1 00:00:06,040 --> 00:00:08,920 ISANG SERIES MULA SA NETFLIX 2 00:00:12,120 --> 00:00:13,080 -Ayos na? -Oo. 3 00:00:13,160 --> 00:00:15,240 -Sige, heto na. -At take one. 4 00:00:15,320 --> 00:00:17,200 Puwede ka bang magpakilala? 5 00:00:18,960 --> 00:00:20,640 Paano kaya? 6 00:00:20,720 --> 00:00:23,640 Sinasabing isa kang pseudo-archaeologist. 7 00:00:23,720 --> 00:00:25,960 -Oo nga. -Namimili ka raw ng datos. 8 00:00:26,040 --> 00:00:29,240 Milyon-milyon ang mambabasa mo, maliban sa mga akademiko. 9 00:00:29,320 --> 00:00:30,400 BALIW BA SI GRAHAM HANCOCK? 10 00:00:30,480 --> 00:00:33,320 Alam mo ba na kaaway ka ng academia? 11 00:00:33,400 --> 00:00:35,880 Dahil maraming may ayaw marinig 'yon. 12 00:00:35,960 --> 00:00:40,160 Ilang dekada ka nang lumalaban… 13 00:00:40,480 --> 00:00:43,360 …at nilantad mo ang mga kontrobersyal na ideya… 14 00:00:43,960 --> 00:00:45,040 MAS LUMA PA SA INAAKALA 15 00:00:45,120 --> 00:00:46,880 …na ngayon ay pinag-aaralan. 16 00:00:48,280 --> 00:00:50,040 Ako si Graham Hancock. 17 00:00:51,520 --> 00:00:54,920 Di ko sinasabing isa akong archaeologist o scientist. 18 00:00:55,000 --> 00:00:56,720 Isa akong mamamahayag, 19 00:00:56,800 --> 00:01:00,960 at iniimbestigahan ko ang human prehistory. 20 00:01:15,040 --> 00:01:20,080 Suspetsa ko, may amnesia ang mga tao. 21 00:01:20,880 --> 00:01:25,720 May nakalimutan tayong napakahalaga sa nakaraan natin. 22 00:01:26,400 --> 00:01:30,400 At tingin ko, ang limot na bagay na 'yon 23 00:01:30,480 --> 00:01:34,480 ay isang nawawalang advanced na sibilisasyon ng Ice Age. 24 00:01:36,680 --> 00:01:40,840 Ilang dekada na akong naghahanap ng patunay niyon 25 00:01:40,920 --> 00:01:42,600 sa mga lugar sa buong mundo. 26 00:01:43,080 --> 00:01:44,000 Grabe. 27 00:01:44,520 --> 00:01:48,440 Ngayon, ang pakay ko ay pagkonektahin ang mga impormasyon… 28 00:01:48,520 --> 00:01:51,800 Kakaiba 'yon. 29 00:01:52,800 --> 00:01:56,560 …para ipakita sa inyo ang ebidensya na sumasalungat sa nakasanayan. 30 00:01:57,560 --> 00:02:00,440 Inuurong nito ang mga petsa. 31 00:02:01,000 --> 00:02:05,480 Mga sinaunang estruktura na sopistikado ang pagkakagawa… 32 00:02:06,000 --> 00:02:09,480 Ito ang pinakamainam na archeoastronomy site sa North America. 33 00:02:10,160 --> 00:02:14,800 …ang bakas ng isang advanced na sinaunang sibilisasyon. 34 00:02:14,880 --> 00:02:16,800 Para itong Rosetta Stone. 35 00:02:17,920 --> 00:02:21,440 Mas tumitibay ang posibilidad na mas maagang nabuo ang 36 00:02:21,520 --> 00:02:22,360 sibilisasyon. 37 00:02:23,560 --> 00:02:27,320 Babaguhin niyon ang kasaysayan. 38 00:02:27,400 --> 00:02:28,240 Oo. 39 00:02:30,920 --> 00:02:35,120 Di gusto ng mga tinatawag na eksperto ang ideyang iyon 40 00:02:35,200 --> 00:02:39,440 dahil pinagpipilitan nila na mga hunter-gatherer lang 41 00:02:39,520 --> 00:02:41,080 ang mga tao noong Ice Age. 42 00:02:42,280 --> 00:02:47,080 Kaya ako nagiging kalaban ng mga archaeologist. 43 00:02:47,160 --> 00:02:49,840 Bakit di na lang sabihin na isa 'yong misteryo, 44 00:02:49,920 --> 00:02:50,840 ganoon na lang? 45 00:02:50,920 --> 00:02:53,920 Trabaho kong magbigay ng alternatibong pananaw. 46 00:02:54,000 --> 00:02:57,400 Siguro nga may nakalimutang yugto sa kasaysayan. 47 00:02:57,480 --> 00:02:59,440 Pero ang napakadepensibo at 48 00:02:59,520 --> 00:03:02,280 arogante at mayabang na mainstream academia 49 00:03:02,360 --> 00:03:04,600 ang pumipigal sa pag-iisip ng posibilidad. 50 00:03:05,800 --> 00:03:09,000 Sinusubukan kong labanan… ang agos ng kasaysayan. 51 00:03:23,120 --> 00:03:28,560 NOONG UNANG PANAHON, NAGKAROON NG BAHA 52 00:03:31,520 --> 00:03:34,880 30 taon na akong naghahanap 53 00:03:34,960 --> 00:03:37,560 ng bagay na di raw posibleng totoo. 54 00:03:39,400 --> 00:03:45,200 Isang advanced na sibilisasyon na mas matanda sa atin, na wala sa kasaysayan. 55 00:03:47,080 --> 00:03:51,200 Ang sikat na bersyon ng kasaysayan, sinasabing pagkatapos ng Ice Age… 56 00:03:53,040 --> 00:03:56,200 …sa kanilang sariling kilos, nagsimula ang mga 57 00:03:56,280 --> 00:04:00,080 ninuno nating magsaka at mag-alaga ng mga hayop, 58 00:04:00,160 --> 00:04:03,360 bumuo sila ng mga grupo at kalaunan ay mga siyudad, 59 00:04:04,000 --> 00:04:08,720 hanggang nabuo ang unang sibilisasyon 6,000 taon na ang nakakaraan. 