1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERYE MULA SA NETFLIX 2 00:00:14,880 --> 00:00:17,640 Tayo ba ay mga nilalang na may amnesia? 3 00:00:18,960 --> 00:00:22,480 Nakalimutan ba natin ang mahalagang parte ng istorya natin? 4 00:00:24,520 --> 00:00:25,600 Ako si Graham Hancock, 5 00:00:25,680 --> 00:00:29,360 at maraming arkeologo ang galit sa 'kin dahil gusto kong malaman. 6 00:00:31,280 --> 00:00:34,640 Ang paniniwala tungkol sa nawalang sibilisasyon ng Ice Age 7 00:00:34,720 --> 00:00:38,640 ay tunay na mapanganib sa mainstream na arkeolohiya 8 00:00:38,720 --> 00:00:42,840 dahil binabali nito ang nakasanayan na. 9 00:00:43,520 --> 00:00:45,560 Tinatanggal nito ang pundasyon. 10 00:00:45,640 --> 00:00:47,120 Wala akong pakialam doon. 11 00:00:49,000 --> 00:00:52,400 May mga taong dumating at dahil sa mga nagawa nila… 12 00:00:52,520 --> 00:00:55,760 binago nito ang pag-intindi ng tao. 13 00:00:55,840 --> 00:00:58,560 Si Graham Hancock ang taong 14 00:00:58,640 --> 00:01:01,480 sa kabila ng mga insulto… 15 00:01:01,560 --> 00:01:02,440 MGA KALOKOHANG TEORYA 16 00:01:02,520 --> 00:01:04,560 …at lahat ng mga nangungutya… 17 00:01:04,640 --> 00:01:05,880 BASURA 18 00:01:05,960 --> 00:01:07,640 …nagpatuloy lang siya. 19 00:01:08,600 --> 00:01:11,280 Ang inaalala ko lang ay pag-aaral ng nakaraan 20 00:01:11,960 --> 00:01:16,280 para mawala ang kaguluhan na bumabalot sa prehistory. 21 00:01:16,360 --> 00:01:18,600 At kaguluhan ito dahil walang patunay. 22 00:01:18,680 --> 00:01:22,320 Kailagang ilarawan ang nakaraan mula sa maliit na ebidensiya. 23 00:01:26,760 --> 00:01:30,800 Mga kuwento, alamat, mitolohiya. 24 00:01:32,240 --> 00:01:35,080 Lahat ng ito ay mahahalagang ebidensiya. 25 00:01:36,960 --> 00:01:41,440 At isa sa mga pinakamisteryoso't iskandalosong mitolohiya sa prehistory 26 00:01:41,520 --> 00:01:45,320 ay naririto sa 'tin sa pamamagitan ng sinaunang kultura ng Mexico. 27 00:01:56,840 --> 00:02:02,040 NAKALIGTAS SA ORAS NG KAGULUHAN 28 00:02:06,280 --> 00:02:08,480 Sa paghahanap ko sa sibilisasyon, 29 00:02:09,640 --> 00:02:14,360 napunta ako sa lupa ng masasagang lambak at kumukulong mga bulkan. 30 00:02:15,960 --> 00:02:17,480 KARAGATANG PASIPIKO - MEXICO - GOLPO NG MEXICO 31 00:02:17,560 --> 00:02:19,520 Ito ang rehiyon ng Puebla. 32 00:02:21,520 --> 00:02:26,320 Ang pinakamatandang lungsod sa bansa, ang Cholula. 33 00:02:30,600 --> 00:02:34,560 Ngayon, isa nang modernong metropolis ng mahigit 100,000 na tao, 34 00:02:35,840 --> 00:02:38,880 mayroon itong itinatagong sinaunang sikreto. 35 00:02:42,920 --> 00:02:45,280 Isinulat ng mga nagwagi ang kasaysayan. 36 00:02:46,320 --> 00:02:48,640 Tunay lalo 'yan sa Mexico. 37 00:02:49,680 --> 00:02:53,840 Noong dumating ang mga Espanyol na mananakop sa Cholula noong 1519, 38 00:02:53,920 --> 00:02:56,240 pinatay nila ang mga nakatira dito, 39 00:02:58,040 --> 00:03:00,560 sinira hindi lang ang kanilang kultura, 40 00:03:00,640 --> 00:03:02,720 pati na rin ang lahat ng bakas 41 00:03:02,800 --> 00:03:05,880 ng mas sinaunang kultura na nauna sa kanila. 42 00:03:07,760 --> 00:03:09,720 Pero hindi kayang burahin lahat. 43 00:03:11,160 --> 00:03:15,520 Akala ng mga mananakop na ang burol na ito ay burol lang, 44 00:03:15,600 --> 00:03:17,640 at nagtayo sila ng simbahan dito. 45 00:03:18,560 --> 00:03:22,800 Pero ang burol na ito ay higit pa roon. 46 00:03:23,600 --> 00:03:29,160 Sa katunayan, ito ang pinakamalaking monumentong itinayo sa buong mundo. 47 00:03:31,400 --> 00:03:34,040 At gayon pa man, baka 'di mo pa ito narinig. 48 00:03:35,600 --> 00:03:37,880 Ito ang Great Pyramid of Cholula. 49 00:03:41,520 --> 00:03:44,080 Pagkatapos ng ilang siglo ng kapabayaan, 50 00:03:44,160 --> 00:03:45,760 imposible nang maintindihan 51 00:03:45,840 --> 00:03:49,080 ang matinding halaga ng dating nakatayo rito. 52 00:03:49,800 --> 00:03:53,360 Pero may ideya kami kung ano ang itsura nito dati. 53 00:03:57,640 --> 00:04:00,640 Tinataya na ang Great Pyramid of Cholula 54 00:04:00,720 --> 00:04:05,600 ay may taas na 213 talampakan, 65 metro. 55 00:04:06,720 --> 00:04:09,440 Base sa ebidensya, ito ay orihinal na itinayo 56 00:04:09,520 --> 00:04:12,960 para sa sinaunang diyos ng ulan at baha sa Mexico 57 00:04:13,040 --> 00:04:15,560 na kinikilala ng mga Aztec na si Tlaloc. 