1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:17,280 --> 00:00:19,280 Kung hahanapin ako sa Wikipedia… 3 00:00:19,600 --> 00:00:24,600 …makikitang inilalarawan akong pseudoarchaeologist o pseudoscientist. 4 00:00:26,200 --> 00:00:28,000 Para sa akin, nakakatawa ito. 5 00:00:28,880 --> 00:00:32,680 Hindi ako pseudoscientist tulad na hindi pseudo-fish ang dolphin. 6 00:00:35,280 --> 00:00:37,119 Isa akong investigative reporter. 7 00:00:37,680 --> 00:00:41,320 Ang trabaho ko ay imbestigahan ang opisyal na istorya. 8 00:00:42,680 --> 00:00:43,960 Ano ang nasa nakaraan 9 00:00:44,040 --> 00:00:47,360 na hindi ipinapaliwanag sa modelo ng prehistory ngayon? 10 00:00:49,440 --> 00:00:51,840 Malaki ang interes sa anomalya't paradox. 11 00:00:53,720 --> 00:00:57,160 Iyon ang dahilan kaya nandito ako sa Bahamas. 12 00:01:07,760 --> 00:01:13,200 MGA MULTO NG LUMUBOG NA MUNDO 13 00:01:14,600 --> 00:01:18,600 Nabibighani ako sa mga lugar sa mundo na di pa nasusuri nang maayos. 14 00:01:18,680 --> 00:01:21,320 Kaya ilang taon akong nag-scuba diving 15 00:01:21,400 --> 00:01:23,560 dahil may 10 milyong milya ng lupa 16 00:01:23,640 --> 00:01:26,800 ang nasa ibabaw noong Ice Age na katubigan na ngayon. 17 00:01:28,160 --> 00:01:31,000 Tulad dito, sa Bahamas. 18 00:01:32,280 --> 00:01:34,600 Ito ang Bimini Islands. 19 00:01:37,040 --> 00:01:37,880 GOLPO NG MEXICO KARAGATANG ATLANTIKO 20 00:01:37,960 --> 00:01:40,080 Wala pang 60 milya mula sa Miami, 21 00:01:41,120 --> 00:01:43,560 nakahiwalay ang Bimini mula sa Amerika 22 00:01:43,640 --> 00:01:47,520 dahil sa isang channel na kilalang Straits ng Florida. 23 00:01:50,280 --> 00:01:53,560 Iisipin mong malabo sa lugar na itong 24 00:01:53,640 --> 00:01:56,200 makahanap ng bakas ng lumang sibilisasyon, 25 00:01:56,280 --> 00:01:59,960 pero may nakakamanghang natagpuan sa ilalim ng mga alon dito. 26 00:02:03,680 --> 00:02:08,000 Kalahating milya lang mula sa baybayin, hindi malayo sa Gulf Stream, 27 00:02:08,080 --> 00:02:11,840 ay may isang malaking istruktura na mga dambuhalang bato… 28 00:02:14,919 --> 00:02:18,520 na mukhang megalithic na daan o sementadong terrace… 29 00:02:21,760 --> 00:02:25,520 …na tinatawag na "Bimini Road." 30 00:02:28,760 --> 00:02:29,800 ATLANTIS SA BAHAMAS? 31 00:02:29,880 --> 00:02:33,400 Una itong natagpuan noong 1968 ng grupo ng mga maninisid 32 00:02:33,480 --> 00:02:37,080 na hinahanap ang maalamat na nawawalang lungsod ng Atlantis 33 00:02:37,160 --> 00:02:38,880 sa ilaim ng alon ng Bahamas. 34 00:02:38,960 --> 00:02:40,160 MAY MGA BAKAS NG NAWAWALANG MUNDO SA KATUBIGAN NG BIMINI 35 00:02:41,640 --> 00:02:44,760 Sa kasiyahan nila, inanunsiyo nila sa mundo 36 00:02:44,840 --> 00:02:47,600 na nahanap nila ang daan papunta sa Atlantis. 37 00:02:47,680 --> 00:02:48,680 NAHANAP NA ANG ATLANTIS 38 00:02:48,760 --> 00:02:52,000 Ang estado ng Atlantis ay tinatayang umiiral noong 8000 BC, 39 00:02:52,080 --> 00:02:55,880 at sinasabing inatake ang Athens. Wala pa ang mga Griyego noon. 40 00:02:55,960 --> 00:02:57,760 Ito ay kathang-isip lang. 41 00:02:57,840 --> 00:02:58,720 IKINUWENTO NG SCIENTIST ANG NAKALUBOG NA LUNGSOD 42 00:02:58,800 --> 00:03:01,440 Ikinalulungkot kong hindi ito kasaysayan. 43 00:03:01,520 --> 00:03:02,960 KUNG HINDI ITO ATLANTIS, ANO ITO? PAGHAHANAP NG NAWALANG KONTINENTE 44 00:03:03,040 --> 00:03:08,480 Ang usap-usapan sa Atlantis ang naging sanhi ng pagturing ng mga arkeologo 45 00:03:08,560 --> 00:03:11,240 sa nakalubog na megalithic na istruktura… 46 00:03:11,320 --> 00:03:12,520 PALAISIPANG HEOLOHIKAL ATLANTIS O BASURA NG KALIKASAN? 47 00:03:12,600 --> 00:03:14,400 …na walang kuwenta. 48 00:03:18,360 --> 00:03:20,960 Hanggang ngayon, iginigiit ng mga arkeologo 49 00:03:21,040 --> 00:03:25,400 na ang pormasyong ito ay bato lamang sa dagat 50 00:03:26,680 --> 00:03:30,400 na nabuo ng kalikasan 3,000 libong taon ang nakaraan. 51 00:03:32,720 --> 00:03:35,160 Dahil ayaw nilang masira ang reputasyon, 52 00:03:35,240 --> 00:03:38,320 kaunting iskolar lang ang nag-imbestiga nito. 53 00:03:39,720 --> 00:03:41,880 Wala akong inaasahan. 