buong paligid mo. 55 00:04:11,480 --> 00:04:15,280 Pero ito ay hindi isang depensibong istruktura. Kaya ano ito? 56 00:04:17,920 --> 00:04:21,120 Maski mula sa itaas, mahirap makuha ang buong larawan. 57 00:04:22,880 --> 00:04:26,440 Pero may ideya kami ng orihinal na layout ng lugar. 58 00:04:27,640 --> 00:04:30,480 At walang ganito mula sa sinaunang mundo. 59 00:04:34,680 --> 00:04:38,200 Ang Mound A ay marahil may taas na 100 talampakan, 60 00:04:39,520 --> 00:04:41,800 may angkorang 43-ektaryang plaza. 61 00:04:42,960 --> 00:04:45,200 May anim na mga konsentrikong gilid, 62 00:04:45,280 --> 00:04:49,480 ang bawat isa ay may taas na anim na talampakan at patag sa itaas 63 00:04:49,560 --> 00:04:53,760 na gumagawa ng kalahating bilog na diameter ng tatlong quarter ng milya, 64 00:04:55,080 --> 00:04:57,240 nakahiwalay ng serye ng mga pasilyo, 65 00:04:57,320 --> 00:04:59,280 na parang amphitheater. 66 00:05:00,840 --> 00:05:05,440 At nakakalat sa paligid nito ay di bababa sa anim na punso na gawa ng tao 67 00:05:05,520 --> 00:05:09,080 na pinangalanan ng mga arkeologo na "A" hanggang "F". 68 00:05:14,760 --> 00:05:16,640 Ang Poverty Point ay isa sa 69 00:05:16,720 --> 00:05:19,160 pinaka-complex sinaunang lugar sa Amerika. 70 00:05:21,080 --> 00:05:25,320 Ang pinakalumang bahagi nito ay mula pa sa 3,700 taon ang nakaraan… 71 00:05:26,800 --> 00:05:30,120 matagal pa bago ang gumawa nito ay nakapagsaka rito. 72 00:05:32,840 --> 00:05:35,240 Ang sinaunang Amerikano ng Poverty Point 73 00:05:35,320 --> 00:05:37,840 ay nanatili rito sa sumunod na 600 taon 74 00:05:37,920 --> 00:05:41,080 at patuloy na pinapaganda at pinapabuti ang lugar. 75 00:05:43,840 --> 00:05:44,680 Bakit? 76 00:05:48,360 --> 00:05:50,360 Walang mga dokumento o tradisyon 77 00:05:50,440 --> 00:05:53,240 ang makakapagsabi ng layunin ng Poverty Point. 78 00:05:53,320 --> 00:05:55,400 Kaya nanghuhula lang ang arkeologo. 79 00:05:57,480 --> 00:06:00,240 Site manager at mananalaysay, Mark Brink Jr., 80 00:06:00,320 --> 00:06:03,280 ang unang umaming ang mainstream na arkeolohiyo 81 00:06:03,360 --> 00:06:06,920 ay hindi kayang kumpirmahin ang misteryosong lugar. 82 00:06:08,120 --> 00:06:10,400 Sabihin mo ang mga nalalaman mo rito. 83 00:06:11,400 --> 00:06:12,720 Napakalaki ng Mound A, 84 00:06:12,800 --> 00:06:17,440 ang pinakamalaking punsong naitayo sa Kanlurang Hemisphere noon, 85 00:06:17,520 --> 00:06:20,920 na nagsasabing Poverty Point ang gitna ng mas malaki pa. 86 00:06:21,000 --> 00:06:24,000 Iminumungkahi nito ang matibay na motibo rito. 87 00:06:24,080 --> 00:06:26,920 May alam ka ba kung ano'ng motibong iyon? 88 00:06:27,000 --> 00:06:28,160 Hindi namin alam. 89 00:06:28,240 --> 00:06:32,120 Ito ay ceremonial na sentro sa ilang kadahilanan, pero malay. 90 00:06:32,200 --> 00:06:34,680 -Hindi pa alam. -Oo. 91 00:06:35,280 --> 00:06:36,560 May ideya kami 92 00:06:36,640 --> 00:06:40,080 kung bakit ito itinayo rito at hindi sa ibang lugar, 93 00:06:41,080 --> 00:06:45,920 at may koneksiyon ito sa mas lumang lugar na may layong dalawang milya sa timog. 94 00:06:46,000 --> 00:06:47,520 Habang patungong timog… 95 00:06:47,600 --> 00:06:48,440 BATH, UK ABRIL 6, 2019 96 00:06:48,520 --> 00:06:50,520 nasa Lower Jackson Mound tayo. 97 00:06:50,600 --> 00:06:53,400 Ang tatlong pangunahing punso sa Poverty Point 98 00:06:53,480 --> 00:06:56,440 ay nakalinya nang eksakto sa Lower Jackson Mound. 99 00:06:57,640 --> 00:06:58,520 SINAUNANG MOUNDS TRAIL LOWER JACKSON MOUND 100 00:06:58,600 --> 00:07:01,400 Mas nauna Lower Jackson Mound sa Poverty Point. 101 00:07:01,480 --> 00:07:06,640 Mula pa ito sa 3,500 BC, 5,500 taon na. 102 00:07:06,720 --> 00:07:11,000 Gayunpaman, alam ito ng mga gumawa ng Poverty Point, 103 00:07:11,080 --> 00:07:14,000 pero ginamit nila itong angkora sa lugar nila. 104 00:07:17,320 --> 00:07:19,840 Malinaw na naintindihan nila ang heograpiya 105 00:07:19,920 --> 00:07:22,280 at kung paano itayo istruktura sa hilaga. 106 00:07:23,520 --> 00:07:26,040 Pero mayroon pang nangyayari rito 107 00:07:26,120 --> 00:07:28,840 na ayaw tanggapin ng mga arkeologo 108 00:07:29,560 --> 00:07:32,040 na makikita sa natatanging geometry nito. 109 00:07:33,120 --> 00:07:37,480 Kita mo, maoobserbahan mo sa patag na kaligiran 110 00:07:37,560 --> 00:07:41,600 ang pagsikat at paglubog ng araw at ng buwan at ng mga bituin. 