60 00:04:10,080 --> 00:04:14,040 Pero inaatras 'yon ng mga bagong natutuklasan. 61 00:04:15,360 --> 00:04:19,160 Isa sa mga 'yon ay nahanap dito sa Indonesia. 62 00:04:22,240 --> 00:04:24,560 Sa pinakapopuladong isla, Java… 63 00:04:26,480 --> 00:04:30,000 …mga apat na oras mula sa Jakarta, malapit sa Karyamukti. 64 00:04:37,000 --> 00:04:40,440 Iimbestigahan ko rito ang isa sa mga bukod-tangi 65 00:04:40,520 --> 00:04:43,800 at kontrobersyal na natuklasan sa ating panahon. 66 00:04:45,040 --> 00:04:45,880 Ang ebidensya 67 00:04:45,960 --> 00:04:49,040 na nagpahirap sa mga sikat na archaeologist 68 00:04:49,120 --> 00:04:52,520 dahil kinukuwestiyon nito ang lahat ng tinuro sa atin 69 00:04:52,600 --> 00:04:54,280 tungkol sa sangkatauhan. 70 00:04:56,280 --> 00:04:58,840 Nagbibigay ito ng matinding katanungan. 71 00:04:59,840 --> 00:05:01,920 Paano kung may advanced na sibilisasyon 72 00:05:02,000 --> 00:05:04,640 na nabuhay rito sa Indonesia noong Ice Age? 73 00:05:05,760 --> 00:05:07,880 Isang sibilisasyon na ngayon lang 74 00:05:07,960 --> 00:05:08,960 natagpuan. 75 00:05:12,440 --> 00:05:14,360 Ito ang Gunung Padang. 76 00:05:19,040 --> 00:05:23,040 "Bundok ng liwanag" o "bundok ng kaalaman" 77 00:05:23,120 --> 00:05:24,840 sa diyalektong Sundanese. 78 00:05:27,440 --> 00:05:31,000 Bilib ang mga lokal sa misteryoso nitong pakiramdam… 79 00:05:34,440 --> 00:05:38,400 at ang mga dayuhan ay nagpupunta rito para dasalan ang bundok. 80 00:05:40,160 --> 00:05:43,320 Naglilinis sila sa sinaunang spring sa paanan… 81 00:05:45,920 --> 00:05:47,400 bago umakyat sa burol… 82 00:05:49,440 --> 00:05:51,120 na may taas na 360 feet. 83 00:05:52,560 --> 00:05:55,400 Mahirap ang pag-akyat. 84 00:05:57,400 --> 00:05:59,920 Pero sulit pagdating mo sa tuktok. 85 00:06:05,200 --> 00:06:09,160 Dahil walang katulad ang Gunung Padang. 86 00:06:17,280 --> 00:06:21,600 Matagal nang inisip ng mga archeologist na normal lang ito. 87 00:06:23,240 --> 00:06:25,320 Pero may problema roon. 88 00:06:26,720 --> 00:06:30,000 Makikita mo ang mga batong nakakalat sa bundok. 89 00:06:37,920 --> 00:06:41,880 Nakakalat ang mga bato na hexagonal ang hugis. 90 00:06:46,480 --> 00:06:47,720 Libo-libo. 91 00:06:48,680 --> 00:06:49,840 Nakakamangha. 92 00:06:51,600 --> 00:06:55,280 Pero natural lang na makita rito 93 00:06:55,360 --> 00:06:58,120 dahil natural itong nabubuo ng bulkan. 94 00:07:00,120 --> 00:07:02,160 Tinatawag itong columnar jointing 95 00:07:02,240 --> 00:07:05,880 at nabubuo kapag ang basalt 96 00:07:05,960 --> 00:07:08,320 ay lumalamig at nabibiyak. 97 00:07:11,160 --> 00:07:14,040 Sa unang tingin, mapagkakamalan itong 98 00:07:14,120 --> 00:07:16,680 natural na pagkabuo ng mga bato, 99 00:07:16,760 --> 00:07:20,040 kaya di ito inimbestigahan ng mga archaeologist. 100 00:07:21,000 --> 00:07:24,440 Pero kapag inobserbahan pa, makikita na 101 00:07:24,520 --> 00:07:28,600 tinabas ang mga bato at ginamit na materyales 102 00:07:28,680 --> 00:07:30,440 ng mga tao. 103 00:07:33,400 --> 00:07:35,920 Sa nakakalat na mga bato, 104 00:07:36,000 --> 00:07:39,520 may mga bakas ng estruktura sa burol na 'to. 105 00:07:40,320 --> 00:07:47,120 Mga tumpok, mga parihabang na kwarto, at mahahabang pader 106 00:07:48,200 --> 00:07:50,440 sa nakalatag na mga terasa, 107 00:07:52,520 --> 00:07:54,280 na halata namang gawa ng tao. 108 00:07:58,360 --> 00:08:02,920 Nang magsimulang magtrabaho rito ang archaeologist na si Ali Akbar noong 2012, 109 00:08:03,960 --> 00:08:06,200 ang mga estruktura daw sa burol na ito 110 00:08:06,280 --> 00:08:09,520 ay kulang 2,500 taon ang tanda. 111 00:08:10,800 --> 00:08:13,880 Di natin alam ang eksaktong panahon. 112 00:08:13,960 --> 00:08:18,600 Matagal nang inabandona at kinalimutan ito. 113 00:08:19,840 --> 00:08:24,120 Sinabi rin nila na ang mga sinaunang manggagawa ng Gunung Padang 114 00:08:24,200 --> 00:08:27,640 ang nakakita sa columnar jointing na natural nang ganoon. 