1 00:00:06,000 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,120 --> 00:00:15,760 Isa sa mga problema ko 3 00:00:15,840 --> 00:00:19,480 sa tipikal na pananaw tungkol sa pagsulong ng sibilisasyon 4 00:00:19,560 --> 00:00:25,120 ay ang opinyong tayo ang pinakamatagumpay 5 00:00:25,200 --> 00:00:27,920 na sibilisasyon sa buong kasaysayan. 6 00:00:33,520 --> 00:00:36,880 Mayabang tayo dahil doon. 7 00:00:38,200 --> 00:00:43,200 Tingin natin, mas simple ang mga ninuno natin noon, 8 00:00:43,280 --> 00:00:45,920 mas kaunti ang kaalaman at kakayahan nila. 9 00:00:49,120 --> 00:00:53,720 Di lang tuwid na linya ang ebolusyon 10 00:00:53,800 --> 00:00:58,160 mula sa primitibong tao hanggang sa modernong tao. 11 00:00:58,240 --> 00:01:00,320 Di 'yon ganoon. 12 00:01:05,840 --> 00:01:08,200 Sa kwento ng mga sibilisasyon, 13 00:01:08,280 --> 00:01:13,320 baka may mga pagbabago, sumusulpot at nawawalang mga sibilisasyon, 14 00:01:13,400 --> 00:01:17,640 at posibleng maglahong tuluyan ang isang buong sibilisasyon. 15 00:01:17,720 --> 00:01:22,160 Nangyari na 'yon noon, dito sa Mediterranean sa Malta. 16 00:01:43,200 --> 00:01:47,560 Malta, ang napakagandang Mediterranean archipelago, 17 00:01:47,640 --> 00:01:49,120 ay kinamamanghaan ko. 18 00:01:51,600 --> 00:01:56,520 Suspetsa ko, halos lahat ng sinabi ng mga archaeologist tungkol sa nakaraan nito 19 00:01:57,240 --> 00:01:58,240 ay mali. 20 00:02:00,320 --> 00:02:03,680 At dahil ang katotohanan, kung malalaman, 21 00:02:03,760 --> 00:02:08,560 ay makakapagbigay ng mahalagang ebidensiya ng nawawalang sibilisasyon. 22 00:02:11,160 --> 00:02:15,120 Ang dalawang isla ng Malta ay maliit na bahagi lang ng Mediterranean. 23 00:02:16,039 --> 00:02:19,680 Saktong nakagitna sa Europe, Africa, at Middle East, 24 00:02:19,760 --> 00:02:24,080 ilang siglo na iyong pumapel sa kuwento ng sibilisasyon. 25 00:02:28,120 --> 00:02:30,680 Ayon sa opisyal na timeline ng Malta… 26 00:02:31,880 --> 00:02:35,960 mga 7,900 taon na mula noong nanirahan ang unang tao rito. 27 00:02:37,960 --> 00:02:39,960 Simpleng magsasaka sila noong Stone Age 28 00:02:40,040 --> 00:02:42,920 na nakabangkang tumawid sa karagatan mula Italy. 29 00:02:43,000 --> 00:02:45,080 Nanggaling siguro sila sa Sicily… 30 00:02:45,400 --> 00:02:49,600 at nagdala sila ng mga unang alagang hayop, 31 00:02:49,680 --> 00:02:51,480 at mga domestikadong halaman. 32 00:02:55,840 --> 00:03:00,040 At nagkaroon ang mga tao rito ng sarili nilang kultura. 33 00:03:01,800 --> 00:03:05,920 Ayon sa opisyal na timeline, mga 5,600 taon na ang nakakaraan… 34 00:03:07,160 --> 00:03:10,680 nagising sila isang araw at itinayo ito. 35 00:03:18,600 --> 00:03:20,080 Tinatawag itong Ġgantija 36 00:03:21,240 --> 00:03:24,520 at talagang napakalaking megalithic structure nito. 37 00:03:27,920 --> 00:03:29,680 Matagal itong inakalang 38 00:03:29,760 --> 00:03:33,600 pinakamatandang freestanding monumental structure sa daigdig. 39 00:03:38,480 --> 00:03:43,440 Pakiramdam ko, ang liit-liit ko habang nandito sa Ġgantija, 40 00:03:43,520 --> 00:03:46,760 para akong duwende sa mundo ng mga higante. 41 00:03:49,640 --> 00:03:51,240 Gawa ang mga pader sa 42 00:03:51,320 --> 00:03:54,200 daan-daang higanteng megalith na binuhat. 43 00:03:56,560 --> 00:03:58,680 Ilan sa mga ito ay 50 tonelada. 44 00:04:02,120 --> 00:04:03,560 At ang nakikita ngayon 45 00:04:03,640 --> 00:04:06,600 ay kalahati lang ng orihinal na taas ng templo. 46 00:04:14,800 --> 00:04:18,040 Noon, talagang higante ang Ġgantija. 47 00:04:19,920 --> 00:04:21,720 Parang tatlong palapag na bahay. 48 00:04:24,120 --> 00:04:28,720 Gawa ang labas sa malalaking batong pinagpatong-patong. 49 00:04:32,760 --> 00:04:36,720 Dalawang konektadong templong may mga oblong na kuwarto, 50 00:04:38,240 --> 00:04:39,920 pininturahang pula ang loob. 51 00:04:41,600 --> 00:04:42,880 At may mga altar, 52 00:04:42,960 --> 00:04:45,800 kung saan matatagpuan ang sunog na buto ng mga hayop, 53 00:04:46,520 --> 00:04:49,200 kaya maaaring may mga ritwal o kainan doon. 54 00:04:53,280 --> 00:04:57,360 Walang sinulat tungkol sa kung kailan ito itinayo, 55 00:04:57,440 --> 00:04:59,560 at walang maaasahang carbon date. 56 00:05:04,760 --> 00:05:07,480 Gaano na kaya ito katanda? 