111 00:07:44,240 --> 00:07:46,680 Ito ay lugar para sa mga astronomer. 112 00:07:51,960 --> 00:07:54,200 Karamihan sa ati'y di ito alam. Bakit? 113 00:07:54,280 --> 00:07:55,640 May polusyon sa atin. 114 00:07:57,080 --> 00:07:59,000 Di natin makita ang kalangitan, 115 00:07:59,760 --> 00:08:02,600 pero kung ninuno ka at pinag-aralan mo ang langit, 116 00:08:03,920 --> 00:08:06,000 mapapansin mo itong penomena. 117 00:08:07,480 --> 00:08:10,000 Ang araw ay may mga punto sa kagiliran. 118 00:08:10,080 --> 00:08:11,640 Tinatawag itong solstice. 119 00:08:11,720 --> 00:08:13,880 Tumitigil ang araw sa tag-init, 120 00:08:13,960 --> 00:08:16,200 nananatili nang dalawa o tatlong araw, 121 00:08:16,280 --> 00:08:20,400 at tapos, gagalaw muli ito na parang pendulum sa kagiliran. 122 00:08:20,480 --> 00:08:22,000 Ganoon din sa taglamig. 123 00:08:25,560 --> 00:08:30,000 Ang archeoastronomer na si William Romain ay nakadiskubreng itong petsa, 124 00:08:30,080 --> 00:08:34,800 ang mga solstice, ang pinakamahaba at pinakamaiksing mga araw sa taon, 125 00:08:34,880 --> 00:08:36,880 ay minarkahan sa Poverty Point 126 00:08:36,960 --> 00:08:39,720 gamit ang magaling na sistema ng pagkakahanay. 127 00:08:43,720 --> 00:08:46,640 Pag tumayo ka sa silangang gilid ng oval 128 00:08:46,720 --> 00:08:48,440 sa gitna ng plaza, 129 00:08:48,520 --> 00:08:52,800 ang paglubog ng tag-init na solstice ay nakalinya sa Mound B, 130 00:08:52,880 --> 00:08:54,080 ang lumang punso. 131 00:08:55,440 --> 00:08:57,160 At mula sa parehong posisyon, 132 00:08:57,240 --> 00:09:01,480 ang paglubog sa taglamig na solstice ay nakalinya sa Mound E. 133 00:09:02,760 --> 00:09:05,640 Pumunta ka sa kanlurang gilid ng parehong oval, 134 00:09:05,720 --> 00:09:10,480 at makikita mo na ang tag-init na solstice ay sumisikat sa ibabaw ng Mound C… 135 00:09:11,480 --> 00:09:15,400 habang ang taglamig na solstice na pagsikat ay nasa Mound D. 136 00:09:17,560 --> 00:09:21,400 At kung titingnan mo ang kanluran sa pamamagitan ng gitna ng plaza 137 00:09:21,480 --> 00:09:23,600 tuwing tagsibol o taglagas, 138 00:09:24,760 --> 00:09:28,000 makikita mo ang araw na bababa sa hilaga ng Mound A 139 00:09:28,080 --> 00:09:30,160 bago ito tuluyang lumubog. 140 00:09:36,560 --> 00:09:38,960 Ang Poverty Point ay may nakakaintrigang 141 00:09:39,040 --> 00:09:41,400 istrukturang kita ang pagbabago sa langit. 142 00:09:42,640 --> 00:09:43,960 Sa isang kanto rito, 143 00:09:44,040 --> 00:09:47,200 nahanap ng mga arkeologo ang malalaking mga butas 144 00:09:49,320 --> 00:09:51,760 na minarkahan ngayon ng mga puting poste. 145 00:09:53,120 --> 00:09:56,960 Hindi natin alam gaano kataas ang orihinal na poste sa mga butas, 146 00:09:57,800 --> 00:10:00,320 pero sa kabuuang palagay at disenyo, 147 00:10:00,400 --> 00:10:05,720 naaalala ko ang prehistoric na Woodhenge malapit sa Stonehenge sa England. 148 00:10:07,200 --> 00:10:12,400 Ang natatangi rito sa Poverty Point ay ang dami ng mga woodhenge. 149 00:10:13,840 --> 00:10:16,160 Itong mga bilog, ilan ang mayroon dito? 150 00:10:16,760 --> 00:10:19,600 Nasa 40 siguro sila. 151 00:10:20,560 --> 00:10:22,160 Ang laki? Sa kabila… 152 00:10:22,240 --> 00:10:25,560 Ang ilan sa kanila ay maliit, siguro nasa 60 talampakan, 153 00:10:25,640 --> 00:10:28,640 ang ilan ay mas malaki, nasa 200 talampakan o higit, 154 00:10:29,280 --> 00:10:32,000 pero ang mga petsa nito ay iba-iba. 155 00:10:33,880 --> 00:10:36,280 Ginawa ang mga ito sa ilang daang taon, 156 00:10:37,240 --> 00:10:40,080 na sumasaklaw sa mga henerasyon ng Amerikano, 157 00:10:40,160 --> 00:10:43,240 na panay ang pagbabago ng kanilang posisyon at laki. 158 00:10:44,920 --> 00:10:47,520 Naaalala ko ang Malta, na ang mga gumawa 159 00:10:47,600 --> 00:10:49,840 ay panay ang pagbabago ng oryentasyon. 160 00:10:50,840 --> 00:10:54,400 Para nakaharap sa bituing Sirius, na nagtatapos sa Ggantija. 