58 00:04:17,240 --> 00:04:20,240 Ginawa ito gamit ang putik at straw adobe na laryo, 59 00:04:20,320 --> 00:04:23,560 hindi ito kasintaas ng Great Pyramid of Giza sa Egypt, 60 00:04:23,640 --> 00:04:27,640 pero mas malaki ito nang halos tatlong beses ang lapad, 61 00:04:27,720 --> 00:04:31,080 may sukat na 400 sa 400 na metro sa ibaba nito, 62 00:04:31,800 --> 00:04:34,080 halos 30 na football field, 63 00:04:35,280 --> 00:04:37,320 kaya ito ang pinakamalaking monumento 64 00:04:37,400 --> 00:04:41,880 na itinayo ng kahit anong sibilisasyon. 65 00:04:48,040 --> 00:04:50,480 Napagtanto ng mga arkeologo 66 00:04:50,560 --> 00:04:54,680 na ang pyramid ay itinayo walong siglo na ang nakalipas, 67 00:04:54,760 --> 00:04:56,680 mga 1200 AD. 68 00:04:58,000 --> 00:05:01,840 Pero noong binubuksan na nila ang istraktura, 69 00:05:01,920 --> 00:05:05,400 namangha sila sa natagpuan nila sa loob. 70 00:05:10,520 --> 00:05:12,400 Kakaiba ang pakiramdam 71 00:05:12,480 --> 00:05:14,880 kapag pumasok sa pinakamalaking pyramid. 72 00:05:16,680 --> 00:05:18,880 Sa loob ay may magagandang mga mural 73 00:05:19,720 --> 00:05:23,440 na naglalarawan ng mga mitolohikong pangyayari at nilalang… 74 00:05:25,680 --> 00:05:29,280 at mapanuksong sulyap ng maraming salansan ng konstruksiyon. 75 00:05:32,480 --> 00:05:35,960 Nagbibigay ba sila ng bakas sa malaking misteryo nito? 76 00:05:39,720 --> 00:05:42,000 Ito kaya ay pamana sa daigdig 77 00:05:42,080 --> 00:05:46,320 na naiwan ng mga sinauna at makabagong sibilisasyon noong prehistory? 78 00:05:51,680 --> 00:05:55,720 Kasama ko ang isa sa mga dalubhasa sa Great Pyramid of Cholula, 79 00:05:56,640 --> 00:06:01,000 antropologo at arkeologo ng University of Calgary, si Geoff McCafferty. 80 00:06:03,000 --> 00:06:06,560 Nandito kami sa gitna ng pinakamalaking monumento 81 00:06:06,640 --> 00:06:08,400 na itinayo noong sinaunang mundo. 82 00:06:09,680 --> 00:06:12,760 Parang pumasok ka sa simbahan ang pakiramdam. 83 00:06:12,840 --> 00:06:17,280 Alam mo, mayroong natatanging aura ng kapangyarihan. 84 00:06:19,000 --> 00:06:22,480 Hinukay ang mga lagusang ito ng mga Mehikanong arkeologo. 85 00:06:23,120 --> 00:06:25,080 May kabuuang walong kilometro. 86 00:06:25,160 --> 00:06:27,720 -Nakamamangha. Walong kilometro? -Oo. 87 00:06:31,280 --> 00:06:32,800 Gamit ang mga lagusan, 88 00:06:32,880 --> 00:06:35,560 may natuklasan ang mga arkeologo. 89 00:06:39,480 --> 00:06:42,120 Ang Pyramid of Cholula ang pinakabago 90 00:06:42,200 --> 00:06:46,760 sa serye ng mga sinaunang pyramid na nakatago sa ilalim. 91 00:06:51,920 --> 00:06:54,720 May mas sinauna pang pyramid sa loob, 92 00:06:54,800 --> 00:06:57,320 na itinatayang itinayo noong 800 AD, 93 00:06:59,800 --> 00:07:02,720 at sa ilalim pa nito, isa pa 94 00:07:03,600 --> 00:07:07,040 na itinayo naman noong 200 hanggang 500 taon ang nakalipas. 95 00:07:09,760 --> 00:07:13,160 Parang serye ng mga Russian nesting dolls, 96 00:07:13,240 --> 00:07:17,200 nandito ang pinaniniwalaang pinakauna at pinakamatandang pyramid, 97 00:07:18,120 --> 00:07:24,840 na may laki na 120 metro kuwadrado at 17 metro at 56 talampakan na taas. 98 00:07:31,320 --> 00:07:34,120 Kailan nagsimula ang paggawa rito? 99 00:07:34,760 --> 00:07:38,480 Bale, ang pinakaunang ebidensya ng paggawa sa ceremonial zone 100 00:07:38,560 --> 00:07:40,440 ay nasa 500 BC. 101 00:07:43,400 --> 00:07:45,040 Napakalaking pyramid nito. 102 00:07:45,560 --> 00:07:49,040 Tapos, kalaunan, ito'y pinalawak, 103 00:07:49,120 --> 00:07:51,400 mas malaking paggawa sa ibabaw nito. 104 00:07:53,080 --> 00:07:58,520 Kaya ang proyekto ng paggawa ng pyramid na ito ay nagawa ng iba't ibang henerasyon 105 00:07:58,600 --> 00:08:03,480 na sumasaklaw sa 1,700 taon, o baka mas matagal pa, 106 00:08:05,120 --> 00:08:07,640 katotohanan na kinilala ng mga arkeologo. 107 00:08:10,200 --> 00:08:11,480 Pero hindi kilala 108 00:08:11,560 --> 00:08:15,640 ng mga modernong akademiko ang orihinal na gumaaw nito 109 00:08:16,320 --> 00:08:18,760 o kung bakit itinayo ang pyramid dito. 110 00:08:21,440 --> 00:08:23,840 Ito mismo ang misteryong interesado ako. 111 00:08:25,240 --> 00:08:27,480 Nararamdaman mo bang may kulang 112 00:08:27,560 --> 00:08:31,920 mula arkeolohikal at historikal na istorya ng sinaunang Mexico? 113 00:08:32,000 --> 00:08:34,280 Hindi naman sa pagiging dramatiko, 114 00:08:34,360 --> 00:08:36,480 pero ang mas pag-unawa sa Cholula 115 00:08:36,560 --> 00:08:40,240 ay mababago ang pananaw sa kasaysayan ng Mesoamerica. 