57 00:05:09,440 --> 00:05:11,880 Ebidensiya ba ito ng nawawalang sibilisasyong 58 00:05:11,960 --> 00:05:13,560 kumbinsido akong 59 00:05:13,640 --> 00:05:17,600 nabuhay bago pa ang sinasabing pagsibol ng sibilisasyon? 60 00:05:22,840 --> 00:05:28,720 Ang tanging rason kaya sinasabi na itinayo ang Ġgantija 5,600 taon na ang nakakaraan 61 00:05:28,800 --> 00:05:31,400 ay dahil may mga natagpuang artepakto roong 62 00:05:31,480 --> 00:05:35,280 tugma sa mga mas simpleng site noong panahon ding 'yon, 63 00:05:36,880 --> 00:05:40,440 pero di ibig sabihing 'yon din ang edad ng estruktura. 64 00:05:41,000 --> 00:05:44,280 Maaaring dinala roon ang mga artepakto sa ibang panahon. 65 00:05:45,240 --> 00:05:49,040 Ang totoo, ang gulo ng prehistory ng Malta. 66 00:05:50,840 --> 00:05:52,240 Isipin mo. 67 00:05:52,320 --> 00:05:55,080 Magagawa ba ito ng mga magsasaka, na ayon sa 68 00:05:55,160 --> 00:05:57,480 mga archaeologist ay simple lang 69 00:05:58,080 --> 00:06:00,240 ang kayang itayo? 70 00:06:02,800 --> 00:06:04,840 Kapag tiningnan ito, 71 00:06:04,920 --> 00:06:09,800 makikita mo ang ebidensiya ng mga kakayahang 72 00:06:09,880 --> 00:06:11,800 kailangan para magawa iyon. 73 00:06:12,600 --> 00:06:17,240 Di lang biglaang natututuhan ang pagbubuhat ng 20 o 30 toneladang megalith. 74 00:06:17,320 --> 00:06:18,880 Kailangan iyong pag-aralan. 75 00:06:18,960 --> 00:06:21,640 Wala akong nakikitang ebidensiya niyon. 76 00:06:22,960 --> 00:06:24,200 At ito pa, 77 00:06:24,720 --> 00:06:28,080 di lang Ġgantija ang megalithic temple ng Malta. 78 00:06:29,800 --> 00:06:31,960 Sa dalawang malaking isla ng Malta, 79 00:06:32,040 --> 00:06:35,960 nakakita ang mga archaeologist ng 19 sinaunang estruktura 80 00:06:37,080 --> 00:06:40,240 sa lupaing kalahati lang ng laki ng Chicago, 81 00:06:41,040 --> 00:06:44,760 at ang pinakamatanda, sabi ng iba, ay ang Ġgantija mismo. 82 00:06:47,680 --> 00:06:52,080 Para sa maliit na islang ito, ang dami ng templong kailangan ng 83 00:06:52,160 --> 00:06:54,160 maraming manggagawa. 84 00:06:54,240 --> 00:06:55,200 Sobra. 85 00:06:56,560 --> 00:07:01,360 Kaya napapatanong ako, sino nga kaya ang gumawa ng Ġgantija at kailan? 86 00:07:01,440 --> 00:07:05,400 Posible bang magawa ng mga taong may simpleng gamit lang 87 00:07:06,480 --> 00:07:10,240 ang mga napakalaki, napakapulido, at 88 00:07:10,320 --> 00:07:12,640 napakakomplikadong estruktura sa Malta? 89 00:07:18,160 --> 00:07:22,960 Mas komplikado at eksplosibo pa roon ang katotohanan. 90 00:07:27,560 --> 00:07:29,760 Nakita na natin 'yon sa Indonesia… 91 00:07:30,600 --> 00:07:36,440 at Mexico, na may maituturo sa atin ang mga sinaunang mito at kuwento. 92 00:07:37,200 --> 00:07:40,520 Ang mga kuwentong ipinamana sa mga henerasyon 93 00:07:40,600 --> 00:07:43,160 ay dapat pansinin ng mga archaeologist. 94 00:07:44,800 --> 00:07:47,640 At kung titingnan ang mga sinaunang alamat ng Malta, 95 00:07:47,720 --> 00:07:49,320 mayroon 'yong kuwento 96 00:07:49,400 --> 00:07:52,320 tungkol sa kung sino ang gumawa ng Ġgantija. 97 00:08:02,200 --> 00:08:07,480 May nakakaintrigang sinaunang alamat tungkol sa higanteng si Sansuna. 98 00:08:11,520 --> 00:08:13,040 Sinasabing ang higante 99 00:08:13,120 --> 00:08:15,720 ay nakipagtalik sa isang lalaki sa lupain 100 00:08:17,120 --> 00:08:19,200 at nanganak ng batang hati. 101 00:08:21,200 --> 00:08:23,480 Matapos 'yon, para magdiwang, 102 00:08:24,240 --> 00:08:27,480 itinayo niya ang templo sa loob ng isang araw at gabi, 103 00:08:28,600 --> 00:08:30,800 habang dala ang bata sa balikat niya. 104 00:08:33,480 --> 00:08:36,920 Napaisip ako roon, siyempre, puwedeng alamat lang 'yon. 105 00:08:37,919 --> 00:08:41,520 Di ako naniniwalang may literal na higante sa mundo noon. 106 00:08:42,799 --> 00:08:45,280 Pero paano kung isa siyang taong 107 00:08:45,360 --> 00:08:48,440 may kakaibang lakas at kakayahan para mag-isang 108 00:08:48,520 --> 00:08:50,720 maitayo ang templong ito? 109 00:08:51,800 --> 00:08:55,000 Malaki ang pagkakatulad ng alamat na ito 110 00:08:55,080 --> 00:08:59,560 sa kuwento ng mga higanteng nagtayo ng Great Pyramid of Cholula sa Mexico, 111 00:09:00,320 --> 00:09:03,440 kuwentong konektado sa dakilang pagbaha noong prehistory. 