161 00:10:55,560 --> 00:10:57,760 At ng Göbekli Tepe sa Turkey 162 00:10:57,840 --> 00:10:59,880 kung saan ginawa ang mga templo 163 00:10:59,960 --> 00:11:02,320 sa loob ng ilang libong taon… 164 00:11:03,320 --> 00:11:06,080 saka para masundan ang galaw ng mga bituin. 165 00:11:07,720 --> 00:11:10,200 Lahat ng ito ay malalaking proyekto, 166 00:11:10,280 --> 00:11:12,760 na may mga istrukturang parating binabago 167 00:11:13,760 --> 00:11:16,440 at inuusog ang kanilang oryentasyon. 168 00:11:17,560 --> 00:11:20,600 Ang maraming poste kaya ng Poverty Point 169 00:11:20,680 --> 00:11:23,640 ay dinisenyo para masundan ang nasa kalangitan? 170 00:11:25,920 --> 00:11:28,880 Magarang karunungan, tunay na agham 171 00:11:28,960 --> 00:11:32,040 ay makikita sa geometry at astronomiya ng lugar. 172 00:11:33,680 --> 00:11:36,360 Ngunit ang mainstream na mga arkeologo 173 00:11:36,440 --> 00:11:40,120 ay ayaw pa ring kilalanin ang astronomiya sa mga poste rito. 174 00:11:42,600 --> 00:11:45,000 Tingin ko, wala itong katuturan. 175 00:11:45,080 --> 00:11:47,920 Bakit ang mga taong nakatira rito ay gumawa nito, 176 00:11:48,000 --> 00:11:50,200 bakit di sila interesado sa langit? 177 00:11:50,280 --> 00:11:51,800 Di ko sinasabing hindi. 178 00:11:51,880 --> 00:11:53,120 Sigurado, interesado. 179 00:11:53,200 --> 00:11:55,360 Sige. Tingin mo, para saan ang bilog? 180 00:11:56,200 --> 00:11:57,840 Hindi pa namin alam 181 00:11:57,920 --> 00:11:59,920 kung para sa astronomiya ito. 182 00:12:00,000 --> 00:12:00,960 Oo. 183 00:12:02,640 --> 00:12:05,640 Ang sinaunang kultura ay nakatuon sa langit. 184 00:12:07,040 --> 00:12:09,400 Ang pananaw na iyon ay di maipagkakaila, 185 00:12:09,480 --> 00:12:11,640 pero hindi mahalaga sa arkeolohiya. 186 00:12:12,600 --> 00:12:14,560 Tingin ko, ang rason 187 00:12:14,640 --> 00:12:18,160 ay hindi naiintindihan ng mga arkeologo ang astronomiya. 188 00:12:18,240 --> 00:12:20,040 Di ganoon ang itinuro sa kanila, 189 00:12:20,120 --> 00:12:22,560 at pangalawa, panghihimasok ito 190 00:12:22,640 --> 00:12:26,000 sa kanila ng ibang mga tao. 191 00:12:30,080 --> 00:12:33,200 Hindi ko sinasabing ginawa ang Poverty Point 192 00:12:33,280 --> 00:12:36,160 ng nawalang sibilisasyong hinahanap ko. 193 00:12:38,080 --> 00:12:40,280 Pero interesado ako sa pinanggalingan 194 00:12:40,360 --> 00:12:42,800 ng magarang astronomiya at geometry 195 00:12:42,880 --> 00:12:44,200 na makikita rito. 196 00:12:45,800 --> 00:12:48,480 May mga ebidensiya ng makabagong arkitekto, 197 00:12:48,560 --> 00:12:53,640 karunungang astronomical na nakuha mula sa sinaunang panahon, 198 00:12:53,720 --> 00:12:57,280 pero kanino ito nakuha at gaano katanda ito? 199 00:12:59,880 --> 00:13:02,160 Hindi ko sinasabing ang nakatira rito 200 00:13:02,240 --> 00:13:04,920 ay walang kakayanang matagpuan at magamit 201 00:13:05,000 --> 00:13:08,960 itong mga astronomical na obserbasyon nang sila lang. 202 00:13:09,680 --> 00:13:10,520 Kabaliktaran. 203 00:13:11,160 --> 00:13:12,440 Tingin ko, tapos na 204 00:13:12,520 --> 00:13:15,400 isiping ang mga kultura ng katutubong Amerikano 205 00:13:15,480 --> 00:13:17,160 ay mga mangangaso lamang. 206 00:13:17,240 --> 00:13:21,000 Sila ay mas higit na may kakayanan pa roon. 207 00:13:23,200 --> 00:13:26,160 At ang kanilang pananaw sa mundo sa cosmos 208 00:13:26,240 --> 00:13:28,600 na makikita sa mga hanay sa Poverty Point 209 00:13:28,680 --> 00:13:30,920 ay tunay na parehong pananaw 210 00:13:31,000 --> 00:13:33,520 na makikita sa ibang sinaunang lugar… 211 00:13:35,440 --> 00:13:36,440 parehong pokus 212 00:13:36,520 --> 00:13:39,000 sa sagradong koneksiyon ng mundo at langit. 213 00:13:45,760 --> 00:13:49,120 Ang Poverty Point ay isa lang sa 800 na Mound Builder 214 00:13:49,800 --> 00:13:52,280 na natitira sa buong estado ng Louisiana. 215 00:13:53,280 --> 00:13:55,280 Habang sa buong Hilagang Amerika, 216 00:13:55,360 --> 00:13:58,360 sa kalahatang tinatayang isang milyong punso… 217 00:13:59,400 --> 00:14:01,960 nasa 100,000 pa ang natitira. 