1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:16,560 --> 00:00:19,120 Malaking tulong sa atin ang kuryente. 3 00:00:21,200 --> 00:00:24,040 Buong araw nang aktibo ang mga tao. 4 00:00:28,560 --> 00:00:31,000 Pero natatabunan ng ating mga ilaw 5 00:00:31,080 --> 00:00:34,960 ang liwanag ng isa sa mga pinakamagandang bagay sa planeta… 6 00:00:37,560 --> 00:00:38,760 ang kalangitan. 7 00:00:42,600 --> 00:00:43,960 Para sa mga sinauna, 8 00:00:44,040 --> 00:00:47,360 malaking bagay ang panonood sa mga bituin, 9 00:00:48,480 --> 00:00:52,080 ang pinakanakakalibang na pampalipas-oras sa gabi. 10 00:00:53,160 --> 00:00:56,080 Nalaman nila ang bawat galaw ng Milky Way, 11 00:00:56,160 --> 00:01:01,120 bawat maliwanag na star cluster, bawat comet na dumadaan. 12 00:01:02,640 --> 00:01:07,000 Maipapaliwanag niyon ang pagkakaroon ng maraming malalaking 13 00:01:07,080 --> 00:01:11,000 estrukturang ginawa noong sinaunang panahon para sa langit. 14 00:01:13,520 --> 00:01:15,680 Pero paano kung higit pa roon 'yon? 15 00:01:16,680 --> 00:01:20,400 Ang mga sinaunang pyramid at templo sa buong mundo 16 00:01:20,480 --> 00:01:25,560 ay eksakto ang koneksiyon sa Araw, Buwan, at mga bituiin. 17 00:01:26,280 --> 00:01:30,360 Bakit 'yon ginawa? 18 00:01:30,960 --> 00:01:33,160 May mensahe kaya sila? 19 00:01:33,720 --> 00:01:39,160 Baka isa 'yong babalang dapat nating subaybayan ang langit. 20 00:01:50,120 --> 00:01:55,480 ANG PAMANA NG MGA SAGE 21 00:01:58,240 --> 00:02:01,280 Nasa Turkey ako, papunta sa tuktok ng burol 22 00:02:01,360 --> 00:02:04,200 na 26 milya ang layo mula sa border ng Syria. 23 00:02:06,760 --> 00:02:09,600 Magulo ang lugar na ito, 24 00:02:11,000 --> 00:02:14,840 pero malaking bahagi ito ng istorya ng sangkatauhan. 25 00:02:17,440 --> 00:02:21,440 Sa timog silangang Turkey, malapit sa ngayo'y Sanliurfa, 26 00:02:22,320 --> 00:02:25,520 may kakaibang nangyari sa dulo ng huling Ice Age. 27 00:02:27,440 --> 00:02:29,840 Ang ating ninuno noong Stone Age, 28 00:02:29,920 --> 00:02:33,800 bigla na lang nadiskubre ang pagsasaka at gumawa ng mga tirahan. 29 00:02:34,840 --> 00:02:38,520 Nangyari ito, sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent, 30 00:02:38,600 --> 00:02:40,760 hanggang sa Persian Gulf. 31 00:02:42,640 --> 00:02:46,840 6,000 taon na ang nakakaraan, ang Mesopotamia ay 32 00:02:46,920 --> 00:02:49,240 nagbigay-buhay sa matagal nang iniisip 33 00:02:49,320 --> 00:02:53,360 na unang sibilisasyon ng mundo, ang mga Sumerian. 34 00:02:56,920 --> 00:03:00,400 Pero ang pananaw na 'yon ay kailangan nang baguhin. 35 00:03:01,560 --> 00:03:05,680 Noong 1994, habang iniimbestigahan ang isang taniman, 36 00:03:05,760 --> 00:03:10,480 may nakitang kakaiba sa lupa ang mga archaeologist. 37 00:03:17,520 --> 00:03:19,760 May ilang napakalalaki. 38 00:03:25,480 --> 00:03:29,720 Sunod-sunod ang nadiskubre nila sa kanilang mga paghuhukay. 39 00:03:32,600 --> 00:03:35,520 Ang kakahukay lang na archaeological site na 'to 40 00:03:35,600 --> 00:03:41,400 ay nagbibigay ng bagong pananaw tungkol sa mga ninuno natin. 41 00:03:42,320 --> 00:03:44,640 Di sila primitibo, 42 00:03:44,720 --> 00:03:47,040 kundi may kakayahang 43 00:03:47,640 --> 00:03:50,360 di natin inaakala 44 00:03:50,440 --> 00:03:52,360 at kayang tapatan 45 00:03:52,440 --> 00:03:55,560 ang mga mas advanced na sibilisasyon. 46 00:03:56,920 --> 00:04:00,720 Sa ilalim ng taklob na proteksiyon mula sa mga elemento, 47 00:04:01,880 --> 00:04:03,600 ito ang Göbekli Tepe. 48 00:04:07,960 --> 00:04:11,560 At base sa lahat ng itinuro sa atin tungkol sa prehistory, 49 00:04:11,640 --> 00:04:13,200 di dapat ito posible. 50 00:04:17,280 --> 00:04:22,320 Tanggap ng mga archaeologist na ang edad nito ay 11,600 taon… 51 00:04:25,519 --> 00:04:29,280 ito ang pinakamatandang kinikilalang monumento sa Earth. 52 00:04:32,440 --> 00:04:36,280 Talagang sopistikado ito't advanced na megalithic site 53 00:04:36,360 --> 00:04:39,000 na 7,000 taon ang tanda sa Stonehenge… 54 00:04:40,000 --> 00:04:42,840 at nasa 7,000 taon ang tanda sa mga Giza Pyramid. 