115 00:08:28,800 --> 00:08:31,240 Pero may nadiskubre silang kakaiba. 116 00:08:33,480 --> 00:08:37,960 Galing sa ibang rehiyon at ibang lokasyon 117 00:08:38,039 --> 00:08:39,360 ang columnar joint. 118 00:08:40,320 --> 00:08:45,919 Ibig sabihin, bawat isa sa hanggang 50,000 bato, 119 00:08:46,000 --> 00:08:50,000 na halos isang tonelada ang bigat, ay binuhat paakyat sa burol. 120 00:08:52,720 --> 00:08:55,200 Nang una itong aralin ng grupo ni Dr. Akbar, 121 00:08:55,840 --> 00:08:59,040 agad silang nakakita ng ebidensya na may mga tao rito, 122 00:08:59,600 --> 00:09:03,640 sa tinatawag na cultural layer, pero di sa inaasahan nilang lugar. 123 00:09:05,200 --> 00:09:09,680 Nagulat kami dahil dalawa ang cultural layer nito. 124 00:09:11,480 --> 00:09:15,600 Ang una ay galing sa 500 BC. 125 00:09:17,400 --> 00:09:19,080 Pero sa apat na metrong lalim, 126 00:09:19,160 --> 00:09:21,480 may nakita pa kaming isa. 127 00:09:22,320 --> 00:09:25,360 Mula iyon sa 5,200 BC. 128 00:09:29,280 --> 00:09:31,800 Nakakasurpresa. Gulat na gulat kami. 129 00:09:32,920 --> 00:09:34,000 Napakatanda na niyon. 130 00:09:37,840 --> 00:09:39,720 7,000 taon ang nakakaraan, 131 00:09:39,800 --> 00:09:42,520 noong malabong makagawa ng ganitong estruktura, 132 00:09:43,200 --> 00:09:45,840 walang ebidensyang higit pa sa 133 00:09:45,920 --> 00:09:48,640 hunter-gatherers ang mga tao sa rehiyong ito. 134 00:09:51,080 --> 00:09:54,400 Ano kayang nagtulak sa kanila na magpakahirap dalhin 135 00:09:54,480 --> 00:09:56,200 ang mga batong iyon dito? 136 00:10:00,680 --> 00:10:03,800 Di ko alam ang papel ng site na ito. 137 00:10:03,880 --> 00:10:09,640 Pero di pa kami nakakahanap ng labi ng tao, 138 00:10:09,720 --> 00:10:11,760 kaya di ito libingan. 139 00:10:12,680 --> 00:10:15,840 Baka para 'to sa mga seremonyas o ritwal. 140 00:10:18,840 --> 00:10:22,560 Isa itong misteryo. Kailangan nating hanapan ng paliwanag. 141 00:10:26,760 --> 00:10:31,280 Nang mas lumalim pa ang imbestigasyon sa site, 142 00:10:31,360 --> 00:10:36,240 may panibagong posibilidad na pilit tinanggap ng mga mananaliksik. 143 00:10:38,000 --> 00:10:40,040 Iyon ay ang posibilidad na 144 00:10:40,120 --> 00:10:43,360 gawa ito ng isang sibilisasyon na wala sa kasaysayan. 145 00:10:46,960 --> 00:10:50,920 Nag-aral si Dr. Danny Hilman Natawidjaja sa Caltech, at ngayon 146 00:10:51,000 --> 00:10:54,640 ay nagtatrabaho sa Geotechnology Research Center ng Indonesia. 147 00:10:56,920 --> 00:11:00,960 Bilang geologist, alam ni Dr. Hilman na may kakaiba tungkol 148 00:11:01,040 --> 00:11:02,240 sa Gunung Padang. 149 00:11:05,680 --> 00:11:09,440 Nakita niya sa site na di lang nakapatong sa tuktok ng burol 150 00:11:09,520 --> 00:11:11,760 ang mga columnar basalt na bato. 151 00:11:13,640 --> 00:11:16,080 Nakapalibot din 'yon sa mga dalusdos 152 00:11:17,800 --> 00:11:20,880 ng paligid na ang laki ay higit 37 hektarya. 153 00:11:24,040 --> 00:11:27,080 Ang parteng ito sa pagitan ng dalawang terasa 154 00:11:27,160 --> 00:11:29,520 ay mukhang isang pader. 155 00:11:30,400 --> 00:11:34,240 May mga archaeologist na kumbinsidong lahat ito ay natural. 156 00:11:34,320 --> 00:11:35,720 Natural na bato ito, 157 00:11:35,800 --> 00:11:38,800 pero sinasabi nilang pati ang pagkakaayos ay natural. 158 00:11:38,880 --> 00:11:42,760 Natural ang bato, pero ang posisyon nila ay hindi. 159 00:11:43,080 --> 00:11:45,640 -Kadalasan, patayo. -Patayo, oo. 160 00:11:45,720 --> 00:11:47,520 -Tama. -At dito nakahiga. 161 00:11:47,600 --> 00:11:49,720 -Isa pa, di ganito ang hati. -Oo. 162 00:11:49,800 --> 00:11:51,920 Dito iba ang sukat ng bawat hati. 163 00:11:52,000 --> 00:11:52,840 Tama. 164 00:11:54,400 --> 00:11:57,560 May isa pang napansing kakaiba si Dr. Hilman 165 00:11:58,880 --> 00:12:00,360 sa pagitan ng mga bato. 166 00:12:01,280 --> 00:12:04,720 Ang natural na posisyon, walang ground mass sa pagitan. 167 00:12:05,280 --> 00:12:06,680 Magkakadikit sila. 168 00:12:08,640 --> 00:12:12,160 Pero dito, sa pagitan ng mga bato, may mortar 169 00:12:12,240 --> 00:12:15,960 -na nagdidikit sa kanila, parang semento. -Oo. 170 00:12:16,040 --> 00:12:19,240 Ang kapal ay limang sentimetro, at talagang pantay. 