54 00:03:43,160 --> 00:03:44,280 Dahil kung itong 55 00:03:44,360 --> 00:03:47,600 istruktura ng Bimini'y kabilang sa nakalubog na lungsod, 56 00:03:48,760 --> 00:03:51,360 malaking sayang kung hindi ito papansinin. 57 00:03:56,800 --> 00:03:58,400 Kaya ako naparito 58 00:03:58,480 --> 00:04:01,120 nang may dalang magarang teknolohiya't eksperto 59 00:04:01,760 --> 00:04:03,920 para buksan itong lumang kasong ito. 60 00:04:06,080 --> 00:04:08,760 Ang kasama ko ay si Dr. Michael Haley… 61 00:04:09,400 --> 00:04:11,000 Akin na ang mask. 62 00:04:11,560 --> 00:04:14,840 …isang marine biologist na sumisiyasat sa Caribbean 63 00:04:14,920 --> 00:04:16,720 sa loob ng mahigit 40 taon. 64 00:04:33,480 --> 00:04:35,080 Graham, dito tayo lumangoy. 65 00:04:37,600 --> 00:04:41,320 Ang tinatawag na Bimini Road ay may 18 talampakan, 66 00:04:41,400 --> 00:04:43,720 lima't kalahating metro ang lalim. 67 00:04:45,560 --> 00:04:46,760 Madaling sisirin. 68 00:04:49,040 --> 00:04:51,760 Habang patungo kami ni Mike sa misteryong ito, 69 00:04:52,440 --> 00:04:55,920 sa itaas, ang isa pa naming kagrupo, si Kyle Dufault, 70 00:04:56,720 --> 00:05:00,560 ay naghahanda para suriin ang lugar gamit ang kanyang sonar array. 71 00:05:02,880 --> 00:05:04,560 Siya ay marine investigator 72 00:05:04,640 --> 00:05:07,880 na may matagal nang karanasan sa pananaliksik sa dagat, 73 00:05:07,960 --> 00:05:09,640 para sa mga lumubog at anomalya. 74 00:05:09,720 --> 00:05:10,720 Ayos na. 75 00:05:12,160 --> 00:05:15,160 Makikita sa kanyang sonar ang daan na parang X-ray, 76 00:05:15,240 --> 00:05:17,040 mas malinaw nating makikita 77 00:05:17,120 --> 00:05:19,800 kung paano unang nailapat ang mga bloke. 78 00:05:22,360 --> 00:05:26,760 Umaasa akong may makikita ako na hindi pa nakikita dati. 79 00:05:26,840 --> 00:05:31,440 Kung tunay na ito ay gawa ng tao, nais kong makita ang eksaktong linya 80 00:05:31,520 --> 00:05:35,760 dahil karaniwan, ang 90-degree na anggulo ay di nangyayari sa kalikasan. 81 00:05:35,840 --> 00:05:37,080 Bihira ito. 82 00:05:39,760 --> 00:05:42,560 Sige, ang gagawin ko ay pupunta sa gitna. 83 00:05:53,080 --> 00:05:54,560 Graham, tingnan mo ito. 84 00:05:57,280 --> 00:06:00,640 Sa ilalim, malapit na kami ni Mike sa mga bloke 85 00:06:00,720 --> 00:06:02,600 sa isang walang lamang seabed. 86 00:06:04,680 --> 00:06:08,280 Natatakpan na ito dahil sa mga dumating na bagyo. 87 00:06:09,040 --> 00:06:13,560 Gayunpaman, madaling makita ang maayos na hilera ng mga megalith. 88 00:06:24,440 --> 00:06:28,000 Nakaayos ito nang pantay-pantay. 89 00:06:28,560 --> 00:06:31,440 Kaya kong lumangoy sa hilerang ito 90 00:06:31,520 --> 00:06:35,200 at nakikita ko ang pagkapantay-pantay nito. 91 00:06:35,720 --> 00:06:37,440 Nakakamangha itong tingnan. 92 00:06:40,720 --> 00:06:44,080 Ang mga bloke ay diretso at parallel. 93 00:06:49,080 --> 00:06:52,000 Itong mga dambuhalang bloke ay napakalaki. 94 00:06:52,080 --> 00:06:56,000 May 15 talampakan ang haba, 95 00:06:56,080 --> 00:06:59,200 at nasa 12 talampakan ang lawak. 96 00:07:02,920 --> 00:07:05,840 Hindi ito ang itaas ng mas malaking istruktura. 97 00:07:07,200 --> 00:07:10,680 Halos lahat ng mga bloke ay nakalapat mismo sa karagatan. 98 00:07:13,400 --> 00:07:15,120 Ang pambihira dito, 99 00:07:15,200 --> 00:07:17,720 ilan sa mga hindi naalintanang parte 100 00:07:17,800 --> 00:07:22,400 ay nakalutang, kahit napakalaking megalith ang mga ito. 101 00:07:23,920 --> 00:07:28,480 At noong nilapitan namin ni Mike, nadiskubre namin kung bakit. 102 00:07:31,040 --> 00:07:33,080 Mayroong nasa ilalim nito. 103 00:07:34,760 --> 00:07:36,200 Pumunta ka rito, Graham. 104 00:07:36,280 --> 00:07:37,320 Tingnan mo ito. 105 00:07:46,120 --> 00:07:50,400 Isang serye ng mas maliliit na batong nakasingit sa malalaking bloke, 106 00:07:50,480 --> 00:07:53,240 kaya nakalutang ito sa sea floor. 107 00:07:54,640 --> 00:07:57,280 Makikita mo ang mga pundasyong bato nang malinaw. 108 00:07:58,320 --> 00:08:01,920 Imposibleng mailagay ang mga bato sa ilalim ng mga bloke, 109 00:08:02,000 --> 00:08:04,560 ang ilan ay may bigat na sampung tonelada, 110 00:08:04,640 --> 00:08:07,920 maliban kung sinadyang ilagay ang mga ito. 111 00:08:11,680 --> 00:08:14,040 Walang duda rito, sa pananaw ko. 112 00:08:14,760 --> 00:08:19,440 Hindi maipapaliwanag na kalikasan ang nag-ayos, nag-organisa, 113 00:08:19,520 --> 00:08:22,160 nagplano at nagtayo ng istruktura. 