112 00:09:08,320 --> 00:09:10,720 Maaari kayang ang mga higanteng ito 113 00:09:10,800 --> 00:09:15,760 ay isang mas advanced at mas sinaunang kultura? 114 00:09:16,560 --> 00:09:19,920 Paano kung mali ang timeline ng prehistory ng Malta? 115 00:09:22,720 --> 00:09:25,760 Nang dumating dito ang mga magsasaka mula sa Sicily, 116 00:09:25,840 --> 00:09:28,440 paano kung nandito na ang Ġgantija at iba pang 117 00:09:28,520 --> 00:09:30,200 mga megalithic temple? 118 00:09:30,280 --> 00:09:34,240 Paano kung iba ang nagtayo ng mga estrukturang iyon? 119 00:09:36,720 --> 00:09:41,080 Isang mas advanced na lipunang matagal nang nandito sa Malta. 120 00:09:42,960 --> 00:09:44,240 Di lang 'yon posible, 121 00:09:47,520 --> 00:09:48,560 kundi malamang. 122 00:09:51,440 --> 00:09:53,400 At tingin ko, di sila naglayag, 123 00:09:54,240 --> 00:09:56,120 kundi naglakad. 124 00:09:59,840 --> 00:10:02,880 Di talaga isla noon ang Malta. 125 00:10:03,840 --> 00:10:05,840 Sa dulo ng huling Ice Age, 126 00:10:05,920 --> 00:10:09,680 ang lebel ng karagatan ay nasa 120 metro, 127 00:10:09,760 --> 00:10:12,560 400 feet, mas mababa sa ngayon. 128 00:10:14,600 --> 00:10:17,520 At ang mga islang Maltese ay dating burol, 129 00:10:17,600 --> 00:10:21,360 parte ng isang malaking lupaing nagkonekta sa Malta 130 00:10:21,440 --> 00:10:23,320 at sa ngayo'y Sicily 131 00:10:23,400 --> 00:10:27,360 at mula roon, hanggang sa European mainland. 132 00:10:29,200 --> 00:10:31,680 Noon, di pa magandang tirahan ang Europe. 133 00:10:32,480 --> 00:10:35,720 Malamig, tuyot, at walang pagkakabuhayan. 134 00:10:37,120 --> 00:10:41,000 Alam nating tumawid ang mga hayop noon sa sinaunang tulay 135 00:10:41,080 --> 00:10:46,040 patungo sa mainit at saganang lupain ng Malta at namuhay roon. 136 00:10:48,480 --> 00:10:50,440 Sinundan kaya sila ng mga tao? 137 00:10:55,840 --> 00:10:59,920 May bakas ng mga sinaunang tao sa Sicily noong panahong 'yon. 138 00:11:02,680 --> 00:11:06,000 Bakit di puwedeng nagpatuloy sila sa paglilipat? 139 00:11:07,160 --> 00:11:10,640 Para sa akin, ang misteryo ng biglaang pagsulpot ng mga 140 00:11:10,720 --> 00:11:13,800 templong Maltese 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan, 141 00:11:13,880 --> 00:11:15,800 ay masasagot ng paniniwalang 142 00:11:15,880 --> 00:11:18,400 matagal nang may tao roon, noong Ice age, 143 00:11:18,480 --> 00:11:21,120 12,000, 14,000 taon na ang nakakaraan, 144 00:11:21,200 --> 00:11:22,880 noong konektado pa ang Malta. 145 00:11:25,080 --> 00:11:28,080 Ang problema ay paniniwala ng mga archaeologist 146 00:11:28,160 --> 00:11:32,000 na walang ebidensiya ng kahit anong tao sa Malta 147 00:11:32,080 --> 00:11:33,640 noong panahong 'yon. 148 00:11:33,720 --> 00:11:35,560 Pero di 'yon totoo. 149 00:11:36,840 --> 00:11:39,280 At nandito sa kuweba ang pruweba. 150 00:11:43,400 --> 00:11:44,440 Ito ang Ghar Dalam, 151 00:11:45,280 --> 00:11:48,240 malapit sa baybay ng main na isla ng Malta. 152 00:11:50,720 --> 00:11:53,280 Isang geological na preserbasyong 153 00:11:53,360 --> 00:11:56,400 nakakapagpakita ng prehistory ng Malta. 154 00:12:00,440 --> 00:12:04,560 Nag-iwan dito ng mga buto at kalansay ng mga hayop ang ilang pagbaha 155 00:12:04,640 --> 00:12:06,640 ilang libong taon na ang nakakaraan. 156 00:12:12,720 --> 00:12:14,400 Si Dr. Anton Mifsud, 157 00:12:14,480 --> 00:12:17,320 presidente ng Prehistoric Society of Malta, 158 00:12:17,400 --> 00:12:19,640 ay ilang dekada na itong pinag-aaralan. 159 00:12:19,720 --> 00:12:20,920 Malaki iyon. 160 00:12:21,000 --> 00:12:25,120 Nagdulot ng kontrobersiya ang kaniyang mga nalaman. 