55 00:04:42,920 --> 00:04:45,880 At bigla na lang nawala ang paniniwalang walang 56 00:04:45,960 --> 00:04:48,520 kulturang may kayang gawin ito sa mundo 12,000 57 00:04:48,600 --> 00:04:50,080 taon na ang nakakaraan. 58 00:04:54,320 --> 00:04:57,320 Mas matanda pa ito sa imbensiyon ng gulong 59 00:04:57,400 --> 00:04:59,200 o ng pag-aalaga ng kabayo. 60 00:05:01,080 --> 00:05:04,800 Ginawa ito nang kakatapos pa lang ng Ice Age, 61 00:05:06,800 --> 00:05:08,760 noong sinasabing 62 00:05:08,840 --> 00:05:12,640 di sopistikado ang mga tao. 63 00:05:14,320 --> 00:05:16,240 Pero kung di nila kayang 64 00:05:16,320 --> 00:05:19,040 gawin ang mga megalith na 'yon, 65 00:05:20,120 --> 00:05:22,600 sinong gumawa at bakit? 66 00:05:23,920 --> 00:05:25,800 Ano ang lugar na 'to? 67 00:05:28,240 --> 00:05:32,280 Sa unang tingin, parang nakakapagtaka ang lahat. 68 00:05:32,360 --> 00:05:36,240 Pero kung susuriin at titingnan ang mga bakas, 69 00:05:36,320 --> 00:05:38,360 makikita natin 70 00:05:38,440 --> 00:05:42,480 kung gaano ito kagara noong nakatayo pa. 71 00:05:46,480 --> 00:05:47,960 Nasa tabi ng burol 72 00:05:48,040 --> 00:05:50,960 at kakaunti ang bakas ng mga karatig-lugar, 73 00:05:51,800 --> 00:05:56,480 may apat na bilog na pare-pareho ang itsura. 74 00:05:58,320 --> 00:05:59,440 Sa gitna nila, 75 00:05:59,520 --> 00:06:02,160 may malaking hugis T na mga megalith 76 00:06:03,120 --> 00:06:04,880 na 10 tonelada ang bigat 77 00:06:05,840 --> 00:06:08,120 at nakalapag sa batuhan. 78 00:06:08,800 --> 00:06:10,440 Dalawang higanteng dibuho, 79 00:06:10,520 --> 00:06:13,280 ang iba, may uka ng braso at kamay, 80 00:06:13,360 --> 00:06:14,440 at mga ulo. 81 00:06:15,880 --> 00:06:18,520 Napapalibutan sila ng mas maliliit na pilar, 82 00:06:19,200 --> 00:06:21,440 may masining na dekorasyon, 83 00:06:22,880 --> 00:06:27,000 at lahat ay konektado ng mga pader na bato at lagusan. 84 00:06:29,160 --> 00:06:32,480 Paano naipuwesto ang malalaking batong 'to… 85 00:06:34,600 --> 00:06:35,760 walang nakakaalam. 86 00:06:51,240 --> 00:06:54,400 Ang palaisipan sa lahat ng nagpupunta rito, 87 00:06:54,480 --> 00:06:57,440 kabilang na ang mga archaeologist na nagtrabaho, 88 00:06:57,520 --> 00:06:59,560 ay ang nakakamanghang lilok. 89 00:07:02,760 --> 00:07:06,640 Mga simbolo ng hayop na makikita sa Göbekli Tepe. 90 00:07:08,680 --> 00:07:10,600 Parang Noah's Ark sa bato. 91 00:07:13,800 --> 00:07:18,760 Ang mga hayop sa Göbekli Tepe ay nakaayos at nakaestilo 92 00:07:20,520 --> 00:07:23,320 na para bang ang layon nila ay sumimbolo. 93 00:07:28,280 --> 00:07:32,360 At may iba pang kakaiba sa mga estrukturang ito. 94 00:07:34,600 --> 00:07:36,600 Nang i-carbon date sila, 95 00:07:36,680 --> 00:07:40,880 malinaw na di ginawa ang apat na bilog nang sabay-sabay. 96 00:07:41,960 --> 00:07:45,840 Ang Enclosure D ay 11,600 taon na ang tanda… 97 00:07:46,840 --> 00:07:51,960 pero ang pinakabata, ang Enclosure A, ay 10,500 taon na ang tanda. 98 00:07:53,520 --> 00:07:56,560 Imbes na ayusin ang mga gusaling naitayo na nila, 99 00:07:57,360 --> 00:08:00,480 gumawa lang ang mga tao ng panibago 100 00:08:00,560 --> 00:08:03,440 sa loob ng 1,100 taon, 101 00:08:04,880 --> 00:08:07,640 at bahagyang binabago ang pagkakahanay. 102 00:08:12,480 --> 00:08:14,000 Ang mas nakakaintriga 103 00:08:14,080 --> 00:08:17,880 ay ang pinakamatandang enclosure, ang Enclosure D, 104 00:08:17,960 --> 00:08:20,200 ay siya ring pinakamalaki 105 00:08:21,200 --> 00:08:23,880 at pinakadetalyado sa lahat. 106 00:08:26,280 --> 00:08:28,680 Di puwedeng mga hunter-gatherer 107 00:08:28,760 --> 00:08:31,240 ang gumawa ng pinakamalaking 108 00:08:31,320 --> 00:08:34,400 megalithic site na nakikita sa buong mundo. 