114 00:08:33,120 --> 00:08:35,960 Malinaw na ito'y istrukturang gawa ng tao. 115 00:08:36,040 --> 00:08:37,679 Napakahirap nitong gawin 116 00:08:37,760 --> 00:08:42,240 na pantay-pantay na megalithic platform sa pababang lupa. 117 00:08:42,320 --> 00:08:44,159 At para maipantay sa platform, 118 00:08:44,799 --> 00:08:49,080 gumamit sila ng mga bloke sa ilalim ng mga malalaking megalith. 119 00:08:53,280 --> 00:08:55,280 Sa malapitan, mahirap na makita 120 00:08:55,360 --> 00:08:58,880 ang kabuuang hugis ng pormasyon dati. 121 00:09:03,640 --> 00:09:07,120 Pero ang sonar scan ni Kyle ay makakapagbigay ng pananaw. 122 00:09:12,800 --> 00:09:17,120 Ngayon, makikita ang mga bloke ng pangunahing seksiyon ng daan. 123 00:09:17,200 --> 00:09:19,760 -Oo. -At makikita mo talaga ang mga bitak… 124 00:09:19,840 --> 00:09:20,680 Oo nga. 125 00:09:20,760 --> 00:09:23,040 …at ang unipormeng hugis ng daan. 126 00:09:23,120 --> 00:09:24,800 Napakagaling ng detalye. 127 00:09:26,000 --> 00:09:28,280 -Halos lahat ng bato, pare-pareho. -Oo. 128 00:09:28,360 --> 00:09:31,400 Karaniwang nasa 10 hanggang 12 talampakan ang haba, 129 00:09:31,480 --> 00:09:32,880 10 hanggang 12 ang lawak. 130 00:09:32,960 --> 00:09:36,280 -Kaya, napakalaking mga piraso, oo. -Tunay nga. 131 00:09:36,360 --> 00:09:37,880 Tingnan n'yo itong tuwid. 132 00:09:37,960 --> 00:09:39,080 Tama, oo nga. 133 00:09:39,160 --> 00:09:41,640 Oo, makikita mo ang linya sa gitna ng bloke 134 00:09:41,720 --> 00:09:43,600 -na parang ginawa sila… -Oo. 135 00:09:43,680 --> 00:09:46,960 -…at inilatag sa daan. Ito'y-- -Perpektong parisukat. 136 00:09:47,040 --> 00:09:47,920 Oo nga. 137 00:09:48,000 --> 00:09:51,120 Tulad ng sabi ko, makikita mo talagang mga bloke ito. 138 00:09:51,200 --> 00:09:52,040 Oo. 139 00:09:52,120 --> 00:09:54,680 Ini-scan ko ang magkabilang panig ng daan 140 00:09:54,760 --> 00:09:57,600 at walang ganyan sa ibang lugar dito 141 00:09:59,840 --> 00:10:04,440 Kung ang pormasyong ito ay produkto ng natural tidal forces, 142 00:10:04,520 --> 00:10:07,840 tulad ng iginigiit ng mga geologist noong natagpuan ito, 143 00:10:07,920 --> 00:10:13,040 bakit ang maiksing parte ng daan ay nakaanggulo sa pangunahing daan? 144 00:10:13,120 --> 00:10:14,680 'Di ba dapat, magkahilera sila? 145 00:10:15,840 --> 00:10:19,080 At ba't walang ibang ganitong pormasyon sa malapit dito? 146 00:10:20,720 --> 00:10:24,480 Hindi lang ang pagbabago ng panahon o pagkapare-pareho ng lahat, 147 00:10:25,040 --> 00:10:28,120 -pero wala talagang ganito… -Oo. 148 00:10:28,960 --> 00:10:31,880 -May naglagay nito rito. -Oo. 149 00:10:31,960 --> 00:10:35,920 Kaya ang personal kong opinyon ay ito'y gawa ng tao. 150 00:10:44,520 --> 00:10:46,200 Kaya, Mike, ano sa tingin mo? 151 00:10:46,280 --> 00:10:48,000 Ano ang tinitingnan natin? 152 00:10:48,080 --> 00:10:50,560 Sumisid na ako sa buong mundo 153 00:10:50,640 --> 00:10:53,160 at ito lang ang istrukturang ganito. 154 00:10:53,240 --> 00:10:54,800 Kakaiba talaga ito. 155 00:10:56,440 --> 00:10:59,760 Kapag naririnig ko ang argumentong kalikasan daw ito, 156 00:10:59,840 --> 00:11:01,240 sinasabi nilang bato. 157 00:11:02,600 --> 00:11:06,440 Kadalasan, ang mga bato sa dagat ay mababasag sa maraming piraso 158 00:11:06,520 --> 00:11:09,160 habang pinapanatili ang hugis nito. 159 00:11:09,240 --> 00:11:13,120 Pero ang mga bloke sa Bimini ay magkakaiba sa isa't isa 160 00:11:13,200 --> 00:11:15,400 at pare-parehong hugis-unan. 161 00:11:17,080 --> 00:11:19,920 Hindi ko maintindihang gawang kalikasan ito. 162 00:11:20,000 --> 00:11:22,280 Walang batong dagat na ganito. 163 00:11:22,360 --> 00:11:23,560 -Sa iyo? -Wala rin. 164 00:11:23,640 --> 00:11:26,640 At naniniwala akong gawa talaga ito ng tao. 165 00:11:26,720 --> 00:11:29,520 Oo, gawa ng tao ang istrukturang ito. 166 00:11:31,800 --> 00:11:34,160 Kung tama, ginawa siguro ito sa panahong 167 00:11:34,240 --> 00:11:37,440 may lupa pa itong bahagi ng Bahamas. 