161 00:12:27,080 --> 00:12:29,520 Nakatala sa bato ng kuweba ng Ghar Dalam 162 00:12:29,600 --> 00:12:31,040 ang prehistory ng Malta, 163 00:12:31,120 --> 00:12:35,560 at alam kong mahalaga ang stalagmite na ito sa trabaho mo. 164 00:12:35,640 --> 00:12:39,440 Simula sa light brown… 165 00:12:39,520 --> 00:12:41,160 -Ang cultural layer. -Tama. 166 00:12:41,240 --> 00:12:42,560 May mga tumira dito. 167 00:12:42,640 --> 00:12:46,800 -Oo. Sa huling 8,000 taon. Oo. -Huling 8,000 taon. Tama. 168 00:12:46,880 --> 00:12:52,080 At dito, sa ilalim niyon, may tinatawag na Pleistocene sheet. 169 00:12:52,160 --> 00:12:53,960 -Sa ilalim pa niyon… -Oo. 170 00:12:54,040 --> 00:12:56,080 -papunta na sa Ice Age… -May… 171 00:12:56,160 --> 00:12:58,480 may mga labi ng hayop noong Ice Age… 172 00:12:58,560 --> 00:13:00,480 -Oo. -pero di ito cultural layer 173 00:13:00,560 --> 00:13:03,080 dahil kumbinsido silang walang tao rito. 174 00:13:03,160 --> 00:13:04,240 Eksakto. 175 00:13:05,000 --> 00:13:10,240 Ang mga nasa lalim na ito ay higit pa sa 11,600 taon na. 176 00:13:10,320 --> 00:13:13,240 Kung tama ang opisyal na tala ng kasaysayan nito, 177 00:13:13,320 --> 00:13:17,120 wala dapat bangkay ng tao sa nahukay. 178 00:13:19,480 --> 00:13:23,720 Pero lagpas isang siglo na, may nahanap ang mga archaeologist. 179 00:13:25,160 --> 00:13:26,960 Di ito inaasahan ng kahit sino. 180 00:13:28,880 --> 00:13:34,880 Noong 1917, may nakitang dalawang espesyal na ngipin. 181 00:13:34,960 --> 00:13:35,800 Oo. 182 00:13:37,160 --> 00:13:40,400 Mayroong fossilized na kulay, walang ugat. 183 00:13:40,480 --> 00:13:43,000 Nasa katawan na ng ngipin ang ugat. 184 00:13:43,080 --> 00:13:46,000 Oo. Ngipin ba ito ng Neanderthal? 185 00:13:46,080 --> 00:13:48,000 -Oo. -At saan nakita ang ngipin? 186 00:13:48,080 --> 00:13:51,080 Nakita rito, at sa ilalim ng mga stalagmite. 187 00:13:51,160 --> 00:13:53,160 -Sa ilalim ng stalagmite. -Mismo. 188 00:13:53,240 --> 00:13:54,640 Kumbinsido ang mga 189 00:13:54,720 --> 00:13:56,760 eksperto na ebidensiya itong 190 00:13:56,840 --> 00:13:59,360 maaaring magpabago ng istorya ng Malta. 191 00:14:03,480 --> 00:14:04,480 Heto ang pruweba… 192 00:14:04,560 --> 00:14:08,360 na tumawid ang mga Neanderthal sa land bridge. 193 00:14:09,800 --> 00:14:15,120 Pero minsan, may mga gustong magtago ng nahuhukay ng mga archeaologist. 194 00:14:16,200 --> 00:14:21,800 Noong 1952, may mga relative dating test na ginawa. 195 00:14:21,880 --> 00:14:23,960 Ano ang mga resulta niyon? 196 00:14:24,040 --> 00:14:26,200 Di nilabas ang mga resulta. 197 00:14:27,320 --> 00:14:30,440 Walang may alam kung bakit. 198 00:14:31,400 --> 00:14:34,600 Ang alam natin ay sa mga sumunod na taon, 199 00:14:34,680 --> 00:14:38,080 di binigyan ng halaga ang mga ngipin. 200 00:14:39,360 --> 00:14:42,400 At hanggang ngayon, pinagpipilitan ng mga libro 201 00:14:42,480 --> 00:14:47,920 na walang uri ng taong nakarating sa Malta bago ang 7,900 taon. 202 00:14:48,480 --> 00:14:52,720 Bakit ba ayaw ng mga archaeologist ng mas maagang mga tao? 203 00:14:57,360 --> 00:15:00,760 Mahirap baguhin ang nakasanayan. 204 00:15:00,840 --> 00:15:02,560 Kapag may konsepto nang 205 00:15:02,640 --> 00:15:06,480 ginamit ang mga iskolar sa isang partikular na larangan, 206 00:15:06,560 --> 00:15:08,560 ayaw na nilang iwan 'yon, 207 00:15:08,640 --> 00:15:11,720 at talagang ipagpipilitan nila 'yon, 208 00:15:11,800 --> 00:15:13,200 at atake na sa kanila 209 00:15:13,280 --> 00:15:15,880 ang pag-atake roon, kaya dedepensahan nila. 210 00:15:18,040 --> 00:15:20,240 Para sa sarili niyang imbestigasyon, 211 00:15:20,320 --> 00:15:26,240 noong 2016, nagbayad si Dr. Mifsud ng sarili niyang analysis. 212 00:15:27,280 --> 00:15:29,720 Sinuri sila ng tatlong magagaling na 213 00:15:29,800 --> 00:15:31,520 -physical anthropologists… -Oo. 214 00:15:31,600 --> 00:15:33,600 at kinumpirma nilang Neanderthal. 