109 00:08:37,679 --> 00:08:41,360 Dapat, mas matagal na nating ginagawa, mas gumagaling tayo. 110 00:08:43,000 --> 00:08:45,200 Gaya ng mga modernong manggagawang 111 00:08:45,280 --> 00:08:48,880 nagtatrabaho pa rin malapit sa Göbekli Tepe ngayon, 112 00:08:50,320 --> 00:08:53,040 iisipin nating ganoon din ang mga tao noon, 113 00:08:54,080 --> 00:08:55,960 mas gumagaling kalaunan. 114 00:08:57,360 --> 00:09:01,120 Pero ang Göbekli Tepe, Enclosure D na lalo, 115 00:09:01,200 --> 00:09:04,080 parang binaligtad ang kaisipang iyon. 116 00:09:06,080 --> 00:09:09,120 Paano nagawa ng mga Stone Age hunter-gatherer 117 00:09:09,200 --> 00:09:10,760 na magtagumpay 118 00:09:10,840 --> 00:09:14,640 sa paggawa ng mga megalith sa una nilang subok? 119 00:09:18,960 --> 00:09:23,800 Di ba dapat nating isipin ang posibilidad 120 00:09:23,880 --> 00:09:27,600 na di iyon ginawa ng mga hunter-gatherer, 121 00:09:27,680 --> 00:09:29,440 kundi pinamana 122 00:09:29,520 --> 00:09:33,120 ng mas advanced na nawawalang sibilisasyon sa prehistory? 123 00:09:37,680 --> 00:09:38,960 Ito ang pananaw 124 00:09:39,040 --> 00:09:43,320 na di tanggap ng mga mainstream na archaeologist. 125 00:09:44,040 --> 00:09:47,360 Iisa lang ang paniniwala ng mga akademikong iskolar, 126 00:09:47,440 --> 00:09:49,040 na noong Ice Age, 127 00:09:49,120 --> 00:09:53,240 ang buong populasyon ng Earth ay hunter-gatherer pa lang. 128 00:09:55,400 --> 00:09:58,960 Pero, makikita sa Göbekli Tepe 129 00:09:59,040 --> 00:10:02,320 na mas ambisyoso pa sa hunter-gatherer ang mga tao. 130 00:10:04,200 --> 00:10:10,440 Noong 2003, ang geophysical survey gamit ang ground-penetrating radar 131 00:10:10,520 --> 00:10:14,800 ay nakadiskubre ng halos 20 na iba pang stone enclosure sa loob 132 00:10:14,880 --> 00:10:17,000 at higit sa 200 na mga pilar. 133 00:10:18,680 --> 00:10:20,600 Karamihan ay di pa nahuhukay. 134 00:10:22,280 --> 00:10:27,400 Malaking espasyo ng mga megalithic sa siyam na ektarya ng lupain, 135 00:10:27,480 --> 00:10:29,040 higit pa sa 12 soccer pitches. 136 00:10:32,440 --> 00:10:34,680 Malaki iyon. 137 00:10:34,760 --> 00:10:37,360 Imposibleng bigla na lang nagawa 138 00:10:37,440 --> 00:10:40,640 nang wala pang kakayahan, kaalaman, at karanasan 139 00:10:40,720 --> 00:10:42,680 ang isang tulad ng Göbekli Tepe. 140 00:10:42,760 --> 00:10:47,880 May mahabang kasaysayan ito at nawawala ang kasaysayang iyon. 141 00:10:47,960 --> 00:10:52,080 At para sa akin, patunay iyon ng nawawalang sibilisasyon. 142 00:10:52,160 --> 00:10:53,800 Pagbigay ng teknolohiya, 143 00:10:53,880 --> 00:10:56,000 at kaalaman sa mga hunter-gatherer. 144 00:11:05,520 --> 00:11:09,800 Di lang Göbekli Tepe ang estruktura noong huling Ice Age 145 00:11:09,880 --> 00:11:11,840 na natagpuan dito kamakailan. 146 00:11:13,680 --> 00:11:19,160 Noong 2019, nagsimulang maghukay ang mga Turkish archaeologist sa ibang site, 147 00:11:20,120 --> 00:11:24,600 isang oras pasilangan, sa Karahan Tepe… 148 00:11:26,360 --> 00:11:28,360 at nakatuklas ng di inaasahan. 149 00:11:30,600 --> 00:11:34,480 Ngayon lang pumayag ang awtoridad ng Turkey na kuhanan 150 00:11:35,680 --> 00:11:36,880 ang loob nito. 151 00:11:41,400 --> 00:11:43,960 Lead archaeologist, si Professor Necmi Karul, 152 00:11:44,040 --> 00:11:47,760 naniniwala siyang halos kasingtanda nito ang Göbekli Tepe 153 00:11:49,240 --> 00:11:50,560 at maaaring higit pa. 154 00:11:52,000 --> 00:11:53,560 Pero iba ito. 155 00:11:55,760 --> 00:11:59,360 May hugis T rin ang mga pilar at megalith, 156 00:12:00,320 --> 00:12:02,880 pero may isang espasyong nakaukang sapat 157 00:12:03,560 --> 00:12:05,800 para magpasok ng isang dosenang tao. 158 00:12:07,680 --> 00:12:09,440 Ano kaya ang nangyari rito? 159 00:12:09,520 --> 00:12:11,040 May ideya ka ba? 160 00:12:12,040 --> 00:12:14,760 Puwede nating isiping isa itong podium para sa upuan… 161 00:12:14,840 --> 00:12:16,640 -Oo. -at nagtitipon ang mga tao rito, 162 00:12:16,720 --> 00:12:18,480 -dahil malaki ito. -Oo. 163 00:12:19,880 --> 00:12:23,800 Parang malaking tipunan para sa ritwal ang Karahan Tepe. 164 00:12:26,160 --> 00:12:27,600 Ang mga nakaukit sa pader 165 00:12:27,680 --> 00:12:30,480 ay di kasingganda ng mga nasa Göbekli Tepe. 166 00:12:31,400 --> 00:12:33,920 Pero may mga nakamantel na dibuho. 