116 00:08:41,880 --> 00:08:43,080 Wala tayong alam. 117 00:08:43,159 --> 00:08:45,200 Isa itong black hole ng Mexico. 118 00:08:47,640 --> 00:08:51,600 Tingin mo ba, may nakatayo rito bago pa ang unang pyramid? 119 00:08:51,680 --> 00:08:54,600 Ito ay ginawa sa ibabaw ng mahalagang bukal. 120 00:08:54,680 --> 00:08:55,520 Oo. 121 00:08:55,600 --> 00:08:58,640 Ang bukal ay kumakatawan sa daanan sa underworld, 122 00:08:58,720 --> 00:09:01,880 kaya malinaw na ito ay importante at sagradong lugar 123 00:09:01,960 --> 00:09:04,160 at ginagamit sa mga seremonya. 124 00:09:05,160 --> 00:09:06,920 Ang katunayan na ang pyramid 125 00:09:07,000 --> 00:09:09,800 ang napiling istraktura na itayo ay hindi sadya. 126 00:09:11,240 --> 00:09:14,120 Bagkus, naniniwala ako na ito ay mahalagang bakas 127 00:09:14,200 --> 00:09:18,240 sa pag-unawa sa motibasyon ng mga orihinal na gumawa, 128 00:09:18,320 --> 00:09:21,200 dahil ang temang ito ay nauulit sa buong mundo. 129 00:09:22,760 --> 00:09:24,360 Nakuha namin ang ebidensiya 130 00:09:24,440 --> 00:09:28,960 ng kaparehang pyramid sa Gunung Padang sa Indonesia 131 00:09:29,040 --> 00:09:31,480 at mayroon ding bukal sa gitna nito. 132 00:09:33,680 --> 00:09:38,280 Isa itong pattern na mahahanap hindi lang sa Mexico o sa Indonesia. 133 00:09:39,080 --> 00:09:41,600 Ito rin ang kaso sa nakalubog na bulwagan 134 00:09:41,680 --> 00:09:43,240 sa Great Pyramid of Giza. 135 00:09:44,240 --> 00:09:48,400 Tingin ko, iyon ang pinakaunang sagradong lugar sa talampas ng Giza, 136 00:09:48,480 --> 00:09:51,520 at pagkatapos, itinayo ang mga pyramid para igalang ito. 137 00:09:52,360 --> 00:09:56,080 Ang Pyramid of the Sun sa Teotihuacan ay nakatayo sa ibabaw ng yungib. 138 00:09:57,240 --> 00:09:58,400 Binago nila ito 139 00:09:58,480 --> 00:10:00,680 at tapos, gumawa sila ng pyramid. 140 00:10:00,760 --> 00:10:03,000 Pero ang una ay ang lugar mismo, 141 00:10:03,080 --> 00:10:05,600 ang sagradong lugar, at ang pananda ay pyramid. 142 00:10:07,120 --> 00:10:08,960 Nagsimula sa isang lugar 143 00:10:09,040 --> 00:10:12,400 na pinaniniwalaang sagrado, 144 00:10:12,480 --> 00:10:15,440 na may kakaibang magnetismong nadarama ng mga tao 145 00:10:15,520 --> 00:10:18,280 kaya naging mahalaga ito. 146 00:10:24,360 --> 00:10:27,840 Ang Great Pyramid of Cholula ay may kaparehong katangian 147 00:10:27,920 --> 00:10:30,000 sa mga sinaunang pyramid sa mundo. 148 00:10:32,760 --> 00:10:34,560 Mga bakas ng nakatagong silid. 149 00:10:38,320 --> 00:10:41,080 Hindi nagtagal ang pananakop ng mga Espanyol, 150 00:10:41,160 --> 00:10:45,320 isang mapagkakatiwalaang saksi, si Father Bernardino de Sahagun, 151 00:10:45,400 --> 00:10:51,120 ang nag-ulat na ang Great Pyramid of Cholula ay puno ng mga mina at kuweba. 152 00:10:54,080 --> 00:10:58,280 Ngayon, nakumpirma ng mga modernong imbestigador ang obserbasyong iyon. 153 00:10:59,560 --> 00:11:03,560 Nakita ng isa sa mga dating arkeologo, sa loob ng pyramid 154 00:11:04,520 --> 00:11:05,600 ang isang kuwarto. 155 00:11:06,200 --> 00:11:08,000 At may lagusan papunta roon. 156 00:11:08,080 --> 00:11:09,200 Di pa ito nailathala. 157 00:11:09,280 --> 00:11:11,880 Hindi ko alam ang nangyayari sa ngayon. 158 00:11:11,960 --> 00:11:15,000 -Magandang pahiwatig ito. -Tingin mo? 159 00:11:15,080 --> 00:11:19,080 Nahukay na ba ang kuwartong ito? Napasok na ba ito? 160 00:11:19,880 --> 00:11:20,880 Sa tingin ko, hindi. 161 00:11:23,160 --> 00:11:25,920 Bakit di pa napapasok ang kaloob-looban nito? 162 00:11:27,520 --> 00:11:28,840 Ano kayang sikreto 163 00:11:28,920 --> 00:11:31,880 ang mayroon dito tungkol sa intensiyon ng gumawa? 164 00:11:33,720 --> 00:11:37,160 Bukod doon, ang katunayan na ang Great Pyramid of Cholula 165 00:11:37,240 --> 00:11:40,120 ay may nakatagong kuwarto sa loob, 166 00:11:40,200 --> 00:11:41,960 parang Gunung Padang at Giza. 167 00:11:44,880 --> 00:11:48,160 …isa itong natatanging katangian na pareho sa mga ito. 168 00:11:49,720 --> 00:11:50,840 At mayroon pa. 169 00:11:52,200 --> 00:11:54,600 Napakagaling ng pagkagawa sa istruktura 170 00:11:54,680 --> 00:11:57,000 na nakapanig ito sa lumulubog na araw 171 00:11:57,080 --> 00:11:59,760 -kapag summer solstice. -Tama 'yan. 172 00:12:00,360 --> 00:12:05,160 Lumulubog ang araw sa gitna ng dalawang bulkan sa kanluran, 173 00:12:05,760 --> 00:12:08,800 kaya ito talaga ay nasa oryentasyon ng solstice. 