215 00:15:33,680 --> 00:15:34,600 Tama. 216 00:15:35,160 --> 00:15:38,640 Ebidensiya ito ng tao noong Ice Age. 217 00:15:41,200 --> 00:15:43,480 Anong epekto nito sa kuwento ng Malta? 218 00:15:44,240 --> 00:15:47,960 Babaguhin nito ang mga petsa. Nang napakalayo. 219 00:15:48,040 --> 00:15:48,920 Oo. 220 00:15:49,000 --> 00:15:51,200 May bagong kabanata nang idaragdag. 221 00:15:53,320 --> 00:15:54,160 Oo. 222 00:15:55,280 --> 00:15:58,680 Kung nandito ang mga Neanderthal noon sa Malta, 223 00:15:58,760 --> 00:16:02,840 patunay 'yon na ginamit ng mga sinaunang tao ang land bridge 224 00:16:02,920 --> 00:16:05,320 at posibleng may isa pang kulturang 225 00:16:05,400 --> 00:16:07,120 nag-iwan ng marka nila rito. 226 00:16:10,440 --> 00:16:16,160 Sa pananaw ko, malaki ang tiyansang may mas lumang sibilisasyon dito sa Malta 227 00:16:16,240 --> 00:16:18,640 at di lang ngipin ang ebidensiya. 228 00:16:23,360 --> 00:16:27,200 Ipapakita ko sa inyo ang nakita ko 50 taon na ang nakakaraan 229 00:16:27,280 --> 00:16:29,080 nang una akong bumisita rito, 230 00:16:29,160 --> 00:16:33,400 sa mismong bedrock ng isla. 231 00:16:36,040 --> 00:16:38,960 Isa iyong phenomenon na matatagpuan sa buong isla. 232 00:16:40,560 --> 00:16:45,360 Magkakatapat na grooved channel na nakaukit sa sinaunang limestone. 233 00:16:46,800 --> 00:16:49,800 Halos 35 kilometro ito, 234 00:16:51,040 --> 00:16:53,680 kadalasan ay nagtatagpo na parang riles. 235 00:16:54,720 --> 00:16:57,560 Pinaniniwalan ng mga mainstream archaeologist 236 00:16:57,640 --> 00:17:00,920 na wala pang 2,600 taon ang edad nila, 237 00:17:01,760 --> 00:17:03,960 pero di pa sila inaaral nang seryoso. 238 00:17:05,000 --> 00:17:08,080 Di nagpapakita ng halatang marka ng gamit 239 00:17:08,160 --> 00:17:11,520 at di rin sila resulta ng natural na proseso. 240 00:17:12,400 --> 00:17:14,440 Malamang, gawa ito ng tao. 241 00:17:14,520 --> 00:17:17,440 Pero di sigurado kung ano ang silbi nila. 242 00:17:18,400 --> 00:17:22,400 Iniisip na gamit ito sa transportasyon. 243 00:17:22,480 --> 00:17:25,319 Kaya tinawag na "cart ruts." 244 00:17:27,040 --> 00:17:28,960 Pero ito ang nakakaintriga. 245 00:17:29,040 --> 00:17:31,720 Di lang sa lupa ang mga ito. 246 00:17:33,119 --> 00:17:35,760 May ilang umabot sa dagat. 247 00:17:37,480 --> 00:17:40,280 Heto ang dalawa sa ilalim ng modernong kalsada, 248 00:17:40,360 --> 00:17:44,320 pero naglalaho sa ilalim ng tubig ng pampang. 249 00:17:44,400 --> 00:17:46,680 Halatang ginawa ito bago tumaas ang dagat. 250 00:17:49,920 --> 00:17:54,840 Hinanap at sinundan ko ang mga gawa ng taong uka sa ilalim ng tubig, 251 00:17:54,920 --> 00:18:00,440 at kinuhanan ang halos isang kilometrong layo at 25 metrong lalim. 252 00:18:03,040 --> 00:18:05,200 Kung sinuman ang gumawa nito, 253 00:18:05,280 --> 00:18:08,320 ginawa nila ito nang di pa ito dagat, 254 00:18:08,400 --> 00:18:12,640 higit 12,000 taon na ang nakakaraan, noong Ice Age. 255 00:18:13,920 --> 00:18:17,240 Napapaisip ako kung ano pang prehistory ng Malta 256 00:18:17,320 --> 00:18:19,120 ang nakatago sa tubig? 257 00:18:19,200 --> 00:18:21,200 Ilan pang gawa ng tao, 258 00:18:21,280 --> 00:18:24,640 baka megalithic na templo pa nga, ang di pa nadidiskubre? 259 00:18:28,360 --> 00:18:31,320 Ang rason ng paniniwala kong may sinaunang intelihente 260 00:18:31,400 --> 00:18:33,760 na nasa likod ng mga templo sa Malta 261 00:18:33,840 --> 00:18:37,360 ay dahil mas komplikado ang mga ito kaysa sa inaasahan. 262 00:18:39,680 --> 00:18:42,000 Sa ilalim ng taklob ng proteksiyon, 263 00:18:42,080 --> 00:18:47,000 nakatago ang isa sa mga pinakamagandang templo ng Malta, ang Mnajdra. 264 00:18:51,080 --> 00:18:55,200 Tinatakpan ito ng panaklob mula sa langit, 265 00:18:55,280 --> 00:18:56,680 na sayang, 266 00:18:57,560 --> 00:18:59,280 dahil ang gumawa nito ay 267 00:18:59,360 --> 00:19:03,560 may nakakabilib na kaalaman tungkol sa cosmos, 268 00:19:04,280 --> 00:19:07,120 at di 'yon itinatanggi ng mga archaeologist. 