171 00:12:19,320 --> 00:12:22,320 Parang pinapantay nila ang mga bato 172 00:12:22,400 --> 00:12:26,120 gamit ang mortar sa loob. Nilagay iyan ng mga tao 173 00:12:26,200 --> 00:12:28,120 -para sa konstruksyon nila. -Oo. 174 00:12:31,960 --> 00:12:33,480 Inimbestigahan ni Danny, 175 00:12:33,560 --> 00:12:35,960 at talagang nasurpresa siya. 176 00:12:37,880 --> 00:12:42,360 Ang nalaman ni Dr. Hilman ayon sa mga datos, 177 00:12:43,000 --> 00:12:46,200 di lang basta burol ang Gunung Padang. 178 00:12:50,760 --> 00:12:53,880 Ito ang sinaunang site ng Gunung Padang. 179 00:12:55,280 --> 00:12:57,880 Ang hilagang parte ng hagdanan 180 00:12:57,960 --> 00:12:59,720 ay nasa 300 feet, 181 00:12:59,800 --> 00:13:02,320 at nasa tuktok niyon ang isa sa limang terasa. 182 00:13:03,800 --> 00:13:09,280 Ang sukat niyon ay nasa 490 feet ang haba at 130 feet ang lawak. 183 00:13:10,920 --> 00:13:15,840 Ang burol ay napapalibutan ng mga pader na gawa sa columnar basalt. 184 00:13:17,280 --> 00:13:20,120 Gamit ang nasa 50,000 na bato, 185 00:13:20,200 --> 00:13:22,840 isa itong malaking proyekto 186 00:13:22,920 --> 00:13:24,880 na nagpabago sa burol 187 00:13:24,960 --> 00:13:28,600 para matawag iyong isang step pyramid. 188 00:13:34,280 --> 00:13:36,560 Gawa ito lahat ng tao. 189 00:13:36,640 --> 00:13:37,480 Oo. 190 00:13:38,000 --> 00:13:40,920 Di ito katulad ng mga pyramid 191 00:13:41,000 --> 00:13:43,760 na Mayan o Giza. 192 00:13:43,840 --> 00:13:48,560 Hindi. Pareho lang silang tumataas sa hugis ng pyramid. 193 00:13:48,640 --> 00:13:50,680 -Pero medyo bilugan ito. -Tama. 194 00:13:52,160 --> 00:13:55,040 Ano nga ba ang maituturing na pyramid? 195 00:13:55,120 --> 00:13:59,280 Kung 'yon ay isang estruktura ng patong-patong na lebel pataas, 196 00:13:59,360 --> 00:14:01,880 eh di pyramid nga ang Gunung Padang. 197 00:14:03,760 --> 00:14:07,960 At ang pagkakaroon ng sinaunang pyramid dito 198 00:14:08,040 --> 00:14:12,280 ay maaaring magpabago sa mga alam natin tungkol sa ating mga ninuno. 199 00:14:14,080 --> 00:14:18,440 Pinaniniwalaan ng mga archaeologist na ang pinakamatandang pyramid sa mundo 200 00:14:18,520 --> 00:14:21,520 ay noong 4,700 taon na ang nakakaraan. 201 00:14:22,680 --> 00:14:25,160 At di sa Egypt, kundi sa Peru. 202 00:14:26,880 --> 00:14:30,800 Pero nakahanap ng ebidensya si Dr. Hilman na mas matanda ito. 203 00:14:33,200 --> 00:14:34,960 Gaano katanda na nga ba? 204 00:14:35,920 --> 00:14:38,920 Sinong nagtayo? At bakit? 205 00:14:44,240 --> 00:14:46,080 Ginamit ng grupo ni Dr. Hilman 206 00:14:46,160 --> 00:14:49,840 ang teknolohiyang kadalasang ginagamit sa geological surveys 207 00:14:49,920 --> 00:14:52,840 para hanapin ang sagot sa loob ng estruktura. 208 00:14:53,960 --> 00:14:56,400 Mayroon tayong tatlong metodo. 209 00:14:56,480 --> 00:14:59,800 -Ang GPR. -Oo, ang ground-penetrating radar. 210 00:14:59,880 --> 00:15:02,160 -Ground-penetrating radar, oo. -Oo. 211 00:15:02,240 --> 00:15:05,000 -At resistivity tomography. -Oo. 212 00:15:05,080 --> 00:15:07,160 At ang seismic tomography. 213 00:15:09,480 --> 00:15:13,840 Noon, ilang metro lang ang hinukay ng mga archaeologist 214 00:15:13,920 --> 00:15:16,440 at sa ilang bahagi lang. 215 00:15:17,880 --> 00:15:20,760 Mas malawak ang sakop nito… 216 00:15:21,280 --> 00:15:22,840 -30 metro, oo. -30 metro. 217 00:15:23,400 --> 00:15:24,800 …at mas malalim pa. 218 00:15:25,640 --> 00:15:29,000 Gagawin natin ang ground-penetration radar, 219 00:15:29,080 --> 00:15:30,400 ang GPR surveys. 220 00:15:31,360 --> 00:15:33,200 Ang ground-penetrating radar 221 00:15:33,280 --> 00:15:36,000 ay naglalabas ng mga radio wave sa lupa. 222 00:15:36,680 --> 00:15:41,880 Kapag may tinamaan, babalik 'yon, at pag-aaralan ang mga datos na makokolekta. 223 00:15:43,440 --> 00:15:49,160 Pinili namin ang frequency na 40 megahertz para abutin ang 30 metro. 