167 00:12:36,480 --> 00:12:39,280 Sila kaya ang totoong arkitekto ng site? 168 00:12:42,080 --> 00:12:43,960 -Susunod ako, Professor. -Sige. 169 00:12:44,600 --> 00:12:48,080 Dinala ako ni Professor Karul sa mas nakakapagtakang parte, 170 00:12:48,160 --> 00:12:51,800 sa ilalim pa ng lupa. 171 00:12:53,720 --> 00:12:56,200 Sampung pilar na hugis patulis 172 00:12:56,280 --> 00:13:01,400 ay mahusay na ginawa mula sa mismong lupain. 173 00:13:03,960 --> 00:13:07,280 At ang ika-11 ay nakatayo sa sentro ng lahat. 174 00:13:11,120 --> 00:13:14,800 May mga daanan ding ginawa mula sa bato 175 00:13:14,880 --> 00:13:18,560 para pagdaanan ng likido, 176 00:13:18,640 --> 00:13:21,600 tubig o maaaring dugo. 177 00:13:25,920 --> 00:13:30,400 At mayroong isang misteryosong ulo. 178 00:13:33,320 --> 00:13:37,160 Mala-ahas ang leeg ng dibuho, 179 00:13:37,240 --> 00:13:41,760 habang nakapalabas at tinitingnan ang mga pilar 180 00:13:41,840 --> 00:13:43,760 na nakatayo sa enclosure. 181 00:13:44,360 --> 00:13:50,080 Nakakatakot, at mukhang masama. 182 00:13:52,920 --> 00:13:55,080 Makapangyarihan ang mukha. 183 00:13:55,160 --> 00:13:56,360 Ulo ng tao 184 00:13:56,440 --> 00:13:58,840 -na gawa sa bato… -Gawa sa bato. 185 00:13:59,400 --> 00:14:01,520 at mukhang pasukan. 186 00:14:02,280 --> 00:14:05,280 Oo, doon nakatingin ang mata. 187 00:14:05,360 --> 00:14:06,200 Kapansin-pansin. 188 00:14:06,280 --> 00:14:08,880 -Parang ulo ng ahas. -Oo. 189 00:14:08,960 --> 00:14:11,600 -Parang ahas din ang galaw. -Oo. 190 00:14:11,680 --> 00:14:13,640 Baka ahas na may ulo ng tao. 191 00:14:13,720 --> 00:14:14,600 Siguro. 192 00:14:15,360 --> 00:14:17,200 Kakaiba ang nadiskubre natin. 193 00:14:17,280 --> 00:14:19,240 -Oo, ayos. -Oo. 194 00:14:22,600 --> 00:14:26,640 May pakiramdam ng takot na nanggagaling sa enclosure. 195 00:14:26,720 --> 00:14:28,400 Alam kong di ito siyensiya. 196 00:14:28,480 --> 00:14:32,080 Emosyonal na reaksiyon ko lang ito sa nakikita ko. 197 00:14:32,160 --> 00:14:35,240 Pero iniisip ko kung may kaugnay pa ang takot 198 00:14:35,320 --> 00:14:37,320 sa pagkakagawa niyon. 199 00:14:37,400 --> 00:14:42,280 Kung 'yon ba ang dapat nating alamin tungkol doon. 200 00:14:42,360 --> 00:14:45,040 May rason ang pagiging nakakatakot niyon. 201 00:14:49,040 --> 00:14:52,200 Kinumpirma ng professor na gaya ng Göbekli Tepe, 202 00:14:52,280 --> 00:14:54,480 walang nakitang ebidensiya ng pagsasaka. 203 00:14:56,200 --> 00:15:00,440 Ang mga gumawa nito'y talagang hunter-gatherer pa rin. 204 00:15:03,160 --> 00:15:06,880 Ang pananaw dati ay nauna ang agrikultura, 205 00:15:06,960 --> 00:15:10,760 tapos nagkaroon ng kakayahan ang mga taong gumawa ng ganito. 206 00:15:10,840 --> 00:15:14,600 Pero kung tama ang pagkakaunawa ko, baliktad pala 'yon. 207 00:15:14,680 --> 00:15:15,800 Nauna ito. 208 00:15:15,880 --> 00:15:18,120 -Hunter-gatherer sila. -Oo. 209 00:15:18,200 --> 00:15:21,560 At saka sila nagsimulang gumawa ng bagong buhay. 210 00:15:21,640 --> 00:15:23,320 Nagbago sila ng mga gusali, 211 00:15:23,400 --> 00:15:25,520 -teknolohiya, at iba pa. -Oo. 212 00:15:25,600 --> 00:15:28,560 Parang rebolusyon ng mga ideya. 213 00:15:28,640 --> 00:15:31,160 Maaaring tawaging rebolusyon. 214 00:15:31,240 --> 00:15:36,880 Maaari nitong baguhin ang kasaysayan ng mga tao. 215 00:15:39,440 --> 00:15:43,680 Dalawang chamber pa lang sa ngayon ang nahukay sa Karahan Tepe. 216 00:15:44,840 --> 00:15:49,440 Pero ipinakita ng ground-penetrating radar na higit 20 na chamber pa 217 00:15:49,520 --> 00:15:51,280 ang di nalilibot. 218 00:15:52,920 --> 00:15:54,800 Gaya ng sa Göbekli Tepe, 219 00:15:55,680 --> 00:15:58,520 pareho silang ginawa sa dulo ng huling Ice Age, 220 00:15:58,600 --> 00:16:02,120 bago pa magsaka at mag-alaga ng hayop ang mga tao rito. 221 00:16:04,800 --> 00:16:08,640 Walang agrikultura nang itinayo ang Göbekli Tepe, 222 00:16:08,720 --> 00:16:14,320 pero eksaktong nang ginawa ito, 223 00:16:14,400 --> 00:16:16,440 nagsimula iyong sumulpot. 