218 00:14:04,120 --> 00:14:08,600 Sa mga ito, ang pinakanakakabilib na halimbawa ng isang punsong 219 00:14:08,680 --> 00:14:11,400 nnagpapakita ng sagradong koneksiyon sa langit 220 00:14:12,320 --> 00:14:17,920 ay nasa 600 milya hilagang-silangan mula sa Poverty Point sa Ohio, 221 00:14:18,960 --> 00:14:22,520 isang lugar na makakapagsabi kung ano ang nangyari 222 00:14:22,600 --> 00:14:25,240 sa nawalang sibilisasyong hinahanap ko. 223 00:14:28,280 --> 00:14:30,560 Nakadapo sa magubat na galugod 224 00:14:31,640 --> 00:14:34,520 ay ang magandang halimbawa ng imahen ng punso. 225 00:14:36,800 --> 00:14:40,520 Isang higanteng hugis ng isang nilalang. 226 00:14:42,400 --> 00:14:45,560 Sa kaso nito, isang 400-metrong haba na ahas. 227 00:14:48,080 --> 00:14:50,200 Tinatawag itong Serpent Mound. 228 00:14:52,760 --> 00:14:54,400 Simula sa nakapulupot, 229 00:14:54,480 --> 00:14:57,320 pitong kurba sa katawan nito patungong ulo, 230 00:14:58,600 --> 00:15:03,320 kung saan makikita ang nakangangang panga na lalamunin ang isa pang oval. 231 00:15:06,040 --> 00:15:09,600 Kahit mula sa ere, mahirap makita ang lahat ng detalye. 232 00:15:10,480 --> 00:15:14,920 Pero isama ang mga bagong natuklasan tungkol sa orihinal na paggawa nito 233 00:15:15,000 --> 00:15:16,480 at tanggalin ang puno, 234 00:15:17,120 --> 00:15:20,480 makikita ang imahen ng orihinal na estado nito. 235 00:15:25,440 --> 00:15:28,360 Umaabot sa isang milya ang Serpent Mound 236 00:15:28,440 --> 00:15:30,200 mula sa panga nito sa hilaga 237 00:15:30,280 --> 00:15:33,280 patungo sa buntot nito sa timog sa ibabaw ng burol. 238 00:15:36,480 --> 00:15:40,200 Sa orihinal, may bilog na mga nakatayong bato sa may ulo nito, 239 00:15:40,280 --> 00:15:41,600 di alam kung para saan. 240 00:15:43,080 --> 00:15:46,880 At sa likod lang ng ulo, may dalawang pampalamuting haba, 241 00:15:46,960 --> 00:15:48,840 hindi rin alam kung para saan. 242 00:15:55,880 --> 00:15:59,320 Ang Serpent Mound ay pambihira at kaaya-ayang istrukturang 243 00:15:59,400 --> 00:16:02,440 nakakamangha sa mga bumibisita rito. 244 00:16:03,800 --> 00:16:06,720 Malinaw na ito ay sinauna at misteryosong lugar. 245 00:16:06,800 --> 00:16:09,320 Pero sino ang gumawa nito, at bakit? 246 00:16:14,080 --> 00:16:17,240 Sinasabi sa palatandaan dito na ginawa ito noong 1,000 AD 247 00:16:17,320 --> 00:16:21,120 ng mga katutubong taong tinatawag na Fort Ancient Culture. 248 00:16:22,680 --> 00:16:27,360 Pero ang palatandaan, tulad ng mga historikal na tanda, ay mali. 249 00:16:28,880 --> 00:16:33,080 Wala talagang may alam kung gaano ito katanda. 250 00:16:35,200 --> 00:16:37,200 Ang petsa na 1,000 AD 251 00:16:37,280 --> 00:16:40,280 ay nakabatay lang sa dalawang organikong sample 252 00:16:40,360 --> 00:16:43,760 na nakuha sa mga parte ng punsong binago muli kalaunan, 253 00:16:45,280 --> 00:16:49,280 dahil natagpuan sa isa pang survey ang sample sa ibaba ng ahas 254 00:16:49,360 --> 00:16:52,840 na galing pa sa 321 BC. 255 00:16:54,480 --> 00:16:56,680 Ang ebidensiya sa Serpent Mound 256 00:16:56,760 --> 00:16:59,640 na binabago ito ay napakalinaw. 257 00:16:59,720 --> 00:17:03,280 Iminumungkahi kong ang pagbabagong ito ay napakatagal na. 258 00:17:05,040 --> 00:17:08,200 May isang problema lang sa pag-iimbestiga sa teorya ko. 259 00:17:09,079 --> 00:17:13,319 Pinagbawalan ako ng mga administrador ng Serpent Mound. 260 00:17:15,800 --> 00:17:20,000 Sinubukan namin nang ilang beses para makunan ang lugar na ito, 261 00:17:20,079 --> 00:17:22,079 pero hindi kami pinahintulutan. 262 00:17:24,200 --> 00:17:29,200 Sa tingin ko, sa ideyolohikal at tunay na personal na pananaw, 263 00:17:29,280 --> 00:17:31,160 babasahin ko ang email nila. 264 00:17:33,079 --> 00:17:34,600 "Ang aming layunin ay 265 00:17:34,680 --> 00:17:37,240 panatilihin ang integridad ng Serpent Mound, 266 00:17:37,320 --> 00:17:38,360 sa pisikal 267 00:17:38,440 --> 00:17:41,520 at makasaysayang representasyon nito." 268 00:17:42,480 --> 00:17:47,200 "Dahil ang presenter ng seryeng ito, si Graham Hancock, 269 00:17:47,280 --> 00:17:51,040 ay nagmumungkahi ng teorya at istoryang hindi kaanig 270 00:17:51,120 --> 00:17:54,880 sa alam namin tungkol sa katotohanan ng Serpent Mound, 271 00:17:54,960 --> 00:17:57,480 ang kahilingan niyo ay tinatanggihan." 