269 00:19:08,800 --> 00:19:11,400 Inobserbahan nila ang pag-angat ng araw, 270 00:19:11,480 --> 00:19:14,160 at ang posisyon ng mga bituin. 271 00:19:14,960 --> 00:19:17,600 At nilagay nila ang mga obserbasyong 'yon 272 00:19:17,680 --> 00:19:19,400 sa kanilang arkitektura. 273 00:19:24,320 --> 00:19:28,800 Alam ng mga gumawa ng Mnajdra kung paano basahin ang langit. 274 00:19:31,040 --> 00:19:32,600 Sa spring at fall equinox, 275 00:19:32,680 --> 00:19:35,920 petsang Marso 21 at Setyembre 21, 276 00:19:36,560 --> 00:19:41,840 ang sinag ng araw ay eksaktong hinahati ang pasukan ng templo, 277 00:19:41,920 --> 00:19:45,600 at pinupuno niyon ang buong altar ng maliwanag na araw. 278 00:19:59,040 --> 00:20:01,800 Sa mga okasyong 'yon, ang loob ng templo 279 00:20:01,880 --> 00:20:04,760 ay lumiliwanag na parang mahika. 280 00:20:06,760 --> 00:20:08,200 At di lang 'yon. 281 00:20:08,280 --> 00:20:10,920 Sa umaga ng summer at mga winter solstice, 282 00:20:11,000 --> 00:20:13,440 ang mga pinakamahaba at pinakamaikling araw, 283 00:20:13,520 --> 00:20:16,520 iba ang pagtama ng liwanag 284 00:20:16,600 --> 00:20:19,320 na eksaktong tumatanglaw sa talim ng mga megalith 285 00:20:19,400 --> 00:20:21,400 sa kaliwa at kanan ng pinto. 286 00:20:23,840 --> 00:20:27,680 Makikita rin ito sa ibang mga sinaunang estruktura. 287 00:20:27,760 --> 00:20:29,840 Ang Great Pyramid of Cholula… 288 00:20:30,360 --> 00:20:34,240 at ang mga pyramid sa ilalim, ay nakaharap sa araw 289 00:20:34,320 --> 00:20:35,800 kapag summer solstice. 290 00:20:36,600 --> 00:20:40,440 Pati ang ibang mga megalithic site sa mundo ay ganoon. 291 00:20:41,440 --> 00:20:42,640 gaya ng Stonehenge, 292 00:20:44,040 --> 00:20:45,760 o ang Temple of Karnak sa Egypt. 293 00:20:48,240 --> 00:20:52,040 Dito sa Mnajdra, ginawa ng mga sinauna ang malalaking estruktura 294 00:20:52,120 --> 00:20:55,160 para ipagdiwang ang pagsasama ng langit at lupa. 295 00:20:55,240 --> 00:20:58,400 Sa katunayan, ang Mnajdra at ibang templo 296 00:20:58,480 --> 00:21:02,680 ay maaaring parte ng mas malaking sinaunang astronomikal na proyekto. 297 00:21:02,760 --> 00:21:05,840 Kung mapatunayan iyon, 298 00:21:06,440 --> 00:21:10,200 maaaring mabago niyon ang timeline ng prehistory ng Malta. 299 00:21:12,120 --> 00:21:14,560 Si Lenie Reedijk, mananaliksik at awtor, 300 00:21:14,640 --> 00:21:17,840 ay nilibot na ang lahat ng megalithic temple ng Malta 301 00:21:17,920 --> 00:21:20,760 at pinag-aralan nang maigi ang kanilang puwesto. 302 00:21:20,840 --> 00:21:22,640 Nagulat siya, 303 00:21:22,720 --> 00:21:27,360 dahil wala sa mga templo ng Malta ang nakahanay sa mga equinox o solstice. 304 00:21:28,640 --> 00:21:33,200 Pero wala rin silang hinahanayang kahit anong bagay sa lugar. 305 00:21:34,040 --> 00:21:37,760 Sa katunayan, wala sa kanila ang nakaharap sa parehong direksiyon. 306 00:21:39,040 --> 00:21:41,160 Iba-iba silang lahat. 307 00:21:41,240 --> 00:21:44,880 -Kakaiba iyon. -Nakakapagtaka nga. 308 00:21:45,840 --> 00:21:48,560 Iisipin mong mayroon silang 309 00:21:48,640 --> 00:21:51,840 nais na paggayahan. 310 00:21:53,720 --> 00:21:58,080 Bakit Mnajdra lang ang templong nakahanay sa mga solstice? 311 00:21:59,040 --> 00:22:03,280 May koneksiyon ba sa ibang bagay sa langit ang ibang mga templo? 312 00:22:04,920 --> 00:22:06,320 Kung ganoon, ano? 313 00:22:09,680 --> 00:22:11,960 Kailangang maghanap ng prinsipyo. 314 00:22:12,720 --> 00:22:17,120 Kailangang may alam ka sa archeoastronomy. 315 00:22:18,040 --> 00:22:20,560 Iyon ang astronomiya ng mga sinauna. 316 00:22:20,640 --> 00:22:26,240 May paggalaw sa langit 317 00:22:26,320 --> 00:22:29,640 na may pangalan, at 'yon ay precession. 318 00:22:34,080 --> 00:22:38,880 Di alam ng karamihang di perpektong bilog ang Earth. 319 00:22:38,960 --> 00:22:41,480 Di 'yon pantay dahil sa equator. 320 00:22:42,040 --> 00:22:43,280 Ang resulta? 321 00:22:43,360 --> 00:22:46,400 Dahil sa paghatak ng araw at buwan, 322 00:22:46,480 --> 00:22:50,680 medyo gumegewang ang Earth habang umiikot sa axis. 323 00:22:50,760 --> 00:22:54,720 Ang precession ang nag-iiba ng nakikita natin sa langit, 324 00:22:54,800 --> 00:22:59,800 kaya mukhang nagbabago ang posisyon ang malalayong constellation. 