224 00:16:19,680 --> 00:16:23,840 Para sa akin, malinaw ang sinasabi ng mga ebidensiya. 225 00:16:23,920 --> 00:16:25,880 Pagsalin ng teknolohiya. 226 00:16:25,960 --> 00:16:29,680 Ang mga taong marunong nang gumawa ng megalith 227 00:16:29,760 --> 00:16:33,400 at makapagtayo ng malalaking site ay nagpunta sa Göbekli Tepe. 228 00:16:34,000 --> 00:16:36,400 May kaalaman na sila sa agrikultura, 229 00:16:36,480 --> 00:16:40,840 at ginamit nila ang site para tipunin ang lokal na komunidad, 230 00:16:40,920 --> 00:16:44,560 iorganisa sila at ipakilala sa agrikultura. 231 00:16:49,120 --> 00:16:51,720 Ayon sa alamat ng sinaunang Mesopotamia, 232 00:16:51,800 --> 00:16:53,920 iyon mismo ang nangyari. 233 00:16:55,320 --> 00:16:59,080 Kasama ng mga lumang kuwento tungkol sa pagbaha at pagkagunaw, 234 00:16:59,160 --> 00:17:03,120 may partikular na interes din sa tradisyon ng Mesopotamia. 235 00:17:05,640 --> 00:17:08,400 Tungkol iyon sa grupo ng matatalinong sinauna, 236 00:17:08,960 --> 00:17:12,960 ang Apkallu, na nagturo ng mga kasanayan ng sibilisasyon. 237 00:17:15,560 --> 00:17:18,359 Sa simula, bago itala ang kasaysayan, 238 00:17:19,160 --> 00:17:24,000 ginawa ng mga diyos ang sangkatauhan bilang tagapamahala ng lupain at hayop. 239 00:17:25,000 --> 00:17:29,359 Pero masyadong tamad at magulo ang mga unang tao, 240 00:17:30,400 --> 00:17:32,280 at mabilisan silang dumami. 241 00:17:33,680 --> 00:17:35,800 Kaya nagdala ang diyos ng delubyo 242 00:17:36,600 --> 00:17:40,240 para simulan ulit nang panibago ang sangkatauhan. 243 00:17:41,760 --> 00:17:45,280 At nagpadala rin sila ng pitong guro, ang Apkallu, 244 00:17:45,360 --> 00:17:49,080 tradisyunal na pinapakitang may balbas at nakamantel, 245 00:17:49,160 --> 00:17:50,800 para gabayan ang mga tao. 246 00:17:51,720 --> 00:17:55,720 Si Uannas ang kanilang lider, sinasabing galing siya sa dagat, 247 00:17:55,800 --> 00:17:58,800 kadalasang inilalarawang taong-isda. 248 00:18:00,080 --> 00:18:01,800 Nakisalamuha siya sa mga tao 249 00:18:01,880 --> 00:18:08,240 at nagturo ng agrikultura, arkitektura, at kaalaman sa mga bituin. 250 00:18:13,960 --> 00:18:16,000 Ang mga 'yon 251 00:18:16,080 --> 00:18:22,000 ang tingin kong naimbento sa Göbekli Tepe. 252 00:18:23,040 --> 00:18:26,760 Isa ring halimbawa si Uannas ng isang sibilisadong bayani. 253 00:18:27,560 --> 00:18:31,400 Isang gurong biglang dumating, kadalasan mula sa dagat, 254 00:18:31,480 --> 00:18:33,600 matapos ang malaking pagkagunaw, 255 00:18:34,480 --> 00:18:36,760 parang Quetzalcoatl sa Mexico, 256 00:18:37,360 --> 00:18:41,280 o Osiris, na sinasabing naglayag para turuan ang sangkatauhan 257 00:18:41,360 --> 00:18:43,880 ng sibilisasyon. 258 00:18:45,360 --> 00:18:49,040 At di lang ang mga kuwento nila ang magkakapareho. 259 00:18:50,040 --> 00:18:53,760 Pati na rin ang paglalarawan nila sa sining ay magkakahawig… 260 00:18:54,760 --> 00:18:56,560 hanggang sa suot at dala. 261 00:18:59,760 --> 00:19:02,320 Tingin ko, totoong nangyari ang mga 'yon. 262 00:19:02,400 --> 00:19:04,440 Sa ilan, maaaring hinaluan na 263 00:19:04,520 --> 00:19:07,360 ng mga simbolismo at kathang-isip, 264 00:19:07,440 --> 00:19:10,760 pero tingin ko, dapat tayong magtiwala as mga mito. 265 00:19:14,320 --> 00:19:18,840 Ang bilugang mga pader ng Göbekli Tepe na bukas sa langit 266 00:19:18,920 --> 00:19:23,240 ay nakapagpaalala sa akin ng Ġgantija at ibang mga templo ng Malta. 267 00:19:25,000 --> 00:19:27,560 Posible kayang iisa ang kanilang inspirasyon? 268 00:19:31,000 --> 00:19:33,360 Sa Malta, pinakita ni Lenie Reedijk 269 00:19:33,440 --> 00:19:36,800 kung paano sinundan ng mga sinaunang megalithic temple 270 00:19:36,880 --> 00:19:42,080 ang pagbabago ng iisang bituin, ang Sirius, 271 00:19:43,560 --> 00:19:45,280 sa loob ng libo-libong taon. 272 00:19:50,040 --> 00:19:54,800 Ganoon din ang makikita sa Göbekli Tepe. 273 00:19:57,640 --> 00:20:01,040 Ang sentrong pilar ng tatlong pinakamatandang enclosure 274 00:20:01,120 --> 00:20:03,440 ay mukhang nakatutok sa Sirius. 