168 00:11:39,160 --> 00:11:41,880 At maiintindihan natin mula sa mga data, 169 00:11:41,960 --> 00:11:46,320 makikita natin kung ano ang orihinal na itsura nito 170 00:11:46,400 --> 00:11:48,720 noong nasa ibabaw pa ng lupa. 171 00:11:54,720 --> 00:11:58,720 Ang hugis-kawit ay nasa hilagang-silangan hanggang timog-kanluran, 172 00:11:58,800 --> 00:12:01,360 may 1,6000 talampakan ang haba. 173 00:12:01,440 --> 00:12:03,960 Halos apat at kalahating football fields. 174 00:12:06,000 --> 00:12:09,520 Ang malalaking bloke ay nasa 10 hanggang 13 talampakang haba 175 00:12:09,600 --> 00:12:11,480 at pito hanggang 10 ang lawak. 176 00:12:12,400 --> 00:12:16,760 At sa parehong terrace, may makikitang sinadyang patlang. 177 00:12:18,440 --> 00:12:22,600 Pero imposibleng malaman kung may kahoy na istruktura sa ibabaw nito. 178 00:12:23,520 --> 00:12:25,680 Ang natira na lang ay ang mga bloke. 179 00:12:28,520 --> 00:12:33,160 Pero ang pagkakaroon nitong napakalaking gawa ng taong istruktura rito 180 00:12:33,240 --> 00:12:35,160 ay may pambihirang implikasyon. 181 00:12:36,760 --> 00:12:41,560 Dahil itong parte ng Bahamas ay nasa ilalim ng tubig nang ilang libong taon. 182 00:12:45,400 --> 00:12:49,840 Sa katunayan, halos lahat ng mga isla sa tinatawag na Great Bahama Bank 183 00:12:49,920 --> 00:12:52,040 ay dikit-dikit noong Ice Age 184 00:12:52,800 --> 00:12:55,840 sa lugar na ang taas ay 100 metro sa ibabaw ng dagat. 185 00:12:57,320 --> 00:13:00,440 Bahagi ng parihabang Bahama Island, 186 00:13:00,520 --> 00:13:03,080 nasa labas lang ng mainland ang Florida… 187 00:13:04,240 --> 00:13:09,280 …isang islang nandito na nang higit 100,000 taon. 188 00:13:11,840 --> 00:13:15,960 Umangat ang lebel ng karagatan sa 400 talampakan sa katapusan ng Ice Age 189 00:13:16,040 --> 00:13:17,600 at sa proseso nito, 190 00:13:17,680 --> 00:13:21,560 nilamon ang milyon-milyong kuwadrado ng magandang lupain sa mundo. 191 00:13:21,640 --> 00:13:25,480 At kung ikinukwento natin ang istorya nang hindi sinasama 192 00:13:25,560 --> 00:13:28,720 iyong mga nasa ilalim ng dagat at ang nangyari doon, 193 00:13:28,800 --> 00:13:32,080 may mawawalang mahalagang impormasyon sa atin. 194 00:13:34,280 --> 00:13:36,720 Ang bagong data na nakalap sa Bimini Road 195 00:13:37,880 --> 00:13:42,320 ay nagmumungkahi na may sinaunang istruktura sa ilalim ng dagat. 196 00:13:43,880 --> 00:13:47,440 Gayunman, mabagal ang mga arkeologo 197 00:13:47,520 --> 00:13:52,000 sa paghahanap ng ebidensiya ng sinaunang sibilisasyon dito sa Bahamas. 198 00:13:53,360 --> 00:13:55,560 Tinatanggihan nila ang posibilidad. 199 00:13:57,240 --> 00:14:01,480 Kung may advanced na sibilisasyon noong 30,000 taon na… 200 00:14:01,720 --> 00:14:03,480 …na sabi ni Graham, sige, 201 00:14:03,560 --> 00:14:05,960 nasaan ang basura nila? Ang mga bahay? 202 00:14:06,040 --> 00:14:09,960 Alam mo, nasaan ang mga kagamitan nila? 203 00:14:10,040 --> 00:14:11,360 Nasaan ang sulat nila? 204 00:14:13,200 --> 00:14:17,080 Mayroon sigurong ebidensiya ng sibilisasyon noong Ice Age 205 00:14:17,160 --> 00:14:22,960 na naghihintay mahanap sa ilalim ng mga lupang nilamon. 206 00:14:23,040 --> 00:14:26,640 Pero hindi mo ito mahahanap kung hindi mo titingnan. 207 00:14:26,720 --> 00:14:28,760 Hindi ito sibilisasyon sa Bimini. 208 00:14:28,840 --> 00:14:32,000 Ito'y sibilisasyon sa buong pampang, na malaki. 209 00:14:32,080 --> 00:14:34,080 -Hindi pa ito nasasaliksik. -Oo. 210 00:14:34,160 --> 00:14:37,760 Dahil para sa arkeologo, walang kuwentang gawin ang pananaliksik. 211 00:14:37,840 --> 00:14:39,960 Dahil para sa arkeolohiya, 212 00:14:40,040 --> 00:14:42,440 ang panahon ng sibilisasyon ay alam na. 213 00:14:42,520 --> 00:14:45,480 Kaya, walang rason para imbestigahan pa ito. 214 00:14:49,800 --> 00:14:52,640 Nakaligtaan ng Bimini Road ang deepwater channel 215 00:14:52,720 --> 00:14:57,120 na nasa gitna ng Ice Age Bahama Island at North America. 216 00:14:57,240 --> 00:15:00,320 Isang channel kung saan dumadaloy ang Gulf Stream, 217 00:15:00,400 --> 00:15:05,000 ginagawa itong napakahalagang palatandaan sa anumang barkong patungo sa hilaga 218 00:15:05,080 --> 00:15:07,600 palabas ng Golpo ng Mexico patungong Atlantiko. 