325 00:22:59,880 --> 00:23:04,080 Ang buong langit ay bahagyang gumagalaw. 326 00:23:04,160 --> 00:23:07,960 Isang degree lang ang pagkakaiba 327 00:23:08,040 --> 00:23:14,760 sa pagtaas at pagbaba ng posisyon ng kahit anong bituin sa 72 taon. 328 00:23:15,840 --> 00:23:20,320 Kaya kung ginagawa mo ang mga templo para tumuro sa isang bituin, 329 00:23:20,400 --> 00:23:21,760 paglipas ng mga siglo, 330 00:23:21,840 --> 00:23:26,160 magbabago ang pagkakahanay niyon gaya ng nakita natin sa Malta. 331 00:23:29,440 --> 00:23:30,760 Pero may problema. 332 00:23:30,840 --> 00:23:32,360 Ang opisyal ng timeline… 333 00:23:32,440 --> 00:23:37,280 ay nagsasabing ginawa ang mga 'yon sa pagitan ng 5,600 334 00:23:37,360 --> 00:23:39,480 at 4,500 taon na ang nakakalipas. 335 00:23:39,640 --> 00:23:42,720 Kung titingnan ang mga bituin 336 00:23:42,800 --> 00:23:45,480 na kita sa langit noon, 337 00:23:45,560 --> 00:23:47,800 walang posibleng tugma. 338 00:23:48,560 --> 00:23:51,080 May matinding pagtanggi 339 00:23:51,160 --> 00:23:56,440 sa kahit anong wala sa kinagisnang teorya. 340 00:23:56,520 --> 00:23:58,240 Para aralin ang nakaraan 341 00:23:58,320 --> 00:24:00,640 -ng mga templo. -Eksakto. 342 00:24:03,440 --> 00:24:05,200 Pero gamit ang software 343 00:24:05,280 --> 00:24:08,480 na nagtatala ng paggalaw ng mga bituin sa kasaysayan, 344 00:24:09,440 --> 00:24:12,880 nabalik ni Lenie ang langit sa nakaraan, 345 00:24:14,040 --> 00:24:18,120 at naghanap siya ng mga bituing nakahanay sa mga templo. 346 00:24:19,720 --> 00:24:23,360 At di lang sa panahong sinabing ginawa sila, 347 00:24:24,080 --> 00:24:26,320 kundi sa mas matagal pa roon. 348 00:24:27,640 --> 00:24:32,920 Naghanap ako, tapos bigla ko na lang nakita. 349 00:24:34,000 --> 00:24:36,920 Nakahanay ang mga templo sa isang bituin. 350 00:24:38,640 --> 00:24:43,360 Ang Sirius, o kilala rin bilang Dog Star. 351 00:24:45,600 --> 00:24:49,520 Nakahanay iyon sa lahat noong unang panahon. 352 00:24:49,600 --> 00:24:53,200 Tugma sa lahat ng templo. Bawat isa. 353 00:24:57,800 --> 00:25:00,760 At kapansin-pansing bituin ang Sirius. 354 00:25:00,840 --> 00:25:03,080 Kung tama ako, iyon ang pinakamaliwanag. 355 00:25:03,160 --> 00:25:07,000 Oo, sobra. Doble ang liwanag niyon sa susunod na pinakamaliwanag. 356 00:25:09,080 --> 00:25:10,800 Maipapaliwanag din ng teorya 357 00:25:10,880 --> 00:25:14,240 kung bakit nagtayo ng napakaraming templo noon. 358 00:25:15,480 --> 00:25:18,320 Dahil nagbago ang posisyon ng Sirius, 359 00:25:18,400 --> 00:25:21,040 nawala iyon sa hanay ng bawat templo, 360 00:25:21,120 --> 00:25:26,040 kaya kinailangan nilang magtayo ng panibago. 361 00:25:28,000 --> 00:25:33,080 Dahil sa precession, ilang libong taon nang di kita ang Sirius sa Malta, 362 00:25:33,160 --> 00:25:36,880 bago iyon makita ulit sa langit dahil sa paggewang ng Earth, 363 00:25:36,960 --> 00:25:39,000 11,000 taon na ang nakakaraan. 364 00:25:39,680 --> 00:25:42,840 At ang templong nakahanay roon 365 00:25:42,920 --> 00:25:46,560 matapos ang matagal na pagkawala ay ang Hagar Qim North. 366 00:25:47,720 --> 00:25:50,680 Iyon din ang pinakamaliit. 367 00:25:50,760 --> 00:25:52,200 Nagsimula sila nang maliit, 368 00:25:52,280 --> 00:25:54,760 -at paglipas ng panahon… -Oo. 369 00:25:54,840 --> 00:25:58,080 …iyon na ang pinakamalaki. 370 00:25:58,160 --> 00:25:59,400 Ang cathedral, 371 00:26:00,600 --> 00:26:02,120 ang Ġgantija. 372 00:26:04,240 --> 00:26:05,680 Pero kung tama si Lenie, 373 00:26:06,360 --> 00:26:10,320 ibig sabihin, ilang libong taon nang ginagawa ang proyektong iyon 374 00:26:10,400 --> 00:26:13,120 bago pa dumating ang mga magsasaka sa isla… 375 00:26:17,960 --> 00:26:22,280 …at maaaring gawa iyon ng kulturang may advanced na kaalaman sa astronomiya, 376 00:26:23,800 --> 00:26:26,160 at arkitektura. 