272 00:18:00,280 --> 00:18:05,440 Ang tamang salita sa misyong itong protektahan ang interpretasyon 273 00:18:05,520 --> 00:18:07,920 ay, siyempre, censorship. 274 00:18:08,000 --> 00:18:10,440 At ano pa ang mas mabisang paraan 275 00:18:10,520 --> 00:18:16,360 para i-censor ng mga arkeologo at pigilan at sirain ang pananaw ng kabila 276 00:18:16,440 --> 00:18:20,080 kaysa tanggihan ang pagpasok sa mga arkeolohikong lugar? 277 00:18:20,160 --> 00:18:21,760 BALIW BA SI GRAHAM HANCOCK? 278 00:18:21,840 --> 00:18:24,520 Hindi ito ang unang beses. 279 00:18:24,600 --> 00:18:29,040 Sa kasamaang-palad, ito ay sistematiko at pare-parehong pag-uugali 280 00:18:29,120 --> 00:18:30,200 sa mga arkeologo. 281 00:18:30,280 --> 00:18:32,120 May censorship talaga. 282 00:18:32,200 --> 00:18:37,560 Ginagawa nila ang censorship sa pagtawa at pag-insulto sa ibang mga ideya. 283 00:18:39,760 --> 00:18:43,040 Kaya ano mismo sa teorya ko 284 00:18:43,120 --> 00:18:45,360 ang hindi kanais-nais? 285 00:18:46,840 --> 00:18:49,800 Mas simple, dahil naglakas-loob akong magmungkahi 286 00:18:49,880 --> 00:18:53,240 ng ideya mula sa disenyo ng Serpent Mound 287 00:18:53,320 --> 00:18:57,480 na mas luma pa sa 300 BC, 288 00:18:58,640 --> 00:19:03,200 higit 10,000 taon bago pa ang pagtatapos ng huling Ice Age. 289 00:19:05,200 --> 00:19:10,960 Para sa 'kin, ang patunay nito ay makikita sa isa sa magagandang katangian nito, 290 00:19:11,040 --> 00:19:14,360 isa sa mga tinatanggihan ng mainstream na mga arkeologo. 291 00:19:15,000 --> 00:19:17,880 Dahil ulit, kasama na naman ang langit dito. 292 00:19:19,960 --> 00:19:24,960 Kung pupuntahan mo ang Serpent Mound sa tag-init na solstice mga ika-21 ng Hunyo, 293 00:19:25,040 --> 00:19:27,800 mapapansin mo kaagad na ang panga ng ahas 294 00:19:27,880 --> 00:19:32,120 ay nakalinya mismo sa punto kung saan lumulubog ang araw. 295 00:19:34,880 --> 00:19:37,960 Kaya ito ang paglubog sa tag-init na solstice. 296 00:19:38,040 --> 00:19:38,880 BATH, UK ABRIL 6, 2019 297 00:19:38,960 --> 00:19:42,680 Kita mo ang ulo ng ahas, para bang nakatanaw sa araw, 298 00:19:42,760 --> 00:19:45,760 at habang lumulubog ang araw, mas malinaw ito, 299 00:19:45,840 --> 00:19:49,520 itong magandang pagkahanay ng mundo sa langit, 300 00:19:49,600 --> 00:19:52,360 tapos, masisiyahan ka lang sa tanawin nito. 301 00:19:54,320 --> 00:19:57,440 Halata sa kahit kanino ngayon 302 00:19:57,520 --> 00:20:01,000 na ito ang ulo ng ahas na nakaturo rito. 303 00:20:01,600 --> 00:20:06,400 Pero tinatanggihan ang ideyang ito ng arkeolohiya. 304 00:20:07,280 --> 00:20:09,960 Ang organisasyong namamahala sa lugar 305 00:20:10,040 --> 00:20:13,800 ay hinayaang lumago ang mga puno sa palibot ng ulo ng ahas. 306 00:20:13,880 --> 00:20:17,000 Tingin ko, naniniwala silang lilim ito sa mga turista. 307 00:20:17,080 --> 00:20:20,440 Pero ang ginagawa nito ay nililimitahan ang epekto 308 00:20:20,520 --> 00:20:23,800 na makita ang ulo nitong nakaturo sa paglubog ng araw. 309 00:20:28,080 --> 00:20:32,040 Si Jeff Wilson, na may-ari ng halos lahat ng katabing lupain nito, 310 00:20:32,120 --> 00:20:36,080 ang presidente ng grupo na tinatawag na The Friends of Serpent Mound, 311 00:20:37,160 --> 00:20:41,800 na dedikado sa pananatili at pag-promote nito at ibang katutubong lugar. 312 00:20:43,000 --> 00:20:46,160 Malinaw na importante sa 'yo ang Serpent Mound. 313 00:20:46,240 --> 00:20:48,440 Oo, malapit talaga ito sa akin. 314 00:20:48,520 --> 00:20:51,480 Isa ito sa mga espirituwal na lugar na nabisita ko. 315 00:20:51,560 --> 00:20:52,400 JEFF WILSON MANANALAYSAY NG SERPENT MOUND 316 00:20:52,480 --> 00:20:53,800 Ito'y sagradong lugar. 317 00:20:53,880 --> 00:20:55,200 Kapag napuntahan ito, 318 00:20:55,280 --> 00:20:59,440 aalis kang parang nabago ka ng karanasan mong makita ito. 319 00:21:02,960 --> 00:21:06,160 Ito ang pinakamagandang archeoastronomy sa Amerika, 320 00:21:06,240 --> 00:21:07,080 -talaga. -Oo. 321 00:21:09,160 --> 00:21:12,960 Kaya ito ganito ay dahil sa bagong kumpirmasyon na ang Mound Builders 322 00:21:13,040 --> 00:21:16,920 ay naglagay ng isang serye ng paghahanay sa kalangitan 323 00:21:17,000 --> 00:21:18,640 sa disenyo ng Serpent. 