174 00:12:10,640 --> 00:12:17,360 Alam nating nakabantay ang mga katutubong Mesoamerican sa astronomiya. 175 00:12:18,480 --> 00:12:23,080 Katulad ng sinaunang mga Egyptian, na gumawa ng Great Pyramid of Giza 176 00:12:23,160 --> 00:12:26,680 para makalinya nang husto sa tunay na astronomikal na hilaga. 177 00:12:29,080 --> 00:12:31,000 Ang katunayang ang mga pyramid, 178 00:12:31,080 --> 00:12:34,000 na ang mga gumawa ay walang kontak sa isa't isa, 179 00:12:34,080 --> 00:12:37,440 at may pagkakapareho ay isang misteryo. 180 00:12:39,960 --> 00:12:41,960 Nagkataon lang ba ito? 181 00:12:43,000 --> 00:12:44,520 Tingin ko, hindi. 182 00:12:45,120 --> 00:12:47,120 Ang pananaw sa arkeolohiya… 183 00:12:47,800 --> 00:12:50,440 …ay ginawa ang pyramid 184 00:12:50,520 --> 00:12:52,760 dahil iyon ang pinakamabilis na paraan. 185 00:12:54,840 --> 00:12:58,120 Ang problema ay magkakaugnay ang mga istrukturang ito 186 00:12:58,200 --> 00:13:00,640 na may tiyak na espirituwal na mga ideya. 187 00:13:02,000 --> 00:13:04,200 Ano'ng mangyayari sa 'tin pagkamatay? 188 00:13:04,280 --> 00:13:07,080 Ito'y laging konektado sa mga pyramid, 189 00:13:07,160 --> 00:13:09,600 at ganito kung makita man sila sa Mexico 190 00:13:09,680 --> 00:13:11,400 o makita man sila sa Egypt 191 00:13:11,480 --> 00:13:14,840 o makita man sila sa Cambodia o sa India. 192 00:13:16,920 --> 00:13:20,640 Isa itong detalyeng sumasalungat sa mainstream na pananaw 193 00:13:21,280 --> 00:13:23,520 na ang maraming sibilisasyon sa mundo… 194 00:13:24,760 --> 00:13:26,160 …ay iba-iba ang layunin dito. 195 00:13:28,600 --> 00:13:30,640 Ang ipinapahiwatig nito sa akin 196 00:13:30,720 --> 00:13:33,720 ay mayroong nangyayari sa likod nito. 197 00:13:36,440 --> 00:13:40,320 Nakikita ba natin ang paglalahad ng isang pambihirang master plan? 198 00:13:42,400 --> 00:13:45,600 Isang shared legacy mula sa isang naglahong sibilisasyong 199 00:13:45,680 --> 00:13:48,720 nagbigay ng rason at inspirasyon 200 00:13:48,800 --> 00:13:50,960 na umusbong sa kasunod na sibilisasyon. 201 00:13:55,800 --> 00:13:58,520 Isa itong posibilidad na ipinagtataka ko 202 00:13:58,600 --> 00:14:01,320 kung ang paggawa ng pyramid of Cholula 203 00:14:01,920 --> 00:14:06,600 ay mayroon pang mas matandang pinagmulan kaysa sa pinapaniwalaan ng mga arkeologo. 204 00:14:08,880 --> 00:14:10,640 Kumusta ang pagde-dating nito? 205 00:14:10,720 --> 00:14:12,800 Mayroon kayang carbon dates sa una? 206 00:14:12,880 --> 00:14:18,840 Wala. May ceramic tayong parehas sa ceramic mula sa Mexico 207 00:14:18,920 --> 00:14:21,280 mula pa sa 1,000 BC. 208 00:14:21,360 --> 00:14:23,960 Hindi ba patunay na ito sa buong istorya? 209 00:14:24,040 --> 00:14:26,360 Hindi. Hindi, ang masasabi ko'y hindi. 210 00:14:27,080 --> 00:14:29,520 Maraming trabaho ang kailangang gawin 211 00:14:29,600 --> 00:14:31,640 -sa prehistory ng Mexico. -Oo. 212 00:14:35,520 --> 00:14:37,960 Di ko pinabubulaanan ang ebidensyang 213 00:14:38,040 --> 00:14:40,000 nagsasabi ng petsa ng paggawa 214 00:14:40,080 --> 00:14:42,480 sa lugar ng Great Pyramid of Cholula 215 00:14:42,560 --> 00:14:46,880 na 2,300 taon na ang nakalipas, pero may mas lumang pyramid pa sa Mexico. 216 00:14:50,440 --> 00:14:54,320 At interesado talaga ako sa mga ideyang saligan nilang lahat. 217 00:14:56,320 --> 00:15:00,640 Noong 1519, noong dumating ang mga mananakop na Espanyol, 218 00:15:00,720 --> 00:15:04,120 nasira ang Great Pyramid of Cholula. 219 00:15:05,920 --> 00:15:09,320 Pero noong napagtanto nilang higit pa ito sa burol, 220 00:15:09,400 --> 00:15:11,520 at tinanong kung sino ang gumawa, 221 00:15:11,600 --> 00:15:14,920 ikinatuwang sinabi ng mga tagaroon ang alamat nito. 222 00:15:16,320 --> 00:15:17,760 Ayon sa alamat, 223 00:15:17,840 --> 00:15:20,960 ang Great Pyramid ay gawa ng lahi ng mga higante. 