224 00:15:51,840 --> 00:15:54,120 Sige na. 225 00:16:06,440 --> 00:16:10,600 Mas nagiging misteryoso pa ang lahat dahil sa mga 226 00:16:10,680 --> 00:16:12,680 scan ng loob ng site. 227 00:16:14,280 --> 00:16:17,280 Mas komplikado ang estruktura nito sa ilalim ng lupa. 228 00:16:17,360 --> 00:16:19,480 Nandoon na talaga ang columnar basalt 229 00:16:19,560 --> 00:16:21,200 at ginagamit talaga sa paggawa. 230 00:16:22,880 --> 00:16:27,880 May nadiskubre ang seismic tomography na nakakaintrigang pwesto 231 00:16:27,960 --> 00:16:29,400 sa loob ng burol. 232 00:16:30,840 --> 00:16:34,640 Mayroong seismic velocity na 200 meters per second. 233 00:16:34,720 --> 00:16:37,680 Anong ibig sabihin niyon? 234 00:16:38,680 --> 00:16:39,720 Mayroong espasyo. 235 00:16:41,480 --> 00:16:43,720 -May bakanteng espasyo sa loob. -Bakante. 236 00:16:43,800 --> 00:16:46,200 At alam mo ba ang hugis ng espasyo? 237 00:16:46,280 --> 00:16:48,440 Oo, makikita rito, parihaba. 238 00:16:48,520 --> 00:16:50,000 -Oo nga. -Oo. 239 00:16:50,080 --> 00:16:51,920 -At nasa kanan ito… -Oo. 240 00:16:52,000 --> 00:16:54,160 -…dahil sa sentro ng site… -Oo. 241 00:16:55,320 --> 00:16:57,960 …sa ilalim ng Terrace One, mayroon ding espasyo… 242 00:17:00,200 --> 00:17:02,280 -Oo. -…na konektado sa espasyo 243 00:17:02,360 --> 00:17:04,160 sa ilalim ng pangalawang terasa. 244 00:17:07,360 --> 00:17:09,920 Ang nadiskubre ng grupo ni Dr. Hilman, 245 00:17:10,720 --> 00:17:14,040 may tatlong malalaking parihabang espasyo. 246 00:17:14,720 --> 00:17:17,200 Isa sa kanila ay nasa 10 metro pababa, 247 00:17:17,280 --> 00:17:19,720 siguro, pasukan iyon, 248 00:17:19,800 --> 00:17:23,680 at konektado iyon sa mas malaking espasyo. 249 00:17:24,960 --> 00:17:28,440 At isa pang lagusan papunta sa pangatlo, 250 00:17:28,520 --> 00:17:30,520 mga 20 hanggang 30 metro ang lalim. 251 00:17:31,319 --> 00:17:35,040 Ang tatlong iyon ay matatagpuan sa sentrong axis ng site. 252 00:17:37,400 --> 00:17:40,440 Naintriga ako ng mga espasyong ito. 253 00:17:40,520 --> 00:17:43,200 Sana lang may mga archaeologist 254 00:17:43,280 --> 00:17:44,840 na pwedeng maghukay rito. 255 00:17:44,920 --> 00:17:47,640 Noong nakita na namin ito… 256 00:17:47,720 --> 00:17:48,880 -Oo. -…ang tatlong espasyo, 257 00:17:49,600 --> 00:17:51,600 sobrang namangha kami. 258 00:17:55,000 --> 00:17:57,480 Alam mo nang may nadiskubre kang kakaiba. 259 00:17:57,560 --> 00:17:59,640 -Oo. -Di na maipagkakaila. 260 00:17:59,720 --> 00:18:00,600 Oo. 261 00:18:04,840 --> 00:18:09,240 Pero para sa mga unang naghukay ng site na ito, 262 00:18:09,320 --> 00:18:12,560 di posible ang nadiskubre ni Dr. Hilman. 263 00:18:15,760 --> 00:18:18,560 Ang tanggap na timeline ng kasaysayan ng tao 264 00:18:18,640 --> 00:18:20,760 ay nagsasabing ang tribo 265 00:18:20,840 --> 00:18:23,600 na nakatira dito 7,000 taon na ang nakakaraan… 266 00:18:25,240 --> 00:18:28,080 …ay walang kakayahang makagawa 267 00:18:28,160 --> 00:18:30,440 ng ganitong kalaki at kakomplikado. 268 00:18:31,680 --> 00:18:33,600 Pero nandito ito. 269 00:18:36,400 --> 00:18:38,800 Misteryong kailangang imbestigahan. 270 00:18:42,840 --> 00:18:46,000 Para bigyan ng edad ang burol na di burol, 271 00:18:46,680 --> 00:18:50,080 gumamit si Dr. Hilman ng isa pang geological tool, 272 00:18:51,480 --> 00:18:52,400 ang core drilling. 273 00:18:56,400 --> 00:19:01,640 Gaya ng inaasahan, 3,000 taon na ang unang dalawang lebel… 274 00:19:03,960 --> 00:19:06,120 …mga 8,000 taon na ang nakakaraan. 275 00:19:07,760 --> 00:19:12,040 Pero nang maghukay sila nang 15 metro, mga 50 feet o higit pa, 276 00:19:12,120 --> 00:19:14,520 may nakita silang di inaasahan. 277 00:19:17,080 --> 00:19:22,080 Ang mga parteng iyon ay nilapag 11,600 taon na ang nakakaraan… 278 00:19:24,120 --> 00:19:28,320 …kaya ang pinagmulan nito ay noong katapusan ng huling Ice Age. 279 00:19:31,680 --> 00:19:34,880 At di lang doon nagtapos ang nadiskubre ni sDr. Hilman. 280 00:19:35,720 --> 00:19:41,560 Sa lalim na 100 feet, naabot ang pinakaunang lebel ng konstruksyon. 281 00:19:41,640 --> 00:19:44,000 Alamin natin kung kailan ito nagawa. 282 00:19:44,080 --> 00:19:47,040 Ang ikaapat na lebel ay maaaring bago pa ang 20,000. 