324 00:21:22,600 --> 00:21:25,040 Ang gitna ng ikalawang kurba sa may ulo 325 00:21:25,120 --> 00:21:28,880 ay nakaturo sa silangan kung saan sumisikat ang araw sa tag-init 326 00:21:31,000 --> 00:21:32,960 at ang gitna ng sumunod na kurba 327 00:21:33,040 --> 00:21:36,440 ay nakaturo sa pagsikat ng araw sa tagsibol at taglagas 328 00:21:36,520 --> 00:21:39,080 kung saan pareho ng tagal ang gabi at umaga. 329 00:21:41,440 --> 00:21:43,480 Habang ang gitna ng huling kurba 330 00:21:43,560 --> 00:21:46,800 ay nakaturo sa pagsikat ng araw sa taglamig na solstice, 331 00:21:46,880 --> 00:21:48,760 ang pinakamaikling araw. 332 00:21:50,320 --> 00:21:52,880 Sa madetalyadong nakapulupot na buntot, 333 00:21:53,600 --> 00:21:56,840 kung gagawa ka ng diretsong linya sa mismong gitna nito 334 00:21:56,920 --> 00:21:59,040 sa pamamagitan ng bisagra ng panga, 335 00:21:59,120 --> 00:22:03,400 makikita mong ito'y eksaktong nakaturo sa astronomical na hilaga. 336 00:22:07,280 --> 00:22:10,240 Para gawin ito at maisip 337 00:22:10,320 --> 00:22:14,280 na ang lahat ng astronomical na paghahanay ay kabilang sa disenyo 338 00:22:14,360 --> 00:22:17,840 -ay tunay na gawa ng henyo… -Gawa ng henyo, oo. 339 00:22:17,920 --> 00:22:19,520 mula sa mga katutubo. 340 00:22:19,600 --> 00:22:23,160 Oo. At hindi pinapansin ang gawa ng henyong ito. 341 00:22:23,240 --> 00:22:26,560 Sineseryoso ba ng arkeolohiya ang astronomiya ng lugar? 342 00:22:26,640 --> 00:22:29,000 Sineseryoso ba ito ng mga arkeologo? 343 00:22:29,080 --> 00:22:31,080 Tingin ko, hindi, hindi. 344 00:22:32,440 --> 00:22:37,280 Kakaunting tao lang ang pumapansin dito o pinag-aaralan ito. 345 00:22:41,800 --> 00:22:45,000 Para bang gustong ipaniwala sa 'tin ng mga arkeologo 346 00:22:45,080 --> 00:22:48,760 na itong mga astronomical na paghahanay ay nagkataon lang. 347 00:22:50,200 --> 00:22:55,200 Siguro, ayos lang sabihing may mga tao sa sinaunang katutubong Amerika 348 00:22:55,280 --> 00:22:59,760 na may makabagong pagsisiyasat, geometrical at astronomical na kakayanan, 349 00:22:59,840 --> 00:23:03,200 at ginamit nila ang mga kakayanan sa paggawa ng monumento, 350 00:23:03,280 --> 00:23:06,640 na halos lahat ay nawala na. 351 00:23:08,560 --> 00:23:13,760 Itong eksaktong solar na paghahanay ay ipinamalas sa malaking sukat 352 00:23:13,840 --> 00:23:16,760 ay kumakatawan sa pambihirang tagumpay ng mga 353 00:23:16,840 --> 00:23:18,880 mangangaso sa ika-3 siglo BC. 354 00:23:20,440 --> 00:23:24,080 Pero may ebidensiyang nagmumungkahi na ang Serpent Mound 355 00:23:24,160 --> 00:23:27,920 ay sagrado nang ilang libong taon bago pa rito. 356 00:23:29,600 --> 00:23:33,360 Bawat kultura na umiral dito, 357 00:23:33,440 --> 00:23:37,880 galing pa sa huling Ice Age, ay nag-iwan ng kultura sa Serpent Mound. 358 00:23:37,960 --> 00:23:41,080 Ang sinasabi nito sa 'kin, itong mga taong tumira rito 359 00:23:41,760 --> 00:23:45,600 ay nagmumugkahi na ang lugar ay matagal nang sagrado. 360 00:23:45,680 --> 00:23:46,520 Tama. 361 00:23:46,600 --> 00:23:48,760 Para sa akin, dapat itong isipin 362 00:23:48,840 --> 00:23:50,520 sa istorya ng arkeolohikal. 363 00:23:50,600 --> 00:23:52,640 Dapat kasama ito sa istorya nito. 364 00:23:52,720 --> 00:23:53,560 Oo. 365 00:23:56,520 --> 00:24:00,360 Nagkamali na dati ang mga arkeologo at puwedeng magkamali muli. 366 00:24:00,960 --> 00:24:05,720 Sa kabuuan, halata na ang pinagmulan ng Serpent Mound ay komplikado. 367 00:24:07,080 --> 00:24:12,080 Paano kung ang 321 BC ay hindi ang pagtatayo ng Serpent Mound, 368 00:24:12,760 --> 00:24:15,320 kundi isa sa mga pagbabago nito? 369 00:24:17,600 --> 00:24:20,560 Wag nating kalimutang ahas ang pinag-uusapan, 370 00:24:20,640 --> 00:24:24,880 at ang mga ahas ay nilalang na may kakayanang baguhin ang balat. 371 00:24:26,800 --> 00:24:31,200 Posibilidad itong iminumungkahi ng natatanging paghahanay ng Serpent Mound. 372 00:24:32,080 --> 00:24:34,800 Kita mo, hindi ito perpekto. 373 00:24:36,920 --> 00:24:40,480 Ang tag-init na solstice, na makikita mula sa Serpent Mound, 374 00:24:40,560 --> 00:24:44,680 ay lulubog sa dalawang degree mula sa eksaktong gitna ng panga. 