224 00:15:24,720 --> 00:15:28,320 Noong unang panahon, mayroong mga higante sa sinaunang Mexico, 225 00:15:29,160 --> 00:15:35,520 hanggang nagalit ang diyos ng ulan na si Tlaloc at binaha sila. 226 00:15:36,640 --> 00:15:39,000 Pito lamang ang nabuhay rito. 227 00:15:40,440 --> 00:15:46,320 Sa takot na baka maulit ito, ang higanteng si Xelhua, ang arkitekto, ay tumungo 228 00:15:46,400 --> 00:15:47,600 sa Cholula, 229 00:15:47,680 --> 00:15:49,440 at kasama ang mga tao rito ay 230 00:15:49,520 --> 00:15:52,520 gumawa ng artipisyal na bundok gamit ang ladrilyo, 231 00:15:54,080 --> 00:15:55,040 isang pyramid, 232 00:15:55,960 --> 00:15:59,280 at inialay ito sa pagsamba kay Tlaloc, ang diyos ng ulan. 233 00:16:02,560 --> 00:16:05,480 Itinuturing ito ng mga arkeologo na kathang-isip, 234 00:16:06,400 --> 00:16:09,280 pero tingin ko, dahil sa pagwalang-bahala rito, 235 00:16:09,360 --> 00:16:11,680 di natin makita ang ilang mahalagang bakas 236 00:16:11,760 --> 00:16:14,040 ng pinagmulan ng lugar na ito. 237 00:16:16,400 --> 00:16:18,160 Marahil ang arkitektong 238 00:16:18,240 --> 00:16:20,760 pumunta sa Cholula matapos ang baha 239 00:16:20,840 --> 00:16:22,560 ay baka di talagang higante, 240 00:16:23,720 --> 00:16:25,760 ngunit isa sa mga matatalino 241 00:16:25,840 --> 00:16:29,480 ng modernong sibilisasyon sa kasaysayan. 242 00:16:34,120 --> 00:16:36,680 Wag asahang madaling mahahanap ang ebidensiya, 243 00:16:37,920 --> 00:16:42,440 dahil, tulad sa Cholula, ang mga monumento ay matatagpuan 244 00:16:42,520 --> 00:16:45,840 sa ibabaw ng mas lumang gusali, 245 00:16:45,920 --> 00:16:47,600 nakatago ang pinagmulan nila. 246 00:16:50,440 --> 00:16:52,520 Dalawang oras sa hilagang kanluran, 247 00:16:54,360 --> 00:16:57,400 may isa pang pambihirang lugar na magbibigay ng sagot. 248 00:17:04,560 --> 00:17:07,560 Nakadapo sa taas nitong kakaibang burol 249 00:17:07,640 --> 00:17:11,160 ang isang sinaunang Aztec na gusaling kilalang Texcotzingo. 250 00:17:19,920 --> 00:17:23,079 Dito sa Texcotzingo, nakakita ulit kami ng pyramid, 251 00:17:23,680 --> 00:17:26,560 ngayon ay gawa mismo ng Earth. 252 00:17:27,960 --> 00:17:29,880 Madaling maunawaan kung bakit ito 253 00:17:29,960 --> 00:17:33,160 mayroong magnetismo sa mga sinaunang tao. 254 00:17:35,160 --> 00:17:38,000 Tunay na mahalaga ang mga pyramid sa Mexico. 255 00:17:39,360 --> 00:17:41,520 Dito, noong ika-15 na siglo, 256 00:17:41,600 --> 00:17:46,080 gumawa ang mga Aztec ng kahanga-hangang network ng terrace na hardin at pool 257 00:17:47,440 --> 00:17:50,160 na mayroong kakaibang mga aqueduct 258 00:17:50,240 --> 00:17:54,480 na nagdadala ng tubig pababa mula sa imbakan sa ibabaw ng bundok. 259 00:17:56,200 --> 00:18:00,640 Para itong Hanging Gardens of Babylon, na istilong Mesoamerica. 260 00:18:02,920 --> 00:18:05,960 Pero nakakaintriga, base sa imbestigasyon ko, 261 00:18:06,040 --> 00:18:09,560 lahat ng mga ito ay inaalay sa parehong sinaunang diyos 262 00:18:09,640 --> 00:18:12,720 na kaugnay sa pinakaunang pyramid sa Cholula… 263 00:18:14,480 --> 00:18:21,080 Si Tlaloc, ang diyos ng mga ulan at baha, na ang sumasamba ay nauna pa sa mga Aztec. 264 00:18:23,960 --> 00:18:25,920 Pinaniniwalaan ng mga arkeologo 265 00:18:26,000 --> 00:18:28,880 na ang Aztec ang unang nakapansin sa Texcotzingo, 266 00:18:29,760 --> 00:18:32,440 pero mas matanda pa kaya ang lugar na ito? 267 00:18:36,760 --> 00:18:39,120 Di pinansin ng mananakop na Espanyol 268 00:18:39,200 --> 00:18:42,520 na ang Texcotzingo ay gawa ng mga Aztec, 269 00:18:44,240 --> 00:18:47,560 at iyon din ang sasabihin sa 'yo ng mga arkeologo. 270 00:18:48,920 --> 00:18:53,480 Pero paano kung inayos lang ng Aztec ang mga ito at dinagdagan 271 00:18:53,560 --> 00:18:56,760 at orihinal na ginawa ng mas lumang sibilisasyon? 272 00:18:59,800 --> 00:19:05,360 Naniniwala doon ang manunulat na si Marco Vigato. 273 00:19:06,760 --> 00:19:07,600 MARCO VIGATO AWTOR, 'THE EMPIRES OF ATLANTIS' 274 00:19:07,680 --> 00:19:10,280 Halatang ang lugar ay binago, matagal na. 275 00:19:10,360 --> 00:19:13,320 Ang bato ay napakatigas na uri ng batong porphyry. 276 00:19:13,400 --> 00:19:15,440 Kung titingnan mo ang lugar, 277 00:19:15,520 --> 00:19:18,920 makikita mong ang mga bato ay napakaluma na. 278 00:19:19,560 --> 00:19:22,640 Ilang parte ng lugar ay nagpapakita ng pagguho 279 00:19:22,720 --> 00:19:24,640 ng ilang libong taon, 280 00:19:24,720 --> 00:19:28,120 tapos ito pa ay napakatigas na uri ng bato. 281 00:19:30,360 --> 00:19:33,880 Tama. Sa pananaw mo, ang mga Aztec, sila ay nahuli na, 282 00:19:34,520 --> 00:19:39,360 pero natagpuan nila ang lugar na itong medyo buo na 283 00:19:39,440 --> 00:19:40,960 at inayos nila ito 284 00:19:41,040 --> 00:19:42,800 -at pinaganda lalo. -Tama. 285 00:19:43,680 --> 00:19:45,400 Ito'y radikal na pag-iisip. 286 00:19:46,960 --> 00:19:49,680 Maaari kayang may mas matanda pang kulturang 287 00:19:49,760 --> 00:19:53,240 umukit nitong mga kakaibang disenyo sa gilid ng burol? 