283 00:19:47,120 --> 00:19:49,120 -Maaaring bago ang 20,000. -Napakatanda na. 284 00:19:49,720 --> 00:19:52,800 Nakuha ng mga drill core ang materyales 285 00:19:52,880 --> 00:19:56,000 na higit pa sa 24,000 taong gulang na ang tanda. 286 00:19:59,440 --> 00:20:03,840 Naghalo na ang mga organic material sa mga structural element na nakabaon. 287 00:20:05,480 --> 00:20:08,520 At nakumbinsi si Danny, pati ako na rin, 288 00:20:08,600 --> 00:20:11,960 na ang Gunung Padang ay mula sa sinaunang panahon. 289 00:20:16,200 --> 00:20:20,000 Nakakabilib at nakakagulat ang mga nadiskubre ni Danny. 290 00:20:21,200 --> 00:20:24,880 Noon, pinaniwalaan ng mga archaeologist na totoong 291 00:20:24,960 --> 00:20:28,720 walang malaking estruktura na tinayo sa Southeast Asia 292 00:20:28,800 --> 00:20:30,840 bago pa ang 4,000 taon. 293 00:20:36,160 --> 00:20:39,320 Ang sinasabi mong edad nito ay noon pang Ice Age. 294 00:20:39,400 --> 00:20:42,080 Para sa akin, nakakasabik ito. 295 00:20:42,160 --> 00:20:43,600 -Oo. -Iniisip ko 296 00:20:43,680 --> 00:20:47,040 kung may mga ebidensya o impormasyon sa loob 297 00:20:47,120 --> 00:20:49,000 na maaaring makatulong sa… 298 00:20:49,080 --> 00:20:51,480 …paghahanap ko ng nawawalang sibilisasyon. 299 00:20:51,560 --> 00:20:55,440 -Kakaunti ang alam natin sa kasaysayan. -Tama. 300 00:20:55,520 --> 00:20:57,720 May malaking nakaligtaang bagay rito. 301 00:21:00,840 --> 00:21:04,360 Hirap tanggapin ng mainstream archaeology ang ideyang ito. 302 00:21:04,920 --> 00:21:07,760 Ang paniniwalang gawa iyon ng tao 303 00:21:07,840 --> 00:21:10,240 ay di na tinutuligsa ng kahit sino. 304 00:21:10,840 --> 00:21:14,360 Pero ang ayaw tanggapin ng archaeology ay 305 00:21:14,440 --> 00:21:18,120 ang edad ng estrukturang ito ay maaaring 24,000 taon na. 306 00:21:20,360 --> 00:21:22,120 Abot sa huling Ice Age. 307 00:21:32,920 --> 00:21:35,840 Ang ayaw tanggapin ng mga iskolar 308 00:21:35,920 --> 00:21:38,760 ay espesyal na panahon ang Ice age 309 00:21:40,000 --> 00:21:42,320 kung kailan ibang-iba ang mundo. 310 00:21:45,760 --> 00:21:50,760 Noon, 20,000 taon na ang nakakalipas, di ganito ang itsura ng mundo. 311 00:21:50,840 --> 00:21:53,480 Ang isla ng Java ay hindi isla. 312 00:21:54,880 --> 00:21:59,600 Ito ang dulo ng malaking kontinente ng Southeast Asia. 313 00:21:59,680 --> 00:22:02,800 Ang kontinente na tinatawag ng mga geologist na Sundaland. 314 00:22:05,840 --> 00:22:07,800 Noong huling Ice Age, 315 00:22:07,880 --> 00:22:13,480 ang lebel ng dagat ay nasa 120 metro, 400 feet, mas mababa sa ngayon. 316 00:22:14,840 --> 00:22:19,640 Kaya ang Java Sea ngayon ay isang malaking landmass noon 317 00:22:19,720 --> 00:22:22,080 na umaabot sa mainland ng Asia. 318 00:22:22,920 --> 00:22:28,080 Ang sukat ng Sundaland ay nasa 695,000 square miles… 319 00:22:29,080 --> 00:22:32,280 …halos kasinlaki ng western United States. 320 00:22:32,360 --> 00:22:34,800 Isa 'yong subcontinent. 321 00:22:38,560 --> 00:22:43,600 Alam nating may mga tribo na tumira sa Sundaland, 322 00:22:43,680 --> 00:22:48,760 higit pa sa 45,000 taon na ang nakakalipas at maaaring higit pa roon. 323 00:22:50,600 --> 00:22:54,360 Bakit di pwedeng mayroon nang kulturang may teknolohiya 324 00:22:54,440 --> 00:22:56,040 rito noon? 325 00:22:57,880 --> 00:23:02,440 Sa malamig at marahas na mundo, ang lupain ng Southeast Asia 326 00:23:02,520 --> 00:23:05,640 ay isa sa mga mainit at matitirahang lokasyon 327 00:23:05,720 --> 00:23:08,320 kung saan ang mga sinaunang tao ay maaaring 328 00:23:08,400 --> 00:23:11,280 sumubok gumawa ng sopistikadong sibilisasyon. 329 00:23:13,160 --> 00:23:15,640 Kung sino man ang gumawa ng Gunung Padang 330 00:23:15,720 --> 00:23:17,880 ay kasama ng mga hunter-gatherer, 331 00:23:17,960 --> 00:23:20,520 na alam nating marami noong panahong 'yon. 332 00:23:25,600 --> 00:23:27,560 Di iyon imposible. 333 00:23:28,800 --> 00:23:32,360 Kahit ngayon, ang mga advanced na nasyon sa mundo 334 00:23:32,440 --> 00:23:36,360 ay kasama ang mga ganoong lipunan, gaya ng San ng Namibia, 335 00:23:37,080 --> 00:23:38,840 o Lacandon ng Mexico, 336 00:23:40,120 --> 00:23:42,480 o ang Kazakhs ng western Mongolia. 