275 00:20:05,000 --> 00:20:08,760 Noong dulo ng Ice Age, ang nagbabago nilang hanay 276 00:20:08,840 --> 00:20:11,920 ay sumasalamin sa posisyon ng bituing 'yon. 277 00:20:15,680 --> 00:20:18,600 Ang iisang pokus sa Sirius, para sa akin, 278 00:20:19,280 --> 00:20:23,840 ay isa pang pahiwatig na ang manggagawa sa Malta at Turkey noon 279 00:20:23,920 --> 00:20:26,920 ay may iisang pinagkuhanan ng kaalaman 280 00:20:27,680 --> 00:20:30,800 tungkol sa astronomy at paggawa ng megalith. 281 00:20:32,200 --> 00:20:36,120 Posible kaya na ang proyekto sa dalawang lugar 282 00:20:36,880 --> 00:20:40,200 ay ginabayan ng mga nabuhay na mas advanced na kultura 283 00:20:41,600 --> 00:20:44,400 na naglakbay noong huling Ice Age, 284 00:20:45,280 --> 00:20:49,280 siguro gaya ng inilalarawan sa mga higanteng pilar 285 00:20:49,360 --> 00:20:51,560 o sa mga dibuho ng Karahan Tepe? 286 00:20:52,720 --> 00:20:54,080 Ang mga dumating dito 287 00:20:54,160 --> 00:20:56,560 sa Fertile Crescent matapos ang pagbaha. 288 00:20:58,920 --> 00:21:01,720 Kung ganoon, anong pinapahiwatig nila? 289 00:21:05,280 --> 00:21:09,440 May nais kayang ipabatid ang mga ukit ng hayop? 290 00:21:13,560 --> 00:21:15,920 Sa kamakailang imbestigasyon, 291 00:21:16,000 --> 00:21:18,880 nakapulot ako ng bagong impormasyong 292 00:21:18,960 --> 00:21:22,800 nagpapalinaw pa lalo sa aking kaisipan. 293 00:21:26,560 --> 00:21:30,760 Nagkita kami ni Dr. Martin Sweatman sa Sanliurfa Museum, 294 00:21:31,640 --> 00:21:35,960 tahanan ng mga kopya ng pinakamalaking enclosure ng Göbekli Tepe. 295 00:21:37,640 --> 00:21:41,160 Isa siyang siyentipikong may interes sa archaeoastronomy, 296 00:21:41,240 --> 00:21:44,040 nakapokus ang kaniyang trabaho sa Pillar 43, 297 00:21:45,360 --> 00:21:47,680 o mas kilala bilang Vulture Stone. 298 00:21:50,760 --> 00:21:53,560 Ano ang kahalagahan nito sa 'yo, Martin? 299 00:21:54,680 --> 00:21:58,760 Isa siguro ito sa mga pinakamahahalagang artepakto sa buong mundo. 300 00:21:58,840 --> 00:21:59,960 Nakakamangha. 301 00:22:00,800 --> 00:22:03,400 Katumbas ng pilar na ito ang Rosetta Stone. 302 00:22:03,480 --> 00:22:04,680 Tama. 303 00:22:04,760 --> 00:22:08,040 Naniniwala si Dr. Sweatman na ang mga simbolo sa bato 304 00:22:08,120 --> 00:22:10,280 ay representasyon ng mga asterism, 305 00:22:11,480 --> 00:22:15,000 mga dibuhong naglalarawan ng mga star cluster sa langit. 306 00:22:15,800 --> 00:22:18,160 Makikita nating direkta na may scorpion. 307 00:22:18,240 --> 00:22:20,360 Maaaring 'yan ay Scorpius. 308 00:22:20,440 --> 00:22:22,800 Nakakatukso ngang sabihing Scorpius. 309 00:22:22,880 --> 00:22:24,160 Totoo. 310 00:22:24,640 --> 00:22:27,880 Iba-iba ang pangalan at dibuho ng mga constellation 311 00:22:27,960 --> 00:22:30,120 ng zodiac sa iba-ibang kultura. 312 00:22:30,200 --> 00:22:35,080 Kaya nakakatuwang may isa tayong nakikilala. 313 00:22:35,160 --> 00:22:38,360 Sa taas, aasahan nating makita ang Sagittarius, 314 00:22:38,440 --> 00:22:42,160 at kilala natin 'yon bilang archer na may pana. 315 00:22:43,040 --> 00:22:47,640 At makikita nating kahawig niyon ang ibon dito 316 00:22:47,720 --> 00:22:49,320 na inilalarawan. 317 00:22:49,400 --> 00:22:51,720 At makikita natin ang ibang simbolo ng 318 00:22:51,800 --> 00:22:54,000 mga hayop sa ibang constellation, 319 00:22:54,080 --> 00:22:57,760 na nagrerepresenta ng parang mapa ng langit. 320 00:23:01,400 --> 00:23:03,800 Ito ang mapa ng mga pinakakitang bituin 321 00:23:03,880 --> 00:23:07,280 sa espasyo na tinatawag ngayong Scorpius. 322 00:23:08,960 --> 00:23:13,120 Kapag pinaghambing natin ang Scorpion sa Pillar 43, 323 00:23:14,360 --> 00:23:17,000 ang ibang kalapit na asterism ay tugma 324 00:23:17,080 --> 00:23:19,480 sa ilang mga dibuho sa pilar. 