288 00:19:55,560 --> 00:19:58,640 Para itong lumang megalith na nagkalat sa lapag. 289 00:20:01,840 --> 00:20:04,880 At itong silid na nakaukit mula sa bato. 290 00:20:07,600 --> 00:20:10,440 Tunay na nauna ang lugar na ito sa mga Aztec. 291 00:20:10,520 --> 00:20:12,800 Natirhan lang ito at nagamit muli. 292 00:20:14,680 --> 00:20:17,840 Ito ang konklusyong papabulaanan ng mga arkeologo, 293 00:20:17,920 --> 00:20:20,240 pero may mga kaugnay na patunay pa. 294 00:20:22,320 --> 00:20:26,400 Hindi malayo, sa isang natuyong ilog sa paanan ng bundok, 295 00:20:26,480 --> 00:20:29,920 isang malaking rebulto ni Tlaloc ang natagpuan. 296 00:20:31,720 --> 00:20:35,880 Ang pinakamalaking inukit na batong makikita sa buong America. 297 00:20:40,200 --> 00:20:44,040 Nasabi ng mga arkeologo na mula pa ito sa 700 AD, 298 00:20:45,480 --> 00:20:48,560 bago pa nakarating sa lupain ang mga Aztec. 299 00:20:51,080 --> 00:20:53,920 Patunay ito na si Tlaloc, ang diyos ng ulan, 300 00:20:54,000 --> 00:20:57,640 ay sinasamba na sa lugar na ito ng mga naunang kultura, 301 00:20:57,720 --> 00:21:00,560 marahil ay may ibang tawag, 302 00:21:00,640 --> 00:21:04,120 na halos ilang libong taon, at baka mas matagal pa. 303 00:21:08,920 --> 00:21:12,320 Sa katunayan, si Tlaloc, bilang mitolohikong karakter, 304 00:21:12,400 --> 00:21:13,760 ay galing pa 305 00:21:13,840 --> 00:21:16,760 sa pinakaunang kultura ng prehistoric Mexico. 306 00:21:20,200 --> 00:21:21,480 At di siya nag-iisa. 307 00:21:23,280 --> 00:21:26,840 Ang pagbaha sa mundo na dala ng diyos ng ulan ay naglalarawan 308 00:21:26,920 --> 00:21:31,000 ng paglitaw ng nakakaintrigang karakter sa Mitolohiyang Mexican… 309 00:21:32,960 --> 00:21:34,360 si Quetzalcoatl. 310 00:21:38,120 --> 00:21:39,840 Pagkatapos ng Great Flood, 311 00:21:39,920 --> 00:21:43,400 isang estranghero mula sa silangan ang dumating sa Mexico 312 00:21:44,120 --> 00:21:49,120 na nakasakay sa bangkang walang sagwan, sinasabing dinala ng mga ahas. 313 00:21:50,760 --> 00:21:53,080 Ang pangalan niya ay Quetzalcoatl, 314 00:21:53,640 --> 00:21:55,560 o "ang mabalahibong ahas." 315 00:21:56,360 --> 00:22:00,960 Tinuruan nila ang mga tagaroon na magtanim at mag-alaga ng mga hayop. 316 00:22:02,920 --> 00:22:04,360 Binigyan sila ng batas 317 00:22:04,440 --> 00:22:08,080 at tinuruan ng arkitektura, astronomiya, at sining. 318 00:22:08,720 --> 00:22:10,480 Sinamba siya bilang diyos. 319 00:22:13,040 --> 00:22:17,160 Pero pagkatapos siyang patalsikin ng mga tagasunod ng isang war god, 320 00:22:17,800 --> 00:22:23,400 umalis si Quetzalcoatl patungong silangan, nangakong balang-araw ay babalik. 321 00:22:29,880 --> 00:22:35,160 Ang alamat ni Quetzalcoatl ay nakukuwento sa maraming henerasyon, hanggang ngayon. 322 00:22:38,040 --> 00:22:41,400 May nakuha kaming paglalarawan ng balbas-saradong tao. 323 00:22:41,960 --> 00:22:46,000 Para siyang banyaga mula sa karagatan, 324 00:22:46,080 --> 00:22:49,320 at may dala siyang regalo ng sibilisasyon. 325 00:22:53,360 --> 00:22:57,600 Ang kahanga-hanga rito ay madalas marinig ang kuwentong ito 326 00:22:58,440 --> 00:23:02,480 mula sa mga kulturang walang koneksiyon sa sinaunang Mexico. 327 00:23:08,120 --> 00:23:10,840 Pareho ang tagpo. May malaking sakuna. 328 00:23:12,360 --> 00:23:17,600 Dinala ang mundo sa kadiliman, pagbaha, kaguluhan kahit saan. 329 00:23:17,680 --> 00:23:19,120 Bumagsak ang lipunan. 330 00:23:23,240 --> 00:23:27,680 At pagkatapos ng kadiliman, lumabas ang mayroong kaalaman 331 00:23:27,760 --> 00:23:31,000 sa pangangailangan para makagawa ng isang sibilisasyon. 332 00:23:31,880 --> 00:23:35,600 At siya ang nagturo sa mga nakaligtas sa sakuna 333 00:23:35,680 --> 00:23:37,560 kung paano magsimula muli. 334 00:23:39,920 --> 00:23:43,840 Sa sinaunang mitolohiyang Griyego, ang Titan na si Prometheus 335 00:23:44,400 --> 00:23:48,720 na, pagkatapos ng pagbaha, ay nagbahagi ng sikreto sa apoy. 336 00:23:51,240 --> 00:23:53,080 Sa South American Andes, 337 00:23:53,160 --> 00:23:58,120 inilarawan ng mga pre-Inc ang balbas-sarado na tinatawag na Viracocha, 338 00:23:59,120 --> 00:24:01,120 na lumabas mula sa isang lawa… 339 00:24:01,240 --> 00:24:05,360 …at tinuruan ang mga tagaroon ng pagmamason 340 00:24:05,440 --> 00:24:07,120 na umiiral pa rin ngayon. 