337 00:23:43,880 --> 00:23:47,040 Iba't ibang kultura at iba't ibang antas ng pagsulong, 338 00:23:47,600 --> 00:23:49,720 ay matagal nang magkakasama. 339 00:23:51,000 --> 00:23:52,680 Pinapakita ng Gunung Padang 340 00:23:52,760 --> 00:23:57,560 na may ilang kultura na nasa Sunda Shelf, 341 00:23:57,640 --> 00:24:01,760 na kayang makagawa ng malalaking megalithic na estruktura. 342 00:24:05,320 --> 00:24:09,080 Mga espesyalista ng pagtatayo gamit ang columnar basalt. 343 00:24:11,240 --> 00:24:14,800 Estilo 'yon ng paggawa na nakita ko na sa parteng ito ng mundo 344 00:24:16,480 --> 00:24:21,800 sa maliit na isla ng Pohnpei, sa site na kilala bilang Nan Madol. 345 00:24:23,600 --> 00:24:27,160 Ginawa rin iyon gamit ang mga volcanic basalt block 346 00:24:27,240 --> 00:24:30,640 na pinagpatong-patong, gaya ng Gunung Padang. 347 00:24:32,400 --> 00:24:34,880 Naniniwala ang mga archaeologist na 348 00:24:34,960 --> 00:24:39,240 ang mga 'yon ay ginawa 900 taon na ang nakakaraan, 349 00:24:39,320 --> 00:24:42,040 nang kinuha ang mga bato mula sa kabilang isla. 350 00:24:44,080 --> 00:24:46,880 Pero noong mga eksplorasyon sa nakaraang pagbisita, 351 00:24:46,960 --> 00:24:52,320 nakakita ako ng ilang parte niyon na nasa ilalim ng tubig, 352 00:24:53,920 --> 00:24:56,800 kaya maaaring may mas naunang bersyon niyon 353 00:24:56,880 --> 00:25:00,400 sa ilalim ng tubig, noong huling Ice Age. 354 00:25:03,920 --> 00:25:05,560 Pareho kaya iyon 355 00:25:05,640 --> 00:25:08,880 ng mga gumawa ng nasa Gurung Padang? 356 00:25:10,840 --> 00:25:13,240 At kung ganoon, anong nangyari sa kanila? 357 00:25:17,360 --> 00:25:20,360 Tingin ko, may kinalaman iyon sa nangyari 358 00:25:20,920 --> 00:25:23,080 noong 12,800 taon na ang nakakaraan, 359 00:25:23,640 --> 00:25:28,440 nang bigla na lang nagbago ang Ice Age. 360 00:25:30,400 --> 00:25:34,480 Biglaang uminit ang panahon. 361 00:25:35,440 --> 00:25:38,160 Tapos, dalawa ang nangyari. 362 00:25:38,240 --> 00:25:40,640 Una, bumulusok ang temperatura ng mundo 363 00:25:40,720 --> 00:25:43,440 sa lebel noong tugatog ng Ice Age, 364 00:25:43,520 --> 00:25:46,320 at literal na isang gabi lang iyon. 365 00:25:47,320 --> 00:25:51,560 At pangalawa, may mabilisang pagtaas sa lebel ng dagat. 366 00:25:52,960 --> 00:25:58,560 Sa Ice Age, kapag pumasok na sa panahon ng pagyeyelo, 367 00:25:58,640 --> 00:26:02,080 di mo aasahan na dumami ang tubig sa karagatan 368 00:26:02,160 --> 00:26:04,320 dahil nagyelo na ang mga 'yon. 369 00:26:06,240 --> 00:26:09,240 Ang nangyari ay isang literal na dakilang pagbaha. 370 00:26:09,960 --> 00:26:16,720 Sa pagitan ng 12,800 at 11,600 na taon, malaki ang tinaas ng karagatan… 371 00:26:17,320 --> 00:26:21,560 …sa serye ng matitinding delubyo. 372 00:26:21,640 --> 00:26:24,760 Kalaunan, ang malaking kontinente ng Sundaland 373 00:26:24,840 --> 00:26:27,920 ay nilamon ng karagatan, isang nawawalang mundo. 374 00:26:30,400 --> 00:26:32,240 Kaya may isang tanong. 375 00:26:32,840 --> 00:26:37,440 Mayroon pa kayang mga templo at estruktura sa Java Sea 376 00:26:37,520 --> 00:26:39,080 na di pa nadidiskubre? 377 00:26:42,120 --> 00:26:45,720 Walang nakakaalam sa mga nawala dahil sa karagatan. 378 00:26:58,240 --> 00:27:02,640 Ang panahon ng mga matinding pagbaha ay may danyos sa sangkatauhan. 379 00:27:04,600 --> 00:27:06,760 At may testimonya roon. 380 00:27:09,120 --> 00:27:12,600 Halos lahat ng sinaunang kultura ay nagpreserba ng tradisyon 381 00:27:12,680 --> 00:27:14,120 ng pagbaha sa daigdig. 382 00:27:14,840 --> 00:27:16,080 Dito sa Indonesia, 383 00:27:16,160 --> 00:27:19,760 ang mga Batak ay may sariling bersyon ng pandaigdigang pagbaha. 384 00:27:24,920 --> 00:27:28,680 Noong unang panahon, luma at marumi na ang mundo. 385 00:27:29,640 --> 00:27:32,920 Kaya ang diyos, si Debata, ay nagpadala ng pagbaha 386 00:27:33,000 --> 00:27:35,240 para linisin ang daigdig at mga nilalang. 387 00:27:36,800 --> 00:27:40,160 Lumikas sa pinakamataas na bundok ang huling dalawang tao. 388 00:27:40,920 --> 00:27:43,560 Pero bago pa sila lunurin ng tubig, 389 00:27:43,640 --> 00:27:46,000 pinagsisihan ng diyos ang ginawa niya. 390 00:27:47,240 --> 00:27:49,200 Naglabas siya ng lupain, pinatong 391 00:27:49,800 --> 00:27:53,120 sa tumataas na baha at iyon ang mga isla ng Indonesia, 392 00:27:54,000 --> 00:27:55,760 kaya nailigtas ang dalawa. 