325 00:23:23,760 --> 00:23:26,400 -Tugma sila. -Oo. 326 00:23:27,760 --> 00:23:32,160 Pero nagbago ang lahat nang naisip ni Dr. Sweatman 327 00:23:32,240 --> 00:23:35,560 na ang sentrong bilog ay maaaring Araw. 328 00:23:37,520 --> 00:23:41,760 Ano ang sinasabi mo kung may imahen ng Araw 329 00:23:41,840 --> 00:23:45,160 sa partikular na posisyon kasama ng mga constellation? 330 00:23:45,800 --> 00:23:48,800 Maaaring tungkol ito sa petsa. 331 00:23:51,760 --> 00:23:55,920 Makikitang may tatlo pang simbolo ng hayop 332 00:23:56,000 --> 00:23:57,080 sa taas ng pilar 333 00:23:57,160 --> 00:24:00,800 na sumusuporta sa ideyang tungkol ito sa petsa, 334 00:24:00,880 --> 00:24:02,400 sinasabi nito ang petsa. 335 00:24:04,200 --> 00:24:05,480 Naniniwala siyang 336 00:24:05,560 --> 00:24:08,880 ang tatlong simbolo sa taas ng Pillar 43 337 00:24:08,960 --> 00:24:13,520 ay katabi ng mga simbolo ng tatlong paglubog ng araw. 338 00:24:15,440 --> 00:24:18,200 Kasama ng Sun disc sa gitna ng mga bato, 339 00:24:18,280 --> 00:24:21,960 maaaring pinapakita nito ang apat na parte ng solar year, 340 00:24:22,040 --> 00:24:27,480 ang summer solstice, ang winter solstice, ang spring at fall equinox. 341 00:24:30,120 --> 00:24:33,960 Ang mga ukit ay nagpapakita ng mga asterism sa langit 342 00:24:34,040 --> 00:24:36,480 sa likod o paligid ng araw 343 00:24:36,560 --> 00:24:39,000 sa bawat petsa ng kalendaryong taon. 344 00:24:41,200 --> 00:24:45,880 Makikita na natin ang apat na parte ng taon, 345 00:24:45,960 --> 00:24:48,800 at ang gusto nilang bigyang pansin 346 00:24:48,880 --> 00:24:51,040 -ay nasa pilar. -Tama. 347 00:24:53,560 --> 00:24:55,960 Mahusay iyong ideya. 348 00:24:57,520 --> 00:25:02,080 Petsang nakaukit sa bato sa lengguwahe ng astronomy. 349 00:25:04,240 --> 00:25:06,760 Ano nga bang petsa ang nasa pilar? 350 00:25:08,960 --> 00:25:10,800 Gamit ang computer software 351 00:25:10,880 --> 00:25:14,520 na nagpapakita ng pagbabago ng langit sa panahon, 352 00:25:15,360 --> 00:25:21,040 mahahanap natin ang 100 taong sakto sa teorya ni Martin. 353 00:25:22,000 --> 00:25:25,000 Kalaunan, nalaman kong matutukoy nating 354 00:25:25,080 --> 00:25:29,360 mga 10,900 hanggang 10,800 BC ito. 355 00:25:34,000 --> 00:25:38,760 Pero higit isang libong taon 'yon bago ang pagkagawa ng Göbekli Tepe. 356 00:25:40,760 --> 00:25:42,520 Bakit mahalaga ang petsang 'yon? 357 00:25:42,600 --> 00:25:47,440 Marami tayong alam tungkol sa panahong iyon sa kasaysayan. 358 00:25:47,520 --> 00:25:52,800 Sa mismong panahong 'yon, sa loob ng 100 taon, 359 00:25:52,880 --> 00:25:58,560 nagkaroon ng malaking pagbabago sa klima, ang Younger Dryas. 360 00:25:58,640 --> 00:26:00,680 Binago niyon ang mundo. 361 00:26:07,440 --> 00:26:10,360 Tinatawag natin itong Ancient Apocalypse, 362 00:26:10,440 --> 00:26:13,200 pero sa siyensiya, iyon ang Younger Dryas. 363 00:26:14,360 --> 00:26:19,320 Nagsimula iyon 12,800 taon na ang nakakaraan sa pagkagunaw, 364 00:26:19,400 --> 00:26:23,120 at natapos 11,600 taon na ang nakakaraan, ang eksaktong petsa 365 00:26:23,200 --> 00:26:25,520 ng paggawa sa Göbekli Tepe. 366 00:26:28,400 --> 00:26:33,440 Nagkaroon ng malaking pagbabago sa mundo, 367 00:26:34,000 --> 00:26:35,880 kabilang na ang matinding pagbaha, 368 00:26:36,920 --> 00:26:40,720 na sinundan ng 1,000 taon ng napakalamig na temperatura. 369 00:26:41,840 --> 00:26:44,800 Nagbago ang buhay sa Earth. 370 00:26:46,080 --> 00:26:49,240 Namatay ang lahat ng mga saber-toothed tiger at mammoth. 371 00:26:51,720 --> 00:26:53,480 Pero nabuhay ang mga tao. 372 00:26:56,160 --> 00:26:59,200 At 11,600 taon na ang nakakaraan, 373 00:26:59,280 --> 00:27:02,880 natapos ang pagyeyelo sa isa na namang matinding pagbaha 374 00:27:02,960 --> 00:27:05,040 na nagpataas ng lebel ng tubig sa mundo. 