375 00:24:45,840 --> 00:24:47,880 Parang madaling makita ng mata. 376 00:24:49,840 --> 00:24:54,080 Pero mahirap paniwalaang ang mga taong gumawa 377 00:24:54,160 --> 00:24:58,240 nitong napakagandang imahen ng punso, sinusundan ang mga panahon, 378 00:24:58,880 --> 00:25:02,840 ay gagawin ito at hindi gagawing eksakto. 379 00:25:04,560 --> 00:25:06,440 Tingin ko, tumama sila. 380 00:25:08,280 --> 00:25:12,240 Dahil lang ito sa paggalaw ng mundo sa axis sa millenia. 381 00:25:13,800 --> 00:25:16,240 Sa isang penomenang matagal nang alam 382 00:25:16,840 --> 00:25:20,120 na tinatawag ng mga astronomer na ecliptic na paglihis. 383 00:25:21,080 --> 00:25:22,440 Para mas simple, 384 00:25:22,520 --> 00:25:24,720 ang mundo ay nakatagilid sa axis, 385 00:25:24,800 --> 00:25:27,120 pero ang tagilid ay hindi permanente. 386 00:25:27,200 --> 00:25:30,680 Nagbabago ito sa loob ng 41,000 taon. 387 00:25:30,760 --> 00:25:33,520 Nagbabago ito ng dalawa't kalahating degree. 388 00:25:33,600 --> 00:25:35,120 Tutungo ito patalikod, 389 00:25:35,800 --> 00:25:40,040 at nakakaapekto ito sa pagsikat ng araw sa tag-init na solstice. 390 00:25:42,640 --> 00:25:44,720 Sa halip na tanungin bakit ang panga 391 00:25:44,800 --> 00:25:48,080 ay hindi perpektong nakalinya sa paglubog sa tag-init, 392 00:25:49,800 --> 00:25:52,080 paano kung iba ang tanungin natin? 393 00:25:53,360 --> 00:25:57,720 Kailan, kung maisip itong ecliptic na paglihis, 394 00:25:57,800 --> 00:26:01,680 ang nakangangang pangang ito at paglubog ng araw ay nakalinya? 395 00:26:05,800 --> 00:26:07,960 Hindi ito isang libong taon na… 396 00:26:08,960 --> 00:26:10,680 o 2,300 taon na ang nakaraan, 397 00:26:10,760 --> 00:26:14,240 noong iginiit ng mga arkeologo na itinayo ang Serpent Mound. 398 00:26:15,200 --> 00:26:18,800 Ang bunganga ng ahas ay eksaktong nasa gitna ng araw 399 00:26:18,880 --> 00:26:21,920 humigit-kumulang 12,800 taon na ang nakalipas… 400 00:26:23,040 --> 00:26:24,800 sa pagtatapos ng Ice Age 401 00:26:27,280 --> 00:26:29,080 noong ang galugod kung nasaan 402 00:26:29,160 --> 00:26:33,440 ito ay mayroong pambihirang lugar. 403 00:26:37,840 --> 00:26:42,400 Sa pinakatuktok ng Ice Age, nasa 20,000 taon ang nakaraan… 404 00:26:42,480 --> 00:26:43,760 KARAGATANG PASIPIKO- CORDILLERAN ICE SHEET HILAGANG AMERIKA - LAURENTIDE ICE SHEET 405 00:26:43,840 --> 00:26:48,000 ang Hilagang Amerika ay nakabalot sa yelong isang milya ang kapal. 406 00:26:51,040 --> 00:26:55,600 Ngayon, ang Serpent Mound Valley ng Ohio ay kagubatan na, 407 00:26:56,200 --> 00:26:58,320 pero wag itong tingnan na ganito. 408 00:26:59,200 --> 00:27:02,720 Tingnan natin ito noong huling Ice Age. 409 00:27:04,120 --> 00:27:08,080 Itong lambak na ito, kung saan nakatayo ang Serpent Mound, 410 00:27:08,160 --> 00:27:12,560 ay ang pinakamalayong timog na narating ng yelo ng Hilagang Amerika. 411 00:27:13,760 --> 00:27:17,240 Ang mga higanteng yelong talampas na nasa taas ng galugod 412 00:27:17,320 --> 00:27:20,240 ay magmumukhang galing sa nobelang pantasya. 413 00:27:21,400 --> 00:27:23,720 Sa mga taong nabuhay sa panahong ito, 414 00:27:23,800 --> 00:27:27,360 para bang may mahiwagang kapangyarihan ang naririto. 415 00:27:29,240 --> 00:27:32,800 Pero saglit lang ang pagdiriwang sa pagkawala ng yelo, 416 00:27:34,160 --> 00:27:37,280 dahil noong 12,800 taon ang nakaraan, 417 00:27:37,960 --> 00:27:41,720 noong eksaktong nakalinya ang ahas sa tag-init na solstice, 418 00:27:41,800 --> 00:27:45,080 may malaking nangyari sa buong planeta. 419 00:27:46,560 --> 00:27:48,760 Apocalyptic ito 420 00:27:50,560 --> 00:27:52,240 na tinawag na Younger Dryas. 421 00:27:53,600 --> 00:27:57,680 Ito'y panahon ng radikal na pagbabago ng klima at pagtaas ng tubig. 422 00:27:59,800 --> 00:28:02,480 Nakaligtas ang sangkatauhan, pero di lahat. 423 00:28:09,400 --> 00:28:14,320 Para sa akin ay nakakaintriga ito, na nakalinya ito sa paglubog sa tag-init, 424 00:28:15,080 --> 00:28:19,800 na ang Serpent Mound ay isang tanda, isang petsa, 425 00:28:19,880 --> 00:28:24,440 na tumatawag-pansin sa kalangitan ng 12,800 taon ang nakalipas, 426 00:28:24,520 --> 00:28:27,960 panahong alam nating may sakuna sa buong mundo 427 00:28:28,040 --> 00:28:31,000 na kayang wasakin ang makabagong sibilisasyon. 