377 00:26:31,680 --> 00:26:34,520 Kung bakit pinili nilang parangalan ang Sirius… 378 00:26:37,080 --> 00:26:38,400 maaaring dahil lang 379 00:26:38,480 --> 00:26:41,560 iyon ang pinakamaliwanag na bituin sa langit. 380 00:26:42,800 --> 00:26:44,800 Pero maaaring higit pa roon. 381 00:26:46,320 --> 00:26:49,240 Malaki ang papel ng Sirius 382 00:26:49,320 --> 00:26:52,120 sa alamat ng isa pang tanyag na kultura, 383 00:26:52,760 --> 00:26:54,200 ang sinaunang Egypt, 384 00:26:54,280 --> 00:26:58,920 kung saan konektado iyon sa taunang pagbaha ng Nile at ang bagong taon 385 00:26:59,880 --> 00:27:02,880 at simbolo rin ng magiting nilang diyosa, si Isis. 386 00:27:05,120 --> 00:27:07,080 At di lang 'yon ang koneksiyon 387 00:27:07,160 --> 00:27:09,120 sa pagitan ng Egypt at Malta noon. 388 00:27:10,920 --> 00:27:15,880 Tradisyunal na nilalagyan ang mga bangka sa Malta ng isang simbolo… 389 00:27:18,080 --> 00:27:20,000 na hango sa mito ng Egypt… 390 00:27:22,720 --> 00:27:24,120 ang Eye of Horus. 391 00:27:26,160 --> 00:27:30,480 Naniniwala ang mga mangingisdang nakakasuwerte iyon sa kanila 392 00:27:30,560 --> 00:27:32,400 at nagbibigay ng proteksiyon. 393 00:27:34,240 --> 00:27:36,480 Ang parehong simbolo 394 00:27:36,560 --> 00:27:39,320 ang malaki rin ang gampanin sa sinaunang Egypt. 395 00:27:41,040 --> 00:27:46,560 Ang tradisyong ito ang nagkokonekta sa Malta at pinakasikat na mito ng Egypt, 396 00:27:47,360 --> 00:27:50,240 ang kuwento ng mga magulang ng diyos na si Horus… 397 00:27:50,320 --> 00:27:52,160 sina Osiris at Isis. 398 00:27:56,040 --> 00:28:00,320 Noong unang panahon, bumaba sa Egypt ang diyos na si Osiris 399 00:28:00,400 --> 00:28:03,200 upang mamuno kasama ang kapatid niyang si Isis, 400 00:28:03,280 --> 00:28:06,280 pero di sibilisado at magulo ang mga tao. 401 00:28:07,560 --> 00:28:09,680 Kaya nagdala si Osiris ng kultura, 402 00:28:09,760 --> 00:28:13,200 nagtatag ng batas, at nagturo ng agrikultura. 403 00:28:14,920 --> 00:28:18,920 Tapos, pinagkatiwala niya kay Isis ang Egypt nang naglayag siya 404 00:28:19,000 --> 00:28:22,000 upang turuan din ang ibang mga lahi. 405 00:28:25,160 --> 00:28:28,080 Ang mito ng naglalayag na sibilisadong bayani 406 00:28:28,160 --> 00:28:30,560 ay pamilyar sa iba kong paglalakbay. 407 00:28:31,760 --> 00:28:36,480 Ang kuwento ni Osiris ay katulad ng kay Quetzalcoatl sa Mexico, 408 00:28:36,560 --> 00:28:39,080 at ibang mga bayani sa sinaunang mundo. 409 00:28:40,360 --> 00:28:44,440 Mga gurong dumarating matapos ang malawakang pagkagunaw, 410 00:28:44,520 --> 00:28:46,680 at nagbibigay ng sibilisasyon, 411 00:28:46,760 --> 00:28:49,840 nagpapakita sa mga tao kung paano gumawa, 412 00:28:50,640 --> 00:28:54,080 at gumamit ng agrikultura at unawain ang kalangitan. 413 00:28:56,040 --> 00:29:01,920 Posible kayang ang mga mitong ito mula sa iba't ibang kultura 414 00:29:02,000 --> 00:29:05,360 ay maikonekta sa iisang pinanggalingan? 415 00:29:07,320 --> 00:29:10,960 Kung ang mga nakasaplot at may balbas na taong itong galing 416 00:29:11,040 --> 00:29:13,440 sa silangan pa-Americas, Mediterranean, 417 00:29:13,520 --> 00:29:15,760 ay nagmula sa iisang sinaunang kultura, 418 00:29:16,560 --> 00:29:19,640 ibig sabihin, habang ang mga ninuno natin 419 00:29:19,720 --> 00:29:21,520 ay abala dahil sa Ice Age, 420 00:29:22,240 --> 00:29:24,760 may ibang nililibot ang mundo, 421 00:29:26,560 --> 00:29:29,240 ibinabahagi sa iba ang kanilang kakayahan. 422 00:29:30,520 --> 00:29:33,680 At naniniwala akong may pruweba niyon sa isa pang isla, 423 00:29:34,320 --> 00:29:38,640 na gaya ng Malta, ay nalunod sa dulo ng huling Ice Age, 424 00:29:39,480 --> 00:29:43,200 sa kaasulan ng Caribbean. 425 00:29:45,960 --> 00:29:51,480 Kung may advanced na sibilisasyon dito 11,600 taon na ang nakakaraan, 426 00:29:51,560 --> 00:29:56,520 ibig sabihin, may ebidensiyang mahahanap sa ilalim ng karagatan. 427 00:29:57,600 --> 00:29:59,680 Pag-usapan natin ang Atlantis. 428 00:30:26,640 --> 00:30:31,640 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni EMN