393 00:27:57,240 --> 00:28:01,240 At nagkaroon sila ng mga anak para maparami ulit ang mga tao, 394 00:28:01,320 --> 00:28:03,760 at sila ang ninuno ng mga Batak. 395 00:28:06,640 --> 00:28:11,080 Istorya iyon ng sinaunang pagkagunaw na palaging makikita 396 00:28:11,160 --> 00:28:16,360 sa mga tradisyon sa buong mundo na matagal nang pinapamana. 397 00:28:17,000 --> 00:28:19,640 Syempre, mayroong kwento ni Noah sa Bibliya. 398 00:28:20,440 --> 00:28:24,160 Pero sa Indian folklore, may mangingisdang si Manu 399 00:28:24,240 --> 00:28:27,560 na nakaligtas sa pagbaha matapos mabalaan ng isang diyos. 400 00:28:28,360 --> 00:28:34,760 Mula sa mga Sumerian, Babylonian, hanggang sinaunang Greek at Chinese, 401 00:28:35,440 --> 00:28:38,080 lahat sila may kwentong ganoon. 402 00:28:38,680 --> 00:28:41,160 Ang paniniwalang lahat ay nagkataon lang 403 00:28:41,240 --> 00:28:44,880 at walang koneksyon sa isa't isa ay kalokohan. 404 00:28:47,600 --> 00:28:51,320 Lahat ng ito ay mula sa kwento 405 00:28:51,400 --> 00:28:53,720 ng mga tao na pinamana 406 00:28:53,800 --> 00:28:55,360 ng mga nakaligtas niyon. 407 00:28:55,440 --> 00:28:57,280 Oo. Mga pagkagunaw 408 00:28:57,360 --> 00:28:59,920 -na mabilis na pagtaas ng tubig… -Oo. 409 00:29:00,000 --> 00:29:03,960 …kaya naging tradisyon na ang pandaigdigang pagbaha 410 00:29:04,040 --> 00:29:07,040 at di na lang 'yon mito kundi alaala na rin. 411 00:29:07,120 --> 00:29:08,640 -Oo. -Totoong pangyayari. 412 00:29:11,640 --> 00:29:14,640 Interesado ako sa sinaunang kasaysayan ng Indonesia, 413 00:29:15,560 --> 00:29:18,960 at ang sikretong inilalantad ng Gunung Padang. 414 00:29:19,880 --> 00:29:21,880 Pero sa archaeology, 415 00:29:21,960 --> 00:29:25,600 di pa rin nila tanggap iyon, 416 00:29:25,680 --> 00:29:27,080 at problema 'yon 417 00:29:27,160 --> 00:29:29,360 dahil dapat bukas ang siyensya 418 00:29:29,440 --> 00:29:31,480 at dapat handa iyong magbago 419 00:29:31,560 --> 00:29:34,600 base sa bagong ebidensya. 420 00:29:35,560 --> 00:29:38,720 Ano ang reaksyon mo roon? 421 00:29:38,800 --> 00:29:41,440 -Di pa rin nila tanggap. -Tama. 422 00:29:41,520 --> 00:29:43,760 Nagsisisi ako dahil ang mga archaeologist, 423 00:29:43,840 --> 00:29:47,040 o ibang mga mananaliksik, ay tumitigil na. 424 00:29:47,600 --> 00:29:51,240 Nakakalungkot, dahil may malaking misteryo rito, 425 00:29:51,320 --> 00:29:53,600 na dapat pinapansin ng archaeology. 426 00:29:53,680 --> 00:29:56,800 Kung mapatunayan natin, 427 00:29:56,880 --> 00:30:01,880 at tanggapin na may advanced na mga kultura bago ang 11,000 BC, 428 00:30:01,960 --> 00:30:03,200 malaking hakbang iyon. 429 00:30:06,240 --> 00:30:07,360 Pinaglalaban ko 430 00:30:07,440 --> 00:30:11,200 na may malaking pagkagunaw 12,500 taon na nakakaraan 431 00:30:12,800 --> 00:30:14,720 na nagbura ng mga bakas. 432 00:30:15,680 --> 00:30:19,160 Naiwan sa atin ang mga alaala… 433 00:30:23,200 --> 00:30:25,680 na sinusubukang pagpilitang 434 00:30:26,440 --> 00:30:29,080 kathang-isip, mito, o tradisyon lang. 435 00:30:29,960 --> 00:30:31,200 Tingin ko, alaala 'yon. 436 00:30:31,280 --> 00:30:33,720 Totoong masalimuot na alaala iyon 437 00:30:33,800 --> 00:30:36,600 na nangyari sa mga ninuno natin noong Ice Age. 438 00:30:37,200 --> 00:30:41,520 Nakapreserba sa mga kwento, sining, at bato. 439 00:30:42,360 --> 00:30:44,600 At di lang 'yon tungkol sa pagbaha. 440 00:30:45,480 --> 00:30:48,800 Tungkol din 'yon sa mga nakaligtas, 441 00:30:48,880 --> 00:30:53,000 na sinimulang muli ang sangkatauhan. 442 00:30:54,680 --> 00:30:57,040 Tradisyon na malaking bagay 443 00:30:57,120 --> 00:30:58,680 sa ilang mga sinaunang kultura 444 00:30:59,440 --> 00:31:02,880 na nakagawa ng pinakamalaking pyramid na gawa ng tao. 445 00:31:04,200 --> 00:31:05,600 Doon ako sunod na patungo, 446 00:31:06,960 --> 00:31:08,560 at di 'yon sa Egypt. 447 00:31:33,600 --> 00:31:38,600 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni EMN