375 00:27:08,280 --> 00:27:11,920 Matapos niyon lang naging kalmado ulit ang Earth, 376 00:27:12,000 --> 00:27:14,520 at nagsimula ang paggawa ng Göbekli Tepe. 377 00:27:16,240 --> 00:27:19,000 At naniniwala akong may koneksiyon iyon. 378 00:27:21,160 --> 00:27:23,640 Iyon ang Göbekli Tepe para sa akin, 379 00:27:24,280 --> 00:27:27,120 ang pagbabago ng sibilisasyon 380 00:27:27,200 --> 00:27:29,560 mula sa panahon ng mas naunang sibilisasyon 381 00:27:29,640 --> 00:27:31,720 na naglaho sa pagkagunaw. 382 00:27:38,040 --> 00:27:40,280 Magandang makita ang Pillar 43 mula rito, 383 00:27:40,360 --> 00:27:43,720 at ang galing ng pagkakapreserba, 384 00:27:44,280 --> 00:27:47,200 lalo na't 11,600 taong gulang na ito. 385 00:27:47,920 --> 00:27:49,160 Ang galing. 386 00:27:52,280 --> 00:27:56,880 Paano kung ang misteryosong lugar ay di lang para sa ritwal, 387 00:27:56,960 --> 00:28:01,200 pero isa ring memoryal ng pag-alala sa pagbabago ng mundo? 388 00:28:03,840 --> 00:28:05,280 Posible 'yon. 389 00:28:05,880 --> 00:28:08,920 Ilan sa mga gusali natin ngayon ay memoryal din. 390 00:28:10,360 --> 00:28:12,920 Ang Lincoln Memorial sa Washington DC 391 00:28:14,400 --> 00:28:16,400 o ang Taj Mahal sa India. 392 00:28:17,480 --> 00:28:20,520 Pero maaari kayang higit pa roon ang Göbekli Tepe? 393 00:28:22,560 --> 00:28:24,960 Paano kung may nais ipabatid na mensahe 394 00:28:25,040 --> 00:28:27,840 ang mga nagtayo niyon, 395 00:28:27,920 --> 00:28:31,000 mensaheng para sa susunod na henerasyon? 396 00:28:32,080 --> 00:28:34,160 Dahil nang itala ng mga archaeologist 397 00:28:34,240 --> 00:28:37,480 ang edad ng natabunang site, 398 00:28:37,560 --> 00:28:39,360 may isa pang surpresa sa kanila. 399 00:28:41,920 --> 00:28:44,480 10,000 taon na ang nakakaraan, 400 00:28:45,720 --> 00:28:47,680 lahat ng estruktura ay nilibing 401 00:28:48,360 --> 00:28:53,480 nang mabilis at sadya, lahat ay sabay-sabay. 402 00:28:56,040 --> 00:29:00,320 Pahirapan nilang inilibing ang Göbekli Tepe. 403 00:29:00,400 --> 00:29:02,360 Di lang 'yon, 404 00:29:02,440 --> 00:29:06,560 naglagay sila ng burol na gawa ng tao sa ibabaw niyon. 405 00:29:06,640 --> 00:29:10,000 Siguro, ilang daang tao 406 00:29:10,080 --> 00:29:14,200 ang tumulong para magawa 'yon. 407 00:29:18,240 --> 00:29:21,520 Pero ang tanong, bakit nila 'yon ginawa? 408 00:29:24,240 --> 00:29:28,080 Di 'yon inabandona. Di 'yon sinira o ninakawan. 409 00:29:28,160 --> 00:29:32,360 Maingat na binaon, itinago at prineserba. 410 00:29:33,800 --> 00:29:37,720 At nanatili iyong ligtas makalipas ang ilang libong taon 411 00:29:38,400 --> 00:29:40,280 hanggang madiskubre ulit. 412 00:29:42,080 --> 00:29:46,840 Para sa akin, isa itong time capsule. 413 00:29:46,920 --> 00:29:49,160 At gaya ng ibang time capsules, 414 00:29:49,240 --> 00:29:52,600 ang layunin nito'y magbigay ng mensahe sa hinaharap. 415 00:29:56,120 --> 00:30:01,240 Sa Göbekli Tepe at Karahan Tepe, puno ng imahen ng ahas. 416 00:30:02,040 --> 00:30:03,360 May kakaiba 417 00:30:03,440 --> 00:30:06,400 sa pagkakagawa sa kanila 418 00:30:06,480 --> 00:30:09,240 na para bang kinabaliwan iyon ng mga gumawa, 419 00:30:10,160 --> 00:30:12,280 na parang iyong ahas ang mensaheng 420 00:30:12,360 --> 00:30:15,400 gusto nilang ipasa sa atin. 421 00:30:17,240 --> 00:30:22,040 Pero ahas nga ba 'yon o sagisag ng ibang bagay? 422 00:30:26,360 --> 00:30:31,680 Parang kahit saang may bakas ng nawawalang nakaraan ng sangkatauhan, 423 00:30:31,760 --> 00:30:33,280 may makikita ring ahas. 424 00:30:34,320 --> 00:30:37,880 Sa Mexico, si Quetzalcoatl ay ahas. 425 00:30:38,800 --> 00:30:42,440 Sa Malta, pagpasok sa Ġgantija, dadaan ka muna 426 00:30:42,520 --> 00:30:44,360 sa isang ahas. 427 00:30:47,520 --> 00:30:52,880 Tingin ko, alam ko ang ibig sabihin niyon, at wala rito sa Turkey ang halimbawa. 428 00:30:54,320 --> 00:30:59,320 Nasa kabilang dulo ng mundo, sa gitna ng America, sa Ohio, 429 00:31:00,160 --> 00:31:06,120 kung saan gumawa ang mga sinaunang tao ng malaking ahas 430 00:31:06,880 --> 00:31:10,840 para magsilbing memoryal at maaaring babala. 431 00:31:37,600 --> 00:31:42,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni EMN