219 00:15:09,280 --> 00:15:13,240 Tulad ng maalamat na bangkang walang mga sagwan ni Quetzalcoatl. 220 00:15:14,360 --> 00:15:18,640 Ang mga bato ay maaaring bahagi ng mas malaking monumento o palatandaan. 221 00:15:19,480 --> 00:15:21,400 Isang pamana ng kulturang 222 00:15:21,480 --> 00:15:25,000 saksi sa pagtaas ng tubig sa pagtatapos ng Ice Age. 223 00:15:26,640 --> 00:15:31,000 Isang kulturang maaari talagang na-map ang mahalagang lugar na ito. 224 00:15:38,240 --> 00:15:40,640 Nagpasama ako kay Mike sa pampang 225 00:15:40,720 --> 00:15:44,600 para tingnan ang mga replika ng mga pinakalumang mapa ng mundo. 226 00:15:48,280 --> 00:15:50,720 Maaaring siya'y isang batikang navigator, 227 00:15:50,800 --> 00:15:54,040 pero pusta ko, di pa siya nakagamit ng mapang tulad nito. 228 00:15:57,360 --> 00:16:00,000 Ang kuwento ng mga mapang ito ay kumplikado. 229 00:16:00,080 --> 00:16:01,640 Ito ay karaniwang iginuhit 230 00:16:01,720 --> 00:16:05,320 sa ika-14, ika-15 at ika-16 na siglo ng ating panahon. 231 00:16:05,400 --> 00:16:09,840 Ngunit inamin ng mga gumagawa ng mapa na sila ay nangongopya sa mga lumang mapa 232 00:16:09,920 --> 00:16:13,560 at pinagsasama ito sa bagong impormasyon sa Age of Discovery. 233 00:16:15,280 --> 00:16:19,400 Magsimula tayo sa isang ito, isang napakasikat na mapa. 234 00:16:20,280 --> 00:16:23,200 Ito ang mapa ni Piri Reis, iginuhit ng Turkish admiral… 235 00:16:23,280 --> 00:16:25,320 -Tama -…noong 1513. 236 00:16:25,400 --> 00:16:29,400 Sinasabi niya sa sariling sulat-kamay sa mapa 237 00:16:30,000 --> 00:16:34,840 na ibinase niya ito sa 20 na mas lumang mapa. 238 00:16:39,720 --> 00:16:41,960 Dagdag pa sa sinaunang mapagkukunan, 239 00:16:43,160 --> 00:16:47,000 tinukoy rin ni Piri Reis ang chart sa mga paglalakbay sa Amerika 240 00:16:47,080 --> 00:16:49,000 ni Christopher Columbus at iba pa. 241 00:16:51,440 --> 00:16:53,520 Ang resulta ay isang mapa ng mundo, 242 00:16:53,600 --> 00:16:57,000 pero ngayon, ang kanlurang ikatlong bahagi lang ang natitira. 243 00:17:01,200 --> 00:17:04,120 Kawili-wili ito, Graham, dahil may baybaying ito 244 00:17:04,200 --> 00:17:07,320 na nagpapakita ng ilog sa Timog Amerika nang tumpak. 245 00:17:07,400 --> 00:17:08,240 Oo. 246 00:17:08,320 --> 00:17:11,520 Magaling na representasyon ng baybayin ng Timog Amerika. 247 00:17:12,240 --> 00:17:15,800 Ang namumukod-tangi para sa akin bilang malaking anomalya 248 00:17:15,880 --> 00:17:17,800 ay itong napakalaking islang 249 00:17:17,880 --> 00:17:20,680 ipinakita sa timog-silangang baybayin. 250 00:17:22,680 --> 00:17:25,280 Nasa baybaying malapit sa Florida, 251 00:17:25,359 --> 00:17:29,240 may isang malaki at parihabang isla. 252 00:17:29,920 --> 00:17:34,960 Mukhang 'di ito nakita o naiguhit ni Columbus. 253 00:17:36,040 --> 00:17:40,000 Mahirap na ipinaliwanag ito bilang pangit na mapa ng Cuba. 254 00:17:41,160 --> 00:17:44,640 At hindi iyon katanggap-tanggap dahil hindi ka magkakamali. 255 00:17:44,720 --> 00:17:47,120 Ito'y mahaba at manipis sa ibang axis. 256 00:17:47,200 --> 00:17:51,160 At nakatuon sa silangan-kanluran. Ito ay nakatuon sa hilaga-timog. 257 00:17:51,240 --> 00:17:55,360 Walang ganoong isla at wala rin ito umiral noong 1513. 258 00:17:55,440 --> 00:17:58,880 Ngunit noong Ice Age, 259 00:17:58,960 --> 00:18:01,720 may islang may ganitong eksaktong laki at hugis 260 00:18:01,800 --> 00:18:05,240 Ang malaking bahagi ng Grand Bahama na nasa ibabaw ng tubig. 261 00:18:08,000 --> 00:18:12,760 At kung titingnan mo nang mabuti ang iginuhit ni Piri Reis sa gulugod ng isla, 262 00:18:13,720 --> 00:18:17,280 ito ay isang serye ng mga blokeng nasa isang hilera. 263 00:18:19,160 --> 00:18:20,600 May naaalala ka rito? 264 00:18:27,320 --> 00:18:30,240 Ang hilerang ito ay mukhang 265 00:18:30,320 --> 00:18:34,960 katulad ng mga hilera ng megalith sa Bimini Road. 266 00:18:40,000 --> 00:18:42,320 Iyon ay hindi katangian ng mga mapa noon 267 00:18:42,400 --> 00:18:46,600 dahil kinuha nila ang kanilang nakita bilang katangian ng lugar na iyon. 268 00:18:46,680 --> 00:18:49,400 Tulad ng elepante na ito sa West Africa, 269 00:18:50,640 --> 00:18:54,200 mausisa na mga hayop dito sa South America. 