341 00:24:08,520 --> 00:24:12,920 Pati sa Pasipiko, may alamat ang Polynesian na si Maui, 342 00:24:13,000 --> 00:24:16,720 na gumawa ng mga isla nila sa pamamagitan ng paghila sa dagat, 343 00:24:17,720 --> 00:24:21,200 at tinuruan ang mga tagaroon na gumamit ng mga bato 344 00:24:21,760 --> 00:24:23,280 at magluto ng pagkain. 345 00:24:26,960 --> 00:24:29,680 Sinasabi ng arkeologo na ang mga bayaning ito 346 00:24:29,760 --> 00:24:33,880 ay kathang-isip lamang ng mga sinauna, 347 00:24:34,600 --> 00:24:37,440 pero mahirap kalimutan ang mga pagkakapareho. 348 00:24:38,120 --> 00:24:42,640 Paano kung ang mga ito ay naglalarawan ng mga advanced na sibilisasyong 349 00:24:42,720 --> 00:24:45,520 naglaho dahil sa mga sakuna ng pagbaha't sunog 350 00:24:45,600 --> 00:24:48,000 na alam nating nangyari noong Ice Age? 351 00:24:55,600 --> 00:24:57,280 Ang mga mito ng Mexico 352 00:24:57,360 --> 00:24:59,920 at ang istorya ng Quetzalcoatl, 353 00:25:00,480 --> 00:25:03,680 ay kaugnay sa isang apocalyptic na sandali. 354 00:25:05,320 --> 00:25:08,200 At naniniwala si Marco na may tala nito 355 00:25:08,280 --> 00:25:10,800 na malapit lang sa timog ng Mexico City, 356 00:25:12,600 --> 00:25:14,880 sa mga templo ng Xochicalco. 357 00:25:18,760 --> 00:25:22,720 Katulad ng Cholula, ang lungsod na ito ay itinayo ng mga katutubo 358 00:25:22,800 --> 00:25:26,440 na wala tayo masyadong alam mula sa ikapitong siglo ng AD. 359 00:25:28,160 --> 00:25:30,880 Dito, makikita mo ang labi ng dalawang pyramid. 360 00:25:32,240 --> 00:25:34,440 Isang inalay sa diyos ng ulan, 361 00:25:35,120 --> 00:25:41,320 at ang isa ay inalay sa bayani ng Mexico, si Quetzalcoatl. 362 00:25:44,400 --> 00:25:49,000 Pumunta ako rito para matuto pa tungkol sa mga mitilohikong karakter. 363 00:25:51,000 --> 00:25:55,200 Para sa mga arkeologo, ang mga mito ay pantasya at di kumpleto. 364 00:25:56,000 --> 00:25:59,480 Hindi nila ito pinapansin dahil gustong buuin ang nakaaran. 365 00:26:00,840 --> 00:26:03,920 Pero dito sa Xochicalco, nais ng ilang mananaliksik 366 00:26:04,000 --> 00:26:05,640 na makagawa ng pagtatala 367 00:26:05,720 --> 00:26:08,680 ng isa sa mga mahalagang mito ng sinaunang Mexico. 368 00:26:09,640 --> 00:26:13,800 Isang talang naniniwala silang pinapanatili ang nakalimutang panahon. 369 00:26:16,840 --> 00:26:20,040 Nakabalot sa apat na kanto ng templo ng Quetzalcoatl 370 00:26:20,120 --> 00:26:22,440 ang detalyadong pag-ukit tungkol sa diyos 371 00:26:22,520 --> 00:26:25,280 na ikinakatawan ng mabalahibong ahas. 372 00:26:28,080 --> 00:26:32,360 Malinaw na mahalaga siyang pigura kahit noong 700 AD. 373 00:26:34,720 --> 00:26:39,000 Pero naniniwala si Marco na ang mga glyph na nakaukit sa bato 374 00:26:39,080 --> 00:26:42,480 ay magpapahiwatig ng mga detalye ng pinagmulan nito. 375 00:26:44,080 --> 00:26:45,400 Ano'ng ispesyal dito? 376 00:26:45,480 --> 00:26:48,840 Ang nasa ibabang parte ng pyramid 377 00:26:48,920 --> 00:26:52,880 ay ang paglalarawan ng pagdating ni Quetzalcoatl 378 00:26:52,960 --> 00:26:55,400 na nagpapakita sa tatlong kanto… 379 00:26:55,480 --> 00:26:57,040 -Oo. -…ng pyramid 380 00:26:57,120 --> 00:27:01,360 hanggang marating natin ang unang mahalagang glyph na ito. 381 00:27:01,440 --> 00:27:04,680 At ang nakikita mo rito ay isang nagliliyab na templo. 382 00:27:04,760 --> 00:27:07,080 Mayroong mga balumbon ng usok o apoy. 383 00:27:07,160 --> 00:27:09,600 -Para bang nasusunog ito. -Tama. Mismo. 384 00:27:09,680 --> 00:27:12,040 Paano naman ang rolyo ng ahas? 385 00:27:12,120 --> 00:27:14,320 Paano mo ito iintindihin? 386 00:27:14,400 --> 00:27:16,640 Ito ang buntot ng ahas. 387 00:27:16,720 --> 00:27:19,560 -Oo. -Nakapulupot ito sa nagliliyab na templo. 388 00:27:19,640 --> 00:27:22,160 Mukha itong along humahampas… 389 00:27:22,240 --> 00:27:24,560 -Oo. -…sa gilid ng templo. 390 00:27:24,640 --> 00:27:28,520 Makikita mo agad ang representasyon ng isang isla. 391 00:27:29,160 --> 00:27:31,800 May nagliliyab na templo 392 00:27:31,880 --> 00:27:34,000 at alon na humahampas, sa tingin mo? 393 00:27:34,080 --> 00:27:35,400 -Ganoon nga. -Oo. 394 00:27:38,200 --> 00:27:40,640 Ano ang interpretasyon mo rito, Marco? 395 00:27:40,720 --> 00:27:43,680 May makapangyarihang pigurang nakaupo 396 00:27:43,760 --> 00:27:46,480 na mukhang nasa balsa ng mga ahas 397 00:27:46,560 --> 00:27:51,080 na palayo sa direksiyon ng nagliliyab na templo. 398 00:27:51,800 --> 00:27:54,920 Ang nakikita mo ay ang paglalarawan ng isang sakuna 399 00:27:55,000 --> 00:28:00,360 na nangyari sa isang lugar, na ang nakaligtas ay si Quetzalcoatl. 