428 00:28:34,600 --> 00:28:37,000 Muli, naaalala ko ang Göbekli Tepe, 429 00:28:37,080 --> 00:28:40,760 kung saan ang pigura ng mga nilalang ay nakaukit sa mga poste 430 00:28:41,400 --> 00:28:45,160 na parang naglalarawan sa posisyon ng mga bituin sa tag-init 431 00:28:45,240 --> 00:28:47,240 sa panahon ng Younger Dryas. 432 00:28:48,920 --> 00:28:53,200 Hindi nagkataon sa pananaw ko na ang paghahanay ng ahas at solstice 433 00:28:53,280 --> 00:28:56,400 ay tumutukoy din sa sakuna. 434 00:28:57,840 --> 00:28:59,320 Pero bakit ahas? 435 00:29:04,360 --> 00:29:06,120 Sa kaugnayan, tingin ko, 436 00:29:06,200 --> 00:29:08,720 ay maraming mito at tradisyon ng katutubo 437 00:29:08,800 --> 00:29:13,960 kung saan ang malalaking ahas ay nauugnay sa mga sakuna sa mundo. 438 00:29:16,760 --> 00:29:19,120 May sinaunang alamat ng Iroquois 439 00:29:19,200 --> 00:29:23,520 kung saan ang lawak nito ay umabot sa Ohio. 440 00:29:23,600 --> 00:29:27,440 Ang kaaway sa alamat na ito ay malaking may sungay na ahas. 441 00:29:30,880 --> 00:29:34,520 Noong unang panahon, may isang nayon ang sinalanta ng ahas 442 00:29:34,600 --> 00:29:36,240 na nakatira sa tabing lawa. 443 00:29:37,080 --> 00:29:41,520 Kaya ang espiritu ng langit ay nagpadala ng bayani para talunin ito. 444 00:29:43,240 --> 00:29:47,080 Sa labanan, kinidlatan ang ahas, 445 00:29:48,440 --> 00:29:52,000 nayanig ng tunog ang mundo, at napakaliwanag nito 446 00:29:52,080 --> 00:29:56,760 na tinakpan ng mga tao ang mga mata nila, tinakpan ang mga tainga, at nagtago. 447 00:29:58,520 --> 00:30:02,320 Ang mga constellation ay natanggal sa kalangitan 448 00:30:02,400 --> 00:30:07,240 at bumagsak sa mundo na may malakas na tunog at init. 449 00:30:07,320 --> 00:30:10,720 Isang bituin ang nahulog sa lawa, nasaktan ang ahas. 450 00:30:13,040 --> 00:30:15,920 Habang nakapulupot ang buntot ng ahas sa sakit, 451 00:30:16,000 --> 00:30:17,600 nagdala ito ng mga along 452 00:30:17,680 --> 00:30:20,840 sumira sa mga lambak at nagdala ng pagbaha. 453 00:30:22,600 --> 00:30:26,800 Karamihan sa mga tribo ay di nakaligtas, pero napaalis ang ahas. 454 00:30:30,840 --> 00:30:35,600 Nakita na natin ang imahen ng ahas sa mga sinaunang monumento sa buong mundo. 455 00:30:37,200 --> 00:30:38,280 Templo sa Mexico, 456 00:30:38,360 --> 00:30:41,760 na inalay kay Quetzalcoatl, ang mabalbong ahas… 457 00:30:43,280 --> 00:30:45,480 na nakaukit sa templo ng Ggantija, 458 00:30:46,200 --> 00:30:49,800 at umuulan sa kalangitan ng mga poste ng GöbekliTepe. 459 00:30:51,160 --> 00:30:52,880 Makapangyarihang simbolo ito 460 00:30:52,960 --> 00:30:56,240 na makikita sa mga lugar na nakaturo sa kalangitan. 461 00:30:57,680 --> 00:30:58,520 Bakit? 462 00:31:00,760 --> 00:31:04,960 Tingin ko, itong alamat ng Iroquois ay may katotohanan. 463 00:31:05,040 --> 00:31:06,440 Baka ang mga bituin, 464 00:31:06,520 --> 00:31:10,160 o kahambing ng mga bituin, ang nahulog sa mundo. 465 00:31:10,240 --> 00:31:12,480 Baka may malaking pagbaha pagkatapos, 466 00:31:12,560 --> 00:31:16,440 na bahagi ng mga sakuna ng Younger Dryas. 467 00:31:18,560 --> 00:31:20,640 Kung ang orihinal na bersiyon nito 468 00:31:20,720 --> 00:31:25,240 ay dinisenyo sa pagtatapos ng huling Ice Age, sa paniwala ko, 469 00:31:25,320 --> 00:31:29,600 siguro, nagdadala ito ng mensahe sa kinabukasan, 470 00:31:29,680 --> 00:31:34,280 isang babala, sa kung ano ang dahilan sa mga nangyaring sakuna 471 00:31:34,360 --> 00:31:36,600 noong 12,800 taon ang nakalipas, 472 00:31:37,240 --> 00:31:42,000 isang babala na tumingin sa kalangitan para sa mga bituing nahuhulog. 473 00:31:46,080 --> 00:31:48,040 Isang quarter ng daan sa mundo, 474 00:31:48,120 --> 00:31:51,640 may ebidensiyang may ibang sinaunang taong namuhay sa takot 475 00:31:51,720 --> 00:31:53,560 sa pagbabanta mula sa itaas, 476 00:31:54,520 --> 00:31:56,720 at gumawa ng paraan para protektahan 477 00:31:56,800 --> 00:32:00,360 ang sarili nila sa gitna ng Cappadocia sa modernong Turkey, 478 00:32:01,120 --> 00:32:03,080 kung saan ako patungo sa susunod. 479 00:32:27,600 --> 00:32:32,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Karen Sy