270 00:18:55,560 --> 00:18:57,960 At ang tampok na ito, na hindi bundok. 271 00:18:58,040 --> 00:19:01,000 Hindi kung paano ipinakita ang mga bundok. Iba ito. 272 00:19:02,360 --> 00:19:04,080 Tingin ko, ito'y Bimini Road. 273 00:19:07,160 --> 00:19:10,240 Wala akong pakialam kung ito'y natural o gawa ng tao. 274 00:19:10,320 --> 00:19:11,920 Ang pananaw ko rito 275 00:19:12,000 --> 00:19:14,920 ay lumilitaw ito sa isang mapa sa ibabaw ng tubig. 276 00:19:15,000 --> 00:19:15,840 Oo. 277 00:19:15,920 --> 00:19:19,040 Isang mapang iginuhit noong 1513 base sa lumang mapa. 278 00:19:21,320 --> 00:19:24,320 Ang kakaibang itsura ng islang ito ng Ice Age 279 00:19:24,400 --> 00:19:28,760 ay hindi lang ang kakaibang katangian sa pambihirang mapa ni Piri Reis. 280 00:19:31,320 --> 00:19:34,560 Paglipat mo sa timog, mayroon kang malawak na lupain. 281 00:19:34,640 --> 00:19:35,480 Oo. 282 00:19:35,560 --> 00:19:38,320 At iyon ay lubhang kakaiba. 283 00:19:38,880 --> 00:19:41,720 Baka ito'y isa sa pinakakontrobersiyal na aspekto 284 00:19:41,800 --> 00:19:43,080 sa mapa ni Piri Reis. 285 00:19:45,480 --> 00:19:48,920 Ito ay isang baybaying lumalawak mula sa Timog Amerika 286 00:19:49,000 --> 00:19:51,560 sa kahabaan ng timog na gilid ng Atlantiko. 287 00:19:53,200 --> 00:19:56,440 Wala dapat nakakaalam tungkol dito noong 1513. 288 00:19:59,120 --> 00:20:01,360 Tingnan natin ang ibang mapa ng mundo. 289 00:20:02,640 --> 00:20:04,560 Ang mapa ni Pinkerton noong 1812. 290 00:20:05,200 --> 00:20:08,680 Ito ay kahanga-hangang tumpak maliban sa isang bagay. 291 00:20:10,200 --> 00:20:11,560 Walang Antarctica. 292 00:20:12,880 --> 00:20:17,400 Dahil natuklasan ng ating sibilisasyon ang Antarctica noong 1820 lang. 293 00:20:19,360 --> 00:20:23,200 Ito ang dahilan kung bakit ang mga mananalaysay ay tumatanggi 294 00:20:23,280 --> 00:20:27,160 na maaaring lumitaw ito sa isang mapang iginuhit noong 1513. 295 00:20:30,160 --> 00:20:34,280 Ang lugar ng mapa na sinasabi ng mga tao na maaaring Antarctica 296 00:20:34,360 --> 00:20:36,880 ay hindi Antarctica. 297 00:20:36,960 --> 00:20:38,800 Ito ay Timog Amerika. 298 00:20:38,880 --> 00:20:39,720 HILAGANG AMERIKA TIMOG AMERIKA 299 00:20:39,800 --> 00:20:42,880 Ang nangyari ay iginuhit ni Piri Reis ang baybayin, 300 00:20:42,960 --> 00:20:46,000 naubusan ng papel, kaya nagbago siya ng direksiyon. 301 00:20:46,080 --> 00:20:48,320 Nag-doodle lang siya. 302 00:20:48,400 --> 00:20:51,000 At tingin ko, naantig lang tayo sa doodle 303 00:20:51,080 --> 00:20:52,560 at inisip na kakaiba ito. 304 00:20:55,720 --> 00:20:59,760 Maaari iyon, kung ang mapa ng Piri Reis lang ang halimbawa. 305 00:21:00,920 --> 00:21:04,400 Ngunit ang Antarctica ay nasa ibang mapa ng ika-16 na siglo. 306 00:21:06,920 --> 00:21:10,040 Dito ay malinaw na detalyado at may label pa 307 00:21:10,120 --> 00:21:13,520 sa mapa ni Orontius Finaeus na iginuhit noong 1531. 308 00:21:14,640 --> 00:21:17,360 Muli, batay sa mga sinaunang mapagkukunan, 309 00:21:17,440 --> 00:21:20,960 bago ito nakita ng sinumang modernong explorer. 310 00:21:26,960 --> 00:21:30,160 Ngunit kung iyon ay Antarctica sa mapa ni Piri Reis, 311 00:21:30,240 --> 00:21:34,400 bakit kakaiba ang pagkatuon nito at konektado sa South America? 312 00:21:37,040 --> 00:21:39,920 Tingnan ang baybayin ng Antarctica, di ngayon… 313 00:21:40,000 --> 00:21:41,360 KARAGATANG PASIPIKO - TIMOG AMERIKA KARAGATANG ATLANTIKO - AFRICA - KARAGATAN 314 00:21:42,360 --> 00:21:46,000 ngunit gaya ng iniisip nila pag bumaba ang lebel ng dagat… 315 00:21:46,600 --> 00:21:50,600 at ang niyebe sa timog ay umaabot sa hilaga noong Ice Age. 316 00:21:52,160 --> 00:21:55,320 Kung masubaybayan ang baybayin ng Antarctica sa Ice Age, 317 00:21:55,400 --> 00:21:58,440 mukha itong mapa ni Piri Reis. 318 00:22:02,040 --> 00:22:05,360 Antarctica, ang itsura nito ay tumpak, 319 00:22:05,440 --> 00:22:08,680 at ang itsura nito noong Ice Age sa mga lumang mapa, 320 00:22:08,760 --> 00:22:11,440 ay tunay na palaisipang dapat ipaliwanag. 