400 00:28:00,440 --> 00:28:05,440 May ideya ka nitong diyos na galing sa lupaing nawasak. 401 00:28:05,520 --> 00:28:09,720 At ito ang pagdating ng diyos na si Quetzalcoatl dito sa Mexico 402 00:28:09,800 --> 00:28:12,320 na nagtatag ng sibilisasyong Mesoamerican. 403 00:28:13,320 --> 00:28:16,400 Ito'y salaysay na galing sa napakalayong nakaraan. 404 00:28:22,360 --> 00:28:27,640 Ang pagkaintindi ni Marco sa mga glyph ng templo bilang paglalarawan ng apocalypse 405 00:28:27,720 --> 00:28:30,240 ay kaugnay sa mga opinyon ng arkeolohiko. 406 00:28:31,520 --> 00:28:34,600 Pero hindi ibig sabihing mali siya. 407 00:28:36,480 --> 00:28:40,200 Ang Templo ng Mabalahibong Ahas ay tinatayang 1,300 taon na, 408 00:28:40,280 --> 00:28:42,600 at tama ang mga arkeologong sabihing 409 00:28:42,680 --> 00:28:45,680 walang sakuna sa mundo noong panahong iyon 410 00:28:45,760 --> 00:28:48,360 na maaaring magpaliwanag kay Quetzalcoatl. 411 00:28:48,920 --> 00:28:50,720 Hindi ito ang punto. 412 00:28:50,800 --> 00:28:53,960 Tiyak na ang tradisyong ito ay mas matanda pa sa templo. 413 00:28:54,040 --> 00:28:56,000 Gaano katanda? Walang may alam. 414 00:28:56,080 --> 00:29:00,200 Pero may isang panahon sa prehistory na sakto rito. 415 00:29:02,120 --> 00:29:06,640 Kinumpirma ng mga geologist na mayroong sinaunang apocalypse. 416 00:29:07,480 --> 00:29:10,080 Isang panahon ng matinding sakuna at pagbaha 417 00:29:10,160 --> 00:29:14,640 na may kasintinding epekto rito katulad sa buong mundo… 418 00:29:16,840 --> 00:29:22,760 sa pagtatapos ng huling Ice Age, mga 12,800 taon ang nakaraan. 419 00:29:23,600 --> 00:29:28,480 Maaari kaya ang istorya ng pagdating ni Quetzalcoatl ay ganoon na katagal? 420 00:29:34,560 --> 00:29:38,440 Hindi ko tinatanong ang edad ng istruktura. 421 00:29:38,520 --> 00:29:42,920 Ang mayroon dito ay paglalarawan ng istoryang sa katunayan ay mas luma pa. 422 00:29:43,720 --> 00:29:46,040 Kaya, baka ang kulang sa arkeolohiyo 423 00:29:46,120 --> 00:29:47,560 ay arkeolohiyo ng ideya. 424 00:29:47,640 --> 00:29:51,280 Baka nakapokus sila masyado sa petsa ng paggawa mismo 425 00:29:51,360 --> 00:29:53,360 at hindi naisip ang mga ideya rito. 426 00:29:53,440 --> 00:29:54,280 Tama. 427 00:29:56,720 --> 00:29:58,160 Kung handa tayong balikan 428 00:29:58,240 --> 00:30:01,640 ang lagpas sa artipisyal na nakikita na sinabi ng arkeolohiya, 429 00:30:01,720 --> 00:30:04,480 magkakaroon ng kahulugan ang mito, 430 00:30:04,560 --> 00:30:07,240 hindi bilang pantasya ng pangyayaring gawa-gawa, 431 00:30:07,320 --> 00:30:10,240 ngunit bilang tunay na tala ng nakalimutang nakaraan. 432 00:30:14,400 --> 00:30:17,880 Tinatanggihan ng mga arkeologo ang ganoong mungkahi, 433 00:30:19,720 --> 00:30:21,880 pero imposibleng hindi mapuna 434 00:30:21,960 --> 00:30:25,840 kung gaano kakalat ang mga kuwento tungkol sa mga bayaning ito. 435 00:30:27,400 --> 00:30:29,800 Minsan ay mga diyos, minsan ay mga taong 436 00:30:31,000 --> 00:30:33,840 dumating sa kaguluhan pagkatapos ng sakuna. 437 00:30:35,560 --> 00:30:37,240 Nagturo ng agrikultura, 438 00:30:37,320 --> 00:30:40,800 arkitektura, inhinyeriya, at astronomiya sa mga nakaligtas. 439 00:30:42,560 --> 00:30:43,480 Sa tradisyon, 440 00:30:43,560 --> 00:30:47,360 naniniwala akong mahahanap ang mga nawalang sibilisasyon. 441 00:30:49,000 --> 00:30:54,440 Kaya, saan nakabase ang sibilisasyon bago ang sakunang sumira dito? 442 00:30:55,480 --> 00:30:59,360 Napakaraming posibilidad na hindi pa naiisip. 443 00:30:59,440 --> 00:31:02,760 Dahil, sa nakita natin, sa tugatog ng huling Ice Age… 444 00:31:03,760 --> 00:31:05,520 …iba ang mukha ng planeta. 445 00:31:07,080 --> 00:31:10,600 Pero may mga bakas pang paparating sa buong mundo. 446 00:31:11,640 --> 00:31:13,960 Diyan, katulad sa Cholula, 447 00:31:14,040 --> 00:31:17,120 na may dose-dosenang templo na pinaniwalaang ginawa 448 00:31:17,200 --> 00:31:18,960 ng sinaunang lahi ng higante, 449 00:31:20,200 --> 00:31:26,120 sa mga islang hindi isla dati, sa gitna ng Mediterranean Sea. 450 00:31:26,200 --> 00:31:28,880 At doon ako dadalhin ng paglalakbay ko, 451 00:31:28,960 --> 00:31:31,440 sa napakalaking bugtong sa bato. 452 00:31:32,280 --> 00:31:35,240 Ang mga misteryosong megalith ng Malta. 453 00:32:01,600 --> 00:32:06,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Karen Sy