321 00:22:11,520 --> 00:22:15,120 At sa akin, ang sagot sa problemang iyon ay hindi nagkataon, 322 00:22:15,200 --> 00:22:18,840 hindi ito pantasya sa bahagi ng mga gumagawa ng mapa. 323 00:22:18,920 --> 00:22:21,560 Ito ang basehang mapang kinopya nila. 324 00:22:21,640 --> 00:22:23,840 Sa akin, iminumungkahi ng mapang ito 325 00:22:23,920 --> 00:22:26,040 ang isang nakalimutan sa kasaysayan. 326 00:22:28,720 --> 00:22:33,400 Sa Indonesia, sa Mexico, at sa Malta, 327 00:22:34,560 --> 00:22:39,400 nakakita tayo ng mga megalithic na istrukturang kaugnay ng mga sibilisasyon 328 00:22:40,040 --> 00:22:46,120 na dumating sakay ng bangka, nagtuturo ng agrikultura, batas, at inhinyeriya. 329 00:22:48,240 --> 00:22:52,720 Ngayon, iminumungkahi ng mapang ito na bago pa ang ekspedisyon ni Magellan, 330 00:22:53,360 --> 00:22:57,240 may isang modernong kulturang umikot sa mundo noong Ice Age. 331 00:22:59,240 --> 00:23:02,520 Ito ay mga ebidensiyang hindi natin dapat balewalain, 332 00:23:02,600 --> 00:23:05,200 na ang ating mga ninuno ay may teknolohiyang 333 00:23:05,280 --> 00:23:07,480 kayang tumuklas at gumawa ng mapa. 334 00:23:07,560 --> 00:23:08,560 Huwag kalimutan. 335 00:23:08,640 --> 00:23:10,960 Meron bang ibang nakakahimok sa karatig 336 00:23:11,040 --> 00:23:13,720 na nagpapahiwatig ng istrukturang gawa ng tao? 337 00:23:16,200 --> 00:23:19,640 May isa pang hindi maipaliwanag na gawa ng tao rito. 338 00:23:20,840 --> 00:23:24,160 Nakatago sa kaibuturan ng makapal na bakawan ng Bimini, 339 00:23:25,240 --> 00:23:27,680 lugar na mapupuntahan lamang ng bangka. 340 00:23:29,560 --> 00:23:33,480 May taas na 10 talampakan mula sa latian, isang serye ng mga punsong 341 00:23:33,560 --> 00:23:39,080 walang laman na buhangin, may ibang hugis na 500 talampakan ang haba. 342 00:23:41,440 --> 00:23:44,160 Tulad ng sikat na Nazca Lines sa Peru, 343 00:23:44,240 --> 00:23:47,000 ito ay isang kababalaghang makikita sa ere. 344 00:23:49,840 --> 00:23:54,600 Ang kakaibang hugis ng isa sa pinakatanyag na sinaunang residente ng Bimini. 345 00:23:55,760 --> 00:24:01,120 Itong imahen ng pating, na nakaukit sa bakawang latian, 346 00:24:01,200 --> 00:24:03,720 ay narito na mula sa simula. 347 00:24:04,280 --> 00:24:07,760 Bagaman, di pa seryosong pinag-aaralan ito ng mga arkeologo 348 00:24:07,840 --> 00:24:09,880 dahil di makumpirma ang pinagmulan. 349 00:24:11,400 --> 00:24:15,720 Ito pa rin ay isang mandaragit na anumang sinaunang kultura ng paglalayag, 350 00:24:15,800 --> 00:24:19,080 kabilang ang nawawalang sibilisasyong hinahanap ko, 351 00:24:19,160 --> 00:24:21,640 ay tiyak na ikatatakot at igagalang. 352 00:24:33,480 --> 00:24:36,080 Bale, sino ang mga sinaunang naglalayag? 353 00:24:39,440 --> 00:24:44,240 Nasa panganib na muling magalit ang mga nasa mainstream academia… 354 00:24:44,960 --> 00:24:47,080 Pag-usapan natin ang Atlantis. 355 00:24:49,560 --> 00:24:52,400 Di ako naniniwalang ang Bimini ay ang Atlantis, 356 00:24:53,160 --> 00:24:56,280 o ang Atlantis ay malapit sa Bahamas. 357 00:24:56,360 --> 00:24:59,880 Ngunit ang alamat ng nalunod na lungsod ay nakakaintriga, 358 00:25:00,480 --> 00:25:04,200 dahil nag-aalok ito ng pinakadetalyadong paglalarawan 359 00:25:04,280 --> 00:25:05,720 ng pinaniniwalaan ko. 360 00:25:07,280 --> 00:25:10,560 Isang naglahong sibilisasyon ng Ice Age. 361 00:25:11,880 --> 00:25:13,440 Ang pilosopong si Plato 362 00:25:13,520 --> 00:25:18,200 ay ang pinakalumang pinagmulan ng kuwento ng Atlantis. 363 00:25:19,160 --> 00:25:21,320 Na inilarawan niya nang malinaw. 364 00:25:24,720 --> 00:25:27,440 Ang Atlantis ay isang maagang sibilisasyon. 365 00:25:29,040 --> 00:25:32,520 Ipinagmamalaki ang magandang arkitektura, teknolohiya, 366 00:25:32,600 --> 00:25:35,240 at napakalaking pagpaplano ng lungsod. 367 00:25:37,000 --> 00:25:40,840 Mayroon ding malawak na armadang may kakayahang umikot sa mundo, 368 00:25:41,880 --> 00:25:45,200 nagpapakita ng kapangyarihan nito sa may karagatan. 369 00:25:47,080 --> 00:25:51,480 Hanggang sa tinamaan ang lungsod ng serye ng malalakas na lindol at baha, 370 00:25:52,400 --> 00:25:54,320 isang tunay na sakuna, 371 00:25:55,800 --> 00:25:57,640 at nalunod sa ilalim ng alon. 372 00:25:59,480 --> 00:26:04,880 Sabi ni Plato, ang kuwento ng Atlantis ay mula sa ninuno niyang si Solon. 373 00:26:04,960 --> 00:26:07,160 Na si Solon ay bumisita sa Ehipto. 374 00:26:07,240 --> 00:26:10,280 At alam natin ang petsa ng pagbisita. Ito ay 600 BC. 375 00:26:11,320 --> 00:26:14,240 Sa pagbisitang iyon, bumisita siya sa isang templo 376 00:26:14,320 --> 00:26:18,200 at ang mga pari ay ikinuwento ang nawawalang sibilisasyong 377 00:26:18,280 --> 00:26:19,800 tinawag na Atlantis, 378 00:26:19,880 --> 00:26:22,480 na nawasak sa baha 379 00:26:22,560 --> 00:26:25,920 9,000 taon bago ang pagbisita ni Solon. 380 00:26:34,040 --> 00:26:39,800 Kaya ang petsa ng pagkawasak ng Atlantis ay 9600 BC. 381 00:26:39,880 --> 00:26:44,640 Iyan ay parehong panahon ng kapahamakan sa mundo 382 00:26:44,720 --> 00:26:47,240 at sakuna ng pagtaas ng lebel ng dagat 383 00:26:47,320 --> 00:26:49,480 na nangyari sa pagtatapos ng Ice Age. 384 00:26:49,560 --> 00:26:51,880 Nagkataon lang? Siguro. 385 00:26:51,960 --> 00:26:55,480 Ngunit para sa kuwento ng Atlantis na maging pareho 386 00:26:55,560 --> 00:26:58,720 sa pinakabagong siyentipikong ebidensiya sa Ice Age, 387 00:26:58,800 --> 00:27:02,320 dapat magbigay ng kislap-diwa sa mga nag-aalinlangang mag-isip. 388 00:27:03,160 --> 00:27:06,320 Hindi kaya ito ay isang uri lamang ng alegorya? 389 00:27:06,440 --> 00:27:10,360 Kung di para sa katotohanan na ang kuwento ni Plato 390 00:27:10,440 --> 00:27:15,400 ay alam sa buong mundo ng mga taong hindi nakasalamuha si Plato. 391 00:27:15,480 --> 00:27:18,880 At ang hinala kong sila ay nagmumula sa iisang bagay, 392 00:27:18,960 --> 00:27:21,480 isang karaniwang alaala ng pangyayari. 393 00:27:24,880 --> 00:27:30,000 Nang ikinuwento ni Plato ang Atlantis, sinasabi rin niya kung bakit nawasak ito. 394 00:27:30,080 --> 00:27:32,280 Hindi lang ito dahil sa sakuna. 395 00:27:32,360 --> 00:27:35,840 Ito ay dahil sa kayabangan, sa pagmamalaki, sa pagmamataas 396 00:27:35,920 --> 00:27:37,880 na lumaki sa loob ng Atlantis. 397 00:27:39,160 --> 00:27:41,360 Ito ang dahilan ng pagkawasak nito. 398 00:27:41,440 --> 00:27:44,160 Dahil nasira nito ang pagkakaisa sa mundo. 399 00:27:47,720 --> 00:27:54,160 At sa tingin ko, ang ating sibilisasyon ay nasa parehong sitwasyon. 400 00:27:54,880 --> 00:27:57,240 Nasira natin ang pagkakaisa sa mundo. 401 00:27:57,920 --> 00:28:00,120 Ang pagmamataas sa sariling mga nagawa 402 00:28:00,200 --> 00:28:04,440 at ang pagpipilit ng kapangyarihan sa buong mundo 403 00:28:04,520 --> 00:28:06,120 sa mga mas mahina. 404 00:28:06,200 --> 00:28:09,000 Ang lahat ng ito sa mga mitolohiyang termino 405 00:28:09,080 --> 00:28:12,160 ay nagmumungkahing tayo ay nasa matinding panganib. 406 00:28:19,120 --> 00:28:23,000 Noong inilathala ko ang Fingerprints of the Gods noong 1995, 407 00:28:23,080 --> 00:28:26,440 akala ko, wala na akong masasabi 408 00:28:26,520 --> 00:28:28,720 tungkol sa nawawalang sibilisasyon. 409 00:28:32,000 --> 00:28:36,000 Namulat ako sa isang napakalaki at talagang nakakamanghang 410 00:28:36,080 --> 00:28:39,280 bagong natuklasang megalithic site sa Turkey. 411 00:28:40,560 --> 00:28:43,160 Nagpatunay na ang ating mga ninuno sa Ice Age 412 00:28:43,240 --> 00:28:46,840 ay may kakayahang higit pa sa pangarap ng mga mananalaysay. 413 00:28:47,720 --> 00:28:51,000 Para sa akin, ito ay isang nawawalang sibilisasyong 414 00:28:51,080 --> 00:28:53,600 hindi pa natutuklasan ng arkeolohiyo. 415 00:28:55,080 --> 00:28:57,800 Ito ay isang lugar na ngayon ay pinakamatandang 416 00:28:57,880 --> 00:28:59,920 megalithic na istruktura sa mundo. 417 00:29:01,240 --> 00:29:05,000 Isa na ring baka nag-iwan ng babalang naka-encode sa bato, 418 00:29:05,800 --> 00:29:08,440 na ang sinaunang apocalypse ng huling Ice Age 419 00:29:08,520 --> 00:29:10,360 na winasak ang sangkatauhan… 420 00:29:12,760 --> 00:29:14,000 ay maaaring bumalik. 421 00:29:16,040 --> 00:29:18,000 Kaya, sa Turkey naman ako tutungo. 422 00:29:44,600 --> 00:29:49,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Karen Sy